Professional Documents
Culture Documents
Halagahan
1. Napalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng
mgmamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
2. Naipalilinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong panlipunan.
3. Nakapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan, at
pampelikula.
TALAAN NG NILALAMAN
I MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPELIKULA
Realismo
Moralismo
Sikolohikal
Feminismo
Marsismo
Ideolohiya
II MGA ELEMENTO NG PELIKULA
Tema
Tauhan/Karakterisasyon
Film Devices
Kuha at Anggulo
Musika, tunog at ilaw
Disenyong Tagpuan
Kasuotan at Make-up
Pag-arte
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN
Ang isang pelikulang panlipunan ay nagkakaroon ng silbi kapag ito ay
pinahahalagahan ng mga tagapanood sa isang lipunan kabilang na rito ang mga mag-
aaral at guro sa akademya. Ang pagpapahalaga ng isang pelikulang panlipunan ay
maaaring maipakita sa pamamagitan ng isang simpleng panonood, sa isang
pagtatanghal o sa isang panunuring pampelikula.
Ang sumusunod ay ang mga dulog na makatutulong sa pagsusuri ng mga
pelikulang panlipunan:
Realismo
Moralismo
Sikolohikal
Feminismo
Marsismo
Ideolohiya
Depinisyon
Nagpapahayag ito ng pagtanggap ng katotohanan o realidad ng buhay.
Nangangahulugang lantarang ipinakikita sa dulog na ito ang kung ano ang mga tunay
na pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa pelikula sa lipunang kanilang kinabibilangan
nang walang bahid na pagkukunwari, maging ito’y nagpapakita ng kagandahan o
kapangitan ng isang lipunan.
Deskripsyon ng Realismo
Kasaysayan ng Realismo
Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining noong
siglo 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang
makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa
mga bagay (Villafuerte, et al, 2006).
Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 ng Mercure franciais du XIX
siecle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at
wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa
pagtakwil sa pagiging artipisyal ng klasismo at romantisimo. Sinikap nilang ipakita ang
buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao, ng mga pangkaraniwan, ng mga
kagila-gilalas ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso inilabasa ng
realismo ang mga di-kapansin-pansin at kinakalimutang bahagi ng buhay sa lipunan
(Villafuerte, et al, 2006).
Naging masigla ang talakayan tungkol sa realismo noong unang bahagi ng 1900
na siglo. Nakatulong dito ang kilusang anti-romantisismo sa Alemanya kung saan mas
nagtuon ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang pagtataguyod
ni Auguste Comte (Kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng posibistikong pilosopiya sa
paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na jornalism o
kung saan iniuulat nang walang bahid na emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan; at
ang paglago ng idustriya ng potograpiya (Villafuerte, et al, 2006).
Pinahahalagahan ng Realismo
4. Kritikal na Realismo. Inilalarawan ang ang gawain ng isang lipunang burgis upang
maipamalas ang
mga espektong may kapangitan at panlulupig nito.
MORALISMO
SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakitang mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagonbg ehavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito
Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga tauhan
at pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may akda. Sinusuri rito ang mga
tauhan sa akda, ang kanilang mga kilos at kaisipan, ang relasyon ng bawat isa, kung
bakit nagbago ang dating paniniwala, kung bakit tinatalikuran ang dating
ipinakikipaglaban, ang pinagdadaanang buhay o mga pangyayaring nakaapekto o
nakakaapekto sa kanilang mga pananaw.
PELIKULA AT FEMINISMO
Maituturing ang isang pelikula bilang salamin ng buhay o iba’t ibang hininga ng
buhay, aliw, lungkot, tagumpay, kabiguan, poot, galak, tulay ng pagbubunyag, isyung
panlipunan, kahalagahang pang-edukasyon at iba pa. Naroon ang pagsasariwa ng mga
kabiguan, mga pagtitiis, pangarap at tagumpay. Naging arena rin ng diskuro ng kasarian
ang pelikula. Kalimitang nagiging paksain ang tungkol sa kababaihan at ang iba’t ibang
papel na ginagampanan katulad ng pagiging anak, asawa, ina, kabit, prostityut, alagad
ng simbahan, lola, yaya, kaibigan, guro, mandirigma at iba pa. Makikita ang mga
karanasang pinagdaanan ng isang babae kaugnay sa papel na kanyang ginagampanan
sa lipunan.
Ayon kay Villafuerte et.al (2006), ang feminismo ay pagsusuri ng panitikan at awtor
mula sa punto de vista o pananaw ng isang feminista. Sinusuri ng sa feminismong
kritisismo ang papel na ginagampanan ng mga babaeng karakter at ang mga temang
ikinakabit sa kanila. Ipinapakita rito na ang karakter sa panitikan ay malinaw na
pinagsama-samang konstruksyon, hindi lamang ng mga manunulat kundi maging ng
ulturang kinabibilangan nila para itaguyod ang patuloy na dominanteng kalagayan ng
mga lalaki sa lipunan at kultura.
MARXISMO
2. Bilang panimula, linawin ang iyong naunawaan tungkol sa pelikula. Ano ang
mensahe ng pelikula?
PELIKULA AT IDEOLOHIYA
Pag-isipan:
Kung ang kahoy ay nalaglag sa kagubatan at wala namang niisang nakarinig
niyon, nakagawa kaya iyon ng tunog?
TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON
Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan
sa isang pelikula. Tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula.
Itinuturing silang pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng
aktibong pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Taglay ng mga tauhan sa isang
pelikula ang makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at
humaharap sa problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at
kontrabida o antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago
ang katangian mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng
anumang pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa pang uri ay ang pagoging tauhang
bilog na may katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na
maaaring dahilan ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking
kaugnayan o tungkulin sa papel na ginagampanan bilang tagapamagitan sa mga
manood at sa mga karakter sa pelikula.
GAWAIN
Panoorin ang pelikulang Ma Rosa at suriin batay sa hinihingi ibaba.
Pormat ng Panunuring Pampelikula
I. Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)
II. Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian)
a. Protagonista
b. Antagonista
III. Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa
pelikula)
IV. Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula)
V. Teoryang Pampanitikan (magbigay ng limang patunay at ipaliwanag)
KUHA O SHOTS
Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang
tagalikha nito. Ang kaalaman sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang
manunulat. Naging pangangailangan ito ng isang manunulat sa pagbuo ng kanyang
istorya sapagkat bibigyan buhay ito sa pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat isaalang-
alang din ng manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa pagsasapelikula ng kanyang
nilikhang akda.
Ang pagkilos o paggalaw na nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa
paghinto ay tinatawag na kuha o shot. Ang iba’t ibang uri ng kuha o shot ng kamera sa
eksena ay naktutulong upang lubusan madarama ng manonood ang damdaming taglay
sa mga eksena ng pelikula na higit na kailangan maunawaan ng isang manonood. Kaya
mahalaga na mapagplanuhan sa kung anong uri ng kuha o shot ang angkop sa bawat
eksena ng pelikula para sa ikadadali ng pag-unawa at pagpapakahulugan ng mga
manonood sa bawat eksena. Maaari ring magbago ang punto de vista ng isang istorya sa
pamamagitan ng kuha o shot sa mga eksena ng isang pelikula. Natutulungan ng mga
tiyak na kuha o shot ang lubusang pag-unawa ng mga manonood sa taglay na paningin
at damdamin sa isang pelikula.
May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood.
Sinoman ang nagnanais na magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga
termino sa kuha o shot tulad ng master shot at cover shot.
Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang
pelikula. Ito ay serye ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng
isang pelikula (Webster, 1997). Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay
ng kaukulang dramatikong at makahulugang detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban
ito ng close-up, medium shot, tracking shot, at long shot.
Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at
ng kamera ay maliliit lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa
isang eksena sa pelikula. Ito rin ang paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang
mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng
ibang pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw, kaunting galaw
lamang ng mga artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing
paghahanda gamit ang close-up shot.
Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay
pantay sa taas nito o mula sa baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at
pakikitungo ng isang artista kaugnay sa ibang artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa
pagpapakita ng mga serye ng mga diyalogo mula sa isang eksena kung saan
makatutulong sa mga manonood na maunawaan ang kumpas at galaw ng mga karakter
mula sa isang pelikula.
Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na
sumusunod sa mga galaw ng karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng
kamera ay paharap, patalikod o sa magkabilang gilid. Ipinapakita ng direktor ang
pagsunod ng lahat ng detalye na kasama sa eksena para mabisang nitong maipakita sa
mga manonood.
Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may
malayong agwat mula sa kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito
ang kalipunan ng mga bagay tulad ng magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang
long shot bilang establishing shot o pagpapakita ng lunan ng isang pelikula (Evasco, E.
et al., 2011).
Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang
pag-isipan ng manunuri ang dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up
shot ng isang bagahe o ang dalawang taong nag-uusap, o dili kaya’y tracking shot ng
kabundukan. Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang kanyang manonood na mag-
isip at kung bakit ito ginagawa at kung paano pinatitingkad ang karakterisasyon at
banghay ng pelikula. Esensyal na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa
manonood habang pinapanood ang pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood
ang kanyang emosyon habang pinapanood niya ito.
ANGGULO
Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng
kamera sa pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang
anggulo sa bawat eksena ng mga artista sa pag-unawa sa daloy ng istorya ng isang
pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula ang pamimili ng iba’t ibang
anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat eksena
nito. Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan
ng pagkakataon ang mga manonood na unawain ang kabuuang produksyon nito.
May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng
mga eksena. Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera
habang isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena.
Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang
maipakita ang kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa
bandang itaas ng artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista
hanggang sa ibaba. Ang ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng eksena ay kalimitang
ginagamit ng isang direktor sa pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa karakter
o eksena. Sa panimula ng pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang
ginamit ng direktor para maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Naipakita sa anggulong iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng
mga kalaban sa mga sundalo sa naturang pelikula.
Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at
kawalang kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang
anggulong ito ay simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano
mahalaga sa isang eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa
pelikulang Avenger, isang magandang halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at
Captain America na siyang ginamit ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang
super hero sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila may iba na namang silang
pupuksain na kalaban na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na
napadarama sa mga manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo.
Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye-
Level. Ang anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng
eksena ay parang sa tunay. Hindi ito makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin
ito sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing
din ang anggulong ito na “personal view” dahil kapantay lang nito ang taas ng
pinaglalagyan ng kamera sa mga nagsisiganap sa mga eksena.
Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at
kapangyarihan sa isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata
ng artista at nakatuon ito pataas. Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at
mahirap inilalagay ang kamera sa baba at itinuton ito sa artistang mayaman para bigyan
puwang ang kanyang estado na ipinapakita ang kanyang kapangyarihan laban sa
mahirap na karakter na nakatuon naman ang kamera sa ibaba.
Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera
ay tinatawag Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha
ng mahahalagang eksena kaugnay sa kanyang pelikula.
MUSIKA
Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi
maipaghihiwalay ang dalawa. Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda
ng musika ang pelikula sapagkat kung wala ito ay maaaring lalabas na hindi natural,
malungkot at walang buhay ang isang pelikula. Taglay ng musika ang sari-saring papel
na ginagampanan sa pelikula na mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o
maaaring isang malaking tulong ito sa paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga
ang musika na aspetong isinaalang-alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang
direktor at prodyuser. Naniniwala sila na ang reaksyon ng mga manonood ay hindi
lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng takot, lungkot at ligaya kundi sa
pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, ang tinatawag
musika. Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing pinag-iisipan kaya
kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong pagpaparangal sa pelikula.
ANG TUNOG
Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula.
Katulad ng musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may
mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng pelikula. Hindi matatawaran ang
naiambag nito kahit sa paggawa ng silent film noon mga taong 1926. Ang mga silent
film noon ay sinasamahan ng mga tunog mula sa piyano, organ, ensemble o orkestrang
musika. Sa paglipas ng panahon, marami na rin ang nadiskubre na higit pang
makakatulong sa pagdebelop ng isang pelikula katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo
at mga tunog (sound effects) ay pinatunayan na naman nito ang kanyang ambag bilang
epektibong katuwang sa pagpapalabas ng emosyon at ritmong itinataglay sa mga
imahe. Bunga nito ay hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng antas
kahulugan at nagbibigay ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng
intensidad sa karanasan ng manonood.
Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa
kwento, ay naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o soundtracks.
Ang mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri
ang mga ito, ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena at kanya
mismo komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan,
ang isang tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng makapagrekord,
maghalo (mix), magsala (filter), pahinain (modulate), palakasin (amplify), at maghudyat
(cue up) ng mga tunog kung kinakailangan. Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula
sa totoong buhay o di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa
internet. Mula sa mga pag-awit ng mga ibon, pagtunog ng mga doorbell, tunog ng mga
kuliglig sa gabing payapa, pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga pagputok ng baril,
ang mga ito ay naggagamit para sa isang tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng isang
partikular na emosyon o kahulugan.
Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito ang
tunog na nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin. Ginagamit
ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa
pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang mataas na
eskpresibo o simbolikong paraan bilang mga malayang imahe. Patunay ito na sa
totoong buhay ay marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi
naman kinakailangan na alamin pa kung saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap
pa ang kanyang pinanggagalingan. Sa madaling salita ang mga manggagawa ng
pelikula ay gumagamit ng mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may
kakayahang maglalahad ng impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin
ang mga kalampag ng mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa
mga taong nag-uusap sa sala ay maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o
kumakain sa kusina.
PAG-IILAW (LIGHTING)
Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga
bagay pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino. Ang isang highlight ay
isang tapal ng kamangha-manghang liwanag sa ibabaw. Ang highlights ay nagbibigay
ng mahalagang hudyat sa tekstura ng ibabaw. Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng
salamin o or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag o kislap; ang isang magaspang
o maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong nakaharap, nagbubunga
nang higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin, nagpapahintulot sa
mga bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o patunguhin
ang mga anino papunta sa ibang bagay.
Direction. Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula
sa pinagmulan ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw. Para sa kaginhawahan, maaari
naming makilala sa mga frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and
top lighting.
Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang
mga anino.
Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha.
Ang itaas na ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe. “Ito ay isang bagay ng
pagiging totoo - lahat ng bagay ay hindi nakikita sa lahat ng oras”.
Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong makilala
sa pinagmulan nito. Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay maaaring
obligado na mag-shoot na may anumang liwanag ay magagamit. Gayunman, karamihan
sa mga kathang-isip na mga pelikula ay gumagamit ng mga karagdagang pinagkukunan
ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga imahe. Kadalasan
ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi malakas o iba't-
ibang sapat upang lumikha ng isang malakas na imahe. Gayunpaman, ang filmmaker ay
kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga mapagkukunan
sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng nakikitang pinagkukunan.
TAGPUAN (SETTING)
KAHULUGAN NG TAGPUAN
Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula
nagaganap. Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan,
ito ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang kuwento at gumagawang
isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng isang pelikula. Nang
dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento –
banghay, tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong
isinalaysay ay kailangang sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang
biswal na gampanin, kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang
elementong pangsinema sa kanyang sariling kakanyahan.
KAHALAGAHAN NG TAGPUAN
Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at
katangian ng mga tauhan at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng
banghay ng kuwento o tema.
PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA
Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na
nakalista sa itaas ay mahalaga upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng
ginagampanang papel ng tagpuan. Ang interpretasyong ito ay nakabatay sa paniniwala
na ang ating katangian, kapalaran, at tadhana ay naipakilala sa pamamagitan ng mga
lakas sa labas ng ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung ihahambing sa mga
produkto ng ating minana at kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang ilusyon
lamang. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may
makabuluhang puwersang tagahubog o maging isang dominanting tagapagtimpi, ang
interpretasyong ito ang pumupuwersa sa atin upang isaalang-alang kung paano ang
kapaligiran ay humubog sa mga tauahan kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang
kalikasan ng tauhan ay diniktahan ng mga salik tulad ng kanilang panahon ng
kasaysayan, ang patikular na lugar sa Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang kanilang
lugar sa sosyal at eonomikong estruktura, at ang kustom, moral na saloobin, alituntunin
ng pag-uugali na ipinataw sa kanila ng lipunan o sosyedad. Ang mga kapaligirang salik
na ito ay maaaring mapanghikayat na sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa
kaligiran para sa banghay ng pelikula.
Tagpuan Para sa Manipis na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact). Ang
Filmakers ay pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak.
Kung ang paggawa nito ay pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng
pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan na may mataas na antas ng viswal impak o
malakas ang biswal impak.
Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan & Espique,
2007):
Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga
magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa
pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot ng mga artista.
Bago pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang naihanda na sa
kanyang kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga
magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa
pagsasakatuparan sa mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan
niya ng suporta hindi lamang ang pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na
aspeto na siyang mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.
Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang
kabilang ng produksyon katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista.
Ilalahad ng tagadisenyo ang kanyang tentatibong guhit sa tinatawag na costume plates.
Kung ano ang mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin sa pagsasagawa ng
pelikula. Sa totoong buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang proteksyunan at
magmukha tayong kaaya-aya sa paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong
tinutulungan nito ang isang artista na mailabas niya mismo ang karakter sa kwento. Sa
pelikulang Bituing Walang Ningning, si Laviña Arguelles (Cherry Gil) ay gumanap bilang
isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad ang kanyang karakter sa tulong ng mga
magagandang damit na kanyang isinisuot, mga alahas, at maayos na make-up.
Samantalang, si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) naman ay simple lamang ang pananamit
na isinusuot para ilarawan ang kanyang karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-
aawit. Nangangahulugang, inilalarawan ng mga kasuotan at pinagtitibay nito ang
katayuan ng mga karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan, at iba
pa. Higit pa, nakakatulong din ang mga kasuotan na muli tayong maibalik sa mga
nakalipas na panahon ng ating kasaysayan.
Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit
pampulis. Malaki ang papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging
kapani-paniwala siya sa kanyang karakter. Mahalaga sa isang aktor na para mapag-iba
siya sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng kaginhawaan sa kanyang isinusuot
na damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro,
doktor, magsasaka, tambay, o kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya
nang maayos ang kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng
internalisasyon sa karakter na kanilang ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang
kanilang karakter na taglay na ang kasuotan.
Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan
ay kapag may kinalaman sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat
nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik. Bawat detalye ay komplimentaryo sa
bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit, alahas, hairstyle, at iba pa. Tanda
din maturidad ng isang aktor kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng
kanyang mismong karakter. Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng
suhistiyon sa tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay
ang karaniwang proseso sa pagdidisenyo sa kasuotan.
1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na
komposisyon, koreograpi, at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas
ay pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng kasuotan. Binabalangkas
ng kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena, kung kailan
magpapalit ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.
Halaga ng Pag-arte
Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung
mahusay ang gaganap sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula
ay pinapanood natin. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang artista upang maging
makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang kwento pero pangit
naman ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang
pag-arte sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko
ng pelikula. Kaya mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang
magtataglay ng teknik o kasanayan ang isang aktor na gaganap sa anumang papel.
Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang
umaarte. Mahalaga na mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng
maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood sa makataong-pag-uugali (human
behaviour) at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba.
Layunin ng Isang Aktor
Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa
realidad ng karakter. Dinadala tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung
malungkot ang karakter nakakadama din tayo ng pagkalungkot. Kung masaya naman
siya ay pagkagalak naman ang ating nadarama pero kung inaapi naman siya ay
nakakadama rin tayo ng galit sa taong gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na
gumaganap sa pelikula kailangan niyang maging kapani-paniwala, matapat at natural.
1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang
magkaroon tayo ng simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang
aktor. Nauunawaan natin ang karakter sa pagkakaroon natin ng simpatiya na ang
nararamdaman niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya naman ay
nagkakaroon tayo ng ugnayan sa karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa
personal na antas. Nakiki-empatiya tayo sa kanyang mga pagpapahalaga (values),
pag-uugali, at ang kanyang mundo kahit may kaibahan ito sa atin. Mangyayari
lamang ito ng isang manonood kapag naging kapanipaniwala siya sa kanyang pag-
arte.
Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang
katalinuhan, imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na
kailangan sa higit pang pag-unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan,
motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na magkaroon ng
abilidad na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan,
kilos, kumpas, o pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na
ginagampanan at sa sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga
sarili. Mahalagang napananatili ng aktor ang ilusyon ng realidad ng mga tauhan na
mayroong konsistensi buhat simula hanggang sa waga. Dinagdag pa niya na kailangan
kontrolin ng aktor ang kanyang ego, upang makita nito ang kanyang karakter sa tamang
perspektibo tungo sa dramatikong paggawa ng kabuuan.
PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA
Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa
maraming aspeto ang pag-arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag
na live na pagganap. Napapakinggan ng mga aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak
ng mga manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon ang napapanood sa entablado
at ang reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay nakadaloy
lamang sa iisang direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang
reaksyon ng kanilang mga manonood.
Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor).
Sila ang mga aktor na umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor
sa pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista
ka sa entablado. Bagaman, maaari namang maging artista sa pelikula ang isang aktor sa
entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino, pero hindi
magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado.
Mas madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina
Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng
pagkakataon na maging aktor sa pelikula.
Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon,
pangangarate, at iba pa. Samantalang sa entablado ay inaasahan ang pag-arte,
pagsayaw at pagkanta lalong lalo na kung kinakailangan iyon sa kanyang papel. Sa teatro
naman ay walang close-up lahat ay wide shot kaya inaasahan ang buong pusong
pagganap at emosyon sa artista. Hindi katulad sa pelikula maaari mong pikiin emosyon
kung hindi nakapokus sa iyo ang kamera.
2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor
ay humuhugot sa kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng
katotohanan sa karakter na ginagampanan. Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili
sa kaisipan ng karakter upang makahanap ng mga komong bagay sa pagnanais na
makapagbibigay ng makatotohanang pagsasatao sa karakter.
URI NG AKTOR
Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na
nabanggit ni Boggs (2008) sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa
tatlong uri:
1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang
totoong pagkatao at akuin ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon
lamang silang kaunting katangiang komon.