You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAITANG 7

Bilang 1 Kuwarter 3
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________
Baytang/Seksiyon: __________________________________Petsa:_______________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Magandang Araw, Kaibigan!

Handa ka na bang maunawaan ang wastong pagbigkas ng salita?

Isa sa mga araling tinatalakay sa asignaturang Filipino ang tamang


pagbigkas ng salita. Dito mauunawaan ang wastong pagbigkas na may
wastong diin, wastong tono o intonasyon, at wastong antala o hinto upang
lubusang maunawaan ang kahulugan ng salita.

Tara tuklasin na natin kung gaano ba kahalaga ang tamang


pagbigkas ng mga salita.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang


suprasegmental (tono, diin, antala). F7PN-IIIa-c-13

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO

Bago tayo tuluyang dumako sa ikatlong kuwarter ng pagkatuto,


balikan natin ang naging karanasan sa pagsagot at pagkatuto mula sa
nagdaang kuwarter. Alam ko natutuhan, naunawaan at napahalagahan mo
ang buhay at kultura mula sa mga akdang pampanitikan. Nalinang ang
iba’t ibang kasanayan sa pag-aaral ng gramatika at retorika na naging
batayan sa masusing pang-unawa at pagpapahalaga tungo sa isang
magandang pagkatuto.

1
B. PAG-ARALAN MO

Sa paggamit ng ponemang suprasegmental, malinaw na naipapahayag


ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita upang
madaling matukoy ang kahulugan, layunin o intensiyon ng nagsasalita.
Sa ponolohiyang Filipino, may tinatawag ding ponemang
suprasegmental.
May tatlong uri ng ponemang suprasegmental:(1) intonasyon o
tono;(2) diin at haba;(3) hinto/antala. Isa-isa nating pag-usapan ang
nasabing mga ponemang suprasegmental.

1. Intonasyon o Tono
Ang intonasyon o tono ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na
iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono- may bahaging
mababa, katamtaman, mataas o mataas na mataas.
Upang higit nating maunawaan ang tono narito ang ilang halimbawa
at pagpapaliwanag:

a.) 3 b.) 3
2 pon 2 ha
ka 1 ka 1
ha pon

Sa kahapon (a) ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong,


samantalang sa kahapon (b) ito ay nagsasalaysay. Ito ay dahil sa tono. Sa
nabasang halimbawa, nakitang sadyang makahulugan o ponemiko ang tono
bilang suprasegmental. Naroon ang diwa ng salitang kahapon na ang ibig
sabihin ay nagdaang araw. Ngunit dahil sa tono, nagkaroon ito ng dagdag
ng diwang ibig ipahatid ng bumigkas: nagtanong o nagdududa na humihingi
ng kasagutan sa kausap.
Narito ang iba pang halimbawa:
Ang ganda ng dalaga? (Nagtatanong/Nagdududa)
Ang ganda ng dalaga. (Naglalarawan)
Ang ganda ng dalaga! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
Ang Filipino batay sa Tagalog (buhat sa angkang Malayo Polinesyo) ay
sinasabing syllable-timed, samantala ang Ingles buhat sa angkang Indo-
Europeo ay sinasabi naming stress-timed. Samakatuwid, higit na mahalaga
ang Filipino ang haba sa pagsasalita. Ang salitang kasama (companion) ay
salitang malumay na ang diin ay nasa penultimang pantig na ang ibig

2
sabihin, ang patinig na /a/ sa pantig na sa ay higit na mahaba ang nagiging
bigkas kaysa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at –ma.
Subuking alisin ang haba ng patinig sa pantig na sa at mababagi ang
kahulugan ng salita – hindi na companion kundi tenant na sa ibang salita.
Iba pang halimbawa:
/kasha.ma/ = companion
/kasama/ = tenant
/magnana.kaw/ = thief
/magna.na.kaw/ = will steal
/magna.nakaw/ = will go on stealing

3. Hinto o Antala
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi
kolon at sesura sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda. (Pinasubalian ang isang bagay at sinasabing
maganda ito.)

C. PAGSANAYAN MO

Tukoy-Tono, Bigkas-Salita, Gamit-Bilang, Sulat-Kahulugan

Panuto. Tukuyin at bigkasin ang wastong tono ng pares ng salita na


pareho ang baybay subalit magkaiba ang kahulugan. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa mataas. Pagkatapos, isulat ang kahulugan
ng bawat salita.
Halimbawa: /SAka/= 21, bukid /saKA/= 12, at saka (also)

1. /BU:hay/ = ____, _________ /bu:HAY/ = ____, _________


2. /LA:bi/ = ____, _________ /la:BI/ = ____, _________
3. /BA:sa/ = ____, _________ /ba:SA/ = ____, _________
4. /TA:la/ = ____, _________ /ta:LA/ = ____, _________
5. /BA:ba/ = ____, _________ /ba:BA/ = ____, _________

D. TANDAAN MO!

Ang ponemang suprasegmental ay mahalagang dapat na


matutuhan dahil makatutulong ito kung paano mo bibigkasin nang
may wastong diin, tono o intonasyon at antala ang isang salita upang
maipahayag ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong
pakikipag-usap.

3
IV. PAGTATAYA

Panuto. Magbigay ng hinuha tungkol sa pokus na tanong para sa


aralin. Gamitin ang Linear Chart. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Bakit mahalaga ang ponemang


suprasegmental sa pagbigkas ng
salita at pagbuo ng sariling
pahayag?

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsanayan Mo

1. /BU:hay/= 21, life, ibinigay ng Diyos /bu:HAY/ = 12, humihinga pa


2. /LA:bi/ = 21, bahagi ng mukha /la:BI/ = 12, bangkay
3. /BA:sa/ = 21, read, magbasa /ba:SA/ = 12, wet o basa
4. /TA:la/ = 21, bituin /ta:LA/ = 12, nakasulat
5. /BA:ba/ = 21, parte ng mukha /ba:BA/ = 12, bumaba

Pagtataya

RUBRIK SA PAGMAMARKA

MGA PAMANTAYAN PUNTOS


Malinaw at mahusay na naibigay ang kahalagahan ng
ponemang suprasegmental sa pagbigkas at pagbuo ng 5
pahayag
Gumamit ng payak at sariling salita sa pagpapahayag
at pagpapaliwanag sa kahalagahan ng ponemang 5
suprasegmental sa pagbigkas at pagbuo ng pahayag
KABUUANG PUNTOS 10

4
VI. SANGGUNIAN

Api-it, Marilyn et.al., 2017 Panitikang Rehiyonal-Ikapitong Baitang, Unit A


5218 Que Grande Sulok St. Ugong, Valenzuela City; Bloombooks,Inc.
Peralta, Romulo et.al., 2014 Panitikang Asyano-Filipino 9, Pasig City;
Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

Inihanda ni:

MARICRIS P. HERNANDEZ, TI
Bula National High School

Tiniyak ang kalidad ni:

MELVERN O. AQUINO, TIII


Bula National High School

You might also like