You are on page 1of 13

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan- Modyul 4

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ika-apat na Markahan – Modyul 4
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Salome D. Viloria, T III

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa mga naunang modyul, nagkaroon ka ng higit na malalim na


pag-unawa sa mga salik na nakakaapekto sa pagbuo ng mga mithiin at layunin sa
buhay na magsisilbing gabay mo sa pagtuklas ng kahalagahan ng pagtatakda ng
mga mithiin at layunin sa buhay. Ano ang mga pangarap mo? Handa ka na bang
gumawa ng mga hakbang na magpapatotoo sa mga ito? Gaano kahalaga ang
pagtatakda ng mithiin at layunin sa buhay? Sapulin mo!

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Aralin 1: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


➢ Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga pangarapEsP7PB-IVb-14.3
Aralin 2: Ang Aking Layunin sa Buhay
Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay
sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya EsP7PB-IVd-14.4

Mga Layunin sa Pag-aaral:


1. Natutukoy ang layunin ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
2. Naiisa-isa ang mga paraan sa pagbuo ng pahayag na misyon sa buhay
3. Nakagagawa ng pahayag ng layunin sa buhay

1
Simulan

Gawain 1: Paunang Pagtataya


A. Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad sa bawat bilang ay tama at M
naman kung ito ay mali.
_____1. Isulat ang iyong itinakdang layunin
_____2. Iba’t-iba ang paraan ng pagpapahayag ng layunin
_____3. Karaniwang mahaba ang pagpapahayag ng layunin sa buhay
_____4. Hindi maaaring ipahayag ang layunin sa pamamagitan ng isang tula
_____5. Ang pahayag na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa personal motto
_____6. Ang layunin ay dapat na mapagtagumpayan balang araw balang araw
_____7. Ang Brain Dump ay hindi isang paraan ng pagpapahayag ng layunin
_____8. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay dapat na matatag
_____9. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay parang balangkas ng buhay
_____10. Mahirap pa rin ang magpasya kahit sa simula pa lang ay alam na
natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay

B. Panuto: Buuin ang graphic organizer sa ibaba.

Tamang direksyon
sa buhay

1.
Tamang
Pagpapasya

Matupad ang mga


pangarap

2
Aralin Personal na Pahayag
1 ng Misyon sa Buhay

Lakbayin

Ang Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay o


Personal Mission Statement

Alam mo ba ang direksiyong tinatahak mo sa buhay? Nitanong mo na ba sa


iyong sarili kung saan ka nakatungo? Gaano ng aba kahalaga ang pagkakaroon ng
pahayag ng layunin sa buhay?

Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon ng


personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon
nga kay Sean Covey sa kaniyang aklat na The Seven Habits of Highly Effective
Teens, “Begin with the end of mind.” Kung simula pa lang ay alam na natin ang
gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin
ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa
buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na
nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas
ng iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o
layunin sa buhay. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit
ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa
buhay.

Ayon pa kay Covey (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay


maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi
mawawwala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang
matibay na makakapitan upang malampasan ang anumang unos na
dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay
nagbabago. Maaaring ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap;
mahal ka ng nobyo mo ngayon bukas may mahal na siyang iba. Maraming
bagay na hindi natin mapipigil.
Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing
matatag sa anumang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang
bigyan ng tuon ang pgtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.

3
Galugarin

Gawain 1

Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, tukuyin ang mga nagging
pangmadaliang mithiin na nakamit mo na. Pagkatapos ay tukuyin ang iyong mga
nagging hakbangin upang matupad ang mga mithiing iyon.

Misyong
Napagtagumpayan

Ang Aking mga naging Hakbangin

Gawain 2. Tinimbang Ngunit Kulang


Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, tukuyin naman ang mga naging
pangmadaliang mithiin na nabigong makamit. Pagkatapos ay tukuyin ang iyong
mga naging pagkukulang na naging sanhi ng kabiguana makamtan ang mithiin.

Misyong Di-naabot

Ang Aking mga naging Hakbangin

4
Palalimin

Gawain 1. Pagnilayan
Panuto: Pag-aralang Mabuti ang iyong mga kasagutan sa gawain 1 at 2 sa
“Galugarin” at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano yung misyon mong natupad? Sa iyong palagay, paano mo ito


napagtagumpayan? Ipaliwanag
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano namang misyon mo sa buhay ang nabigo kang makamtan? Ano-ano ang sa
palagay mo ang mga naging sanhi ng iyong kabiguang makamtan ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Base sa iyong mga misyong napagtagumpayan at nabigong makamtan, gaano
ngayon kahalaga ang ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng
layunin/misyon sa buhay? Ano ang naging epekto sa iyo ng iyong tagumpay at
kabiguan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubric sa Pagtataya

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Nilalaman Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat na
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
marami ang pahayag. Tiyak ang punto. diwa.
angkop na mga
pahayag at pahayag.
elaborasyon.

5
Aralin Ang Aking Personal na
2 Layunin sa Buhay

Lakbayin

Sa unang aralin ay natukoy mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pahayag


ng layunin sa buhay. Sa araling ito ikaw ay inaasahang makabubuo ng pahayag
ng iyong personal na layunin sa buhay.
Paano nga ba ang pagbuo ng pahayag ng layunin sa buhay? Ano ang iyong
magiging gabay? Ano ang iba’t-ibang paraan ng pagbuo ng pahayag ng layunin
sa buhay?

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:
1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na
may halaga s aiyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaaring ang mga ito na
ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimang


minute ay isulat ang anumang nais mong isulattungkol sa iyong misyon.
Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga
pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maaari mon a itong
salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob lamang
ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.
3. Magpahinga o maglaan ng oras sap ag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung
saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahaon ang paggawa
ng iyong layunin sa buhay sa anumang paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagkasulat nito. Hindi kinakailangan ang


perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang
proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay
personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo.
Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung
masasagot mo ito ng oo, mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

6
Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (EU)

Tamang direksyon
Ang Pagtatakda Tamang sa buhay
ng Malinaw at Pagpapasya
Makatotohanag
Layunin Matupad ang mga
pangarap

Galugarin

Gawain 1. Balangkas ng Mithiin


Panuto: Gabay ang mga hakbang sa pagtatakda ng layunin, subukang
bumalangkas ng iyong layunin sa buhay.

Layunin

Takdang Panahon Kabutihang Dulot Mga Balakid

Solusyon 1.

Solusyon 2. Solusyon 3.

Rubric sa Pagtataya
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Nilalaman Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat na
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
marami ang pahayag. Tiyak ang punto. diwa.
angkop na mga
pahayag at pahayag.
elaborasyon.

7
Palalimin

Gawain 1. Gabay sa Pag-unlad


Panuto: Panahon na para bumuo ka ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.
Gamitin ang mga natutuhan sa pagbuo nito. Gumawa ng isang bookmark. Sa
harap, isulat ang iyong personal na pahayag ng layunin sa buhay. Sa likod naman
ay ilahad kung paano ito makakamit, anong mga posibleng balakid at ano ang
mga posibleng solusyon sa mga balakid.
Halimbawa: Harap Likod

Ang Aking Paano


Personal makakamit?
na kailan?
Layunin anong mga
sa Buhay
balakid?
Ano ang
mga
(Isulat dito posibleng
kung ano?) solusyon

(*Para mabigyan ng ideya sa disenyo ng bookmark, maaaring sumangguni sa:


https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=sample+bookmark&sa=X&ved=2ahUKEwjErr-
_45LuAhWOBKYKHcvsB0cQ7Al6BAgCEEw&biw=1366&bih=657 )

RUBRIK SA PAGLIKHA

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


4-5 2-3 pa ng kasanayan
Nilalaman Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang nasunod nasunod ang mga ngunit hindi
ang mga gabay sa gabay sa nasunod ang mga
pagpapahayag ng pagpapahayag ng gabay sa
mithiin mithiin pagpapahayag ng
mithiin
Disenyo Napakahusay at Mahusay at may Malikhain ngunit
lubos ang pagkamalikhain hindi maayos ang
pagkamalikhain pagkakatugma ng
disenyo

8
Sukatin

Gawain A
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon sa unang kolum. Iguhit ang
thumbs up icon  sa tapat ng TAMA kung ang isinasaad ay naaayon sa

pagpapahayag ng layunin sa buhay at iguhit naman ang thumbs down icon  sa


tapat ng MALI kung ito naman ay hindi umaayon.

SITWASYON TAMA MALI


1. Isulat dapat ang iyong itinakdang layunin
2. Iisang paraan ang pagpapahayag ng layunin sa buhay
3. Karaniwang mahaba ang pagpapahayag ng layunin sa
buhay
4. Hindi maaaring ipahayag ang layunin sa pamamagitan
ng isang tula
5. Ang pahayag na layunin sa buhay ay maihahalintulad
sa personal motto
6. Ang layunin ay dapat na mapagtagumpayan balang
araw balang araw
7. Ang Brain Dump ay hindi isang paraan ng
pagpapahayag ng layunin
8. Ang pahayag na layunin sa buhay ay maihahalintulad
sa isang pansarling kredo
9. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay parang balangkas
ng buhay
10. Madali ang magpasya kung sa simula pa lang ay alam
na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay

B. Buuin ang graphic organizer sa ibaba

Tamang direksyon
sa buhay
1.
2.
GABAY

Matupad ang mga


pangarap

9
Sanggunian
Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi), Modyul 13 p.82-


89, Modyul 14 p. 116-119

Internet

https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=sample+bookmark&sa=X&ved=
2ahUKEwjErr-_45LuAhWOBKYKHcvsB0cQ7Al6BAgCEEw&biw=1366&bih=657

10
11
Simulan
A. B.
1. T 6. T 1. Pagtatakda ng malinaw at makatotohang
2. T 7. M layunin
3. M 8. T
4. M 9. T
5. T 10. M
B.
Aralin 1
Galugarin
Ang guro ay may Karapatan na
Magbigay ng puntos
Palalimin
Sumangguni sa rubrik
Aralin 2
Galugarin
Sumangguni sa rubrik
Palalimin
Sumangguni sa rubrik
Sukatin
A B
1.  6. 1. Ang Pagtatakda ng Malinaw at
2. 7. at makatotohanang layunin
3. 8. 2. Tamang Pagpapasya
4. 9.
5. 10.
Susi ng Pagwawasto

You might also like