You are on page 1of 7

Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Pangalan: ____________________________________Petsa: __________

Edukasyon sa
Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan
Worksheet # 1 - Week 6
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan


ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral
na pasya at kilos.

Development Team of the Module


Manunulat: Chery Ann C. Villar

Editors: Rosemarie C. Cuaresma

Tagasuri: Emma A. Sendiong, EdD

Tagaguhit:

Tagalapat: Diana N. Acerdano

Tagapamahala: Cecille G. Carandang, CESO VI


Buenafe E. Sabado PhD
Helen G. Padilla, PhD
Emma A. Sendiong, EdD
Jonas Feliciano C. Domingo, EdD

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

MAKATAONG KILOS: PAGGAWA NG MORAL NA PASYA AT KILOS


PASYA

Inaasahang maipaliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos ay


kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng
moral na pasya at kilos.
• Naitatala ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng
kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng
moral na pasya at kilos.
• Nakakagawa ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan
ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa
ng moral na pasya at kilos.

Ang mga yugto ng makataong kilos ay dumaan sa proseso ng kamalayan sa


mga pangyayari, pagkakaroon ng interes sa pangyayari, pagpapasya, at
pagkilos. Ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan
ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos.
mahalaga na masuri ang sariling kilos at pasiya batay sa mga yugto ng
makataong kilos upang makagawa ng plano upang maitama ang kilos at
pasiya. Mahalaga ang tamang pagpapasiya upang makamit ang isang maayos
na buhay.

Moral na Pagpapasiya . Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan,
at pananagutan. Sa anomang isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at
timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito. Ang mabuting pagpapasiya
ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba- iba ng mga bagay-bagay.

May kalayaan ang bawat isa sa anomang gugustuhin niyang gawin sa kaniyang
buhay. Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan,
simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan,
nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya.

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Panuto: Kompletuhin ang kulang na letra para mabuo ang salita na may
patungkol sa makataong kilos. Basahin ang clue na naibigay sa bawat
aytem.

1. Madalas na ginagawa araw-araw

2. Ang bawat kilos at pasiya na kanyang gagawin ay may epekto sa


kaniyang sarili at kapuwa kung kaya't kailangan na ito ay isagawa
nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos.

3. Ito isang hakbang sa Moral na Pagpapasiya. Ito ay isang malalim na


pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya.Nagsisilbing gabay sa
mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon.

4. Kailangan ng sapat na ganito sa pagpapasiya. Mula rito ay


napagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

5. Dalawang kategorya sa mga yugto ng pagsasagawa ng makataong


kilos

Panuto: Magbigay ng mga sitwasyon sa buhay na nagsasagawa ng


pasiya, kilos na isinagawa, epekto ng isinagawa pasiya at mga
realisasyon. Punan ang talahanayan.

Sitwasyon sa buhay Kilos na Epekto ng isinagawa pasiya Mga


na nagsagawa ng isinagawa realisasyon
pasiya

1.

2.

3.

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Naisakilos mo ba?

Award ko sa sarili ko!

Panuto: Gawan mo ng sertipiko ang iyong sarili sa pinakamalaking


suliranin na iyong nalampasan. Ito ang maaaring maging daan upang
maging matatag ka sa mga haharapin mo pang mas mabigat na pagsubok.

Binabati kita! Muli mo na namang natapos ang worksheet. Naniniwala


akong dahil sa mga kaalaman, kakayahan (skills), kakailanganing pag-
unawa at pagganap na natutuhan mo sa worksheet na ito, handang-
handa ka na para sa susunod na worksheet. Binabati kita!

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Subukin Mo:
1. Pagpapasiya 4. Panahon
2. Tandaan 5. Isip, Kilos Loob
3. Listen Process

Paghusayin Mo:1.

Sitwasyon sa Kilos na Epekto ng Mga realisasyon


buhay na isinagawa isinagawa pasiya
nagsagawa ng
pasiya

1.Niyaya ng Hindi sumama Naunawaan ang Ang realisasyon ko ay


kaibigan na at pinili na tinalakay ng mas makabubuti na
mag-cutting pumasok sa guro at piliin ang pagpasok sa
classes klase. nakakuha ng klase dahil may mabuti
pasang marka itong maidudulot sa
sa pagsusulit sa pag abot ko ng aking
araw na iyon. pangarap at tunguhin
sa buhay.

2.Gusto Hindi naglaro May naipasa sa Ang realisasyon ko ay


maglaro ng ng computer guro na takdang mas makabubuti na
computer games at pinili aralin at piliin ang paggawa ng
games pero may gawin ang nabigyan ng takdang aralin dahil ito
takdang aralin takdang pasang marka. ay may mabuti
na pinagawa aralin. maidudulot sa para ako
ang guro. ay makatapos sa pag
aaral.

3. Nasaksihan Kausapin ang Natulungan mo Ang realisasyon ko ay


mo ang kaklase na ang kaklase na mas makakatulong sa
pananakit ng mali ang magbago at kaklase na mabago ang
isang bully sa kanyang maitama ang kanyang maling
iyong kaklase sa ginawa o gawain.Ito ay
maari din makakadulot ng

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

loob ng isumbong sa maling gawain maayos na relasyon sa


klasrum. kinauukulan ng pag bubully. kaklase at magiging
o sa ating matiwasay ang loob ng
guro. klase

Mag-isip at Lumikha:

KATIBAYAN NG PAGKILALA
Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo
makakalimutan. Isulat kung paano ka nagpasiya
Iginagawad kay at nagpakita ng
makataong kilos bawat sitwasyon. Punan ang talahanayan.
____________________
Dahil sa kanyang tatag, tibay ng loob at malalim na pananampalataya sa Diyos sa
pagharap sa mga suliranin sa buhay. Hindi niya nagawang sumuko at lumaban sa mga
hirap na kanyang dinaranas. Nagsilbing huwaran dahil sa ipinakita niyang lakas ng loob.

Iginagawad ngayong ika-__ Nobyembre 2020. Sa Mataas na Paaralang San Juan National
High School, San Juan City

_________________________
Lagda

Sanggunian:
Modyul sa grade10, Pagpapakatao 10 ni: Twila Punzalan, etal

Mary Jean B. Brizuela et al. (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul


Para sa Mag aaral. Dep-Ed-IMCS
https://coggle.it/diagram/WbaBCeh0agABLDAO/t/modyul-8-mga-yugto-
ng-makataong-kilos-moral-na-pagpapasiya

MELC:EsP10MK-llf-7.4 Inihanda ni: Chery Ann C. Villar

You might also like