You are on page 1of 24

AYUSIN MO AKO!

1. KSAPA PAKSA
2. PGURIANA PANAGURI
3. PALIPANGH PANGHALIP
4. PWAANDI PANDIWA
5. PHALIPANG PANGHALIP
Mga Uri ng
Pangungusap
ayon sa
Tungkulin
Taga ulat: Shiela Jane C. Dumlao
DALAWANG BAHAGI NG
PANGUNGUSAP
May dalawang panlahat na bahagi o sangkop ang batayang pangungusap sa
wikang Filipino:

● Ang panaguri (predicate)


● Ang paksa (subject)
Paksa Panaguri

Ang umaga ay maaliwalas.


ANG PAKSA
Ang paksa (tinatawag itong simuno sa Matandang Balarila)
• ay bahagi o sangkap na binibigyang-pansin sa loob ng pangungusap. Ito ang
nagpapahayag at nagsasaad ng pokus o tuon ng pangungusap.
• Ang bawat paksa ay maaaring kumatawan sa bagay, tao, ideya, kilos at iba pa na
siyang ibinabahagi ng ispiker sa kanyang awdyens. Maari itong buuin ng isang salita,
parirala o isang sugnay.
Santiago at Tiangco: 2003
• Ginagamit sa kasalukuyan ang katawagang paksa (topic) sa halip na simuno sapagkat
higit itong nagbibigay ng angkop na kahulugan. Kahit sa simpleng usapan o umpukan,
salitang paksa ang kumakatawan sa pinag-uusapan. Dito umiikot ang lahat ng sinasabi
ng nagsasalita. Kadalasan, ang paksa ang tema ng anumang usapan- maliitan man o
malakihang pag-uusap.
IBA’T IBANG URI NG PAKSA
1. Paksang Pangngalan/ Pariralang Pangngalan.
Ang pangngalan o noun ay tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, pook, pangyayari at iba pa. Bukod dito,
tumutukoy rin ito sa anumang salita na pinangungunahan ng
mga panandang ang,ng, sa, ni, kay at ang mga maramihang
anyo nito tulad ng ang, mga, ng, mga, sina, nina, kina.
Ang pangungusap ay mayroong paksang pangngalan kung ang
paksa ay nagtataglay ng pangngalan na pinangungunahan ng
panandang ang at si. Ito ay maaaring lagumin sa:

ang/ ang mga + di-markadong pangngalan


si/sina+ personal na pangngalan

Halimbawa:
o Nagpadala agad ng tulong ang NDCC.
o Magiging abala sa palatuntunan ang paaralan.
o Nanalo sa eleksyon si Nonoy.
o Tumawid sa mahabang tulay si Kistine.
2. Paksang Panghalip/Pariralang Panghalip.
Sa payak na kahulugan, ang panghalip o pronoun ay
mga salita o katagang pamalit o ipinanghahalili sa pangngalan.
May iba’t ibang uri ng panghalip- mayroong panghalip
panao, panghalip pamatlig at panghalip pananong.
Sinasabing ang pangungusap ay mayroong panghalip
kung ang paksa nito ay nagtataglay ng panghalip panao sa
anyong ang tulad ng ako, siya, kami, sila, kita.
Halimbawa:
o Tumutulong sila sa pamamahagi ng regalo.
o Pumasyal kami sa magagandang tanawin ng Bulkang
Taal.
o Sasabay ako sa b’yahe papuntang Maynila.
o Padadalhan kita ng makahulugang SMS.
3. Paksang Pang-uri/Pariralang Pang-uri
Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ay
tumutukoy sa anumang salitang naglalarawan ng tao,
bagay, pook, pangyayari at iba pa. Bukod dito, ang
mga pang-uri rin ay iniuugnay sa mga pangngalan at
panghalip nang sa gayon ay maipakita ang katangian
nito.
Ang pangungusap ay masasabing may paksang pang-uri kung
ang paksa nito ay nagtataglay ng pang-uri o mga salitang
nagsasaad ng paglalarawan na kadalasang pinangungunahan ng
panandang ang. Ito ay maaring lagumin sa:

ang + pang-uri
Halimbawa:
o Natalo sa laro ang madaya.
o Masarap kausap ang magalang.
o Hindi nagwawagi ang palaayaw.

12
4. Paksang Pandiwa/ Pariralang Pandiwa.
Ang pandiwa o verb tumutukoy sa anumang
salitang nagsasaad ng kilos, proseso, pangyayari,
karanasan o damdamin. Bukod dito, ito ang salita o
mga salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa
pangungusap.
Ang pangungusap ay masasabing may paksang pandiwa kung
ang paksa nito ay nagtataglay ng pandiwa o yaong mga
salitang nagsasaad ng kilos na kadalasang pinangungunahan ng
panandang ang/ang mga. Maari itong lagumin sa:

ang/ang mga + pandiwa


Halimbawa:
o Pakainin natin ang mga nagsipaglakad.
o Masarap pakinggan ang umaawit.
o Kamag-anak ko ang mga dumarating.
5. Paksang Pang-abay/Pariralang Pang-abay.
Ang pang-abay o adverb ay tumutukoy sa mga
salitang nagbibigay-turing o nagbibigay-buhay sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ang mga ito ay
makikilala sapagkat madalas itong kasama ng pandiwa,
pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.
Ang pangungusap ay masasabing may paksang pang-abay
kung ang paksa nito ay nagtataglay ng pang-abay o yaong mga
salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay na kadalasang pinangungunahan ng panandang ang.
Ito ay maaring lagumin sa:

ang + pang-abay
Halimbawa:
o Huwag mong kalilimutan ang nakaraan.
o Maglalaro ang dito. Ang doon ay magsasayaw.
o Kinalulugdan ang magaling makipagkapwa.
6. Paksang Pawatas o Batayan ng Pandiwa / Pariralang
Pawatas.
Ang pandiwa ay nasa pawatas na anyo kung ito ay
wala pang impleksyon o pagbabago upang ihayag o ipakita
ang aspekto nito. Ito ang nagsisilbing batayan ng pandiwa.
Halimbawa nito ang salitang magsaing. Kung susuriin, hindi
pa natin natutukoy kung ano ang aspekto ng pandiwang ito-
kung imperpektibo, perpektibo, kontemplatibo, o
katatapos ba.
Pero maari itong magbago upang maipakita ang aspekto nito
tulad ng:

pawatas imperpektibo perpektibo kontemplatibo kakatapos

magsaing nagsasaing nagsaing magsasaing kasasaing


Ang pangungusap ay masasabing may paksang pawatas kung
ang paksa nito ay nagtataglay ng pandiwang nasa pawatas na
anyo o yaong batayan ng pandiwa na kadalasang
pinangungunahan ng panandang ang. Ito ay maaaring lagumin
sa:

ang + pawatas
Halimbawa:
o Pangarap niya ang magsayaw.
o Kinahuhumalingan ng mga kabataan ang maglaro (ng
DOTA).
o Kinababagutan niya ang mag-aral.
PAGSUSULIT
1. Ano dalawang bahagi ng pangungusap?
2. Ayon sa kanila ang paksa ay “ginagamit sa kasalukuyan ang
katawagang paksa (topic) sa halip na simuno sapagkat higit
itong nagbibigay ng angkop na kahulugan.”
3. Ibigay ang anim (6) na uri ng pangungusap at bigyan ng
sariling kahulugan batay sa inyong na intindihan.
Maraming
salamat sa
inyong
pakikinig!

You might also like