You are on page 1of 30

Gawain 1: PictoMath!

Mabatid
Tagalog
Bonifacio
Tanong:
1. Ano kaya ang magiging pamagat ng ating
paksa sa araw na ito?
2. Sa tingin niyo bakit pinamagatan ni Andres
Bonifacio ang kanyang sanaysay na ang dapat
mabatid ng mga tagalog?
3. Bakit kaya naisulat ni Andres Bonifacio ang
sanaysay na ang dapat mabatid ng mga tagalog
?
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
“sanhi at kapighatian ng pilipinas”
Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 5 minuto para gawan ng sariling pagsusuri ang
sanysay na Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, at mula sa tekstong binasa bawat pangkat
ay bibigyan ng iba’t ibang gawain :
Unang Pangkat:
 Pagkilala sa may akda
 Layunin ng may akda
Pangalawang Pangkat:
 Layunin ng kabuuang sanaysay
 Istilo ng pagkakasulat
Ikatlong Pangkat:
 Tema/paksa ng akda
 Ipinahayag ng tagapagsalita sa akda
Ikaapat na Pangkat
 Ang impormasyong ibinigay ng awtor tungkol sa paksa
Pamantayan

Kaangkupan ng nilalaman 25 pts.

Presentasyon 15 pts.

Pamamahala sa oras 10 pts.

Kabuuan 50 puntos
Tanong:
1. Bakit kaya naisulat ni Andres Bonifacio ang
akdang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog?
2. Ano ang layunin na nais ipabatid ng akda sa
atin bilang pilipino?
3. Gaano nga ba kahalaga ang pagkakaroon ng
kalayaan noon sa panahon ng pananakop ng
mga dayuhan?
Panuto: Sagutin ang 3-2-1 Tsart na nakapaskil sa ibaba na nagpapakita
ng 3 bagay na iyong natutuhan, 2 bagay na interesado kang mas
malaman, at 1 katanungan na gumugulo sa iyong isipan.

3 bagay na 2 bagay na 1 katanungan na


natutuhan interesado kang mas gumugulo sa iyong
malaman isipan
Panuto: piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat
katanungan.

1. Ano ang ibig sabihin ng pamagat na “Ang dapat mabatid ng mga


Tagalog”?

a) Ang kailangang malaman ng mga Pilipino


b) Ang mga natututuhan ng mga Tagalog
c) Ang pakikipaglaban ng mga Tagalog
d) Ang pagiging responsableng mga Tagalog
2. Ano ang layunin ng sanaysay ni Andres Bonifacio?

a) Magturo ng mga tradisyon ng mga Tagalog


b) Ipakita ang kasaysayan ng mga Tagalog
c) Manghikayat ng pagmamahal sa bayan at pagbabago
d) Magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng sanaysay
3. Ano ang mensahe ni Bonifacio tungkol sa mga Tagalog?

a) Sila ang pinakamahalagang grupo sa Pilipinas


b) Dapat maging lider ang mga Tagalog sa rebolusyon
c) Lahat ng mga Tagalog ay dapat magkaisa at magtiwala sa isa’t isa
d) Ang mga Tagalog ang dapat na maging halimbawa sa ibang mga
grupo
4. Ano ang ipinapahiwatig ni Bonifacio sa paggamit ng wika sa
sanaysay?

a) Ang paggamit ng Tagalog ay isang porma ng pagpapahalaga sa


ating kultura
b) Ang ibang wika ay hindi kasinghalaga ng Tagalog
c) Dapat lahat ng Pilipino ay matuto at gamitin ang Tagalog
d) Ang mga dayuhan ay dapat matuto at gamitin ang Tagalog
5. Ano ang ipinapakita ng sanaysay ni Bonifacio tungkol sa kahalagahan
ng edukasyon?

a) Mahalaga ang edukasyon upang umunlad ang buhay ng mga


Tagalog
b) Dapat magkaroon ng malalim na edukasyon ang mga Tagalog
c) Ang edukasyon ay susi sa pagkakaisa at pagbabago ng lipunan
d) Ang edukasyon ay dapat ibinibigay lamang sa mga Tagalog
6. Ano ang mensahe ni Bonifacio tungkol sa pagkakaisa sa sanaysay?

a) Ang pagkakaisa ay mahalaga upang makuha ang kalayaan


b) Ang pagkakaisa ay para lamang sa mga Tagalog
c) Ang pagkakaisa ay hindi mahalaga sa lipunan
d) Ang pagkakaisa ay dapat manggaling sa mga dayuhan
7. Ano ang pinakamahalagang kaisipan na ibinahagi ni Bonifacio sa
sanaysay?

a) Ang kahalagahan ng pagkakaisa at rebolusyon


b) Ang tungkulin ng mga Tagalog bilang mamamayan
c) Ang kasaysayan at kultura ng mga Tagalog
d) Ang mga hamong hinaharap ng mga Tagalog sa lipunan
8. Saan nagmula ang mga kaisipang ipinahahayag ni Bonifacio sa
sanaysay?

a) Mga karanasan bilang lider ng Katipunan


b) Mga pag-aaral at pagsusuri sa kasaysayan
c) Mga karanasan bilang isang manggagawa
d) Mga kadalagahan at kakilala sa lipunan
9. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Tagalog” sa konteksto ng sanaysay?

a) Isang partikular na grupo ng tao


b) Isang wikang kasama sa mga etnikong wika
c) Ang mga mamamayang Pilipino
d) Ang pangunahing wika ng Pilipinas
10. Ano ang ipinapahayag ni Bonifacio tungkol sa pagkakaroon ng lakas
ng loob?

a) Ang lakas ng loob ay mahalaga upang makamit ang tagumpay


b) Ang lakas ng loob ay hindi mahalaga sa pagbabago
c) Ang lakas ng loob ay dapat manggaling lamang sa mga lider
d) Ang lakas ng loob ay hindi makakamit ng mga Tagalog
11. Ano ang mensahe ni Bonifacio tungkol sa katamaran sa sanaysay?

a) Hindi dapat maging tamad ang isang mamamayan


b) Ang tamad ay walang puwang sa lipunan
c) Ang mga tamad ay dapat palayasin sa bansa
d) Ang tamad ay dapat parusahan ng pamahalaan
12. Ano ang ipinahahayag ni Bonifacio tungkol sa papel ng bawat
mamamayan sa pagbabago?

a) Lahat ng mamamayan ay may tungkulin upang maging aktibo sa


pagbabago
b) Tanging mga lider lamang ang may tungkulin upang magsulong ng
pagbabago
c) Ang mga pangunahing lider lamang ang may tungkulin upang
magsulong ng pagbabago
d) Hindi mahalaga ang papel ng bawat mamamayan sa pagbabago
13. Ano ang panawagan ni Bonifacio sa mga kadakilaan ng mga
Tagalog?

a) Magbabalikat, kumilos, at gumawa ng aksyon.


b) Manahimik at sundin ang mga utos ng mga Kastila.
c) Ituring ang kasaysayan bilang pagkakamali at pang-aapi.
d) Ipagpatuloy ang mga katutubong pamamaraan at paniniwala.
14. Saan nais ng mga Tagalog na magkaroon ng pag-asa at liwanag ang
kanilang landas?

a) Sa Simbahan at mga seremonya ng pananampalataya.


b) Sa edukasyon at paglinang ng kaalaman.
c) Sa pamahalaan at pagkakaroon ng kapangyarihan.
d) Sa pagsunod sa mga batas at alituntunin ng mga Kastila.
15. Ano ang ibig sabihin ni Bonifacio ng “Tagalog”?

a) Isang lahi o pangkat etniko.


b) Isang lokal na wika at kultura.
c) Lahat ng mamamayan ng Pilipinas.
d) Manipis at mababaw na pagkakakilanlan.
Susi sa pagwawasto:
1. A 6. A 11. A
2. C 7. A 12. A
3. C 8. A 13. A
4. A 9. C 14. B
5. C 10. A 15. C
Panuto: Gumawa ng isang repleksiyong papel tungkol sa ginawang
pagsusuri sa sanaysay na Ang dapat mabatid ng mga Tagalog ni
Andres Bonifacio. Ilagay sa activity notebook.

PAMANTAYAN
Nilalaman 20 pts.

Organisasyon ng ideya 15 pts.

Kaangkupan 10 pts.

Pamamahala sa oras 5 pts.

KABUUAN 50 puntos

You might also like