You are on page 1of 2

PIVOT 4A LESSON EXEMPLAR FOR GRADE 7

Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (MELC 1)


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-led Modality)

Paaralan SPRCNHS-LANDAYAN ANNEX Baitang 7


TALA NG Guro ALYSSA MAE F. DAPADAP Asignatura ESP
PAGTUTURO Petsa MAYO 16-17, 2022 Markahan PANG-APAT
Oras 7:00-8:00AM Blg. ng Araw Unang
Linggo

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang
pagpapasiya sa uri ng buhay
 Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang-alang
sa tama at matuwid na pagpapasiya
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting
pagpapasiya
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (Personal Mission Statement) batay sa mga
hakbang sa mabuting pagpapasiya.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagtuturo PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) EsP7PB-IVc14.1


(MELC)  NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng makabuluhang
pagpapasiya sa uri ng buhay
D. Pagpapaganang Kasanayan
II. NILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting
pagpapasiya
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- PIVOT 4A Learner’s Material (pahina 1-5)
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan Mula sa
Portal ng Learning Resources
B. Listahan ng Kagamitang Panturo Para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sa nakaraang markahan ay siniyasat mo ang mga
panloob na salik na nakakailpluwensiya sa paghubog ng
pagpapahalaga at ang panlabas na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga kung saan makakatulong
ito sa iyo sa pagpapasiya ng mabuti.

Sa araling ito inaasahan sa isang kabataang katulad mo


na maipaliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang
pagpapasiya sa uri ng buhay; masuri ang ginawang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang-
alang sa tama at matuwid na pagpapasiya; mahinuha na ang
pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay
sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon
sa buhay at matupad ang mga pangarap; at higit sa lahat ay
maisagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya

Kilala mo ba sila Moymoy Palaboy? Sila Moymoy


Palaboy ay mga komedyante na nakilala sa kanilang na-upload
na mga lip sync na video sa Youtube. Sila din ay mga artista ng
isang sikat na television network. Ngayon ay basahin mo ang
kanilang maiksing kasabihan sa ibaba na may kaugnayan sa
aralin.

B. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 (Ikalawang araw ng unang


lingo hanggang ikalawang araw ng ikalawang linggo): Gamit
ang iyong kaalaman sa Matematika, kwentahin o kompyutin mo
ang lahat na napapaloob sa pambansang prutas ng Pilipinas.
Maaring gumamit ng kalkyulator o humingi ng tulong sa iyong
magulang. Pagktapos mo makwenta o makompyut ang sagot ay
isulat ang bawat letra na may katumbas na sagot na makikita sa
ibaba upang makabuo ng mga mahahalagang salita na may
kinalaman sa kahalagahan sa mabuting pagpapasiya. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

C. Pagpapalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin mabuti ang mga


pangungusap sa ibaba. Para sa bilang 1-5, pagsunod-sunurin
ang mga pangyayari ayon sa mga hakbang sa paggawa ng
wastong pasya gamitin ang titik A hanggang titik E. Para
naman sa bilang 6-10, isulat ang T kung ito ay tama at M
naman kung ito ay mali. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

D. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin mo ang larawan na


itinuturing mong may mas mataas na kabutihan mula sa kasunod
na mga halimbawa. Pagklatapos ay magsulat ng maikling
paliwanag sa ginawang pagpili sa ibaba. Isulat ito sa iyong
sagutang papel
V. Pagninilay Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-
aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa
iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa
pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa
pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa
nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa
ko ito nang maayos o mahusay.

You might also like