You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHAN CAMARIN HIGH SCHOOL

( WEEK 5 & 6)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANGALAN: PANGKAT:

Aralin 7 :
MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS
I. Layunin
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.
2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong
kilos.
3. Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos.
4. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng
plano upang maitama ang kilos o pasya.

II. Sanggunian
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10: Modyul Para sa Mga Mag-aaral P. 143-160

III. Mga Gawain

Gawain I
Panuto:
1. Mag- isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat kung paano ka
nagpasya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.
3. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Sitwasyon sa Kilos na Epekto ng Mga realisasyon


buhay na isinagawa isinagawang pasiya
nagsagawa ng
pasiya

Hal. Niyaya ng Hindi sumama at Naunawaan ang tinalakay ng Ang realisasyon ko ay mas makabubuti
kaibigan na mag- pinili na pumasok guro at nakakuha ng pasang na piliin ang pagpasok sa klase dahi
cutting classes. sa klase. marka sa pagsusulit sa araw may mabuti itong maidudulot sa pag-
na iyon. abot ko ng aking pangarap at tunguhin
sa buhay.

1.
2.

1
Pamprosesong Tanong:
1. Sa kabuuan, ano-ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang mga kilos at pasiya sa mga sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto ng iyong kilos at pasiya?
3. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa? Ipaliwanag.

Gawain 2
Panuto:
1. Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa Gawain 1. Suriin kung naging mapanagutan
ka ba sa iyong piniling pasiya at kung ito ba ay nagpakita ng makataong kilos.

Nagpapakita ba ito ng
Mga Sitwasyon mapanagutang pasiya at makataong
kilos? Ipaliwanang

1. Sa kabuuan, nakita mo ba ang mahalagang pananagutan mo sa bawat pasiya na iyong ginagawa?


Ipaliwanag.
2. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano ang nararamdaman
mo ukol dito?
3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang kabataan?

SENTESIS :
Bawat pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng kaniyang pagpapasiya. Mahalaga na ang pipiliin
nating kilos ay nakabatay sa makataong kilos. May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng
makataong kilos. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging
mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga
yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos.

2
IV. Pagpapalalim
Basahin at unawain ang Pagpapalalim pahina 151- 157

BALANGKAS NG ARALIN 7
MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS
I. Panimula
➢ Kahulugan ng Makataong Kilos
II. Yugto ng Makataong Kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino
A. Isip
B. Kilos-loob
III. Moral na Pagpapasiya
IV. Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

V. Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto: Mula sa iyong binasa, ano ang konseptong naunawaan mo mula sa babasahin? Isulat ito sa iyong
kuwaderno gamit ang graphic organizer. Maging malikhain sa pagbuo nito.

Panuto: Mula sa iyong binasa, ano ang konseptong naunawaan mo mula sa babasahin? Isulat
ito sa iyong kuwaderno gamit ang graphic organizer. Maging malikhain sa pagbuo nito.

VI. Pagsasabuhay

Sa pagpapasiya, kailangan kang magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyo ng tamang kaisipan
sa iyong pagpili.

Panuto:
1. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw.
2. Isulat ang mga pasiya na gagawin at kung paano isasabalikat ang pananagutan nang sa gayon ay
magbunga ng makataong pagkilos.

3
3. Isulat sa ikatlong kolum ang maaring mangyari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa
gagawing pasiya.
4. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang kanilang puna at payo.
5. Palagdaan ito sa kanila.

Mga pasiyang Paano isasabalikat ang Ano ang mangyayari Puna at payo ng
gagawin pananagutan kung hindi magiging magulang
mapanagutan sa
gagawing pasiya?
1.

2.

3.

Binabati kita sa iyong pagbuo ng plano sa mga pasiyana iyong gagawin. Nawa’y magsilbi itong
inspirasyon sa iyo sa pagtahak mo sa tamang landas ng iyong buhay upang hindi maligaw at magkamali.

VII. Pagninilay
Panuto: Balikang muli ang isang karanasan sa iyong buhay na labis mong pinagsisihan dahil sa maling
pasiya. Isulat kung ano- ano ang iyong natutuhan mula rito.

Ang aking karanasan na hindi ko malilimutan ay … Ang aking

natutuhan mula rito ay …

You might also like