You are on page 1of 20

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 1: Ang Kahalagahan nang
Mabuting Pagpapasya sa Uri ng
Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri
ng Buhay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kimberly Mae S. Sumargo
Editor: Hermogina G. Bonga
Tagasuri: Gerda D. Pepito
Tagalapat: Jomillien Q. Capuras
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Hermogina G. Bonga – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management and Development System

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 1: Ang Kahalagahan nang
Mabuting Pagpapasya sa Uri ng
Buhay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!
Alamin Natin

Ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga pagpapahalaga at


birtud ay nagsisilbing gabay sa mapanagutang pagpapasya at pagkilos.

Sa modyul na ito ay inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-


unawang ito upang maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na
inaasahan sa modyul na ito. Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang
mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang mga hakbang sa pagpapasya
tungo sa pagkamit sa mga mithiin sa buhay?

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya


sa uri ng buhay. EsP7PB-IVc-14.1

b. Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay kung ito ay may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid
na pagpapasya. EsP7PB-IVc-14.2

1
Aralin Ang Kahalagahan ng

1 Mabuting Pagpapasya sa
Uri ng Buhay
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang


pinakaangkop na sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?


A. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging
batayan ng gagawing tira.
B. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
C. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
D. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.

2. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya. Ibig


sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang
proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting
pagpapasya.
C. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o
ginagawa.
D. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.

3. Ito ay ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng


pagpapasya
A. Panahon
B. Pag-iisip
C. Kilos
D. Salita

2
4. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong
makapag-isip,” sa mga mahalagang pagpapasyang ginagawa. Ibig
sabihin nito:
A. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa
panahon.
B. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasya ang panahon.
C. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasya.
D. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya.

5. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring


pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasya, kailangan mong:
A. Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na panalangin
at mas ibayong pagsusuri.
B. Huwag mag agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang
hindi ka nakapipili.
C. Gawin na lamang ang magpapasya sa mas nakararami.
D. Gawin na lamang kung ano ang magpapasya sa iyo.

6. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng


isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
A. Maingat na Pagpapasya
B. Mabuting Pagpapasya
C. Wastong Pagpapasya
D. Maingat na Pagpapasya

7. Ang _____ ay ang instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya.


A. Isip at Damdamin
B. Kilos at Damdamin
C. Isip at Kilos
D. Lahat ng nabanggit

8. Ito ay ang pundasyon o haligi ng proseso nang mabuting pagpapasya.


A. Pagpapahalaga
B. Pakikisama
C. Pag-unawa
D. Pakikitungo

9. Ang oras ay ang pinakamahalagang sangkap sa proseso ng


pagpapasya.
A. Tama
B. Mali

3
10. Maari tayong humingi ng payo sa ating mga malalapit na kaibigan o sa
mga eksperto, ngunit hindi natin dapat hayaang maimpluwensyahan
tayo ng opinyon ng iba sa paraang nawawalan na tayo ng kalayaan.
Ang pahayag ay:
A. Tama
B. Mali

Aralin Natin

Marunong ka bang maglaro


ng chess? O di kaya naman ay
nakakapanood ka ba ng mga
naglalaro nito? Kung susuriing
mabuti ang paglalaro ng chess,
mapapansin na ang sinumang
naglalaro nito ay sumasailalim sa
malalim na pag-iisip. Sa buong
panahon ng paglalaro ng chess ay
kinakailangan nilang mamili ng
tamang piyesa na ititira at
magpasiya ng gagawing tira.
Pinag-aaralan munang mabuti
ang bawat galaw upang maging
batayan ng gagawing tira. Kailangang maging maingat sa pagpapasiya dahil
kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. May tuntunin na tinatawag
na “touch-move”, nangangahulugan ito na kapag hinawakan mo ang isang
piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira, hindi na maaaring magbago ng isip
kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago ito hawakan. Marahil
nagtatanong ka, “Bakit naman biglang napasok ang chess sa usapan?”

Hindi ba maaari nating ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating mga


pagpapasya sa buhay? Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob.
Ito ang dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng laya na magpasya para sa
ating sarili. Isa itong gawain na hindi maiiwasan ng sinuman sa araw-araw.
Ngunit ang tanong, sapat na ba ang iyong kaalaman para magpasya at
mamili? Katulad ka ba ng isang grandmaster sa chess na laging naipapanalo
ang kanyang laban? Kung hindi pa ganap ang iyong tiwala sa iyong
kakayahan, makatutulong sa iyo ang babasahing ito.

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.


Nagmumula ito sa simpleng pagpapasya katulad ng: kung anong damit ang
isusuot, kung kakain ba ng hapunan, hanggang sa mga komplikadong
pagpapasya katulad ng: kung papasok ba o hindi sa paaralan, sasama ba sa

4
kaibigan sa isang party nang walang paalam sa magulang o pakokopyahin
mo ba ang kaibigan mo sa pagsusulit at marami pang iba. Alinman sa mga
ito ay nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng matalinong
pagpapasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya

Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na


nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay nangangailangan
ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon. Ang pagpili ng paglalakad
sa bangketa ay pagpili na hindi maglakad sa kalsada. Ipinapalagay, sa
simpleng pagpili na ito, na alam mo ang kaibahan ng bangketa sa kalsada –
kaysa, halimbawa, sa isang lasing na ang paningin at pambalanse ay
naapektuhan ng alkohol. Kung mahusay ang pagpapasya, mas malinaw ang
mga pagpiling gagawin.
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng
pagpapasya ay panahon. Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang
makagawa ng pagpapasya sa anumang bagay na inaasahan sa atin.
Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-
isip.”

Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at


damdamin. Una, ginagamit natin ang ating isip. Pinagninilayan natin ang
sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang
mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian. Nahihinuha natin
ang mga maaaring kahahantungan o maging epekto ng mga ito. Madalas
kumukunsulta tayo sa mga eksperto. Itinatala natin at iniipon ang mga datos
tungkol sa suliraning nais nating malutas. Matapos magsuri, higit nating
nakikita nang walang kinikilingan ang tamang tunguhin. Ibig sabihin ng
walang kinikilingan, ang solusyon na tinitingnan na higit na makabubuti ay
maaari ring piliiin ng karamihan sa mga tao.

Ngunit hindi lamang ang isip ang umiiral sa ginagawa nating pagpili.
Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking tama ang
gagawang pagpili. Sinasala ng ating damdamin ang anumang iniisip na
batayan sa pagpili at pagpapasya. Ibig sabihin nito, ang pagpili ay aspektong
intelektuwal ngunit kapag hindi naaayon sa iba ang iyong pinili, maaaring
hindi mahalaga sa iba ang pinahahalagahan mo.

5
Simula’t sapul pa, tayo ay may kalayaan at walang pananagutan sa
anumang pagpapasya na gagawin. Maaari tayong humingi ng payo sa ating
mga magulang, kapatid, sa malalapit na kaibigan o sa mga eksperto para
marinig ang kanilang opinyon at matimbang kung alin ang tama o nararapat.
Nararapat din na malaya sa mga panloob o subconscious na pag-uudyok na
maaaring pamahalaan ang ating pagpasya ng lingid sa ating kaalaman.

Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso nang mabuting


pagpapasya. Kung hinihingi ng pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na
tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung ano ang mahalaga sa
atin. Maaaring pinipili natin ang pagkain ng gulay dahil sa halaga nito sa
ating kalusugan, ayon sa dikta ng ating isip sa kung ano ang tama at ng
damdamin ayon sa ating ginugusto.

Sa maikling salita ang proseso ng mabuting pagpapasya ay batay sa


ating pagpapahalaga. Ginagamit natin ang ating pag-iisip at damdamin
upang tiyakin na tama at nasa loob na sapat na panahon ang ating pasya.

Ang proseso nang mabuting pagpapasya ay maaaring ilarawan sa


illustration ibaba:

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 7

6
Gawin Natin

Ipagpatuloy mo ang iyong magandang nasimulan. Ngayon ay piliin mo


ang larawan ng itinuturing mong may mas mataas na kabutihan mula sa
kasunod na mga halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa ginawang
pagpili sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

A. B.

RRZEicons. 2008. Wikimedia Commons. July 1. Accessed May 5, 2021. Art, Free Clip. 2018. Wikimedia Commons. September 27. Accessed May 5, 2021.
https://commons.wikimedia.org/wiki/ File:Book.svg. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Locked_Desktop_Computer_Cartoon.svg.

Ang aking napili:


________________________________________________________________________
Paliwanag:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

A. B.

Ang aking napili:


_________________________________________________________________________
Paliwanag:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
Sanayin Natin

Dumating na ba sa iyong buhay ang pagkakataon na kinakailangan


mong mamili sa pagitan ng mga bagay na may halaga sa iyo? Ano ang iyong
naging damdamin tungkol dito? Ano ang iyong ginawa? Ibahagi mo ang iyong
naging karanasan gamit ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Buod ng sitwasyon Hakbang na ginawa


_____________________ 1. __________________
_____________________
_____________________ 2. __________________
Mga Pagpipilian
_____________________ 3. __________________
_____________________
_____________________ 4. __________________
____________

Ang naging pasya


_____________________________________

Bakit ito ang napili?


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Naging bunga ng ginawang pagpapasya


_______________________________________________
_______________________________________________
Mahalagang aral na napulot mula sa karanasan
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel:


1. Balikan mo ang isang mabigat na sitwasyon kung saan kinailangan
mong magsagawa ng pagpapasiya sa mga nagdaang taon. Ilahad ito.
(Hal. Sasama sa isang kaklase na mag-cutting classes.)
2. Anu-ano ang iyong pagpipilian?
3. Ano ang iyong ginawa bago nagsagawa ng pagpapasya?
4. Ano ang iyong naging pasya?
5. Ipaliwanag ang naging bunga ng iyong pasya.
6. Isulat ang pinakamahalagang aral na iyong nakuha mula sa iyong
karanasan.

8
Tandaan Natin

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya

• Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.


• Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw
na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay.
• Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o
diskriminasyon.
• Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng
pagpapasya ay panahon.
• Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang
isip at damdamin.
• Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng
mabuting pagpapasya.

Maaaring ilarawan ang proseso nang mabuting pagpapasya bilang:

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 7

9
Suriin Natin

May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating gumawa


ng agarang pagpapasya. Subukin ang iyong kakayahan na magpasya sa mga
sitwasyon na katulad ng nasa ibaba. Sundin ang pormat at gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Maaaring mangyari
kapag ito ang pinili.
Alternatibo Blg. 1
____________________
____________________
May nakita kang ____________________
wallet na nahulog _______________
mula sa isang Alternatibo Blg. 2
Maaaring mangyari
lalaki.
kapag ito ang pinili.
____________________
____________________
____________________
_______________
Maaaring mangyari
kapag ito ang pinili.
Alternatibo Blg. 1
____________________
Nakikiusap ang ____________________
isang kaklase mo ____________________
na mangongopya sa _______________
iyo ng mga sagot sa Alternatibo Blg. 2
pagsusulit. Maaaring mangyari
kapag ito ang pinili.
____________________
____________________
____________________
_______________

Maaaring mangyari
kapag ito ang pinili.
Alternatibo Blg. 1 ____________________
Kinumbinse ka ng ____________________
isang kaibigan na ____________________
mag laro sa labas _______________
kahit na hindi pa
Alternatibo Blg. 2 Maaaring mangyari
natapos sagutan
kapag ito ang pinili.
ang iyong modyul.
____________________
____________________
____________________
_______________
10
Payabungin Natin

Ito ang sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat


na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkakaiba o
nagtutunggaling pagpapahalaga. Sa gawaing ito ay magkakaroon ka ng
pagkakataon na pumili ng posisyon ukol sa mga isyung moral na iyong
pinaninindigan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos na mailahad ang
bawat sitwasyon. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon:

May dalawang magkakapatid na pumunta sa bayan upang


bilhin ang iniutos ng kanilang ina. Bago sila umalis, ipinagbilin ng
kanilang ina na magsuot palagi ng face mask at face shield at
sumunod sa social distancing upang hindi mahawa sa COVID-19.
Sinunod nina Karl at Danilo ang tagubilin ng kanilang ina pero may
ibang balak si Karl. Nais niyang dumalo sa party ng kaibigan dahil
inimbita siya. Hindi pumayag si Danilo na dadalo siya sa party
dahil hindi siya nakapaghingi ng permiso sa kanilang nanay pero
hindi nakinig si Karl.

Nagtaka ang kanilang ina dahil nag-isang umuwi si Danilo.


Hatinggabi na nang umuwi si Karl. Pinagsabihan siya ng kanilang
ina. Kalaunan, napansin niya na nanghina si Karl at nilalagnat.
Kaya tinanong siya ng kanyang ina kung nagsuot ba siya ng face
mask, sumagot si Karl na “opo” pero ang kanyang mga kaibigan ay
wala. Pinainom siya gamot upang gumaling.

Naging aral kay Karl ang nangyari. Mula noon sinunod na ni


Karl ang mga tagubilin ng kanyang magulang at mga pinatutupad
na batas upang hindi mahawa sa COVID-19.

Mga Tanong:

1. Sino sa magkapatid ang gumawa ng mabuting pagpapasya? Bakit?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

11
2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Karl? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bakit kailangang magsuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Bakit Kailangang humingi ng permiso sa magulang kung may nais na


pupuntahan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Ano ang tawag sa batang humihingi ng permiso sa magulang? Ano ang


kahalagahan nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Bakit kailang sumunod sa mga batas na ipinaiiral ng Inter Agencies


Task Force (IATF) sa paglaban sa COVID-19?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
Pagnilayan Natin

Isulat ang iyong gagawing pagpapasya sa sitwasyong ibinigay sa


ibaba.

Higit na pinagbibilinan ng iyong nanay na bawal na bawal uminom ng


softdrinks dahil may problema ka sa pag-ihi o may UTI.

Sitwasyon:

Isang Araw, ay nagkaroon ng salo-salo sa kaarawan ng iyong pinsan.


Maraming masasarap na pagkain tulad ng; letson, adobo at marami pang
iba. Binigyan ka ng softdrinks ng iyong pinsan. Ano ang gagawin mo? Isulat
sa loob ng kahon ang iyong sagot.

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______.

13
14
SUBIKIN
1. A
2. A
3. B
4. B
5. A
6. B
7. A
8. A
9. B
10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Learner’s Material, Ikaapat na Bahagi, Unang Edisyon
2021

RRZEicons. 2008. Wikimedia Commons. July 1. Accessed May 5, 2021.


https://commons.wikimedia.org/wiki/ File:Book.svg.

Art, Free Clip. 2018. Wikimedia Commons. September 27. Accessed May 5, 2021.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Locked_Desktop_Computer_Cartoon.svg

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

16

You might also like