BANGHAY
ARALIN SA FILIPINO 7
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a. Naiisa-isa ang barayti o antas ng wika.
b. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng barayti o antas ng wika.
c. Nagagamit ang barayti o antas ng wika sa sariling pangungusap.
II. Paksang Aralin
Aralin: Antas ng Wika
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, pahina 158-160
Kagamitang Pampagtuturo: Power Point Presentation
III. Pamamaraang Pampagtuturo
A. Paghahanda
1. Pang araw-araw na Gawain
a. Pagbati
b. Pagtatala sa mga lumiban sa klase
2. Pagbabalik Aral
(Nagpaparinig ang guro ng apat na awitin, kikilalanin ito ng mga mag-aaral kung
anong uri ito ng awiting bayan.)
3. Pagganyak
Magpapanood ang guro ng dalawang video clip.
Tatawag ang guro ng piling mag-aral, tatanungin sila kung ano ang
napansin nila sa dalawang video clip na pinanood. Kung ano ang pagkakaiba
ng dalawang ito at kung ano ang pagkakatulad. At batay sa video clip na
pinanood magbibigay ng sariling hinuha ang mag-aaral.
B. PAGLALAHAD
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Filipino ang ating Wikang Pambansa
subalit kung magiging mapanuri at
makikinig nang mabuti sa mga taong
nagsasalita nito, mapapansing hindi iisa
ang uri ng Filipinong umiiral sapagkat
lumilitaw ang barayti o antas ng wika. Sa
inyong palagay bakit kaya umuusbong
ang iba’t ibang antas ng wika, Ericka? Sa aking palagay kaya ito nagkakaiba
dahil sa pagkakiba ng kapaligiran.
Tama! Mayroon pa bang ibang ideya, Ito ay nagkakaiba dahil sa pagkakaiba ng
Jem? lugar na pinagmulan.
Tama! Ang pagkakaiba ng kapaligiran,
lugar, kakanyahan ng tao at kahit
panahon ay nagbubunga ng iba’t ibang
barayti ng wika. At ating tatalakin ngayon
ang iba’t ibang uri nito. Mga salitang Impormal o Di-pormal- mga
salitang karaniwang ginagamit sa
Basahin mo nga ang unang antas, pakikipag-usap sa mga kakilala o
Maricar? kaibigan.
Ito ang kadalasang ginagamit sa
Ano ang iyong sariling pakikipag-usap sa mga taong kakilala na
pagpapakahulugan base sa binasang natin.
depinisyon, Marilou?
Tama! Ang mga salitang Impormal o di- Balbal - ang tawag sa mga salitang
pormal ay ating ginagamit sa araw-araw, karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap
sa simpleng pakikipag-usap. Ito ay nauuri sa mga kalye kaya’t madalas ding
sa tatlo. Basahin mo nga ang una, Jellie? salitang kanto o salitang kalye.
Base sa iyong binasang depinisyon, Ano Ang balbal ay mga salitang karaniwang
ang iyong sariling pagpapakahulugan ginagamit ng mga taong tambay o
dito? magkakaibigan.
Mahusay!Ito ay nabubuo sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad
ng pagbabaliktad ng mga salita, pagkuha
ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng Lespu na mula sa pulis.
ibang kahulugan. Magbigay ka nga ng
halimbawa, Jonard? Ermat na ang kahulugan ay nanay.
Salamat! Iba pang kahulugan, Melanie?
Bebot - Dalaga
Salamat! Basahin mo nga ang iba pang Carmi Martin – Karma
mga kahulugan. Erpat – Tatay
Charing – Biro
Datung – Pera
Kolokyal – mga salitang ginagamit sa
Salamat! Basahin mo nga ang ikalawang pang-araw-araw na pakikipag-usap.
uri, Denise? Madalas na ginagamitan ng papaikli o
pagkakaltas ng mga ilang titik sa salita
upang mapaikli ang salita.
Bahagi rin sa antas na ito ang
pagsasama ng dalawang salita o wika
tulad ng Tagalog-English o Tagalog- Ang salitang meron na mula sa mayroon.
Espanyol. Magbigay ka nga ng
halimbawa, Ann? Pano mula sa salitang Paano.
Salamat! iba pang halimbawa, Andres?
Kelan – Kailan
Mahusay! Pakinggan natin ang iba pang Nasan – Nasaan
halimbawa basahin mo nga, Rose? Pre – Pare
Pano – Paano
Aattend ka ba sa birthday (Taglish)
May gagawin kami sa ekwelahan (Tag-
Espanyol)
Lalawiganin – mga salitang karaniwang
Salamat! Basahin mo nga ang ikatlong ginagamit sa mga lalawigan o probinsya
uri, Jdam? o kaya’y partikular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.
Ano ang iyong sariling Ito ang mga salitang kadalasang
pagpapakahulugan base sa binasang ginagamit ng mga grupo ng tao sa isang
depinisyon, Marilou? lugar.
Mapapansin ang mga lalawiganing salita
ay may taglay na kakaibang tono o
bigkas na maaaring magbigay ng Ngarod, Eka
ibangkahulugan dito. Magbigay ka nga ng
halimbawa, Gel? Kwarta.
Salamat! Iba pang halimbawa, Mary?
Mahusay! Ang kwarta ay hindi ito balbal Ambot ibig sabihin ay “Ewan” (Salitang
dahil ito ay isang iloco na salita. Basahin Bisaya)
mo pa nga ang ibang halimbawa, Ciara? Ngarod –katumbas ng katagang “Nga”
(Salitang Ilocano)
Salamat! Ngayon talakayin naman natin Mga Salitang Pormal – mga salitang
ang ikalawang antas. Basahin mo nga ito, istandard dahil ang mga ito ay ginagamit
Alvin? ng karamihan ng mga nakapag-aral ng
wika. Ito ang mga salitang salitang
ginagamit sa paaralan, sa mga panayam,
seminar, gayundin sa mga aklat at sa iba
pang usapan o sulating pang-intelektwal.
Base sa binasang depinisyon, Ano ang Ito po ay mga salitang may kalaliman
iyong sariling pagpapakahulugan dito, dahil ang mga gumagamit nito ay ang
Gege? mga nakapag-aral at ginagamit din ito ng
mga taong may propesyon o narating na
sa buhay.
Mahusay! Kabilang din sa uring ito ang
masisining na salitang tulad ng mga
tayutay na lalong nagpaparikit sa Magandang umaga.
pagkakagamit ng wika. Magbigay ka nga
ng halimbawa ng salitang Pormal, Maligayang Kaarawan.
Cherry?
Maybahay sa halip na waswit.
Salamat. Iba pang halimbawa, Nokia? Ama at ina sa halip na erpat at ermat.
Salapi o yaman sa halip na datung.
Mahusay! Basahin mo nga ang iba pang Malarosas ang pula ng kanyang mga labi.
halimbawa, Apple?
Wala na po.
Salamat! May mga katanungan pa ba?
C. PAGLALAHAT
Naintindihan na ba ang ating aralin sa
araw na ito?
Opo
Kung gayon, maaari mo bang ibigay ang
tatlong uri ng salitang di-pormal, Jdam?
Kolokyal, Balbal at Lalawiganin.
Mahusay. Salamat.
Maaari ka bang magbigay ng halimbawa
ng Balbal, Sherma?
Utol, Yosi.
Tama.
Maaari mo bang ibigay sa iyong sariling
pangungusap kung ano ang salitang
Pormal, Gena?
Ito ay ang mga salitang karaniwang
ginagamit ng mga nakapag-aral,
karaniwan ding ginagamit dito ang mag
salitang may kalaliman o gumagamit ng
Mahusay! mga salitang tayutay.
Magbigay ka nga ng halimbawa ng
salitang Pormal, Jonard?
Mahusay. Talaga namang naintindihan Maybahay, Ama at ina.
niyo na ang ating aralin sa araw na ito.
D. Paglalapat
Ngayon naman ay magkakaroon na tayo
ng isang pang grupong gawain.
Panuto: Hahatiin natin ang klase sa
siyam na grupo. Ang bawat grupo ay
magkakaroon ng isang representante.
Bubunot ang inyong representante sa
aking inihandang palabunutan, kung
anong Antas ng wika ang inyong
bibigyang kahulugan at mga halimbawa.
Paramihan ng halimbawa ang bawat
grupo. Mayroon lamang kayong 2 minuto
sa paggawa.
Opo.
Maliwanag ba?
Kung gayon ang inyong oras ay
magsisimula na.
Tapos na ang inyong dalawang grupo.
Umayos na ng upo at ipasa paharap ang
mga papel. Pagbilang ko ng ng lima
dapat andito na ang inyong mga papel. Opo.
Isa, dalawa, tatlo, apat lima.
Andito na ba ang lahat ng papel?
IV. Pagtataya
Panuto: Maglabas ng ika-apat na bahagi ng papel at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan. bibigyan ko lamang kayo ng tig-10 segundo
upang sagutan ang bawat tanong.
1. Ito ay ang salitang karaniwang ginagamit sa kalye.
2. Slang ang iba pang tawag sa Salitang Impormal. ( Tama o Mali )
3. Ito ay mula sa katunog na pangalan na nangangahulugang “karama”.
4. Madalas na ginagamit ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita.
5. Ano ang katumbas ng salitang “charing”?
6. Ang Lalawiganin ay salitang pormal. ( Tama o Mali )
7-10. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salitang pormal at
impormal.
V. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan at sagutan ang
mga sumusunod na tanong. Isulat sa kalahating papel ang kasagutan at
ipapasa sa susunod na pagkikita.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Bakit pinamagatang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan?
3. Ano ang aral na mapupulot sa kwento?