You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Carigara National High School


Brgy. Punong Carigara, Leyte

Lesson Plan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7


Date: 29,2023

I. Layunin

Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at


kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2)

II. Nilalaman
Paksa : Isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 2
Kagamitan : laptop, tv,slideshare

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1.Motibasyon
Ipabasa ang parabula na may pamagat na Ang Mabuting Samaritano (Lucas
10: 25-37 ). Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.Isulat sa dyornal
notbuk.

2. Pagsusuri (Analysis)
1.Ano ang ginawa ng Mabuting Samaritano?
2.Bakit pinamagatan ang parabula ng Mabuting Samaritano?
3.Dapat bang tumulong sa kapwa kahit di mo kakilala? Bakit? Ipaliwanag.

3. Paghahalaw (Abstraction)
Magbigay ng sitwasyon na makapaggagawa ng pagpapasiya kung ano ang iisipin
kapag naharap sa nasabing sitwasyon ang mg-aaral,kung ito ba ay isang pasyang ginawa
batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
Gabay na tanong :
1. Tama ba ang nasa iyong isipan at ang iyong gagawin sa sitwasyon?
2. Ang iyong iniisip ba ay laging tugma sa iyong gagawin ?
3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang iniisip mong gagawin subalit hindi ito ang
iyong ginawa?
4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba eto?
5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na iyong iniisip?

4. Paglalapat (Application)
Pagsulat ng Reflection Paper
Sumulat ng isang reflection paper sa isang bond paper na naglalahad ng iyong karanasan
na kung saan ay nakagawa ka o nakapag-desisyon ng hindi tama o hindi naaayon sa gamit
at tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat rin ang iyong mga angkop na hakbang o pagpapasiya
kung paano mo ito itatama o malalagpasan nang sa gayon ay hindi na maulit ang iyong
pagkakamali. Gamiting gabay ang rubriks sa ibaba bilang batayan sa pagmamarka.

Kraytirya Diskripsiyon Puntos

Nilalaman Mahusay at komprehensibo 10


ang paglalahad ng nilalaman

Pagkama Gumamit ng tamang 10


kombinasyon ng mga salita
upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto at
mensahe.

Kabuuang Malinis at malinaw ang 5


pagkakasulat ng reflection
Presentasyon
paper.

Kabuuan 25 puntos

IV. Paglalahat (Generalization)

Paano mo maitatama ang mga maling pasyang iyong nagawa gamit ang isip at kilos
loob? Anong proseso upang makagawa ng kabutihan at mapaunlad ang isip at kilos
loob tungo sa katotohanan at kabutihan?
V. Pagtataya (Assessment)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot gamit ang
titik lamang sa iyong dyornal notbuk.
1. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang, ikaw ay
kanilang pinagalitan. Ano ang dapat mong gagawin?
a. Magtampo dahil ngayon lang naman ito nangyari at hindi na uulitin.
b. Humingi ng tawad, magpaliwanag at mangakong hindi na uulitin.
c. Iiyak at magalit sa magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
d. Manahimik at balewalain ang magulang at hindi na uulitin ang ginawa.

2. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian o kahulugan ng puso maliban sa

a. sa pamamagitan nito naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban

b. dito hinuhubog ang personalidad ng tao

c. maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.

d. dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao

3. Mahaba ang pila sa may paradahan ng dyip, nakita mong malapit na sa unahang pila
ang iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang
mapadali ang iyong pagsakay. Tama ba na susundin mo siya?
a. Tama, lalapitan muna kaagad para mapadali ang iyong pagsakay sa dyip.
b. Mali, dahil maraming nakakita at baka magalit sila.
c. Tama, dahil nauna naman siya sa pila kaya ok lang na sumabay sa kanya.
d. Mali, dahil marami pang nauna sa iyo at nararapat lamang na sila ang mauna.

4. Ang tao ay itinuturing na ”kawangis ng Diyos”, ang ibig sabihin nito ay


a. binigyan ang tao ng magandang hanap-buhay para maging malaya
b. binigyan ang tao ng kakabambal na mga layunin at kalayaan.
c. binigyan ang tao ng kakayahan na mag-isip at magpasya nang malaya.
d. binigyan ang tao ng kapangyarihan tuklasin ang kalayaan.

5. May ininom kang bottled water, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t
sabi ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang dapat mong
gagawin?
a. Itapon nalang sa dinaraanan.
b. Itago nalang muna sa bag.
c. Hayaan ang kaibigan ang magtapon.
d. Hayaan nalang sa isang tabi..

VI. Kasunduan (Assignment)

Basahin ang Pagkilala sa Likas na Batas na Moral sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikalawang Markahan - Modyul 2 pahina 6-7

Inihanda ni:

Catherine L. Casaus
Guro

Iwinasto ni

Salvador G. Caones
Head Teacher

You might also like