You are on page 1of 21

DAILY LESSON LOG Paaralan STO NIÑO INTEGRATED Baitang/Antas 9

(Pang-araw-araw na SCHOOL
Tala sa Pagtuturo) Guro JANE D. ALCAZAREN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras SEPTEMBER 1, 2023 Markahan Una
10:45-11:45 AM
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1


Pagkatuto. Isulat ang code b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
ng bawat kasanayan c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng
pagguhit.

II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan-Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-4

Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 1-5


2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Lyric Video ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon

https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78

Panturong Biswal: LCD projector, laptop, speaker, Manila paper, marker at bondpaper

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at 1. Habang pinatutugtog ang isang instrumental music, magkaroon ng pagbabalik gunita habang nakapikit ang
pagsisimula ng bagong aralin. mga mag-aaral. Isa-isahin ang mga pananagutan sa sarili at sa kapwa. Ipaalala ring mahalagang mamulat ang
bawat mag-aaral sa lipunang kanilang ginagalawan upang makamit ang kabutihang panlahat. Tumawag ng
mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga realisasyon. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective
Approach)

2. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 7 minuto)
(Reflective Approach)

PAUNANG PAGTATAYA
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik
nito sa sagutang papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at
binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan ang humuhubog sa tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-
aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo
dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa
lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng
pagkatao.

2. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang
mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang
sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay
mas maliit na pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan

5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas
c. John F. Kennedy d. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan b. kabutihang panlahat
c. katiwasayan d. kasaganaan

8. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin

10.Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:


a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay- pantay,
masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat

4. Pagkatapos, iwasto ang kanilang sagot. Gamiting gabay ang resulta ng pagsusulit upang mataya ang mga
konseptong nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
at pagganyak 1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.
B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng lipunan sa kasalukuyan. Ipalarawan ang
opinyon ng mga mag-aaral ukol dito. Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Pakinggan at panoorin ang awiting isinulat at inawit ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting
sa bagong Pilipino”. https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78. Tumawag ng mga mag-aaral na magsasagot ng mga
aralin katanungan na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative and Reflective Approach)

“Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni: Noel


Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan
(Nagbababa ako sa tamang babaan)
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula

[chorus]
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang
bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran

[repeat chorus]
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto
ko’y aking pinahahalagahan

[repeat chorus]
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko Iginagalang ko ang
aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.

[repeat chorus twice]


Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Pagkat ako’y
isang mabuting Pilipino

Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga sitwasyon sa bansa kung saan kapansin-pansin ang
at paglalahad ng hindi pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao, kaguluhan sa pulitika at

bagong kasanayan #1 opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at mga isyung nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang
lipunan at sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan at
marahil ay isa ka sa mga ito. Paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng Manila paper at marker ang bawat isang grupo. Gumawa ng isang
at paglalahad ng bagong recipe para sa Matiwasay na Lipunan. Sundin ang gabay na direksyon sa ibaba. Pumili ng isang miyembrong
kasanayan #2 magbabahagi ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga
sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat
natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin mo
iyan sa gawaing ito: Recipe para sa Matiwasay na Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang sumusunod:

 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan


 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang
malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas
na komunikasyon)

F. Paglinang sa Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase:
Kabihasahan (Tungo sa 1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
Formative Assessment) 2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Itala sa notbuk ang mga pansariling pamamaraan upang makamit ang kabutihang panlahat.
araw-araw na buhay (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
H. Paglalahat sa aralin Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha sapagkat binubuo
ang tao ng lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na
nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito at ito ang tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.

I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng
drawing nito sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
a. Pagiging malikhain 40%
b. Kaangkupan sa Paksa 30%

c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20%


d. Kalinisan 10%

J. Karagdagang gawain para sa A. Magsagawa ng pananaliksik sa alinmang sumusunod na pamamaraan: maaaring sa silidaklatan, internet o
takdang-aralin at remediation interview tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na
institusyong panlipunan:  Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Negosyo
 Pamahalaan
B. Pagkatapos nito, gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o isang dokumentaryo o pagsasadula
ang bawat pangkat.
C. Maghanda para sa presentasyon ng ginawang pananaliksik.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
Prepared by: Checked by:
JANE D. ALCAZAREN CARLITO J. SAGOCSOC, JR.
Secondary School Teacher I Head Teacher I

Noted:
MELCHOR A. ABSUELO, JR
School Principal
DAILY LESSON LOG Paaralan STO NIÑO Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Tala sa INTEGRATED
Pagtuturo SCHOOL
Guro JANE D. ALCAZAREN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras SEPTEMBER 1, 2023 Markahan Una
2:00-3:00 PM
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito-ang kabutihang panlahat.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
Pagganap pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa a. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,


Pagkatuto. Isulat ang paaralan, pamayanan o lipunan. EsP9PLIa-1.2
code ng bawat kasanayan b. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5
institusyong panlipunan upang makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya,
negosyo, pamahalaan).
c. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at
mga kondisyon sa pagkamit ng layunin ng lipunan.

II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5


Guro
2. Mga Pahina sa Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 5-16
Kagamitang Pang-Mag-

aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Isang sanaysay mula sa Internet


Panturo http://sanaysaynigorio.blogspot.com/2009/02/walang-nagbago-kahit-maraming-pagbabago.html
Panturong Biswal: LCD projector, laptop,colored papers, marker
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Gamit ang Powerpoint Presentation, pasagutan ang mga tanong sa ibaba bilang pagbabalik-aral sa
aralin at pagsisimula ng mga pagkatuto tungkol sa kanilang pananaw sa matiwasay na lipunan at sa mga sangkap o
bagong aralin. elementong kailangan upang makamit ang isang matiwasay na lipunan. Tumawag ng ilang
magaaral upang makakuha ng mga sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1.
Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatulong sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan?
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan.
2. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng
5 institusyong panlipunan upang makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan,
pamilya, negosyo, pamahalaan).
3. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at
mga kondisyon sa pagkamit ng layunin ng lipunan.

B. Isagawa ang larong charade, pagbalik-aralan ang iba’t ibang institusyong panlipunan na
nakasulat sa colored paper. Hatiin sa dalawang grupo ang buong klase, kababaihan at
kalalakihan, para sa paglalaro. Ilalarawan ang bawat institusyong nakuha sa pamamagitan ng
paggalaw lamang ng katawan at pagpapakita ng iba’t ibang simbolo na nagpapahiwatig ng nais
tukuying institusyon. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Collaborative Approach)
C. Pag-uugnay ng mga Mula sa isinagawang paglalaro, itala sa bawat kolum ang ilang mga detalye na naglalarawan sa mga
halimbawa sa bagong institusyong panlipunan. Pasagutan ang mga tanong sa ibaba. Ibahagi ng lider ng dalawang grupo
aralin ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)

Paaralan Simbahan Negosyo Pamilya Pamahalaan

1. Ano-ano ang mga katangian ng mga institusyong nabanggit?


2. Ano-ano ang tunguhin at layunin ng bawat sektor na naglalarawan ng pagkamit ng
kabutihang panlahat?

D. Pagtalakay ng bagong Basahin ang sanaysay na ipapakita mula sa isang Powerpoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang
konsepto at paglalahad mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
ng bagong kasanayan #1
WALANG NAGBAGO, KAHIT MARAMING PAGBABAGO ni
Gregorio V. Bituin Jr.

Matagal na nating pangarap ang pagbabago. At alam nating kahit ang mga susunod na
henerasyon ay maghahangad nito, lalo na’t nakikita at nararamdaman nila ang malaking agwat ng
mahihirap at mayayaman. Ngunit ang kadalasang lumalaganap lamang sa media ay ang mga
pangyayari at balita hinggil sa mga naghaharing uri sa lipunan. Ang mga rigodon ng mga pulitikong
imbes na paglilingkod sa sambayanan ang inaatupag ay nakatingin na sa susunod na pambansang
eleksyon.

Magsuri tayo. Ito bang mga pulitikong ito ay may nagawa para magkaroon tayo ng
moratoryum sa demolisyon? May nagawa ba sila para makakain ng sapat ang ating pamilya sa
bawat araw? Ang kanilang ginagawa’y pulos buladas lamang, pangako dito, pangako doon kapag
kampanyang elektoral. Nasaan na ang isyu ng maralita kapag sila’y naupo na sa poder? Nasaan?

Sa totoo lang, walang pakialam ang mga maralita sa bangayan ng mga pulitiko,
mapaadministrasyon man o mapa-oposisyon. Pagkat ito’y bangayan lamang ng mga naghaharing
uri, na ang makikinabang pa rin ay sila-sila. Ang mga mahihirap, nasaan?

Ang pakialam ng maralita ay kung papaano babaguhin ang kanilang kalagayan, paano
makakaahon sa kinasasadlakang kahirapan at kung paano wawasakin ang sistemang
mapagsamantala sa lipunan–ang lipunang kapitalismo.

Sadyang napakabilis ng pagbabago sa lipunan, pero wala pa rin talagang nagbago sa


lipunan. Napakabilis dahil mabilis ang pag-abante ng teknolohiya. Wala pang isang dekada ang
nakalilipas nang mauso ang pager. Ngayon ay cellphone na at marami pa ang naiimbento para sa
kaunlaran (daw) ng lahat pero hindi naman kaya ng bulsa ng mga mahihirap.
Pero wala pa rin talagang nagbago sa lipunan, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin
pantaypantay ang kalagayan ng tao sa lipunan. Patuloy pa ring yumayaman ang mga mayayaman,
habang lalong naghihirap ang mga mahihirap. Nasaan ang pagbabago? Nasaan na itong
pagbabagong matagal nang inaasam nating mga mahihirap?

Ang nais nating pagbabago ay ang tunay na pagbabago ng sistema ng lipunan, hindi
pagbabago lamang ng sistema sa gobyerno. Hindi lamang relyebo ng mga namumuno ang ating
pangarap, kundi pagpawi mismo ng mga uri sa lipunan upang maging maayos at pantay-pantay ang
kalakaran at ang ating kalagayan. Kailangang pantay ang distribusyon ng yaman sa lipunan.
Kailangang pawiin ang pagmamay-ari ng iilan sa mga kagamitan sa produksyon–na ginagamit sa
pagsasamantala sa kasalukuyang lipunan.

Malupit ang sistemang kapitalismo. Napakalupit. At tama lamang na pangarapin natin ang
isang lipunang makatao upang ang lahat naman ay makinabang. Kung mapapalitan ang sistema ng
lipunan at ang mga maralita at manggagawa ang mapupunta sa poder, tiyakin nating ang hustisya
ay para sa lahat, dahil ito mismo ang prinsipyo ng sosyalismo.

At makakamit natin ito, hindi sa patunga-tunganga, kundi sa ating aktibo at tuloy-tuloy na


pagkilos upang abutin ang ating pangarap. Kilos na, kaibigan. Ngayon!

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng sumulat ng sanaysay tungkol sa kalagayan ng ating
lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
2. Ano-ano ang papel ng mga pulitiko sa ating lipunan at paano sila nakaaambag sa pagkamit
ng ating lipunan ng kabutihang panlahat?
3. Ayon sa may akda, ano ang pwede mong gawin upang makamit ang isang lipunang makatao
upang ang bawat indibidwal ay makinabang?
4.
E. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa 5 pangkat na tutukoy sa limang institusyong panlipunan. Mula sa naging resulta
konsepto at paglalahad ng pananaliksik, ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang komprehensibong ulat o
ng bagong kasanayan #2 dokumentaryo o pagsasadula. Ipakita sa kabuuang paglalahad ang mga sagot sa mga tanong sa
itaas. Gamitin ang kraytirya na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative
Approach)
Unang Pangkat: Paaralan
Pangalawang Pangkat: Simbahan
Ikatlong Pangkat: Pamilya
Ikaapat na Pangkat: Negosyo
Ikalimang Pangkat: Pamahalaan
Kraytirya:
a. Malinaw na layunin ng institusyon na napili - 40%
b. May angkop at makabuluhang kaalaman tungkol sa institusyon na napili - 30%
c. May hindi pangkaraniwang nilalaman na nakapupukaw ng interes at nakadaragdag sa
kabuluhan ng dokumentaryo - 20%
d.May kawili-wiling simula, lohikal at malaman na pagtalakay ng nilalaman – 10%

F. Paglinang sa Suriin ang kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na


Kabihasahan (Tungo sa institusyong panlipunan at sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isang institusyon o sector ng
Formative Assessment) lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
• Paaralan
• Simbahan
• Pamilya
• Negosyo
• Pamahalaan
G. Paglalapat sa aralin sa Pasagutan ang tanong. Isulat sa notbuk ang sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
pang-araw-araw na buhay Approach)

Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng
kabutihang panlahat?

H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang
panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala ang dignidad ng tao kung nananaig sa
lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat. Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit
upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay
ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa
kasalukuyan ngunit lahat ng bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi
nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”

I. Pagtataya ng Aralin Sagutan ang sumusunod na tanong. 2 puntos bawat tanong (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano ang layunin ng bawat sektor ng lipunan?
2. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
3. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
4. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa
pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at
naiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?
5. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong
paliwanag.

J. Karagdagang gawain para Basahin ang bahaging Pagpapalalim sa LM pahina 6-15.


sa takdang-aralin at

remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong nang lubos? Paano
ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Prepared by: Checked by:
JANE D. ALCAZAREN CARLITO J. SAGOCSOC, JR.
Secondary School Teacher I Head Teacher I

Noted:
MELCHOR A. ABSUELO, JR
School Principal

You might also like