Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan Week 3
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ikaw at Ako: May Misyon Tayo
1
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba.
Piliin at bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat
patlang sa pangungusap.Isulat ang sagot sa Module.
1. “Upang magtagumpay, kailangan munang maniwala tayo sa ating .
A. kaibigan C. magulang
B. kapatid D. sarili
2. Lahat tayo ay may sa buhay na dapat gampanan.
A. hilig C. misyon
B. katayuan D. pangarap
3. Ang kahalagahan ng misyon ang magdadala tungo sa ating .
A. kaganapan C. kahalagahan
B. kahusayan D. kapayapaan
4. Ang may ay magandang sandata para makamit ang misyon sa buhay.
A. kabutihan C. pangarap
B. kahandaan D. paniniwala
5. “Depende sa kalidad ng mo ang kalalabasan ng ginagawa mo”.
A. gawain C. kilos
B. isip D. ugali
BALIK-ARAL
Suriin mo ang laman ng iyong puso ngayon. Isulat sa loob
ng puso ang mga nais mong gawin o mga taong nasa loob nito. Islat
ang sagot sa Module.
SURIIN
MISYON SA BUHAY, SA PAGGAWA NAKASALALAY
Ang bawat tao ay isinilang na may papel sa buhay. Ang mabuhay sa mundo ay hindi
natin masasabing, “No Choice” lang. Lahat ng bagay na narito ay may dahilan. Ang
pinakamahalagang dahilan ay kung bakit ka nandito.
Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa kaganapan. Para sa iba, ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang
buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
At tandaan, na sa bawat misyon, dapat ay may kahandaan.
2
Tulad din ng mga nakikita natin araw-araw sa mga taong nasa daan.
Ilan sa kanila ay alam natin ang kanilang destinasyon dahil nakikita
natin ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang kagamitan
at kasuotan na naaayon sa kanilang mga patutunguhan.
Tulad ng ating gawain, alam natin ang ating nais patunguhan at makamit sa
buhay, kaya nararapat lamang na ito ay ating pinaghahandaan. At dahil ito ay
napaghandaan, alam natin na ito ay makakamit natin sa pamamaraan na ating
kakayanin. Sapagakat alam natin na maraming pagsubok ang ating
pagdadaanan, ngunit kung ito ay ating pinaghandaan, ito ay ating malalagpasan.
Halimbawa, nangyari na ba na pumasok ka sa paaralan na walang dalang
panulat? Ano kaya ang reaksiyon na makukuha mo mula sa iyong mga guro o
kamag-aral? Ang pagganap ng mga misyon natin sa buhay ay hindi nakikita ang
mga balakid na kakaharapin, at upang ito ay ating makamit, kailangan sa lahat
ng oras tayo ay laging handa.
PAGYAMANIN
GAWAIN 3
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang nilalaman ng iyong puso sa misyon at kahandaan upang
makamit ito.Isulat ang sagot sa Answer Sheet. (Written Output)
Ang aking misyon Dahilan ng pagbuo ng Ang aking paghahanda
sa… aking misyon ay…
SARILI
PAMILYA
SA BANSA
ISAISIP
Ang pagkakarooon ng misyon sa buhay ay tulad din ng pagkakaroon natin ng
pangarap sa buhay. Ito ang nagsisilbing inspirasyon at hamon upang sa araw- araw
ay magawa natin ang mga dapat nating gawin upang makamit ito. Ito din ang
magsisilbing salamin kung nagawa ba natin ang dahilan kung bakit tayo nilikha dito
sa mundo.
TAYAHIN
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ikaw ay sumasang-ayon at MALI naman
kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa
Answer Sheet. (Written Output)
___1. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay.
____2. May mararating ang tao kahit walang plano sa buhay.
3. Ang mag-aaral ay inaasahan ng guro na handa sa kanyang mga kagamitan.
_______4. Alam ng tao ang kakaharapin na balakid ng bawat misyon sa buhay.
________5. Ang misyon sa buhay ay sarili lamang ang isinasaalang-alang.
6. Kabilang sa misyon sa buhay ang paglilingkod sa kapwa.
7. Isang sa aking mga misyon sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
_____8. Kapag ako ay nabigo, tumitigil na akong makamit ang aking layunin.
9. Ang lahat ng ating nais makamit ay dumaan sa proseso ng pagpapasiya.
10.Maaaring magbago o mapalitan ang personal na misyon sa buhay.
Karagdagang Gawain
Gumawa ng personal na pahayag sa buhay o Personal Mission Statement. Maaaring kumuha sa isang salawikain,
kasabihan,linya sa isang awitin o di kaya gumawa ng iyong sariling layunin. Isulat ito sa sagutang Papel. (Performance
Output)
Halimbawa:
“Maging Mabuting inspirasyon sa
kapwa kabataan.”
Pamantayan/Rubric Puntos
1.nagpapahayag ng mga aral o kagandahang asal 10
2.Pagpapaliwanag(sumasalamin sa buhay at magagamit sa 10
pang-araw-araw na buhay)
3.Malikhain at kalinisan(Maayos ang pagkasulat at kaakit- 5
akit)
Kabuuan 25
SUSI SA PAGWAWASTO
Mission Statements. Retrieved from
https://www.teacherspayteachers.com/Product/ Classroom-
and-Personal-Mission-Statements-3326495