You are on page 1of 8

PANIMULANG PAGSUSULIT:

Nasa ibaba ang ilang tanong para maitaya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman ng modyul na ito.

A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang T kung tama at M
kung mali and ideyang ipinapahayag sa pangungusap.

M1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.


T 2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
T 3. May masistemang balangkas ang wika.
T 4. Unique o natatangi ang bawat wika.
M5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
T 6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika.
T7. Namamatay ang wika kapag namatay ang mga taong gumagamit o nagsasalita nito.
T 8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
T 9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating mga kagustuhan.
T 10. Binubuo ng tunog at sagisag ang wika.
T 11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
M 12. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumatanggap ng pagbabago.
T 13. Dinamiko ang wika.
M14. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
T 15. May pasulat at pasalitang anyo ng wika.
B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag, tukuyin ang
tungkulin/gampanin ng wika na aangkop sa bawat pahayag. Piliin ang kasagutan
sa loob ng kahon.

Instrumental Regulatori Heuristiko

Interaksyunal Imahinatibo Personal

Impormatibo

Regulatori 1. Paggabay o pagkontrol ito sa kilos ng isang tao. Halimbawa:


pagturo ng direksyon, dosage ng gamot, paggawa ng isang bagay.
Personal 2. Nagbabahagi ng sariling damdamin. Kasama rin dito ang
pagsulat sa talaarawan at journal.
Instrumental 3. Tumutugon ang wika sa pangangailangan ng isang gawain
tulad ng pakikipag usap sa iba, lalo na kung may mga tanong na kailangang
sagutin, patalastas tungkol sa gamit, paggawa ng isang liham, at iba pa.
Impormatibo 4. Ito ang tungkulin ng wika na para sa pagsisiwalat (pagkakalat)
ng datos at kaalaman. Halimbawa: pag-uulat, pagbibigay ng lektura at pagtuturo.
Interaksyunal 5. Ito ang paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang
kapwa, pakikipagbiruan, pagkekwento, pagpapasalamat at paghingi ng
paumanhin.
Heuristiko 6. Sapagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong,
pagsasagawa ng surbey, pagbabasa ng pahayagan at pagsasaliksik
nagagampanan ng wika ang tungkulin nito.
Imahinatibo 7. Tumutukoy ito sa malikhaing paggamit ng wika sa paraang
pasalita at patula.

C. Panuto: SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA. TUKUYIN KUNG SAANG


ANTAS NG WIKA NABIBILANG ANG MGA SUMUSUNOD.ISULAT SA LOOB NG
KAHON ANG ANTAS NG WIKA NA KINABIBILANGAN NG MGA SUMUSUNOD NA
SALITA.

SALITA ANTAS NG WIKA


(pormal/impormal)
1. DAYAG KOLOKYAL(IMPORMAL)
2. MARIKIT PAMPANITIKAN(PORMAL)
3. TANA KOLOKYAL(IMPORMAL)
4. KASAMBAHAY PAMBANSA (PORMAL)
5. TENGANG-KAWALI PAMPANITIKAN(PORMAL)
6. PISTA KOLOKYAL(IMPORMAL)
7. MAYAMAN PAMBANSA(PORMAL)
8. IKAKO KOLOKYAL(IMPORMAL)
9. DI-MAHULUGANG KARAYOM PAMPANITIKAN(PORMAL)
10. DATUNG BALBAL (IMPORMAL)

GAWAIN I

1. Magsaliksik ng iba pang katuturan ng wika at ipaliwanag ang konseptong nakapaloob


dito.

Ang wika ay pantao-naiiba ang wikang pantao sa wikang panghayop. Ang wika ng tao ay
ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura samantalang ang wikang
panghayop ay ginagamit sa sariling lahi. Natututunan ng tao ang wika ng pamayanang
kanyang tinitirhan na maaaring hindi ito ang wika ng magulang niya, alalaong baga
matututunan ng aso ang pagkahol lamang; ang pusa ay pagngiyaw lamang kahit saan
nakatira ang mga ito. Ang wika ng hayop ay walang sistema ng tunog at kahulugan. Hindi
ginagamit ng hayop ang wika tulad ng paggamit ng tao sa pag-uusap ng mga nakaraan at
mga darating pang pangyayari, pagtatalo sa ilang paksa, pagbibigay ng opinyon at iba pang
pamamahayag.

2. Bigyang patunay na ang wika ay “buhay” o dinamiko. Maglahad ng mga salitang


nagpapakita sa pagiging dinamiko ng wika. Magbigay ng 10 salita.
SALITA UNANG KAHULUGAN IKALAWANG KAHULUGAN
1. Lobo isang uri ng laruan isang uri ng hayop
2. Tuyo isang uri ng isda hindi basa
3. Kita tanaw sweldo
4. Sawa isang uri ng ahas ayaw na
5. Binasa tiningnan at inintindi kung ano tinapunan ng tubig
ang nakasulat
6. Gabi isang uri ng gulay bahagi ng isang araw pagkatapos ng
hapon
7. Tasa isang uri ng inuman tulis ng lapis
8. Tayo panghalip na tumutukoy sa kabaligtaran ng upo
maraming tao
9. Tubo gamit sa paggawa interes o kita
10. Tala bituin lista

3. Kumpaletuhin ang pahayag…

Mahalaga ang papel ng wika para sa akin bilang isang mag-aaral dahil ito ay pangunahing
ginagamit natin sa komunikasyon upang maunawaan at magkaintindihan ang bawat isa. Ito
din ang ginagamit natin upang makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga
bagay na dapat matutunan at malaman. Kung walang wika hindi matututo ang isang mag
aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin makakaintindihan ang bawat
isa.

GAWAIN 2:
Magbigay ng mga salita bawat antas ng wika. Hindi na maaring gamitin ang mga naibigay
ng halimbawa.

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL


1. ama haligi ng tahanan Papay (bikol) Pa erpat
2. ina Ilaw ng tahanan Mamay (bikol) Ma momshy
3. gutom Kumakalam ang mabisin(ilokano) gutom Tom-guts
sikmura
4. mayaman Nakahiga sa Makwarta(kapampang mapera yayamanin
salapi an)
5. mahal liyag kairog syota jowa

II. PAGSUSURI: Basahing mabuti ang mga sumusunod na salita. Tukuyin kung saang antas
ng wika nabibilang ang mga ito. Ilagay sa unang patlang kung PORMAL o DI-PORMAL ang
mga ito at ilagay sa ikalawang patlang kung saang URI nabibilang ang mga ito.

SALITA PORMAL O DI PORMAL URI


1. tisay di-pormal balbal
2. tana di-pormal kolokyal
3. kasambahay pormal pambansa
4. mudra di-pormal balbal
5. sintunis pormal pambansa
6. kamag-anak pormal pambansa
7. TNT di-pormal balbal
8. YORME di-pormal balbal
9. balay di-pormal lalawiganin
10. masama pormal pambansa
11. kako di-pormal lalawiganin
12. umamin pormal kolokyal
13. umaalingasaw pormal pampanitikan
14. itaga sa bato pormal pampanitikan
15. nagbibilang ng poste pormal pampanitikan

GAWAIN 3 PANUTO: BUMUO NG SITWASYONG MAGPAPAKITA SA IBA’T IBANG


TUNGKULIN NG WIKA.
Isang mag-aaral ang gumawa ng
liham para sa kanilang librarian
upang humingi ng pahintulot na
makagamit ng silid aklatan para sa
kanyang pananaliksik tungkol sa
wika.

INSTRUMENTAL

GAWAIN 4
PANUTO: Magsaliksik at magtala ng 40 na dayalek
Isangna salita
doctor namula sa inyong
nagbibigay ng lugar. Ilagay ang
naturang kahulugan ng dayalek na salita sa wikang Filipino.
tagubilin sa mamamayan sa mga
AURORAHIN WIKANG
dapat at hindi dapat FILIPINO
gawin upang
REGULATORI
1. Ngani oo na kumalat at makaiwas sa
hindi
Covid19.

Pagsulat sa diary o journal para


maibahagi ang iyong saloobin na
2. Ngani baya Oo nga
3. Libagin Maruming damit
4. Maribuso magulo
5. Luwayluway dahandahan
6. Mahalang maanghang
7. Maghinaw Maghugas ng paa o kamay
8. Malilom Hindi na mainit
9. Maatig Mapang-asar;makulit
10. Nakakasura Nakakainis
11. Guyam langgam
12. Hambog Mayabang
13. Hawong mangkok
14. Kampit kutsilyo
15. pantal butol
16. aporado nagmamadali
17. ampiyas Talsik ng ulan
18. amusin Maduming mukha
19. babag away
20. baynte bente
21. dagsawin Tubig na panghugas
22. dapil Nalipasan ng gutom
23. damusak matubig
24. pumirmi pumalagi
25. pirmi palagi
26. palahaw Malakas na iyak o sigaw
27. puyog Basang basa
28. punggod tagihawat
29. nabusdi nabutas
30. nakatanghod nakaabang
31. hulaw Tumigil na ang ulan
32. mang-gitla manggulat
33. burara Hindi maayos sa gamit; makalat
34. baro damit
35. bahaw Kaning-lamig
36. sumulpot Biglang dumating
37. panlawin matatakutin
38. magdayag Maghugas ng plato
39. umadyo umakyat
40. panhik-panaog Akyat baba

GAWAIN 5: SAGUTIN/GAWIN ANG MGA SUMUSUNOD

1. Ibuod ang kasaysayan ng Wikang Pambansa sa tulong ng TIMELINE.


Saligang Batas ng 1935- Nakabanggit sa Saligang Batas ng 1935 na magkakaroon
ng Wikang Pambansa.
Kongreso ng Batas (Approx 1936)- Inaprubahan ang Batas Komonwelt Blg. 184
na gumawa ng Surian ng Wikang Pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (12/30/1936)- Ayon sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 Pangulong Quezon, Tagalog ang ginawang batayan ng
Wikang Pambansa.
Paglilimbag ng Diksyunaryo (04/01/1940)- Ipinalabas ang Kautusang
Tagapagpaganap na nagtungo sa paglilimbag ng Diksyunaryo ng Pambansang Wika.
Batas-KomonweltBlg 576 (06/07/1940)- Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg.
576 na ang Pambansang Wika ay magiging opisyal sa Hulyo, 1946.
Pagtuturo ng Wikang Pambansa (06/19/1940) Isinimula ang pagturo ng Wikang
Pambansa sa mga paaralan.
Pagiging Opisyal ng Wikang Pambansa (07/04/1946)- Ang Wikang Pambansang
Pilipino (tagalog) ay nagging opisyal sa bansa.
Pagsimula ng Linggo ng Wika (03/26/1954)-Nagpahayag ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon M. Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ngunit inilipat sa Agosto
13-19 tuwing taon.
Kagawaran ng Edukasyon (08/12/1959)- Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim Jose Romero ng kautusang Blg. 7 na ang wika ay tatawagin na Pilipino.
1987- Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa.

2. Bakit mahalagang balikan at talakayin ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa?


Ang pag-aaral ng kasaysayan ay pagbalik tanaw sa ating nakaraan, mahalagang
malaman natin ang pinanggalingan ng ating Wika, upang malaman at matukoy natin
kung saan ito nagmula, kung ano ang pinagmulan at bakit nagkaroon nito. Mahalaga
ito sa pagbuo ng ating pagkatao. Dito natin mauunawaan ang pinagmumulan ng
mga kaalaman, ideya at impormasyon na may kaugnay sa wika.

You might also like