You are on page 1of 5

ESP LEARNING ACTIVITY

7 SHEET
Most Essential Learning Competency (MELC): Nasusuri ang ginawang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na
pagpapasiya.
MELC Code: (EsP7PB-IVc-14.2).

MGA INAASAHAN
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay ng tao;


 Napahahalagahan ang misyon sa buhay sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga paraan ng
pagkamit nito; at
 Naipahahayag ang mga pinahahalagahan at inspirasyon sa buhay na makakatulong sa
pagkamit ng minimithi sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan ang letra ng
pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. Ang __________ ang lilikha ng iyong patutunguhan sa buhay.


A. kaibigan B. magulang C. kapatid D. sarili
2.Ang mabuting ___________ sa buhay ang siyang magiging bunga ng kahahantungan ng tao.
B. paghahalintulad B. pagsisilbi C. pagpapasya D. pangarap
3. Ang kabuuan ng hangarin ng tao sa buhay ay tinatawag na ___________.
C. hilig B. misyon C. kilos D. pamilya
4.Kailangan ng matalinong pagbuo ng ___________ sa pag-abot ng misyon sa buhay.
a. pag-iisp B. paniniwala C. pangarap D. plano
5.Ang bawat tao ay tinawag ng ___________ upang gampanan ang misyon na ipinagkaloob sa atin..
b. Diyos B. kapwa C. guro D. magulang

ARALIN

1
PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan. Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob sa kaniya.
Ibig sabihin, tayo ay lilikha ng ating patutunguhan. Anuman ang iyong hahantungan ay bunga ng
iyong mga nagiging papapasya sa iyong buhay.
Sa paglikha ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, makakatulong na magkaroon ng
pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
3. Tipunin ang mga impormasyon.

Us o ngayon ang hashtag “#” sa social media. Ito ay


isang paraan upang lubos na makilala ang iyong
pahayag at madaling matiyak ang tema at mensahe.
kaya ngayon
naman,
## ilagay dito
ang
hashtag
para sa
iyong
sarili.
Paano mo
gustong makilala ka sa darating na mga panahon?

Kung iyan ang hashtag mo sa iyong sarili…ano ang misyon mo sa buhay na maaari mong
magamit ang mga katangiang iyong nabanggit? At paano mo ito maisasakatupan? Kung lubos nating
kikilalanin an gating sarili tulad ng: Ano ba ang aking kakayahan? Anong gawain ang nagpapasaya sa
akin? O anong uri ng buhay ang nais kong tahakin? Mas mabilis nating maihahanda ang atig sarili
upang maging matagumpay tayo sap ag-abot ng ating mga minimithi sa buhay.
Isipin mo ang nais mong gawin sa kasalukuyan at nais mong mangyari sa iyong buhay sa
hinaharap. Mahalaga ito upang magkaroon ng direksiyon ang pang- araw-araw na plano sa buhay.
Halimbawa, ikaw ay isang manlalaro sa basketball, ang tuon mo ay manalo sa inyong laban. Ang
iyong gagawin ay ang paghahanda sa sarili at nararapat na gawain ng isang manlalaro, tulad ng
workouts, trainings at iba pa. Ang iyong misyon ay makatulong sa ikapapanalo ng inyong team.
Ngunit, kung ikaw ay pupunta lamang upang maglaro at walang hangarin na manalo, wala kang
paghahanda na gagawin. Ganito din ang buhay ng tao na may misyon.
Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring magbago o mapalitan sapagkat patuloy na
nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay. Tandaan, marami ang maaaring
pagbatayan ng iyong personal na pahayag ng misyon sa buhay. Isa sa mahalagang batayan ay ang
mga taong nagbibigay inspirasyon at gumagabay sa araw-araw.

2
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Ang dahilan ng pagbuo sa aking misyon


Panuto: Magbigay ng mga pangyayari sa iyong buhay na kung saan nabuo sa iyong isipan ang mga
nais makamit para sa sarili at sa mga mahahalagang tao sa iyong buhay. Tukuyin ang dahilan at ang
nais mo para sa iyong sarili sa darating na panahon. Hal. Noong magkasakit ang aking lola,
pinangarap kong maging isang doctor upang sa darating na araw, ako ay makakatulong sa mga
maysakit.

Pansariling
karanasan

Pangarap Sa buhay

Misyon na nais
gampanan

Gawain 2:
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang OK kung sumasang-ayon at DI-OK kung hindi sumasang-
ayon.
_____1. Kapag tumulong, dapat humingi ng kapalit.

_____2. Gawing inspirasyon ang mga taong may mabubuting kalooban.

_____3. Hindi dapat umasa sa mga kaibigan.

_____4. Ang misyon sa buhay ay dapat na pansarili lamang.

_____5. Mas nararapat ang paghahanda sa pagkamit ng misyon sa buhay.

Gawain 3:

Panuto: Batay sa konsepto ng aralin ay isulat ang salitang TAMA kung ikaw ay sumasang-ayon at
MALI naman kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat pangungusap.

_____1. Ang personal na pahayag ng misyon ay pwedeng mabago o mapalitan.

_____2. Mahalaga na may taong gumagabay sa pagkamit ng misyon sa buhay.

_____3. Maaaring ibatay sa pananaw ng iba ang iyong personal na pahayag.

3
_____4. Ang taong may paghahanda ay may matatanggap na pagpapala.

_____5. Sa iyong paghahanda pa lamang, maaari ka nang makaranas ng pagsubok.

_____6. Mas maagap na maisasagawa ang iyong misyon kung mamadaliin ang iyong
paghahanda.

_____7. Ang tao ay tinawag ng Diyos upang gampanan ang kanyang misyon.

_____8. May mga taong nagbibigay ng inspirasyon sa ating buhay, subalit hindi sila dahilan ng
pagtatakda ng ating misyon sa buhay.

_____9. Kung hindi maraming kahaharaping pagsubok, huwag ng ipagpatuloy ang pag-abot sa iyong
pangarap sa buhay.

____10. Nauunawaan mo ang landas na iyong tatahakin kung alam mo ang nais mong marating sa
buhay.

Prepared by: Checked & Verified by:

GINA C. AVILA BEATRIZ G. DEGORIO


Master Teacher - I MT-II/Curriculum Implementation Head

Recommending Approval by: Approved by:

REMEDIOS D. TALUA BENITO P. AVORQUE


Head Teacher-I/ Language Dept. Head Principal – II

4
Paunang Pagtataya
1 .D 2 .B 3 .C 4 .D 5 .A

Balik-Aral
Naaayon sa mga pansariling pangarap ng mag -aaral sa hinaharap.

Mga Pagsasanay
Ang sagot ng mag -aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.

Paglalahat
1. Di -OK 2 . OK 3 . Di -OK 4 . Di -OK 5 . OK

Panapos na Pagsusulit
1 . TAMA
2 . TAMA3 . MALI4 . TAMA
5 . TAMA
6 . MALI 7. TAMA 8. MALI 9. MALI 10. MALI

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like