You are on page 1of 17

DAILY LESSON LOG Paaralan STO NINO INTEGRATED Baitang/ Antas 7

(Pang-araw-araw na SCHOOL
Tala sa Pagtuturo) Guro JANE D. ALCAZAREN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras May 22, 2023 Markahan Ikaapat
2:00- 3:00 pm
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting pagpapasya.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(Personal Mission Statement) batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasya.

C. Mga kasanayan sa Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya sa uri ng buhay


Pagkatuto. Isulat ang code a. Nasusuri ang kasanayan sa paggawa ng pagpapasya
ng bawat kasanayan b. Nakapipili ng mabuting pasyang maaaring gawin. EsP7-PB-IVc-14.1
II. Nilalaman Modyul 14: Ang Kahalagahan ng Pagpapasya sa Uri ng Buhay
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng


Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 68-84
Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 97-121


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop


Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang A. Balik-aral tungkol sa Pangarap (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
aralin at pagsisimula ng 1. Ano ang kaibahan ng pangarap sa mithiin?
bagong aralin. 2. Bakit mahalaga ang pagtatakda ng pamantayan sa mithiin?
B. Sasagutan ng mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
1. Piliin ang larawang itinuturing mong may mas naidudulot na kabutihan mula sa kasunod na
mga halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa ginawang pagpili sa ibaba.
A. B.

Ang aking napili:


________________________________________________________ Paliwanag:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
A. B.
Ang aking napili: ________________________________________________________
Paliwanag:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Balikan o alalahanin ang isang sitwasyon kung kailan ka gumawa ng isang mahalagang
pagpapasya sa iyong buhay. Ilahad ang prosesong iyong pinagdaanan.

3. Batay sa iyong isinulat, ano-ano ang mga mahahalagang salik o batayan sa paggawa ng
pasya? Ipaliwanag?
Piliin ang titik ng tamang sagot.
4. Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg, “Ito ay mga sitwasyong
nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang
magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. ”Ang ibig sabihin nito ay:
a. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga
iba’t ibang mga posisyon.
b. Ang pagpapasya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.
c. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
d. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.

5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya. Ang ibig sabihin nito ay:
a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya.
c. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
d. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

6. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?


a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
b. Kinakailangan nito ng panahon upang laruin.
c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

7. Karaniwan na ang mga linyang, “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip” ay sa


mga mahalagang pagpapasyang ginagawa. Ang ibig sabihin nito ay: a. Mahalagang
bahagi ng proseso ng pagpapasya ang panahon.
b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasya.
c. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya.
d. Ang balangs ng proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa panahon.

8. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang


kumpanya, pinili pa rin niya ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na
nagpapasaya sa kanya.
a. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya
bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.
b. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
c. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
d. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.

9. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang
magsisi sa iyong pasya, kailangan mong…
a. Pag-aralan muli ang iyong pasyang may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasya sa iyo.
d. Gawin na lamang ang magpapasya sa mas nakararami.

10. Ang higher good ay tumutukoy sa:


a. Kagandahang loob sa bawa’t isa
b. Kabutihang panlahat
c. Ikabubuti ng mas nakararami
d. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya sa uri ng buhay a.
Nasusuri ang kasanayan sa paggawa ng pagpapasya
b. Nakapipili ng mabuting pasyang maaaring gawin.
B. Gamit ang concept map, balikan ang isang mabigat na sitwasyon kung saan kinailangang
magsagawa ng pagpapasya. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong ginawa bago nagsagawa ng pagpapasya?
2. Ano ang iyong pasya?
3. Ipaliwanag ang naging bunga ng pagpapasya?
C. Pag-uugnay ng mga Ipagawa sa notbuk ang sumusunod na sitwasyon. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
halimbawa sa bagong aralin

May nakita
kang wallet na
nahulog mula
sa isang
babae.

Nakikiusap
ang isang
kaklase mo na
mangongopya
sa iyo ngmga
sagot sa
paagsusulit

Approach)
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang naging pagpapasya mo sa mga ibinigay na sitwasyon?
2. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga nito bago tayo
gumawa ng pasya?

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa limang grupo at ang bawat grupo ay pipili ng posisyon tungkol sa
konsepto at paglalahad ng hangong sitwasyon sa moral dilemma ni Lawrence Kohlberg ukol sa isyung moral na iyong
bagong kasanayan #1 paninindigan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

Si Aamir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na mapasama sa


isang Camping. Nangako sa kanya ang kanyang ama na papayagan siyang sumama kung
siya ay makaiipon nang sapat na pera para rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni
Aamir sa pagtitinda ng diyaryo. Naipon ang sapat na halagang kailangan para sa camping at
may kaunti pang halagang natirang panggastos para sa kanyang sarili. Ngunit nagbago ang
isip ng kanyang ama bago dumating ang araw ng kanilang camping. Kapos ang pera ng
kanyang ama upang ipanggastos sa pangingisda. Kaya, kinausap niya si Aamir upang hingin
dito ang perang naipong gagamitin para sa camping. Inisip ni Aamir na tumangging ibigay sa
kanyang ama ang naipong pera.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Dapat bang tumanggi si Aamir na ibigay ang naipong pera sa kanyang ama?
Pangatuwiranan ang sagot.
2. May karapatan ba ang ama ni Aamir na hingin ang perang naipon ng kanyang anak na
si
Aamir?

E. Pagtalakay ng bagong Tumawag ng magbabahagi mula sa bawat grupo ng kanilang ginawang pagtatasa sa sarili
konsepto at paglalahad ng tungkol sa sariling pagpapakahulugan sa mabuting pagpapasya. (gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong kasanayan #2 (Reflective Approach)

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
(Tungo sa Formative Approach)
Assessment) 1. Ano ang saloobin mo sa kinalabasan ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
2. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng indibidwal na
pagtatasa?
3. Paano ka nakagawa o nakapagbigay ng kahulugan ng mabuting pagpapasya?

G. Paglalapat sa aralin sa Sa inyong notbuk, sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa isang sitwasyong nilapatan
pang-araw-araw na buhay mo ng mabuting pagpapasya. (gawin sa loob ng 7 minuto)(Constructivist Approach)

H. Paglalahat sa aralin May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating gumawa ng agarang
pagpapasya. Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob.
Kinakailangang sumailalim sa malalim na pag-iisip upang makapamili ng tamang pagpapasya.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang sitwasyon sa ibaba at ibigay ang nararapat na pagpapasya. (gawin sa loob ng
10 minuto)(Reflective Approach)

Sina Karl at Bob ay magkapatid na nangangailangan ng pera. Pinasok ni Karl ang isang
tindahan upang magnakaw. Nakakuha siya ng sampung libong piso. Samantalang si Bob
naman ay nangutang sa isang kilalang matulunging matanda ng sampung libo. Idinahilan
niyang gagamitin ang pera sa operasyon dahil malubha ang kanyang sakit. Babayaran niya ito
kapag lubusan na siyang gumaling. Kahit hindi ganap na kilala ng matanda ay pinahiram siya
nito. Sina Karl at Bob ay tumakas na hawak ang tig-sasampung libong piso.
Alin ang mas masama, ang magnakaw, katulad ng ginawa ni Karl o manloko na ginawa ni
Bob?
Pangatuwiranan ang inyong sagot.

J. Karagdagang gawain para Basahin ang anekdota tungkol kay Mark na makikita sa LM p. 306-307.
sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasangsolusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Prepared by: Noted:

JANE D. ALCAZAREN MELCHOR A. ABSUELO, JR.


Teacher School Principal I

You might also like