You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo
Pananagutan sa kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

I. Panimula

May kalayaan ang tao na pumili ng anumang aksiyon. Ngunit


mahalaga sa bawat aksiyon na kaniyang isasagawa ang kaakibat na
pananagutan ukol dito. Dahil dito, kinakailangan ng bawat isa sa atin na
patuloy na linganin ang tamang paggamit ng kalayaan, matalinong
pagpapasiya at paghubog ng matuwid na konsensiya. Ang mga ito ang
magtuturo sa atin tungo sa tamang gawa at pag-iwas sa masama.
Kung laging magsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng
pagmamahal at tumutugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng
paglilingkod, anuman ang balakid, masasabing nagtataglay ka ng tunay na
kalayaan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

A. Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing


damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kaniyang mga pasiya at kilos dahil maaaring
mawala ang pagkukusa sa kilos.
Koda: EsP10MK-IId-6.3
B. Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at
nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang
kakayahan sa pagpapasiya.
Koda: EsP10MK-IId-6.4
III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. masusuri ang sariling pasiya sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan


ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya;
2. maipaliliwanag na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kaniyang mga pasiya at kilos; at
3. mabibigyang halaga ang mga nagawang hakbang upang mahubog ang
kakayahan sa pagpapasiya.

IV. Pagtalakay

Direktang nakaaapekto sa pananagutan at kahihinatnan ng


makataong kilos ang mga salik gaya ng kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, at pag-uugali. Sa mga salik na ito ay maaaring
magdala ng pagbabago sa kilos ng tao. Maaari ring mabawasan ang
pananagutan ng makatong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito.
Ayon kay Sto Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa
o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay
may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na
kabutihan – ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na
layunin. Halimbawa, ang pagtulong sa isang bata na gustong tumawid sa
kalye. Kung hindi mo tutulungan ay maaaring mahagip ng mga sasakyan. At
kung iyong itutuloy ang pagtulong sa kaniyang pagtawid, makakasiguro
kang magiging ligtas ang kaniyang kalagayan. Mayroon kayang
masamang bunga kung hindi ka mag-aaral ng mabuti? Mayroon dahil
posibleng hindi ka makapagtatapos ng iyong pag-aaral at hindi ka
magkakaroon ng magandang trabaho pagdating ng araw.
Pag-aralan natin ang sitwasyon. Halimbawang pinipilit ka ng isa mong
sigang kaklase na batukan ang kinaiinisan niyang kaklase ninyo. Binantaan
ka niya na aabangan ka sa pag-uwi kapag hindi mo siya sinunod. Sa
pagtanggi mo pinitik niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya.
May pananagutan ba siya sa kaniyang ginawa? Wala bang
pagkukusa sa kaniyang kilos? Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos
o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao
ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at
mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging
naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang
pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunti kailangan mong maglapat ng ibang
paraan sa gitna ng karahasan bago mo masabing hindi ka mapanagot. At
sa kaniyang ginawa, hindi siya mapapanagot, pero tandaan na kailangan
niya munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.Kung ating susuriin

2
makikita na naaapektuhan ang naging bunga ng kilos ng tao dahil sa mga
salik na nakaaapekto dito.
Laging isaisip na sa lahat ng gagawing kilos at pagpapasiya ay may
kakabit palagi ng pananagutan. Kaya paka-isiping mabuti bago natin
gawin, para sa huli hindi tayo magsisi.

V. Mga Gawain

Gawain 1. Pasulat na Gawain

A.1. Panuto: Iguhit ang sa patlang bago ang bilang kung ang diwa ng
pangungusap ay wasto at kung hindi.

__________ 1. Ang lahat ng kilos ay obligado.


__________ 2. Walang pananagutan ang tao sa anumang kilos at pasiyang
kaniyang gagawin.
__________ 3. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan – ang
kabutihan ng sarili at ng iba.
__________ 4. Ang kilos na isinagawa ng may kaalaman, malaya at kusa ay
maituturing na makataong kilos.
__________ 5. Ang mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos ay
maaaring magdala ng pagbabago sa kilos ng tao.

A.2. Panuto: Tukuyin kung ang konseptong ipinapahayag sa pangungusap


ay TAMA o MALI.

__________ 1. Lahat tayo ay may kakayahan na gumawa ng mapanagutang


pagpapasiya.

__________ 2. Nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa


dahil sa takot.

__________ 3. Ang kamangmangan ay isa sa mga halimbawa ng masidhing


silakbo ng damdamin.

__________ 4. Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may


impluwensiya ng karahasan.

__________ 5. Anumang uri ng tao ka ngayon at sa hinaharap, ay nakasalalay


sa uri ng kilos na iyong ginawa.

3
Gawain 2. Gawaing Pagganap

B.1. Panuto: Mag-isip ng dalawang pangyayari sa iyong buhay kung saan


may mga tao kang nasaktan (marahil sa kapabayaan mo o sa pansarili
mong kabutihan ang inisip mo). Isulat ang mga hinihinging kasagutan sa
bawat kolum.

Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan Mga hakbang upang


may nasaktan akong (halimbawa: kaibigan ayusin ulit ang ugnayan
kapwa at iba pa)
1.

2.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


PUNTOS
Pamantayan
1. Malinaw at maayos ang pagkakasulat ng ideya at daloy ng
paliwanag. Nagpakita ng maliwanag na kamalayan sa paksa. 10
Nakapagbigay ng tiyak na mga hakbang.
2. Maayos ang pagkakasulat at daloy ng paliwanag. May sapat
na kamalayan sa paksa. Nakapagbigay ng sapat na mga 5
hakbang.
3. Katamtaman ang husay ng daloy ng paliwanag. Hindi
3
kompleto ang naibigay na mga hakbang.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

4
B.2. Panuto: Gumawa ng isang slogan ukol sa pananagutan sa kahihinatnan
ng kilos at pasiya.

RUBRIK PARA SA GAWAIN


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Kaangkupan ng Napakahusay at Mahusay ngunit Hindi angkop sa
nilalaman sa angkop sa tema hindi masyadong tema ang disenyo
tema ang islogan. angkop sa tema at islogan.
ang islogan.
Malinaw na Napakalinaw Malinaw ang Hindi malinaw
naipahayag ang ang pagkalahad ng ang pagkalahad
mensahe sa pagkalalahad ng mensahe sa ng mensahe sa
islogan mensahe sa islogan. islogan.
islogan.
Kabuuang Puntos
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang salik na nakaaapekto sa makataong kilos sa bawat
aytem.

____________________ 1. Pagsigaw dahil sa pagtalon ng pusa.

____________________ 2. Pagmumura sa tuwing nagagalit.

5
____________________ 3. Pagbatok sa isang kaklase dahil sa utos ng kaibigan.

____________________ 4. Pagtawid sa kalsada kung saan ipinagbabawal ang


pagtawid.

____________________ 5. Pagyakap sa iyong katabi dahil sa sobrang


kagalakan.

VII. Pangwakas

Sa araling ito, natutuhan mo na…

Hindi lahat ng kilos ay ____________________. Ang isang gawa o kilos ay


obligado lamang kung ang hindi ____________________ sa paggawa nito ay
may ____________________ mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas
na ____________________ - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa
pinakamataas na ____________________.

kabutihan masama
layunin
pagtuloy obligado

VIII. Sanggunian

Department of Education. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung


Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City:
Department of Education Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd - IMCS).

Department of Education. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung


Baitang (Gabay sa Pagtuturo). Unang Edisyon. Pasig City: Department of
Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd - IMCS).

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

6
IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 – A.1 Gawain #1 – A.2

3.
TAMA 5.
5. 2. TAMA 4.
MALI 3.
4. 1. MALI 2.
TAMA 1.

Pagsusulit Pangwakas

layunin
5. masidhing damdamin
kabutihan
4. kamangmangan
masama
3. karahasan
pagtuloy
2. gawi
obligado
1. takot

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Janet B. Lamasan, PhD


Patnugot: Janet B. Lamasan, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Evelyn A. Ramos
Annie T. Salvador
Carmela M. Santos
Patnugot ng Wika: Jasmine M. Antonio
Grupo ng Tagapaglinang: Mariolito G. Magcalas, PhD
Normita M. Quiambao

You might also like