You are on page 1of 15

10

Self-Learning Kit
Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 - Week 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10
Self-Learning Kit
Quarter 2 – Week 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Kit


Manunulat: Melita R. Mendez
Editor: Bienvenido G. Calzada III, Ed.D.
Tagasuri: Bienvenido G. Calzada III, Ed. D.
Tagaguhit: Melita R. Mendez
Tagalapat: Joel R. Capuyan
Tagapamahala: Leah P. Noveras, Ed.D., CESO VI
Bernadette A. Susvilla, Ed.D., CESO VI
Lilia R. Ybañez
Bienvenido G. Calzada III, Ed. D.
Reynilda G. Ramoneda
Raymond L. Ceniza
Joel R. Capuyan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Danao City

Office Address: Sitio Upland, National Road, Danao City, Cebu


Telephone No. (032) 262-6211
Telefax: danao.city@deped.gov.ph
E-mail Address: depeddanaocity.com

i
Paalaala sa Mag-aaral

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong
kakayahan batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng EsP 10,
Quarter 2, Week 1. Ito ay ginawa sa simpleng paraan para madali mong
maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na
bahagi:

Nakapaloob dito ang gawain na naglalayon na


Aking
alamin ang iyo nang mga nalalaman sa araling
Nalaman
ito

Kasama dito ang mga gawain para mabalikan


Aking
ang mga nakaraang aralin at mahanda ka sa
Madugtong
bago

Nakabahagi dito ang paglalahad at


Aking
pagtatalakay sa mga konsepto na kailangan
Malalaman
mong malaman sa bagong aralin na ito

Kabilang dito ang mga gawain para sa


Aking
pansariling pagsasanay upang malaman ang
Masubukan
iyong natutunan sa bagong konsepto

Nakapaloob dito ang kasanayan para masukat


Aking
ang iyong kaalaman at pagkaintindi sa mga
Tayahin
konseptong nalalaman

Aking Kasama dito ang mga gawain at pagsasanay


Karagdagang na kailangan mong gawin para lalo pang
Magawa mapahusay ang iyong kaalaman

Susi sa Nakapaloob dito ang tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga pagsasanay

Nabahagi dito ang mga pinagkukunan sa


Sanggunian
paglikha ng Self- Learning Kit (SLK) na ito

ii
Lesson Title Ang Makataong Kilos
Learning Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong
Competency kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang
isinasagawa sa pama-matnubay ng isip/kaalaman
Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan
MELC Code EsP10MK-lla-5.1, EsP10MK-llb-5.2

Aking Nalaman

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).
1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na
biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob
2. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang
pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;
A. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
B. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
C. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
D. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama
3. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos?
A. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi
isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
B. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang
pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
C. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman
kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
D. Lahat ng nabanggit
4. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
A. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
B. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
C. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya
D. Lahat ng nabanggit sa itaas
5. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa imbestigasyon na
isinagawa ng guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Noel ang palagiang
pagkindat ng kanyang mga mata. May kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?
A. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
B. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang sa
pagsang-ayon
C. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na gawin
iyon dahil iyon ay kanyang manerismo
D. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay
Martha

1
6. Ang kilos ng tao(acts of man) ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa kilos ng tao?
A. Ito ay likas sa tao.
B. Ito ay ginamitan ng isip at kilos-loob.
C. Ito ay hindi ginamitan ng isip at kilos-loob.
D. Ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa makataong kilos(human act)?
A. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
B. Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
C. Ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan
ang tao sa pagsasagawa nito.
E. Lahat ng nabanggit
8. Kung mabuti ang kilos ito ay katanggap-tanggap, at kung masama ang kilos, ito ay
kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Alin ang tinutukoy?
A. Kilos-loob B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. A at B
9. Alin sa mga halimbawa sa ibaba ang may kaalaman at pagsang-ayon?(Kusang-loob)
A. Pagtuturo ng guro sa kanyang klase nang handa at may pagnanais na magbahagi ng
kanyang kakayahan ayon sa learning competency ng kanyang aralin.
B. Kahit alam niya na illegal at labag sa moral na tungkulin,ngunit dahil sa takot na baka
matanggal sa trabaho, kahit labag sa kalooban ginawa pa rin niya.
C. Pagsasalita habang natutulog.
D. Pagkurap ng mata.
10. Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Hindi natin hangad ang masa-
mang bunga ng ating pinipiling kilos o gawa, kung kaya dapat na maging maingat sa mga
pagpapasiya. May napulot kang celfon sa paaralan at alam mo ang may-ari, ano ang dapat
mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Isauli ko sa may-ari ang celfon.
B. Hindi ko isauli dahil wala akong celfon.
C. Ipagbili ko sa aking kaibigan ang celfon para magkaroon ako ng pera.
D. Malaking tulong ito sa akin dahil wala akong magamit na celfon para sa online class
at hihingi nalang ako ng tawad sa Panginoon sa aking nagawa.

2
Aking Madugtong

Natutuhan mo sa nakaraang modyul ang pagiging bukod-tangi mo dahil


sa iyong taglay na dignidad bilang tao. Nakabatay ang dignidad mo sa iyong
pagkabukod-tangi (hindi nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis mo sa Diyos
(may isip at kalooban). Ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob upang siya ay
magpakatao. Ano naman kaya ang koneksiyon ng isip at kilos- loob sa makataong
kilos? Sa araw-araw mong kilos, ginagamit mo ba ang iyong isip? Kanina sa iyong
pagpasok sa paaralan ay nahuli ka. Ginamitan mo kaya ng iyong isip ang iyong
pagiging huli sa klase? Sa iyong paglalakad ay bigla kang natisod at ikaw ay
napamura (namalikas), ginamit mo ba ang iyong isip sa iyong pagmumura? Nakita
mo kanina ang iyong guro na nagwalis at naglinis ng silid aralan. Ano ang iyong
ginawa upang masabi natin na ginamit mo ang iyong isip at kilos-loob? May alam
ka na ba sa mga kilos na masasabi nating ginamitan ng isip? Ano ang tawag natin
sa mga kilos na iyon? Sa modyul na ito matutuklasan mong may pagkukusa sa
makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa
pamamatnubay ng isip. Na ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit
ang isip, kaya pananagutan niya ang kahihinatan ng kanyang kilos (kabutihan o
kasamaan).

Aking Malaman

Ang Makataong Kilos


May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng
tao (acts of man) at makataong kilos (human act). Ang
kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa
tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang
tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na
ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o
masama - kaya walang pananagutan ang tao kung
naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal
at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata,
pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab,
at iba pa.

Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao


nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman,
ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa
nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t
3
isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito. Ang makataong kilos ay kilos na
malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. Pananagutan ng
taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung
mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman
ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.

Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? Ang sagot ay oo.
Halimbawa: Si Jasmin ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta
sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang dyornal. Sa kaniyang
paglalakad ay naririnig niya ang kuwentuhan ng kaniyang mga kaklase tungkol sa
maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi sadya na marinig niya ito
at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy
siya sa paglalakad patungo sa library

Pagsusuri: Maliwanag na walang


kamalayan si Jasmin sa tsismis sa loob ng kanilang
klase. Kahit narinig pa niya ang mga ito sa
kaniyang paglalakad patungo sa library, hindi ito
tumimo sa kaniyang isip gayundin ang mga
detalye ng kuwento. Kaya, ang kilos na
pagkakarinig ay hindi sinadya. Ang kakayahan
niyang tumugon sa mga narinig ay hindi niya pinili.
Kaya, ang kilos na pagdinig sa usapan ay hindi
malayang pinili.

Samakatwid, maipapalagay natin na isang kilos ng tao ang makarinig


ngunit ang kilos na narinig mula sa usapan galing sa umpukan ay isang kilos ng tao
na maaaring maging makataong kilos. Halimbawa: Sa mga narinig mula sa
umpukan habang naglalakad, nahikayat si Jasmine at naengganyo sa usapan
tungkol sa kaklase nilang maagang nakapagasawa. Siya ay lumapit sa umpukan,
tuluyang nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa ng mga reaksiyon sa usapan.

Pagsusuri: Si Jasmin ay nagkaroon ng kaalaman sa mga usapan sa


pamamagitan ng pagkakaroon ng interes sa tsismis. Binigyan niya ng mga ideya ang
kaniyang isip na maengganyo sa tsismis at pagtanong pa tungkol dito. Kaya, ang
kilos na ito ay sinadya at pinag-isipan.

Sa pagkakataong ito, ginamit ni Jasmin ang kaniyang kakayahang pumili


at malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang kilos. Ipinakita niya ito
nang siya ay lumapit at makinig sa usapan/tsismis. Kaya, ang kilos ay malayang pinili.
Siya ay hindi lamang nakinig kundi nakihalubilo, nagtanong at nagbigay pa
ng kaniyang reaksiyon - isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya. Ang kilos ay
nagpakita ng pagkukusang kilos (voluntary act).

Dahil sa ang simpleng narinig ay naging kilos na ang intensiyon ay makarinig


at makipagtsismisan, ang dating kilos ng tao ay naging makataong kilos. Sa kasong
ito, ang kilos ay may kapanagutan (imputable) para kay Jasmin na siyang
responsable sa piniling kilos.

4
Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling
kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat
(degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos
ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of
willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa
madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o
mababang digri ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang
digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan.

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos


sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang
kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may
kapanagutan (accountability). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob.

Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang


gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang
tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para
sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang
preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga
angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit
upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagsusuri: Ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos


na kaalaman tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa
pamamagitan ng pagganap kung paano ito isakatuparan at maging matagumpay
ito.
Maliwanag sa halimbawa na may lubos na kaalaman ang guro sa kaniyang
ginagawang kilos. Ipinakita rin niya ang malayang kilos-loob na isakatuparan ang
piniling kilos at maging mapanagutan dito. Kaya, masasabi nating ang kilos ay
kusangloob.

Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang


pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa
gawain na dapat isakatuparan.

Halimbawa: Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang


COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng
kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng
“dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin
kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi
5
dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman
labag ito sa kaniyang kalooban.

Pagsusuri: Ang isinagawang kilos na mag “dagdag-bawas” ay


naisakatuparan bagaman labag sa taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya
na matanggal sa kaniyang posisyon bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay
tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary). Malaya siyang nagpasiya sa
piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain.

Sa sitwasyong ito, may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong


nagsagawa kahit pa labag ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang
kilos ay kulang ng pagsang-ayon at pagkukusa.

Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya
alam kaya’t walang pagkukusa.

Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha.


Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito
sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng
telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit
sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang
hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang
manerismo niya.

Pagsusuri: Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, hindi


naman ang pagkindat ang kaniyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa
dalaga. Sa kaniyang pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang
bastusin o magpakita ng interes sa dalaga at magkusa siyang makipagkilala. Kung
kaya, ang kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong gawin
ang kaniyang naisip dahil iyon ay kaniyang manerismo.

Aking Masubukan

Gawain 1
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga angkop na sagot upang mabuo ang
konsepto ng ating aralin.

1. May pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang


pagsasagawa ng _______________________ sa pamamatnubay ng __________. 2. Ang
makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao, gamit ang ________, kaya
______________ niya ang ___________________ nito (kabutihan o _________________).

6
Aking Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno sa asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).
1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na
biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob
2. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang
pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;
A. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
B. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
C. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
D. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama
3. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos?
A. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi
isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
B. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang
pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
C. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman
kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
D. Lahat ng nabanggit
4. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
A. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
B. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
C. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya
D. Lahat ng nabanggit sa itaas
5. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa imbestigasyon na
isinagawa ng guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Noel ang palagiang
pagkindat ng kanyang mga mata. May kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?
A. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
B. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang sa
pagsang-ayon
C. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na gawin
iyon dahil iyon ay kanyang manerismo
D. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay
Martha
6. Ang kilos ng tao(acts of man) ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa kilos ng tao?
A.Ito ay likas sa tao.
B.Ito ay ginamitan ng isip at kilos-loob.
C.Ito ay hindi ginamitan ng isip at kilos-loob.
D.Ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa makataong kilos(human act)?
A. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
B. Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
7
C. Ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan
ang tao sa pagsasagawa nito.
D.Lahat ng nabanggit
8. Kung mabuti ang kilos ito ay katanggap-tanggap, at kung masama ang kilos, ito ay
kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Alin ang tinutukoy?
A.Kilos-loob B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. A at B
9. Alin sa mga halimbawa sa ibaba ang may kaalaman at pagsang-ayon?(Kusang-loob)
A. Pagtuturo ng guro sa kanyang klase nang handa at may pagnanais na magbahagi ng
kanyang kakayahan ayon sa learning competency ng kanyang aralin.
B.Kahit alam niya na illegal at labag sa moral na tungkulin,ngunit dahil sa takot na baka
matanggal sa trabaho, kahit labag sa kalooban ginawa pa rin niya.
C.Pagsasalita habang natutulog.
D.Pagkurap ng mata.
10. Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Hindi natin hangad ang masa-
mang bunga ng ating pinipiling kilos o gawa, kung kaya dapat na maging maingat sa mga
pagpapasiya. May napulot kang celfon sa paaralan at alam mo ang may-ari, ano ang dapat
mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A.Isauli ko sa may-ari ang celfon.
B.Hindi ko isauli dahil wala akong celfon.
C.Ipagbili ko sa aking kaibigan ang celfon para magkaroon ako ng pera.
D.Malaking tulong ito sa akin dahil wala akong magamit na celfon para sa online class
at hihingi nalang ako ng tawad sa Panginoon sa aking nagawa.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang
ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.
__________1. Ang kilos ng tao ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.
__________2. Ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
__________3. Ang makataong kilos ay ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
_________ 4. Kung mataas ang digri ng pagkukusa mas mababa ang pananagutan.
_________ 5. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng
kanyang piniling kilos.
_________ 6. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong
kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.
_________ 7. Kapag ang kilos ay kusang-loob ibig sabihin ang kilos na ito ay walang
kaalaman ngunit may pagsang-ayon.
_________ 8. Ang kilos na di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman at pagsang-ayon.
_________9. Ang kilos na walang kusang loob ay kilos na walang kaalaman at walang
pagsang-ayon sa kilos.
_________10. Ang makataong kilos ay sinadya gamit ang isip kaya pananagutan niya ang
kahihinatnan ng kanyang kilos, kabutihan man o kasamaan.

8
Aking Karagdagang Magawa

Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga tanong. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kuwaderno sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapahalaga 10 (EsP 10).

Sitwasyon 1.
Tuwang tuwa ang iyong mga kaklase sa iyong pagiging No. 1 sa mga mag-
aaral na nakakuha ng With High Honors. Hindi mo akalain na may kaklase ka pala
na sinisiraan ka dahil sa inggit sa iyo. Kahit nakaramdam ka ng pagkapahiya mas
minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang. May kaibigan ka na
nagsabing naniniwala
silang hindi iyon totoo.

Tanong: Dapat ka bang magwala at magalit dahil sa iyong pagkapahiya? Bakit?


Sitwasyon 2.
Nasaksihan mo ang pangungupit ng iyong kaklase sa inyong school canteen. Dahil
sa takot na baka madamay ka at binantaan ka na sasaktan ka niya kapag ikaw ay
magsumbong, kaya hindi mo ito sinumbong sa kinauukulan.

Tanong: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?

9
10
Aking Karagdagang
Magawa
Nakadepende sa guro
ang pagmamarka
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• “Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul Para sa Mag-aaral”


Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015
• “Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Gabay sa Pagtuturo”
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


DepEd – Danao City Division –Curriculum Implementation Division
Sitio Upland, National Road, Poblacion, Danao City, Cebu
Email Address: danao.city@deped.gov.ph
Website: depeddanaocity.com
Telephone No.: (032) 262-6211

11
12

You might also like