You are on page 1of 2

Lance Kelsey C.

Jayoma FIL-77
BSIE-II Marso 21, 2021

PANUNURING PAMPELIKULA

I. PAMAGAT: THE CROODS: A NEW AGE


Ang mga Croods ay pamilyang taong-kweba na nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso
at naglalakbay sa isang lugar patungo sa iba pa. Ang ibig-sabihin ng croods sa pamagat ng pelikula ay
ang naninirahan sa parehong pattern o pamamaraan ng paulit-ulit gaya. Ang new age naman ay
naglalarawan ng bagong panahon kung saan nagkaroon na ng ebolusyon at ang mga tao ay matalino
na.

II. MGA TAUHAN SA PELIKULANG THE CROODS: A NEW AGE


a. Protagonista: Grug Crood (Nicolas Cage) - isang taong-kweba, patriyarka at ama ng mga
Croods.

b. Antagonista: Spiny Mandrilla (Januel Mercado) - pinuno ng mga punch monkeys na


nagagalit kapag hindi ito mabibigyan ng pagkain.

c. Iba pang mga tauhan:


i. Ugga Crood (Catherine Keener) – Asawa ni Grug Crood
ii. Gran (Cloris Leachman) – Nanay ni Ugga at lola nila Eep, Thunk at Sandy
iii. Eep Crood (Emma Stone) – Babaeng panganay ni Grug
iv. Thunk Crood (Clark Duke) – Lalakeng anak ni Grug
v. Sandy Crood (Kailey Crawford) – Bunsong anak na babae ni Grug
vi. Guy (Ryan Reynolds) – Taong-kweba na naninirahan sa mga Croods at
kasintahan ni Eep
vii. Phil Betterman (Peter Dinklage) – Ang patriyarka ng Bettermans na nagkaroon
ng kasaysayan sa mga magulang ni Guy
viii. Hope Betterman (Leslie Mann) – Asawa ni Phil Betterman
ix. Dawn Betterman (Kelly Marie Tan) – Anak ng mga Betterman na kaibigan ni Eep
at Guy

III. MGA TEMA/PAKSA NG PELIKULA


a. Pagmamahal sa Pamilya at sa Isa’t isa – Ipinakita ng pelikula ang higpit na relasyon ng
pamilyang Crood at kung paano nila minahal ang isa’at isa at ipinakita rin ang
pagmamahalan ng dalawang magkasintahan.

b. Ebolusyon – Batay sa pelikula, ipinakita ang ebolusyon ng tao kung saan natuto na sila
sa pagsasaka upang hindi na sila mangangaso at ang paggamit ng teknolohiya upang
mabawasan ang pagsisikap sa paggawa ng mga Gawain.

c. Pagtanggap ng Pagkakaiba – Ipinakita ng pelikula ang pagtanggap ng pamilyang Croods


at Betterman ang isa’t isa kahit marami silang pagkakaiba.
d. Women Empowerment – Batay sa pelikula, ipinakita ang women empowerment sa
pamamagitan ng pagsamasama ng mga babaeng tauhan upang mailigtas sila Phil, Grug
at si Guy bago sila makain ng Spiny Mandrilla.

IV. BUOD NG PELIKULANG THE CROODS: A NEW AGE


Naghahanap ng isang mas ligtas na tirahan, nadiskubre ng pamilya sinaunang-panahong
Crood ang isang idyllic, may pader na paraiso na nakakatugon sa lahat ng mga pangangailangan nito.
Sa kasamaang palad, dapat din nilang malaman upang mabuhay kasama ang Bettermans - isang
pamilya na isang pares ng mga hakbang sa itaas ng Croods sa ebolusyonaryong hagdan. Tulad ng
pag-igting sa pagitan ng mga bagong kapitbahay ay nagsisimulang tumaas, isang bagong banta ang
nagtutulak sa parehong mga angkan sa isang epic na pakikipagsapalaran na pinipilit silang yakapin
ang kanilang mga pagkakaiba, kumuha ng lakas mula sa isa't isa, at mabuhay nang magkasama.

V. TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang pelikulang The Croods: A New Age ay nagpapakita ng teoryang Humanismo kung
saan naka pokus ito sa iniisip, tao ang binibigyang pansin, saloobin, katangian at ang tao ang
panginoon ng kanyang kapalaran. (1) Ipinakita sa pelikula ang iba’t ibang pag-iisip ng mga
tauhan gaya ng pagkakaiba sap ag-iisip ng mga Croods at Betterman, (2) ipinakita ang mga
damdamin ng mga tauhan, (3) mga katangian nga mga tauhan gaya ng mga hitsura sa Croods at
mga Betterman, (4) ang mga tauhan ang binibigyang pansin sa pelikula at higit sa lahat, (5)
imiikot ang kwento sa mga tauhan at ang pag-unlad ng bawat tauhan sa kwento.

You might also like