You are on page 1of 5

BIT International College

City of Tagbilaran

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Issue Date Prepared by: Reviewed by: Approved by:
Revision Status 0 CIPRIANO A. _____________ ________________
BAYOTLANG JR.,LPT Program Chair Dean
Revision Date 0 Instructor
PAGSUSULIT SA MIDTERM - FIL 116
(Panunuring Pampanitikan)

Pangalan: __________________________ Kurso at Taon:_______Petsa:_____ Admission #: ______

GENERAL INSTRUCTION: STRICLTY NO ERASURES


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamit ang inilalarawan ng _____________________.
a. Imahismo b. Realismo c. Istrukturalismo d. Dekonstruksyon
2. Sa pagtatalakay at pagsusuri ng isang akda, kadalasa’y napagtutuunan ng pansin ang mga detalye, elemento at bahagi nito
upang itanghal ang pagiging masining at malikhain nito. Anong pagdulog sa panunuring pampanitikan ang napapaloob dito?
a. Moralistiko b. Istaylistik c. Pormalistiko d. Bayograpikal
3. Alin sa mga sumusunod ang katanggap-tanggap na syentipikong pananaliksik pangwika na may angkop na pamagat alinsunod
sa mga patakaran at pamantayan?
a. Isang sarbey sa Oportunidad na Makapagtrabaho at mga Programang Pagsasanay sa Wika
b. Estilo ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon sa Sekondari at Kaugnayan nito sa Kanilang Kakayahang
Komunikatibo: Batayan para sa Mungkahing Balangkas Pandiskurso
c. Isang Pag-aaral hinggil sa Kalakasan at Kahinaan sa Filipino ng mga Mag-aaral
d. Kaalamang Pambalarila at Pampanitikan ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralang Arambulo
4. Basahin at unawain ang sumusunod na tanong ng guro sa pagsusuri ng isang akda. Ang mga tagpo sa kwento ay nagpapakita
ng takot, pangamba at pagkabigo ng tauhan. May paraan pa kaya upang ang mga ito’y mapagtagumpayan?
Anong dulog sa panunuring pampanitikan ang ipinamalas sa nabanggit na tanong?
a. Sosyolohikal b. Sikolohikal c. Moralistiko d. Istaylistik
5. May mga akdang sumasalamin sa mga kababaihan, ang kanilang buhay, pakikipagsapalaran, karapatan at papel na
ginagampanan sa lipunan. Sino sa mga sumusunod na may-akda ang kadalasang nagtatampok ng ganitong anyo ng akda?
a. Elena Patron b. Lualhati Bautista c. Liwayway Arceo d. Genoveva Edroza-Matute
6. Malinaw ang epekto ng mga salita sa imaheng nabuong salita ay epekto ng _________________.
a. Eksistensyalismo b. Humanismo c. Realismo d. Imahismo
7. Alin sa mga sumusunod ang naiiba?
a. Humanismo b. Klasismo c. Dekonstruksyon d. Nasyonalismo
8. Ang tao’y indibidwal na may pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan. Alin sa mga sumusunod na teoryang pampanitikan
ang binigyang linaw dito?
a. Eksistensyalismo b. Naturalismo c. Klasismo d. Realismo
9. Paano napapalutang ang diwa ng teoryang humanismo sa isang akdang pampanitikan?
a. Napahahalagahan ang katotohanan kaysa sa kagandahan
b. Pinapalutang ang kalayaan at awtentiko ng akda
c. Binigyang pokus ang pagkahubog at paglilinang sa tao
d. Inilalarawan nang lubusan upang maging tiyak ang inaasahang imahe
10. Ang teoryang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag na _________________.
a. Humanismo b. Feminismo c. Klasismo d. Pormalismo
11. Ipinakikita sa isang akdang pampanitikan ang kasuklam-suklam na detalye ng buhay ng mga tauhan. Alin sa mga sumusunod
na teorya ang tinutukoy dito?
a. Realismo b. Pormalismo c. Feminismo d. Naturalismo
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng katuturan sa teoryang feminismo?
a. Naglalayong iwasto ang mga maling pananaw ng kababaihan sa lipunan
b. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa sa kagandahan
c. Inilarawan ang pagkakapantay-pantay ng dalawang kasarian
d. Ipinaglaban ang pagbibigay ng kapangyarihang gumamit ng lengguwahing magaspang
13. Kung nais mong bigyang tuon ang mga salik na nakapaloob sa akda gaya ng buhay ng may-akda, iba’t ibang sitwasyong
politikal na lumulutang sa akda at ang tradisyonal at kombensyonal na pagtatalakay sa akda, anong teoryang pampanitikan ang
pinakaangkop mong gagamitin dito?
a. Historikal b. Humanismo c. Marxismo d. Imahismo
14. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng teoryang dekonstruksyon maliban sa isa.
a. Patuloy at walang hanggang pagbabago ang nais pairalin
b. Humuhubog sa kamalayang panlipunan
c. Winawasak ang kabuuan ng Sistema
d. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamit
15. Ang pormolasyon ng palilinawing mga simulain ay tinatawag na ________________.
a. Teorya b. Adbokasiya c. Bisyon d. Misyon
Para sa bilang 16 hanggang 19, basahin at unawaing mabuti ang seleksyong nasa kahon.

Kabataan: Pag-asa ng Bayan

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang sinabi ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Malaki ang pagtitiwala niya sa angking
talino at kakayahan ng mga kabataan. Naniniwala siya mahahango ang bansang Pilipinas sa tiyak na kasawian kung sila, ang mga kabataan,
ang magkakaroon ng tunay na pag-ibig sa bayan.

Maraming maitutulong ang mga kabataan sa pagpapaunlad sa bansa. Maaaring simulan nila ang pagmamalasakit sa kani-kanilang mga
pamayanan. Sa mga proyektong inilulunsad ng pamahalaan, may mga gawaing pangkabataan katulad ng pagpapaganda ng kapaligiran at
paglilinis ng mga sari-sariling bakuran. Makatutulong din ang mga kabataan sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa mga pamayanan.
Ngunit, bakit tila yata ang mga kabataang ito ang bibigo sa dakilang pangarap sa yumaong bayani? Bakit tila nais nilang sikilin ang damdaming
makabayang siyang sandata sa pagtatanggol sa Inang Bayan?

Mula sa Likha IV nina Samonte, et al.

16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamayanan?


a. Pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan. c. Paglilinis ng mga sari-sariling bakuran.
b. Pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan. d. Pakikiisa sa kapuwa kabataang may masamang bisyo.
17. Paano maiaahon ng kabataan ang bansang Pilipinas sa tiyak na kasawian?
a. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa bayan.
b. Sa pamamagitan ng pagtugon sa kani-kaniyang kagustuhan lamang.
c. Parehong tama ang a at b
d. Walang tamang sagot.
18. Ano ang nadarama ng may-akda sa kabataan sa kanyang ipinahiwatig sa dalawang huling pangungusap ng talata?
a. Tuwa sapagkat tunay na pag-asa ng bayan ang kabataan.
b. Lungkot dahil tila bibiguin ng mga kabataan ang paniniwala ni Rizal.
c. Galak dahil patuloy ang kabataan sa pagpapaunlad ng bayan.
d. Dalamhati sapgkat naaalala niya ang kabataan ni Rizal.
19. “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.” Ano ang implikasyon ng pangungusap na ito?
a. Masagana ang bayan. b. Mapayapa ang bayan. c. May suliranin ang bayan. d. May bayani ang bayan.
20. Ano ba ang mahalagang aral na mapupulot mula sa akdang binasa na magagamit sa ating buhay?
a. Tunay na pagmamalasakit nang makatulong ng buo sa bayan
b. Pagmamahal sa bawat ginagawa
c. Pagtitiwala sa ginagawang pagpapakumbaba
d. Pagpapatibay sa alituntunin sa kapaligiran nang masimulan na ang programa
Para sa bilang 21 hanggang 23, basahin at unawaing mabuti ang seleksyong nasa kahon.
Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay? Sapagkat naging malawak at masalimuot ang buhay ng tao sa daigdig,
kasama na ang mga kaugalian ng mga tao. Sa pagbabasa, naririto ang kasanayan sa pagkilala ng mga salita, pag-unawa,
paggamit ng sanggunian, mga kasanayan sa pag-iisip, panlasa, saloobin at kawilihan. Dagdag pa rito ang pagpasok ng mga
bagong kaalaman, mga bagong tuklas sa larangan ng siyensiya, teknolohiya, sining. Ang mga balitang pandaigdig at babasahing
inilalathala taun-taon, ang mga mahuhusay na aklat sa aklatan na di pa man malalaman o nababasa ng isang tao sa buong
buhay niya ilan sa mga bagay-bagay na maaaring bigyang pansin sa pagbabasa.

Hango sa: Gamiting Pilipino nina Buensuceso, et al

21. Ano ang pangunahing diwa sa seleksiyon?


a. Ang bilang ng nababasa c. Ang kahalagahan ng pagbabasa
b. Ang kahalagahan ng aklat d. Ang hirap ng pagbabasa
22. Bakit mahalaga ang pagbabasa?
a. Sapagkat sa halos lahat ng gawain, kasangkot ang pagbabasa.
b. Sapagkat mararating ang daigdig ng pangarap sa pagbabasa.
c. Lahat ng nabanggit ay tama.
d. Walang tamang sagot.
23. Ano ang pinakamainam na pamagat ng nabasa?
a. Ang Kahalagahan ng Pagbabasa c. Pagbabasa ng mga Pilipino
b. Pagbabasa at Kaunlaran d. Sa Makulay na Mundo ng Pagbabasa
24. Si Lyn ay nagtatrabaho sa Maynila noong siya’y labing-anim na taong gulang pa lamang. Nagkaroon siya ng anak sa murang
edad nito dahil sa paggahasa ng kaniyang malupit na amo at walang awang inalipusta ang kaniyang pagkababae. Anong teoryang
pampanitikan ang binigyang tuon dito?
a. Queer b. Marxismo c. Feminismo d. Humanismo
25. Ito ay tumutukoy sa kasanayang pagkilala ng mga salita, pag-unawa sa bawat titik at pagkakaroon ng bagong kaalaman.
a. Pagbabasa b. Pagsasalita c. Pakikinig d. Pagsusulat
26. Ang mga sumusunod ay ang nagpapatibay sa teoryang imahismo maliban sa isa.
a. Malinaw ang epekto ng mga salita sa imahe ng nabuong tula.
b. Gumamit ang makata ng salitang malalim at di-pangkaraniwan.
c. Eksaktong mga imahe nang hindi nagmamalabis.
d. Pareho ang a at b
27. Higit na matipid ang paggamit sa wika at hindi marangal ang labis na pagkaemosyonal. Anong dulog pampanitikan ang
binigyang diin dito?
a. Humanismo b. Marxismo c. Naturalismo d. Klasismo
28. Hindi binibigyang-diin sa teoryang pormalismo ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang
mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. Ano ang katuturan sa salitang nakasalungguhit?
a. Implikasyon sa kasalukuyan c. Kwento sa hinaharap
b. Salaysay sa nakaraan d. Pareho ang a at b
29. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Kalayaan at awtentiko b. Simpleng tauhan c. Katangiang natural d. Kasuklam-suklam na detalye
30. Iniuugnay nito sa pag-aaral sa literature sa istruktura ng mga klase ng tao sa lipunan sa konteksto ng mga isyung
pangkabuhayan, panlipunan at politikal.
a. Bayograpikal b. Feminismo c. Dekonstruksyon d. Marxismo
31. Alin sa sumusunod ang magandang naidudulot ng pag-aaral ng panitikan?
a. Nasasalamin ang mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino.
b. Nalilinang nito ang ating kaisipan at imahinasyon sa pagkilala ng mga bagong panitikan.
c. Naisasakatuparan ang pagpapalaganap ng nasabing katuturan ng pagpapahalaga sa kapaligiran.
d. Nabubuklod-buklod ang mga mahahalagang impormasyon na magagamit sa mga pagpapaliwanag sa mga nagdaraang
kasaysayan na may malaking kinalaman sa pagsusuri ng mga teksto at ng mga bagong imbensiyon.
32. Ang mga nobelang nailathala mula noon hanggang sa kasalukuyan ay maaaring masuri gamit ang teoryang _______.
a. Historikal b. Bayograpikal c. Pormalismo d. Realismo
33. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa teoryang siko-analitiko?
a. Ipinalalagay ang tao na isang hayop na ang mga kilos o gawi ay naoobserbahan tulad ng isang laboratoryo
b. Idiniin ang karapatan ng kababaihan
c. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng
maturidad ang isang tao bunga ng kaniyang kamalayan sa kahirapan
d. Akda mismo ang pinagtuunan ng pansin at hindi ang buhay ng mag-akda
34. Ang nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ay nailathala mula noon hanggang sa kasalukuyan. Anong uri ng teoryang
pampanitikan ang binigyang-linaw dito?
a. Historikal b. Bayograpikal c. Pormalismo d. Siko-analitiko
35. Kung ikaw ay binibigyan ng pagkakataon na pag-aralan ang panitikang Filipino, alin sa mga sumusunod na dahilan kung bakit
nararapat nating suriin ang pinakadetalye ng bawat akda?
a. Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan ng ating panitikan
b. Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng sa ibang lahi
c. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino
d. Upang masuri’t mapahalagahan ang bawat aral ng akda
36. Pagtambalin ang dalawang magkaugnay na taludtud na halaw sa obra maestrang Ibong Adarna upang mabuo ang kaisipan
nito.
HANAY A HANAY B
1. Walang isa mang dumapo pagtapat ay lumayo 1. Bawat isang kanta’y isang bihis ng balahibong marikit
2. Datapwa’t wala, walang ibong makita sa punongkahoy 2. Ang Adarnang may engkanto anino ay di naino
3. At lalong pinatamis ang sa Adarnang pag-awit 3. Di man lang marahuyo sa sanga muna’y maglaro
a. 1 – 2 b. 2 – 3 c. 3 – 1 d. 3 – 3
Para sa bilang 37 hanggang 40, basahin at unawaing mabuti ang seleksyong nasa kahon.
Nakikita sa mata ang iba’t ibang emosyon. Tuwa, lungkot, pighati, pangamba, pag-asam, pakiusap. Ito ang salamin ng
kaluluwa ng tao. Sa pamamagitan nito, nakapagpapahayag siya ng pag-ibig, nakakakuha ng pansin, nanunukso, at maaaring
magbadya ng galit. Noon, ang mata ay isa lang bahagi ng mukha. Ngayon, ito’y pinalalamutian sa kasayahan, at ginagamit sa
kasamaan. Ngunit maaari rin itong puhunan sa pagandahan. Tunay ngang maraming gamit ang matang minumuta, kinakapitan
ng sakit, lumalabo at ginagamit sa pagtingin. Hango sa: Gamiting Pilipino
nina Buensuceso, et al
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabanggit na nagagawa ng mata?
a. nagpapahiwatig ng emosyon c. nagbabadya ng galit
b. nagpapakita ng matinding karamdaman d. nanunukso
38. Ano ang paksang pangungusap sa talata?
a. Nakikita sa mata ang iba’t ibang emosyon. c. Sa pamamagitan nito, nakapagpapahayag siya ng damdamin.
b. Ito ang salamin sa kaluluwa ng tao. d. Tunay ngang maraming gamit ang matang minumuta,
kinakapitan
ng sakit, lumalabo at ginagamit sa pagtingin.
39. Paano nagbago ang pananaw ng tao hinggil sa mga mata?
a. Natutuhan na nilang gamitin ang mata upang magpahiwatig ng iba’t ibang emosyon.
b. Natuklasan nila na ang mata ay nakikitaan ng sakit.
c. Natuklasan nila na ang mata ay maaaring mabulag.
d. Natutuhan nila na may palamuti para sa mga mata.
40. Ano ang pinakamainam na pamagat sa talata?
a. Ang Mga Emosyon sa Mata c. Ang Iba’t Ibang Gamit ng Mata
b. Mata: Bahagi ng Mukha d. Mga Sakit ng Mata

You might also like