You are on page 1of 34

Kakayahang Pangkomunikatibo ( communicative competence)

ng mga Pilipino
- pundasyon ng angkop na paggamit ng wika

- dapat iasal sa paggamit ng wika

- hindi lamang dapat magkaroon ng kakayahang


lingguwistika o gramatikal upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika, nararapat din
niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng
lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang
layunin.

- ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit


ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging
maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang
mensahe at magkaunawaan nang lubos ang dalawang
taong nag-uusap.
- ayon kay Dell Hymes, hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan sa
pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging
angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon, dapat alam ng tao, hindi lamang
ang tamang ayos ng sasabihin, kundi kailan dapat o hindi dapat sabihin,
ano lamang ba ang puwedeng pag-usapan, kanino lamang ito puwedeng
sabihin, saan sasabihin at paano sabihin.

- nasusukat nito ng mga mag-aaral ang kanilang katatasan sa pagsasalita


ng wika, kakayahang umunawa at makagamit ng tamang salita o wika sa
angkop na pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi sila
sinanay.

- nangungunang tagapagsulong si Dell Hathaway Hymes ng


kakayahang ito
Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo
mula sa Modelo ni Canale at Swain na ayon sa orihinal na ideya
ni Hymes

1. Kakayahang gramatikal/ lingguwistiko (linguistic competence)


2. Kakayahang sosyolingguwistiko (sociolinguistic competence)
3. Kakayahang istratedyik /estratehiko (strategic competence)
4. Kakayahang diskorsal/ pandiskurso ( discoursal competence)
5. Kakayahang pragmatik (pragmatic competence)

Kakayahang lingguwistiko

-kakayahang naging pangunahing tagapagsulong nito si Noam


Chomsky

-kakambal ng kakayahang lingguwistiko (linguistic competence) ang


pagpapamalas lingguwistiko (linguistic performance)
Kakayahang panggramatika/ gramatikal/ lingguwistiko

- pundasyon ng paggamit ng tamang wika

- tamang ayos ng sasabihin

- sinasaklaw ng kasanayan sa pagiging tama ng


pagkakabuo ng mga pangungusap

- natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kanyang


wika ( tunog, salita, pangungusap, kahulugan )

- kaalaman sa kayarian ng mga tunog, salita, pangungusap at


pagpapakahulugan ng isang wika na katumbas ng kakayahang
lingguwistiko ni Chomsky

- pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa tunog/ ponolohiya (palatunugan),


salita/ morpolohiya (palabuuan), pangungusap/ sintaks (palaugnayan),
kahulugan/ semantiks gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya
(palabaybayan) (p. 153 – 154)
Sintaks ( palaugnayan )
Uri ng Pangungusap ayon sa gamit

1. Pasalaysay
Hal: Nilikha ng Diyos ang mga bagay sa mundo na pawang magaganda.

2. Patanong
Hal: Bakit impormal na wika ang kadalasang ginagamit ng mga
kabataan ngayon?

3. Pautos
Hal: Kailangang ipasa ninyo ang inyong takdang aralin bago ang
pagsusulit.

4. Padamdam
Hal: Saklolo! Nasusunog ang mga bahay sa nayon namin!
Dalawang Ayos ng Pangungusap

1. Karaniwang Ayos
- ginagamit sa mga normal na pagsasalita ng mga Pilipino at di lantad ang
panandang “ay”

-nauuna ang panaguri kaysa paksa/simuno

2. Di Karaniwang Ayos
- gingamit sa pormal at pambalarilang pahayag at lantad ang panandang “ay”

-nauuna ang paksa/simuno kaysa panaguri

1.1 Lubhang makulay ang mga pista ng mga Muslim sa Pilipinas ay lubhang
makulay

1.2. Sina Loida at Ana ay dumalaw sa tiyahin nilang may-sakit.

2.1 Nagtulong-tulong ang lahat na mga kasapi para sa ikatatagumpay ng proyekto.

2.2 Masayang naghahabulan sa bakuran ang mga makukulit na bata.


Uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo

1. Payak
Hal: Nagtungo si Perry sa lalawigang sinilangan.

2. Tambalan
Hal: Pinagpapala ang mabuti ngunit ang masama ay pinarurusahan.

3. Hugnayan
Hal: Kapag lumaban ka sa unos, lalo kang mapapahamak.

4. Langkapan
Hal: Malaking halaga pa ang mawawala sa mga mahihirap at higit pa lalo
ang mawawala sa mga mayayaman kung magpapatuloy ang pananalasa
ng bagyong Hagibis.
Pagpapalawak ng pangungusap

Hal: Orihinal na pangungusap-

-Ang mag-aaral ay iskolar.

Pinalawak na pangungusap-

-Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling


magtalumpati at magbalagtasan ay iskolar ng pamahalaan ng
paaralang SPCT.
Morpolohiya (palabuuan)
Mga Bahagi ng Pananalita

a. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)


1) Mga Nominal
a) Pangngalan b) Panghalip
2) Pandiwa
3) Mga Panuring
a) Pang-uri b) Pang-abay

b. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)


1) Mga Pang-ugnay
a) Pangatnig b) Pang-angkop c) Pang-ukol
2) Mga Pananda
a) Pantukoy b) Pangawing
Leksikon ( bokabularyo)
Dalawang Dimensyon sa Pagpapakahulugan ng Salita

1. Denotasyon - tumutukoy sa literal na kahulugan

Hal: Kailangang mag-ingat ang lahat sa kagat ng ahas


lalo na ang King Cobra dahil makamandag ito.

2. Konotasyon - nagsasaad ng di tuwirang kahulugan

Hal: Huwag masyadong magtiwala sa mga kaibigan mo


dahil ang iba sa kanila ay maaaring ahas, tinutuklaw ka na
pala nang palihim.
Semantiks(pagpapakahulugan)
Dalawang Dimensyon sa Pagpapakahulugan ng Salita

1. Denotasyon - tumutukoy sa literal na kahulugan

Hal: Kailangang mag-ingat ang lahat sa kagat ng ahas


lalo na ang King Cobra dahil makamandag ito.

2. Konotasyon - nagsasaad ng di tuwirang kahulugan

Hal: Huwag masyadong magtiwala sa mga kaibigan mo


dahil ang iba sa kanila ay maaaring ahas, tinutuklaw ka na
pala nang palihim.
Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (Simile)

-Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,


pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad
ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya,
mala, ga, kamukha, kapara, ng atbp.

Halimbawa :

1. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.

2. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.


2. Pagwawangis (Metaphor)

-Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan


ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo
atbp.

Halimbawa :

1. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas


ng buhay.

2. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan


3. Pagsasatao (Personification)

-Nagsasalin ng talino,gawi at katangian ng tao sa bagay


na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.

Halimbawa :

1. Lumuluha ang liham ng natanggap ni Carlo.

2. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.


4. Pagmamalabis/Eksaherasyon (Hyperbole)

-Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at


kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.

Halimbawa :

1. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.

2. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa


ingay.
5. Pag-uyam (Sarcasm)

-Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay,


tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na
kahulugan ay may bahid na pag-uyam

Halimbawa :

1. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil


mong mga taghiyawat.

2. Talaga palang masipag ka,wala kang ginawa kundi


matulog maghapon.
6. Paglilipat-saklaw (Synecdoche)

-Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya


bilang katapat ng kabuuan.

Halimbawa :

a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.

b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pagaararo.


7. Pagtawag (Apostrophe)

-Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang


nakikipagusap sa isang buhay na tao.

Halimbawa :

1. O, tukso layuan mo ako.

2. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.


8. Pagpapalit- tawag (Metonymy)

-Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay


na magkaugnay.

Halimbawa:

1. Dapat nating igalang ang puting buhok.

2. Si Haring Garen ang nagmana ng korona.


Ponolohiya (palatunugan)
Hal: a) b)
pon
ha 3
3 ka
ka 2
2 ha
pon 1
1
3.Haba
Hal: a) BUhay- buHAY Hal: a) ma: laman / mala : man
b) baKA - BAka b) kai : bigan / kaibi : gan

Hal: a) Hindi puti / Hindi, puti

b) Hindi, ako ang nagnakaw. /


Hindi ako ang nagnakaw.
Ortograpiya(palabaybayan)
MGA URI NG BANTAS

1. . - tuldok
2. ? - tandang pananong
3. ! - tandang padamdam
4. : - tutuldok
5. “ ”- panipi
6. ; - tuldok kuwit
7. - - gitling
8. ’ - kudlit
1. TANDANG PANANONG
a. pangungusap na patanong

Hal: Bakit wala kayo nakarang Biyernes?

2. TANDANG PADAMDAM
a. sa dulo ng kataga, salita, o pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin

Hal. Napakagaling mo!


Wow! Ikaw nga ang tunay na bayani.

3. GITLING
a. sa pagitan ng salitang inuulit

hal. iba-iba, araw-araw


b. pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig na g at salitang-
ugat na nagsisimula sa patinig

hal. tag-init, mag-ina

c. pagitan ng panlaping ika at tambilang

hal. ika-6

d. pagitan ng panlaping maka o taga at ng pangngalang pantangi

hal. Taga-Pasig maka-Pilipino

e. pagitan ng tambalang di-ganap

hal. agaw-buhay
4. KUDLIT
a. sa pagdidikit ng kataga sa salita, kudlit ang
ipinapalit sa nawawalang letra

hal. Siya ay - siya’y


kaya at - kaya’t

5. TUTULDOK
a. simula ng sunud-sunod na tala

b. oras na tambilang

hal. Ika-3:00 ng hapon


5. PANIPI
a. sa tuwirang sinabi ng nagsasalita

hal. “Makinig kayo,” ang sabi ng guro.

b. sa pamagat ng akda na nasa gitna ng


pangungusap

hal. Ang “Paksiw na Ayungin” ay isinulat ni


Jose F. Lacaba.
Kakayahang sosyolingguwistiko

- kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon.


Hindi lamang ito nakatuon sa pagiging tama ng kayarian ng pahayag
kundi sa pagiging nararapat nito, depende sa kung sino ang kausap, saan
nagaganap ang usapan, ano ang gamit sa pakikipag-usap at kailan
nagaganap.

- naimpluwensyahan ng kultura ng mga taong nag-uusap dahil may


kanya-kanyang pamantayan ang bawat kultura ng kung ano ang
katanggap-tanggap na pagpapahayag.

- isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal

- ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay iniaangkop ang


wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap ba ay bata o
matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtapos, lokal ba o dayuhan.
Kakayahang istratedyik /estratehiko

- kakayahang magagamit ng tao sa mga sitwasyong pangkomunikasyon


na hindi inaasahan. Pangunahing puhunan dito ang mabilis na pag-iisip
at likas na pagiging sensitibo sa mga taong sangkot sa komunikasyon.

- kakayaahang tugunan ang nararanasang suliraning pangkomunikasyon


upang maiparating nang malinaw ang talagang nais sabihin o upang
kahit paano’y magkaintindihan ang nag-uusap.

- hinihingi ng kakayahang ito ang deskarte ng tagapagpahayag dahil


dumarating nang hindi inaasahan ang mga balakid sa komunikasyon, at
kung mabagal mag-isip ang nagsasalita o hindi sanay sa dapat sabihin,
maaaring tuluyang gumulo ang komunikasyon at mabigo siya sa
pagpaparating ng kanyang mensahe.
Kakayahang diskorsal/ pandiskurso

- kakayahang pagsama-samahin ang mga pangungusap upang makabuo


ng iba’t ibang uri ng teksto, pasalita at pasulat, na may wastong
kayarian. Dahil sa kakayahang ito, nagagawa ng tao na makabigkas o
makasulat ng iba’t ibang genre ng diskurso gaya ng kuwento, tsismis,
balita, talumpati, sanysay, batas, mga patalastas at babala, tula, maikling
kuwento, nobela, at dula. Kasama rin sa kakayahang ito ang mabisang
pag-unawa sa mga tekstong napapakinggan o nababasa.

- nakabatay sa kakayahang retorikal.

- ang isang taong may kakayahan nito ay nakapagbibigay rin ng wastong


interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag
upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Kakayahang pragmatik

- natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di


sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito
ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa
paggamit at sa konteksto.

- nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita


o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.

- sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensyon


ng nagsasalita dahil mauunawaan nito ng tagapakinig.
Mga Dapat Isalang-alang sa Mabisang Pakikipagtalastasan/ Epektibong
Komunikasyon na Ginamit ni Hymes ang acronym na SPEAKING
bilang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso (p. 164-
166)

1. S – (Setting)

2. P – (Participant)

3. E – (Ends)

4. A - (Act sequence)

5. K - (Keys)

6. I - (Instrumentalities)

7. N - (Norms)

8. G - (Genre)
Dalawang Uri ng Komunikasyon

1. Verbal - tawag sa komunikasyon kapag ito ay


ginagamitan ng wika o salita at mga titik na
sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.

2. Di Verbal - kapag di gumagamit ng salita bagkus


ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan
upang maiparating ang mensahe sa kausap.

- mahalaga ang uri ng komunikasyong ito dahil


inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap,
nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinanatili nito ang
resiprokal na interaksyon ng tagapagpadala at tagatanggap
ngmensahe.
Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di Verbal na
Komunikasyon (p. 181-182 )

1. Kinesika – (Kinesics)

2. Ekspresyon ng mukha - (Pictics)

3. Galaw ng mata – (Oculesics)

4. Vocalics

5. Pandama o Paghawak – (Haptics)

6. Proksemika - (Proxemics)

7. Chronemics
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang
Pangkomunikatibo ayon kina Canary at Cody (p.
197-198)

1. Pakikibagay (Adaptability)

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)

4. Pagkapukaw-damdamin (Emphathy)

5. Bisa (Effectiveness)

6. Kaangkupan (Appropriateness)

You might also like