You are on page 1of 5

___________________________________________________________________

LEARNING ACTIVITY SHEET IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


Quarter 4 – Week 3 Modyul 14.3: Ang Kahalagahan ng Pagpapasya sa Uri ng
Buhay
Name of Student: _________________________________________
Learning Area: ______________ Grade Level: _______________ Date: _________

Magandang araw!
Handa ka na ba sa
pagpapatuloy ng aralin
Ang Kahalagahan ng
tungkol sa pagpapasya at
Pagpapasya sa Uri
kahalagahan nito sa
ng Buhay
buhay?

I. Panimulang konsepto:

Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang


pagkakaroon ng personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal statement.
Ayon nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of Highly Effective
Teens,”Begin with the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang
gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang
mga mahahalagang pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay
maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag
kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay.
Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay.
Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang
iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang
pahayag ng layunin sa buhay.
II. Kasanayang Pampagkatuto Mula sa MELCs:

Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay


gabay sa tamang pagpapasya upang magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga pangarap(EsP7PB-IVd-14.3)

III. Mga Gawain:

Gawain 1: Basahin ang sanaysay at pagkatapos ay magsulat ng pagninilay sa


iyong journal. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba .Tapusin ang sumusunod
na di- tapos na pangungusap: Ang napulot kong aral mula sa aking karanasan sa
panahon ng pandemya….

Ang buong mundo ay ginulantang sa paglaganap ng pandemyang


COVID 19. Kabilang ang ating bansa sa matinding naapektuhan ng sakit na ito.
Maraming negosyo ang nagsara at marami din ang nawalan ng trabaho.
Marami ang nagutom, nagkasakit at marami din ang namatay. Ang Kagawaran
ng Edukasyon ay hindi agad nagbukas sa dating itinakdang buwan upang
masiguro ang kaligtasan ng mga guro lalong higit ang mga mag-aaral. Ang
mga mag-aaral ay nanatili sa loob ng kanilang tahanan upang maiwasang
mahawa at magkasakit.
Sa kabila ng lahat ng ito, ginawa pa rin ng ating pamahalaan ang lahat sa
pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon upang patuloy na maibigay ang
kalidad ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Tunay na isang malaking
hamon sa lahat ang sitwasyong ito. May ibat-ibang mga paraan upang matuto
ang mga mag-aaral katulad ng Modular Distance Learning, Online distance
learning at television/Radio-Based Instruction. Marami ang pumili ng Modular
Distance Learning subalit ito ay hindi naging madali dahil walang guro na
magpapaliwanag at gagabay sa kanila katulad ng sa normal na sitwasyon.
Idadgdag pa dito ang maraming modules sa iba’t-ibang asignatura na
kailangang sagutan ng mga mag-aaral, problema sa pamilya, problema sa
pera at marami pang iba. Ang lahat ng ating nararanasan ay pagsubok
lamang sa ating katatagan at dapat nating kapulutan ng aral upang
mapagtagumpayan natin ang iba pang pagsubok upang makamit natin ang
minimithi nating uri ng pamumuhay.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Anu-ano ang mga napulot mong aral sa iyong karanasan sa panahon ng
pandemya?

2. Paano mo malalampasan ang mga pagsubok na ito sa panahon ng


pandemya?

3. Paano mo makakamit ang minimithi mong uri ng pamumuhay sa kabila ng mga


nararanasan mong pagsubok sa buhay?

Gawain 2: Pagsulat ng iyong Pahayag ng Layunin sa Buhay

Magsulat ka ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.Gamitin ang mga


natutuhan sa pagbuo nito. Isulat ang iyong layunin sa buhay sa posts-it at idikit ito sa
iyong salamin o sa lugar na araw-araw mong tinitingnan. Maaari rin itong ipa-
laminate at isilid sa iyong pitaka o gawin itong key chain o tag sa iyong bag. Ang
mahalaga, ito ay lagi mong nakikita at lagi mong naaalala.
IV. Pagpapalalim:

Ang Pahayg ng Personal na Layunin sa Buhay o Personal Mission Statement


 Ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong
may malalim na ugat (Covey (1998). Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito
ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang matibay na makakapitan
upang malampasan ang anumang ang anumang unos na dumarating sa ating
buhay.

MGA PARAAN NA IMINUMUNGKAHI NI SEAN COVEY SA KANYANG AKLAT


1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.- Pumili ng ilang mga kasabihan na may
halaga sa iyo at tunay na pinapaniwalaan mo. Maaaring ang mga ito na gamitin
mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinatawag na “Brain Dump”-Sa loob ng labinlimang minute


ay isulat mo ang anumang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang
mag abalang magsala ng ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito.
Matapos ang labinlimang minute ay maaari mo na itong salain at itama ang mga
pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay
nakapagsulat ka nan g iyong pahayag ng layunin sa buhay.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip- magtungo sa isang lugar kung saan


ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtutuunan ng panahon ang paggawa ng
iyong layunin sa buhay sa anumang paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito- Hindi kinakailangan ang


perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto
sa isang asignatura na kinakailangan ang marka ng guro. Ito ay personal
mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa
iyong sarili. “ Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung masasagot mo ito
ng oo, ay mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang


panatilihing matatag sa anumang unos na dumating sa iyong buhay.
Kailangan ito upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang
mithiin sa buhay. O, ano ang hinihintay mo?
Rubrik sa Pagpupuntos
Krayterya 5 4 3

Pagkakumpleto Lahat ng tanong ay May isa o dalawang May tatlo o higit pang
ng sagot iyong nasagot tanong ang walang kulang sa sagot
sagot

Kawastuhan at Wasto at malinaw May isang sagot na May dalawa o higit


kalinawan ng na nailahad o hindi wasto o pang sagot na hindi
sagot naipaliwanag ang malinaw na wasto o malinaw na
lahat ng sagot nailahad o nailahad o
naipaliwanag naipaliwanag

V. Sanggunian:

Babasahin:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral ( Ikalawang Bahagi),


Unang Edisyon, 2012

Inihanda ni:

VERONICA L. ABANTO
MT- I/MIS

You might also like