You are on page 1of 40

Huwag kaligtaan

magdasal bago
magsimula.
MAGANDANG ARAW!
1. Ang uri ng tekstong
naglalahad ng mga
impormasyon tungkol sa
maraming bagay na may
pinagbabatayan.
2. Ang uri ng tekstong ito na
tumutukoy sa
pagsasalaysay na isinulat o
ikinuwento
ang mga tiyak na
pangyayari, kilos, at galaw
sa isang tiyak na panahon.
3. Ang uri ng teksto na
nagbibigay kung paano
gumawa ng isang bagay o
kaya’y maisakatuparan ang
mga hakbangin.
4. Ang uri ng tekstong
gumagamit ng mga salitang
naglalarawan. Binubuhay
nito ang imahinasyon ng
sinomang babasa ng
teksto.
5. Ang uri ng tekstong ito
na ang layunin ay
mangatwiran.
g
a la gan
h
M aha
n g a
a n g ian
g B inas
at n
an at K T e ksto
g g
K a hulu ng Uri n
oy n
g ba
t uk I ba’t I
: Pag amit ng
2 Gin
D YUL ng
MO ta
Sali
1. BIGKASIN ang salita. Madalas ay
nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin
ang kahulugan ng salita kapag narinig natin
itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali
ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng
ibang pagpapakahulugan.
2. Suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan
kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o
tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang
magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din
kung sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang,
halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-
uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal
ang katangian ng salita.
3. pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang
kahulugan ng salita batay sa kung paano ito
ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang
pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi
pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa
diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng
aklat kung mayroon ito.
Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga
salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at epektibo ang
pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga
paraan kung paano mabibigyang kahulugan
ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng
kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran
tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang
kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga
diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o
pahayagan.

Halimbawa :
pambihira - katangi-tangi
2. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o
barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng
magkatulad na kahulugan

Halimbawa :
Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang
pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.

Halimbawa :
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong.
Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan
ay nakararanas tayo ng hirap at minsan naman
ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa
pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't
ibang pagpapakahulugan sa salita kapag
nilalapian.
Halimbawa :
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang
natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-
aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag
at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga
salitang ginamit.

Halimbawa :
Di-maliparang uwak – malawak
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa
antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar
na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong
dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga
salita upang maging pamilyar sa katangiang
tinataglay nito.
A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at
kinikilala o ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat
sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:
asawa, anak, tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga
malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang
malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng
Pagmamahalan
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na
karaniwan, palasak, at pang araw- araw.
Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa
partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita,
maaaring may kagaspangan nang kaunti, maaari
rin itong refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa
salita.

Halimbawa:
Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng
sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa
sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (bente pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis)
Tong (wheels)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa:
Buwaya (Crocodile)
Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)
Papa (father/lover)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam - paki
Malay ko at pakialam ko -ma at pa
Anong sinabi -ansabe
Anong nangyari -anyare
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
5. Pagbabaliktad
Halimbawa:
Etneb- bente
Kita- atik
Ngetpa- panget
Dehin- hindi
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine
PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay
AWIT- AW ang sakIT
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak / palpak -Bigo
Torpe / Tyope /Torpe -naduwag
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Bow na lang ng Bow
Mag-MU
Mag-jr (joy riding)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45-Baril
143- I love you
50/50- naghihingalo
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti - isputing
Kulang -kulongbisi
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at
Pagdaragdag)
Halimbawa:
Hiya-yahi-Dyahi
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon-Talon-Lonta
Sigarilyo-Siyo-Yosi
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
14. Panghihiram at pagpapaikli
Halimbawa:
Security -Sikyo
Brain Damage - Brenda
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang
balbal:
15. Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get -Gets/Getsing
Cry -Crayola
Subukin:
Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga
salita na may kinalaman sa COVID-19

Suriin:
Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang
kahulugan at katangian ang mahahalagang salitang
ginamit sa teksto.
Isagawa
Gawain 1:
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig na kinakaharap
ang problema kaugnay ng pandemyang COVID-19.
Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit sa loob ng
teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito.

Tayahin:
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salita na ginamit sa iba’t ibang tekstong binasa.
Karagdagang Gawain:
Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang
nabasa. Itala ang mga salita, kabisahin ang kahulugan nito
at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang
kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.

You might also like