You are on page 1of 23

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kwarter – Modyul 2
Mga Konseptong Pangwika
Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino– Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 2: Konseptong Pangwika:Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon
UnangEdisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: JOAN G. PULMONES
Tagasuri: IMELDA N. PARACALE
Tagawasto: SANDRO J. REBADIO
JUVANIE R. PONTILLAS
Tagalapat: JOAN G. PULMONES
Tagapamahala: MARILOU N. CURUGAN, DM-HRM
MA. VERONICA IVY T. MITROFANOS-EPS-Filipino
LORENZO O. MACASOCOL,PhD,CESO VI, SDS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education- Agusan del Sur National High School-Senior High


School

Office Address: National Highway,Barangay 5,San Francisco,Agusan del Sur


Telefax: 085-839-5804
E-mail Address: www.asnhs.rf.gd
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, atgamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napakinggan/napaanood sa
sitwasyong pang komunikasyon sa radio,talumpati,mga panayam,at sa
telebisyon(Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the nation,
Mareng Winnie, Word of the Lourd)
F11PT – Ia – 85/MELC Week 2-Q1

Subukin

Gaano nga ba kalawak ang inyong dating kaalaman sa Modyul na ito?


Upang masubok ang dati mong kaalaman suriin ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin kung aling antas napabilang ang mga nakadiing salita at
isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pormal

___________ 1. Saan mo na naman ninenok yan?

__________ 2. Ang kanyang ama ay mabait.

___________ 3. Ambot sa iyo, Joana!


_________4. Marami ka na namang datung.

_________5. Kelan nga ulit ang kaarawan mo?

_________6. Nakapangasawa siya ng kano.

_________7. Pahiram muna ako nito, Utol!

_________8. Manong, san po ang palengke?

_________9. Ang ganda naman ng iyong maybahay.

__________10. Dehins ko siya nakita.

Balikan

Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi


nauubos ang mga kaalamang natutunan at natutuklasan tungkol sa wika.
Sa tanong na “Ano nga ba ang wika?” napakaraming makukuhang sagot
mula sa iba’t ibang dalubha sa wika.
A. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa loob ng kahon sa unahan ng
bilang kung tama ang sinasabi ng pangungusap. Gumuhit naman ng
malungkot na mukha ( ) kung mali ang pahayag.

1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.


2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
3. May masistemang balangkas ang wika.
4. Unique o natatangi ang bawat wika.
5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
6. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o
nagsasalita nito.
7. Ang Opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang
wika.

3
8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng
Pilipinas.
9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin an gating mga
kagustuhan.
10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
12. Kailangang manatiliting puro ang wika at hindi dapat
tumanggap ng mga pagbabago.
13. Dinamiko ang wika.
14. Walang mga tuntuning sinusunod ang panggamit ng wika.
15. May pasulat at pasalitang anyo ng wika.

Ihalad ang kahalagahan nang isinagawang gawaing :

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________ .

Tuklasin

Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon

Anupa’t ang wika ay may kaantasan din, kaantasang isinasaalang-


alang ng mga nag-aaral sa wika, sa gayon ang mga salitang bibitiwan o
gagamitin ay bumabagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon,
pook at sa okasyong dinadaluhan.

Sa ganitong kabagayan ng wika, masasabing dalawa lamang ang


kaantasan nito: ang Pormal na wika at ang Di-Pormal wika.

A. Pormal na wika – Ito ang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap,


ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang
nagpapasya kung ang isang salita ay dapat gamitin. Kung marapat ito’y

4
ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang intelektuwal
sa gayo’y tumaas ang uri kapag malaganap na ginagamit.

a. Pambansa – Ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing


sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.

b. Pampanitikan – Mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat,


makukulay at sadyang matataas na uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng
mga manunulat at dalubwika.

B. Di Pormal o Impormal – Ang mga salitang impormal ay ang mga salitang


karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-
usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito ang:

a. Lalawiganin – Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook


na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang
lalawigan, liban kung sila-sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa
kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig kaagad.

Kapansin-pansin ang mga lalawiganing mga salita bukod sa iba ang bigkas
ay may kakaiba pang tono.

Ang lalawiganing salita ang tulak ng mga makarehiyonal na kaugalian ng


mga tao.

Halimbawa nito ay:

Inang / Itang

Ditse / Diko

Sanse / Sangko

kwarta

napintas

bana

awto

5
b. Balbal – Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang
mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may
pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan.

Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad


nawawala. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto,
salitang lansangan, wika ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng
mga bakla ay swardspeak.

Halimbawa ng mga ito:


parak (pulis)

iskapo (takas)

istokwa (layas)

juding (binababae)

tiboli (tomboy)

epal (mapapel)

spongklong (istupido)

Iba’t ibang Pangkat ng mga tao ng mga tao ang kadalasang


gumagamit nito katulad ng mga taong na sa ikatlong kasarian gaya ng mga
bakla, upang bumuo ng sarili nilang koda na sila lamang ang
nagkakaintindihan.

a. Pagpapalit at pagdaragdag ng pantig

Halimbawa: Tulog o borlog


matulog shorlog
kyorlog
borlogehey

sino ito sinethchitech

b. Panghihiram sa mga salitang banyaga

Halimbawa:
Haggard Sobrang pagong

Stand by istambay
Whole in holen

6
c. Panghalili sa pangalan ng salapi

Halimbawa:

Piso Pluks, kyuks


isang Heyms, Hams
daang hammer
piso
Isang Kyaw
libong
piso
Sinkwenta Hawaii
pesos
bente
pesos
Bente Twinkle
pesos

c. Kolokyal – Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may


kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may mga anyong repinado at malinis
ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Halimbawa:

Pormal Kolokyal

saan naroon sanaron

nasaan nasan

naroon, naroroon naron

kaniya, kani-kaniya kanya, kanya-kanya

aywan ewan

piyesta pista

Kung susuriin ang larawan sa kaliwa,


makikita na ang antas ng wika ay
nahahati sa dalawa, ang Pormal at Di-
Pormal na wika. At sa bawat antas nito
ay may mga saklaw pa na mas maliliit
o iba pang antas ng wika.

https://tagapagtaguyodngfilipino.wordpress.com/2017/02/05/kaantasan-ng-wika/

7
Suriin

Basahin at unawain komiks strip sa ibaba at sagutan ang mga katanungan


ukol ditto.

https://tagapagtaguyodngfilipino.wordpress.com/2017/02/05/kaantasan-ng-wika/

Mga Katanungan:
1. Ano ang napansin mo dito?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Batay sa pagsasaayos ng kahulugan ng salitang COVID-19, Paano nila


ito isinaayos para mas higit mas maintindihan lalo ng mga bata?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

3. May napuna ka ba sa wikang ginamit nila?

_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

8
Pagyamanin

Gawain 1: Magpunyagi! Suriin ang selebrasyon ng buwan ng Wika


2020 batay sa ilustrasyon:

https://1.bp.blogspot.com/-ZzSWzy91-ak/XyQJj8OPvKI/AAAAAAAA8gw/7mEdcis6ePEOjejM3lwceD7pI0_ZfiPuACLcBGAsYHQ/s1600/buwan-
ng-wika-2020.JPG

1. Panuto: Bumuo ng slogan batay sa tema ng selebrasyon ng Buwan


ng Wika sa Taong ito. Gawing malikhain sa iyong proyekto batay sa
itinakdang rubriks ng pagmamarka sa ibaba at kompletuhin ang
mga pahayag sa ibaba:

9
Ipaliwanag ang kahukugan ng ginawang slogan:

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Iuugnay sa sariling karanasan ang mga Konseptong Pangwika:

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
RUBRIKS SA PAMAMARKA NG ISANG SLOGAN
Pamantayan Di-gaanong Katamtamang Napakahusay Puntos
sa Mahusay Husay 3
Pagmamarka 1 2
Larawan at Walang May ilang Angkop na angkop
pahayag na kaugnayan ang larawan at ang mga larawan
ginamit larawan sa pahayag (2-3) at pahayg na
pahayag na may angkop na ginamit.
ginamit. interpretasyon.
Kaisahan ng Walang May dalawa Magkakaugnay
mga kaisahan ang hanggang tatlong ang mga
pangyayari mga pangyayaring pangyayaring
pangyayaring inilahad ang may ginamit o inilahad.
inilahad sa isa’t kaisahan o
isa. kaugnayan sa
isa’t isa.

Salitang Hindi angkop May dalawa o Angkop na angkop


ginamit ang mga tatlong salita ang ang mga salitang
salitang hindi angkop sa ginamit sa mga
ginamit sa mga mga pahayag. pahayag.
pahayag.
Paghikayat sa Di kaganyak- Kaganyak-ganyak Lubhang
tagapakinig ganyak ang ang mga pahayag kaganyak-ganyak
mga pahayag sa mga ang mga pahayag
sa mga tagapakinig. sa mga
tagapakinig. tagapakinig.

Kaangkupan Hindi angkop Angkop Lubhang


sa paksa ang nabuong ang ilang bahagi napakaanggkop ng
komik istrip sa ng komik istrip mga bahagi ng
paksa. sa paksa. May komik istrip sa
dalawa hanggang paksa.
tatlong bahagi
lamang.

Kabuuang Puntos

10
Gawain 2: Tagumpay ang Plano! Bumuo ng plano sa gagawing
pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020.

Kinakailangan makita sa iyong gagawing plano ang nangingibabaw


mong talento at karanasan upang mapayabong pa ang gagawing
selebrasyon. Narito ang mga mungkahing hakbang sa mga magaganap:
a. Alamin ang tunay na kahulugan ng tema ng selebrasyon ng Wikang
Filipino.
b. Ihalad ang mga isasagawang Pampaaralang Gawain ng Buwan ng Wika
kung ano ang nais itanghal sa selebrasyon (sayaw, sabayang pagbigkas,
awitin at iba pa).
c. Kompletuhin ang detalye tulad ng lugar ng pagdarausan, dekorasyon
pagkain, kasuotan, patimpalak at iba pa.
d. Maaring isaalang-alang ang sitwasyon ngayon ng Covid.
e. Isumeti ang mga magiging plano sa email account ng guro.

Mahalagang tanong: Sapat bang tuwing Buwan ng Wika lamang


nabibigyang-diin ang paggamit ng wikang Filipino bilang Opisyal na
Wikang pambansa at panturo? Pangatwiran.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________ .

Rubriks ng Pagmamarka sa pagbuo ng Plano

Pamantayan Bihasa Muhasay May Pahapyaw na


Kakayahan umaayonsa
(5 puntos) (4 puntos)
Panuntunan
(3 puntos)
(1-2 puntos)
Kritkal ang
paglalahad sa
nilalaman ng akda

Lubos na
naipaliwanag ang
paksa o isyung

11
tinaralakay

Malalim at
malaman ang
paggamit ng
wikang Filipino sa
bahagi ng
Gramatika

Nanatiling tapat sa
tema ng
pagdiriwang

May Malinaw na
daloy ng ideya at
tamang
pagkakasunod-
sunod ng mga
talata.

Gawain 3: Panayam pangwika!


Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba bilang Pilipino dahil sa mga
rehiyonh ating pinagmulan, wikang natutuhn at local na kulturang
kinagisanan, mayroon pa rin tayong pagkasktula.
Suriin ang wikang iyong ginagamit sa sagutin ang sumusunod na
mga tanong.
1. Ano ang iyong lingguwistikong heograpiya?
a. Tingnan ang mapa ng Pilipinas, saang probinsiya at bayan
nanggagaling ang iyong ama’t ina?

b. Ano ang wikang rehiyonal ng ama’t ina?

c. Nagagamit mob a sa inyong tahanan ang wika ng iyong mga


magulang?

d. Anu-ano pang wika ang madalas ng ginagamit sa inyong tahanan?


Alin ang Pormal or Di-pormal antas na wika napabilang ang mga
ito.

12
e.Sa iyong wikang rehiyonal _______________sabihin ang mga ito:

a. Magandang araw! Ikinalulugod kong makilala kayo!


____________________________________________________________________
b. Maraming salamat! ________________________________________________
c. Puwede po bang magtanong? ______________________________________
d. Saan po ang sakayan papuntang Maynila? _________________________
e. Anong Oras na po? ________________________________________________

Isaisip

Ang Aking Natutunan sa Araling Ito

13
Isagawa

e-Komiks Mo! Basahin at unawaing maigi ang sumusunood na


teksto at gumawa ng e-komiks at ibahagi ito sa inyong opisyal na facebook page ng
inyong pangkat. (maari din namang iguhit ito sa isang papel at kunan ng larawan
at ibahagi.)

Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon


Ni Dr. Bienvenido Lumbera
Bulatlat.com

Upang mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga


dambuhalang empresang nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektuwal na
umimbento sa pariralang “borderless world” at itinapal ito sa mapagsamantalang
mukha ng kapitalismo. Sa ganyang anyo inihaharap sa atin ang “globalisasyon” na
may Utopiang ipinangangako-- isang “mundong wala nang hangganan.”
Sinasabing sa “mundong wala nang hangganan,” pantay ang kakayahan ng bawat
bansa na kamtin ang kaunlaran.

Para sa isang bansang malaon nang nabalaho sa di-pag-unlad, ang Utopiang


pangako ng globalisasyon ay tunay na katakamtakam. Naroon ang paglaganap at
pagtibay ng demokrasya. Naroon din ang paggalang at pagsasanggalang sa
karapatang pantao ng mahihina at walang kapangyarihan. At naroon ang
pagtutulungan ng lahat ng bansa upang panatilihing malinis at ligtas ang ating
kapaligiran. At naroon din ang matagal ng minimithi ng sandaigdigan – ang
mapayapang mundo na sa mga awit pa lamang matatagpuan.

Subalit ano ba ang realidad ng “borderless world” na naglalatag sa ating mga


haraya ng maluningning na landas tungo sa maunlad at mapayapang bukas? Sa
ngalan ng anti-terorismo, mga eroplano at bomba ng Estados Unidos na
nagtatawid-kontinente at bumabagtas ng mga heyograpikal na hangganan upang
pagbantaan ang alinmang bansang nagbabalak kayang ulitin ang kapahamakang
idinulot sa New York noong 2001. At sa larangan naman ng ekonomiya, ang
paggigiit na tanggalan ng proteksiyon ng batas ang mga kalakal na Filipino sa
ngalan ng pantay na pakikipagkompetisyon.

Samakatwid, ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa


ng Kanluran na naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto.
Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto
ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang makipagkompetisyon
ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan nilalamon nila ang lokal
na kompetisyon.

Bahagi ng pananalakay na iyan ang panghihimasok ng World Trade


Organization sa edukasyon. Ang reporma ng kurikulum na sinimulan sa pang-
akademyang taong ito ng Departamento ng Edukasyon ay malinaw na tinabas
upang isunod sa padrong globalisasyon. Tumutugon ang Basic Education
Curriculum sa pangangailangan ng mga lipunang maunlad ang mga industriya at

14
teknolohiya para sa mga taong marunong bumasa ng instruksiyon at sumunod
dito upang ang assembly line ay maayos na mapakilos. Dahil isinaayos ng ating
gobyerno ang sistema ng edukasyon upang makapagpalitaw ng mga kabataang
marunong ng simpleng Ingles, ng simpleng pagkukwenta, at ng simpleng
siyensiya, halos itinalaga na nito ang darating na mga henerasyon ng kabataang
Filipino sa pagiging manggagawang ang lakas at talino ay pagsasamantalahan ng
mga dayuhang empresa dito sa Filipinas at maging sa labas ng bansa.

Nakatinda na ngayon ang sambayanang Filipino sa eksploytasyon ng


kapitalismong global. Ang teritoryo natin ay binubuksan ng ating gobyerno sa mga
empresang multinasyonal, at ang mga kabataan ay ipinapain sa kulturang
nagpapalabo sa mga tradisyong kanilang kinagisnan. Ang kulturang ito na
itinuturing na global ay humihimok sa mga itong hubdin ng kabataan ang
kanilang identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang lupa. Sa maikling
salita, ibinalik na tayo ng kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na
pagkasakop.

Hindi natin namamalayan ang panibagong pagsakop sa atin dahil ang mga
sandatahang Amerikano na lumunsad sa ating mga baybayin ay mga kaibigan daw
na nagmamalasakit na pulbusin para sa mga Filipino ang Abu Sayyaf.

Ang kapangyarihang politikal ay kusang sinususpindi ng ating pamahalaan


upang akitin ang dayong puhunan. Ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog
upang tugunan ang pangangailangan ng mga multinasyonal. Tunay na ang
“borderless world” ay bagong maskara lamang ng imperyalismo. Ang bagong anyo
nito ay nagpapanggap na wala itong pangangailangan sa atin, tayo mismo ang
humihingi na ang kasarinlan natin ay kanyang salakayin.

At ano naman kaya ang panlaban ng mga Filipino sa dagsa ng pananalakay


ng globalisasyon? Ano ang magagawa ng wika nina Amado V. Hernandez, Jose
Corazon de Jesus, at Lazaro Francisco? Ano ang magagawa ng mga awiting
Filipino nina Jess Santiago, Joey Ayala at Gary Granada? Ano ang magagawa ng
mga nobela nina Luwalhati Bautista, Edgardo Reyes at Ave Perez Jacob? Ano ang
bisa ng Wikang Filipino sa pagtatayo ng moog laban sa paglusob ng mga kaisipang
makapagpapahina sa tigas ng loob at tatag ng mga makabayan?

Noong 1996, sa Copenhagen, Denmark, inorganisa ng United Nations World


Summit for Social Development ang isang serye ng mga seminar upang talakayin
ang mga kalagayang tutungo sa panlipunang pag-unlad sa harap ng mabilis na
paglakas ng global capitalism. Ganito ang isang obserbasyong lumitaw sa seminar:
Lumulubha ang agwat sa kinikita ng mga mamamayan sa mayayamang bansa sa
kinikita ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa. Ang agwat ng per capita
income sa pagitan ng mga bansang industrialisado at ng mga bansang papaunlad
ay lumobo ng tatlong beses mula 5,700 dolyar noong 1960 tungo 15,400 dolyar
noong 1993. Noong taong 1994-95, ang GNP per capita sa mundo ay 24,000
dolyar sa pinakamayamang mga bansa na ang populasyon ay 849 milyon. Ang
GNP per capita sa mga pinakamahirap na bansa ay 4,000 dolyar at doon ay 3
bilyong tao ang naninirahan. Sa harap ng ganitong tiwaling kalagayan, binigyang
diin ng seminar ang pangangailangang pagtuunan ng pansin ang kultura ng

15
kapitalismong global, suriin ito, pagtalunan at hamunin ang katinuan ng bisyon na
gumagabay rito. Kaugnay nito, tinukoy ang pangangailangang isangkot sa mga
isyung panglipunan ang mga intelektuwal na makitid ang pananaw at labis ang
pagkakulong sa kani-kanilang ispesyalisasyon. Dapat daw himukin ang mga ito
na gamitin ang kanilang tinig sa mga debate at diskurso hinggil sa mga problema
at tunguhin ng kontemporaryong lipunan.

Narito sa palagay ko ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga


Filipinong tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa ispasyong iyan maaaring
harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong
bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng
panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.

Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan


ng sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong
Espanyol at Amerikano. Sa tuwing pinagyayaman ang wika at panitikang
katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng Filipino, na magagamit na
panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon. Narito ang kahalagahan at adhikain ng
mga naunang henerasyon na hindi kayang burahin ng Utopiang pangako ng
“borderless world.” Nasa pagtayo natin at paggigiit sa makabayang pagtangkilik sa
ating wika at kultura ang lakas na maibabangga natin sa globalisasyon, na
naglalayong patagin ang landas patungo sa walang-sagwil na pagpasok ng
kapitalismong global sa ating ekonomiya at politika.

Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at


kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at kabatirang
natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa
paghahari ng mga dayuhan.

Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay


magdadala sa atin sa tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang
sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa
kamalayan hindi ng iisang tao lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan.
Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo naman ng
ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging
nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang kultura at may banal
na kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan.
Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo sa ikaluluwalhati ng Filipino
bilang nagsasariling bayan. Bulatlat.com

Ang papel na ito ay inihatayag ni Dr. Bienvenido Lumbera sa isang pagttitpon


ng mga guro noong Marso ng 2003 sa Collage of Mass Communication, University
of the Philippines Diliman.

16
A. Mahalagang tanong:

1. Ano ang mga isyung bibigyang-pansin ng may-akda sa kanyang artikulo?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ang mga papanaw na inisa-isa ng may-skda hinggil sa epekto ng


Globalisasyon sa wikang Filipino?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Sa Kabuuan, ano ang mensahing tumatak sa isip mo na na naisa bigyang


pansin ng may-akda para sa kanyang mambabasa?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Sang-ayon kaba sa mga binigay na pananaw ng may-akda sa paksang


tinalakay? Bakit?

B. Pagsulat:

Gumawa ng isang Komiks strip sa isang short band paper na


pumapaksa sa lipunan at sa paggamit ng wikang Filipino sa
kasalukuyan.Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang gabay sa
pagmamarka

17
RUBRIKS SA PAGBUO NG ISLOGAN

NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN


NG ISKOR
PAGSASANAY
Ang Bahagy Medyo Walang
NILALAMAN mensahe ay ang naipakita magulo ang mensaheng
mabisang ang mensahe. naipakita.
naipakita. mensahe. 4 3
6 5

Di
Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Maganda at
PAGKAMA- napakalinaw ng malinaw ang di gaanong malabo ang
LIKHAIN pagkakasulat ng pagkakasulat malinaw ang pagkakasulat
mga titik. ng mga titik. pagkakasulat ng ng mga titik.
4 3 mga titik. 1
2

May Bahagy Kaunti Walang


KAUGNAYA malaking ang may lang ang kaugnayan sa
N SA TEMA kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan ng paksa ang
paksa ang sa paksa ang islogan sa paksa. islogan.
islogan. islogan. 4 3
5
6
Malinis na Malinis Di gaanong Marumi
KALIN malinis ang ang malinis ang ang
ISAN AT pagkakabuo. pagkakabuo. pagkakabuo. pagkakabuo.
KAAYUSAN 4 3 2 1
KABUUANG
ISKOR

Tayahin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang


intelektuwal sa gayo’y tumaas ang uri kapag malaganap na ginagamit.
a. Pormal b. Di- Pormal c. Lalawiganin d. Pambansa
2. Kelan ang punta ninyo sa Maynila? Tanong ni Maria sa kaibigan na mag-
aaral doon. Anong antas ng wika ang nasalungguhitan?
a. Wikang Pampanitikan c. Kolokyal
b. Wikang Panlalawiganin d. Balbal
3. Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao.

a. Kolokyal b. Balbal c. Lalawiganin d. Pambansa

18
4. Gay A : “Hoy, Bakla, me That’s Entertaiment ka ba?”
Gay B : “Naku, Washington Sycip, Purita Kalaw ang lolah mo nagyon.”

Sa pag-uusap ng dalawang Gay, anong wikang balbal ang ginagamit


nila?
a. Kolokyal b. Balbal c. Lalawiganin d. Pambansa

5. Gamit ang dayalogo sa aytem blg. 4.,ano ang ibig sabiin ng Purita kalaw?

a. Pera b. maganda c. mayaman d. mahirap

6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.

a. Kolokyal b. Balbal c. Lalawiganin d. Pambansa

7. VALEDICTION SA HILLCREST
Ni Rolando S. Tinio (lowa City, 1958)

Pagcollect ng Railway Express sa aking things


(Deretso na iyon sa barko while I take the plane.)
Inakyat kong muli ang N-311, at dead of winter
Nakatopcoat at galoshes akong Nagright-turn sa N wing ng mahabang
dilim (Tunnel yatng aabot hanggang Tondo.) Kinapa ko ang switch sa
Hall. Sa aking pitik, nagshrink ang imaginarytunnel, Naparang ataul.
Sa tula ni Tinio, anong antas ng wika ang ginamit niya?
a. Wikang Pambansa c. Balbal
b. Palit koda/ Code switching d. Konyo

8. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga


simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan?

a. Tunog b. Wika c. Pormal d. di-pormal


9. Sa panahong ito ang hirap kumita ng pero halos makandaluba ka
muna bago makakyaw sa bulsa mo.
a. Pagdaragdag ng pantig c. Panghalili sa salipi
b. Panghihiram ng banyagang salita d. Wala sa nabanggit
10. Gaano kahalaga ang wika sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng
pandemya.

a. Wika ang tulay para sa isang malayang pagkakaisa.


b. Nagdudulot ang wika ng kaayusan sa pamamahalaan.
c. Malaking tulong na nagkakaunasaa ng lahat sa ganitong sitwasyon.
d. Lahat ng nabanggit.

19
Karagdagang Gawain

e-Tula: Bumuo ng isang tula na may malayang taludturan (walang


sukat at tugma) Pumili ng paksa sa ibaba:
a. Ang aking Unang Pag-ibig
b. Ang aking hinahangaang Tao
c. Ang aking Pangarap

3
4

You might also like