You are on page 1of 12

Aralin

PERSONAL NA PAHAYAG Ka
NGuMISYON SA BUHAY

13
Mga Inaasahan
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga elemento at hakbangin sa
pagbuo at pagsasakatuparan ng iyong mga mithiin sa buhay. Gagabayan ka nito
upang magkaroon ng tamang direksiyon sa track o kurso na iyong pipiliin.

Ayon nga kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People, nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang
isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa hinaharap at
magpasiya sa direksiyon na iyong tatahakin sa buhay upang matiyak na ang bawat
hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kasanayan:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng personal na pahayag ng misyon sa


buhay;
2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa
buhay;
3. Nahihinuha na ang kanyang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay
dapat na nagsasalamin sa kaniyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat;
4. Nakapagbubuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay.

Handa ka na ba? Bago mo simulan ang pagbuo ng iyong Personal na Pahayag


ng Misyon sa Buhay, sukatin mo muna ang iyong kaalaman sa paunang pagsubok
na ito.
Paunang Pagsubok
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ito ang hangarin ng tao na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
A. misyon
B. bokasyon
C. pangarap
D. propesyon

2. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag:


A. mithiin
B. misyon
C. bokasyon
D. propesyon

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
3. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay?
A. Ito ay batayan ng tao sa kaniyang mga pagpapasiya.
B. Ito ay talaan ng mga gagawin sa araw-araw sa buhay.
C. Ito ay nagpapakilala ng sariling potensiyal upang matamo ang mga mithiin.
D. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto ng nais mong mangyari sa
iyong buhay.
4. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal
na Pahayag ng Misyon sa Buhay maliban sa:
A. Sukatin ang kakayahan.
B. Tipunin ang mga impormasyon.
C. Tukuyin ang mga pinahahalagahan.
D. Suriin ang iyong ugali at mga katangian.

5. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon sa buhay ay ang
paglilingkod sa Diyos at kapuwa.Ito ay nagbibigay sa tao ng tunay na .
A. kaligtasan
B. kabutihan
C. kapayapaan
D. kaligayahan

6. Sa pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay, dapat na masagot ang mga


tanong na ito maliban sa
A. Ano ang layunin mo sa buhay?
B. Ano ang mga nais mong marating?
C. Ano ang iyong mga pagpapahalaga?
D. Ano ang iyong mga hangarin para sa iyong pamilya?

7. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?


A. upang mapaunlad ang buhay
B. upang matanaw niya ang hinaharap
C. upang magkaroon ng kasiyahan sa buhay
D. upang maabot niya ang minimithing layunin sa buhay

8. Sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, mahalaga ang:


A. pagtataya ng sarili
B. suporta ng kaibigan
C. pagkakaroon ng tungkulin
D. kakayahang magbasa ng kinabukasan

9. Ang mga salita o pahayag sa iyong gagawing misyon ay repleksiyon ng


iyong maliban sa:
A. saloobin
B. paniniwala
C. pag-uugali
D. pagpapahalaga

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
10. Ang iyong gagawing Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maaaring
maging:
A. batayan sa pagkakamit ng pangarap
B. salamin ng pag-uugali sa hinaharap
C. kabuoan ng iyong mga pagpapahalaga
D. hadlang sa iyong mga balakin sa buhay

Balik Tanaw
Gawain: Concept Web
Panuto: Isulat sa gitnang bilog ang pangarap na hanapbuhay na nais
matupad. Piliin sa mga salita sa ibaba ang mga salik sa pagpili ng track o kurso.

SALIK
 talento
 pagpapahalaga
 interes
Pangarap na
 kasanayan hanapbuhay

 ugali
 mithiin
 kapayapaan

Pamprosesong tanong:
1. Paano nakatutulong ang mga salik na ito sa pag-abot ng iyong pangarap?
Ipaliwanag ang sagot.

2. Bakit mahalaga na tugma ang mga salik na ito sa pipiliin mong track o
kurso para maabot ang iyong minimithing pangarap sa buhay?

Rubrik sa Pagbibigay ng Marka sa Pagwawasto


(Gagamitin din itong rubrik sa kahalintulad na pagtatanong ).
5 4 3 2 1
Napakahusay ng Mabuti ang Matatanggap ang Malaki ang Hindi malinaw
ginawang pagpapaliwanag pagpapaliwanag kakulangan sa ang ginawang
pagpapaliwanag (katamtaman (may kaunting - ideya. pagpapaliwanag
(buo at maliwanag ang ginawang di-malinaw sa (Nagpapakita (Nagpapakita
na nailahad ang pagpapaliwanag) ibinigay na ng kaunting ng kakulangan
ideya) kaisipan o ideya) kaalaman sa sa pag-unawa
paksa. sa paksa.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Sa pagbabalik tanaw mo nalaman mo ang iba’t-ibang salik sa pagbuo ng
iyong pangarap. Ngayon naman ay uumpisahan mo na ang pagtatalaga ng sarili
para maipahayag ang pangarap na ito.

Handa ka na ba? simulan na natin!

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang kahulugan,kabuluhan at mga


hakbangin sa pagbuo ng iyong PPMB.

Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay (PPMB) ay


katulad ng isang personal na kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasiya sa araw-araw.
Sa pagbuo mo ng PPMB, dapat na masasagot nito ang mga
katanungang:
1. Ano ang mga layunin mo sa buhay”
2. Ano-ano ang iyong mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais mong marating?
4. Sino ang mga tao na maari mong makasama at maging
kaagapay sa buhay?
Ayon kay Fr.Jerry Orbos ang pangunahing sangkap para sa
tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Ang tunay
na misyon ay ang maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa
kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan. Ano
Sa paggawa nito isinasaalang –alang ang kraytiryang SMART nga
Tiyak (Specific) kailangan lahat ng isusulat mo ay ispisipiko ba
Sigurado ka dapat sa iyong mga gagawin.
Nasusukat (Measurable) Kailangan ay yung kaya mong gawin at
isakatuparan.
Naaabot (Attainable) Makatotohanan ba ang iyong PPMB?
Kaya mo bang abutin o gawin ito?
Angkop (Relevant) Angkop ba ito para makatugon sa pangangai-
langan ng iba?Ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba
Nasusukat ng Panahon (Time Bound) Kailangan magbigay ka ng
takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang
iyong isinulat. Ito ang magsasabi kung ang personal na pahayag
ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o hindi.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Pagkatapos mong malaman ang mga ito, handa ka na bang bumuo ng iyong
PPMB? Ngunit bago ito kailangan mo munang magkaroon ng sariling pagtataya. Sa
gawaing ito tutuklasin mo ang iyong mga pagpapahalaga, katangian, at mga
ginawang pakikibahagi sa iba. Aalamin mo kung paano nakaaapekto ang mga ito
sa pagbuo ng iyong minimithing buhay

Mga Gawain

Gawain 1.1: Pagtataya ng Sariling Potensiyal


Panuto: Punan ng mga hinihinging kasagutan ang mga larawan. Gawing
gabay ang mga arrow sa ibaba.

Mithiin sa buhay
Hal:Gusto kong maging guro

Sumulat ng tig-isang
halimbawa ng ginawang
pakikibahagi sa mga ito kung
saan ipinakita ang
iyong kahusayan

Mga katangian

1
Taglay na
mga pagpapahalaga 2.

3.
1.
2.
3.
pamilya paaralan

pamayanan simbahan

Rubrik sa Pagbibigay ng Marka:


Ang bawat kasagutan ay bibigyan ng puntos na:
2- maliwanag ang kaangkupan ng kasagutan sa tanong;
1- may katamtamang pagkakaugnay sa hinihinging kasagutan.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Pamprosesong mga tanong:

1. Bakit mahalagang makilala nang mabuti ang sarili bago gumawa ng


pagpapasiya sa buhay?

2. Paano makakaapekto sa pagbuo ng iyong minimithing buhay ang mga


sumusunod ? Ipaliwanag ang sagot.

a. katangian:

b. pagpapahalaga:

c. pakikibahagi:

Gawain 1.2 Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Upang ikaw ay lubos na magabayan, sa pagbuo ng personal na misyon sa
buhay, narito ang halimbawa ng PPMB ng isang mag-aaral.

Sampung taon mula ngayon ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa
pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga salita at
karunungan sa lahat lalo na sa kabataan, maliliit na bata at mga tinedyer sa pamamagitan
ng pag- aaral nang mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang hanggang pagmamahal
ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Plano o Mithiin Hakbang sa Pagsasagawa Takdang Oras


/Panahon
Pag-aaral nang mabuti  Pagbabalik-aral sa mga  2 oras araw-
nagdaang aralin araw
 Regular na pag-aaral ng mga
asignatura
Pagsasagawa ng  Pagsasaliksik sa mga bagay  Isang beses
pananaliksik na makakapukaw isang lingo
pansin ng mga kabataan
Pag-alaala sa Diyos  Pananalangin  Araw-araw
 Pagsali sa mga gawain nasa  Tuwing linggo
simbahan at organisasyon.

Ngayong alam mo na kung paanong bumuo ng PPMB, Ikaw naman ang gagawa
nito. Tandaan ang SMART, bilang kraytirya sa pagsasagawa nito.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Gawain 2 Panuto: Isulat sa pahabilog ang iyong personal na pahayag ng misyon
sa buhay. Punan naman ang talahanayan ayon sa hinihinging kasagutan ng bawat
kategorya.

Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Rubrik sa Pagbibigay ng Marka


Mga Katangian: Ang puntos mo ay:

 Naisaalang ang mga katangian 5 - kung nasunod ang tatlong katangian


at kraytirya (SMART) ng pagbuo nito 3-dalawang pamantayan lamang
 Kumpleto at maayos ang mga 2- isang pamantayan lang ang nagawa.
pangungusap
 May iisang diwa ang mga ideya.

Plano o Mithiin Hakbang sa Pagsasagawa Takdang Panahon


1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 3 Pagsagot sa mga tanong.


1. Paano makakatulong ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
o PPMB upang magtagumpay sa buhay?

2. Ano ang mabuting bunga ng pagtatakda ng panahon sa pagsasagawa ng iyong


mga mitiin sa buhay?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
3. Bakit kailangang tiyakin ang mga gagawing hakbang sa pagbuo ng mga plano
o mithiin sa buhay?

Tandaan:

 Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ng isang


kabataang katulad mo. Ito ang makapagbibigay sa iyo ng direksiyon sa buhay
upang sa pagtahak mo ng iyong misyon patungo sa napiling bokasyon ay
maging malinaw at makapagbigay sa iyo ng kaganapan bilang tao.
 Ito ang magsisilbing saligan sa pagtahak mo sa tamang landas ng iyong
buhay.
 Magiging gabay mo ang PPMB na maging mapanagutan upang
makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Misyon-ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa


kaganapan.
Bokasyon- Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin na “vocation” na ang ibig sabihin ay
“calling” o tawag. Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob Niya sa atin.
Propesyon- trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.Ito ay resulta ng
kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Buoin ang mga pangungusap ng kaisipan halaw sa iyong


natutuhan sa aralin.

1. Ang PPMB ay mahalaga sa isang tao lalo na sa mga kabataan dahil

2. Sa paggawa ng PPMB, mahalagang maisaalang-alang ang mga pansariling


pagtataya dahil

3. Mahalaga ang kraytirya sa pagbuo ng PPMB upang

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi angkop sa diwa ng aralin?


A. Maraming tao ang walang trabaho sa kasalukuyan.
B. Mahalaga ang sariling pagtataya sa pagbuo ng PPMB.
C. Ang PPMB ay gabay ng tao upang matupad ang misyon nito.
D. Ang bawat to ay may misyon na dapat gampanan sa lipunan.

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat mabatid sa sariling pagtataya?


A. talino B. hilig C. talento D. pagpapahalaga

3. Bakit mahalagang makabuo ng PPMB? Alin sa mga dahilan sa ibaba ang


hindi nabibilang na sagot?
A. Nagsisilbing gabay upang maabot ang mga mithiin sa buhay.
B. Isang paraan ito para makita ang naangkop na track o kurso.
C. Kailangan ito para maiplano ng mabuti ang direksyong tatahakin.
D. Nagsisilbi itong sangkap upang mapaunlad ng tao ang pakikipag-ugnayan
sa iba.

4. Ayon kay Fr. Jerry Orbos, isang sangkap para sa pagtatamo ng tunay na
kaligayahan ay ang misyon. Ito ay nangangahulugan na:
A. Ang misyon ang kaganapan ng ating pagkatao.
B. May mga misyon tayong dapat gawin sa buhay.
C. Mahalaga na makita ng tao ang kahalagahan ng kanyang pagkakalikha
at kumilos ito para sa pagtatamo nito.
D. Ang tunay na kaligayahan ay ang pagiging mapanagutang nilalang sa sarili,
kapwa at higit sa lahat sa Diyos upang matupad ang misyon sa buhay.

5. Ang mga kraytirya sa pagbuo ng PPMB ay nararapat upang:


A. maiangkop ang PPMB sa ating naiisip at nararamdaman
B. magsilbing gabay sa pagkakamit ng mga kaligayahan sa buhay
C. maiplano at maisagawa ang PPMB batay sa ating pagkatao
D. maging kaaya-aya at tularan ng iba ang iyong ginawang PPMB

6. Alin sa mga tanong na ito ang hindi nabibilang sa pagtataya ng sarili?


A. Ano ang iyong layunin sa buhay?
B. Ano ang iyong mga pagpapahalaga?
C. Ano ang iyong nais na marating sa buhay?
D. Sino ka sa paningin ng mga nakakakilala sa’yo?

7. Sa pagpili ng iyong magiging propesyon, mahalagang maisaalang –alang ang


mga ito maliban sa:
A. kasanayan B. kultura C. interes D. pagpapahalaga

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
8. Nagiging mahirap para sa iyo ang makabagong sistema ng pag-aaral.
Maliban sa maraming gawain na kailangan mong gawin, kailangan mo din
ng mas mahabang oras sa pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
A. Sa isang taon na lang ulit ako mag-aaral.
B. Pagtutuunan ko ng higit na atensyon ang aking pag-aaral.
C. Isasangguni ko sa aking mga kaibigan ang aking problema.
D. Makikipag-usap ako sa aking tagapayo na bigyan ako ng madaling gawain.

9. Nasa huling taon ka ng SHS, nais mo sanang maging guro sa hinaharap.


Ngunit gusto ng iyong ina na magkaroon ng doktorang anak. Mabuti na
ikaw ay:
A. Huminto upang makapag-isip isip.
B. Sundin kung ano ang gusto ng ina.
C. Makipag-usap sa ina upang magkaroon matalinong pagpapasya.
D. Magtrabaho muna para mapag-ipunan ang gustong karera ng iyong ina.

10. Ang pagtatamo ng mga mithiin sa buhay ay daan sa pagtatamo ng:


A. kalakasan
B. kaligayahan
C. kagalingan
D. kayamanan

Pagninilay :
Panuto: Sumulat ng pagninilay tungkol sa kasabihan ito.
Iugnay ito sa pagtupad ng iyong misyon sa buhay.

Ang tagumpay ay isang paglalakbay hindi isang destinasyon

Rubrik sa Pagbibigay ng Marka


Mga Katangian: Ang puntos mo ay:

 Malinaw na naiugnay ang konsepto 5 - kung nasunod ang lahat ng


ng aralin. katangian
 Kumpleto at maayos ang mga 4 - kung 4 na pamantayan
pangungusap 3 - tatlong pamantayan lamang
 Naging malikhain sa paglalahad 2 - dalawang pamantayan lang
ng ideya. 1 - isang pamantayan
 Mahusay sa paglalahad ng
kaisipan
 May iisang diwa ang mga ideya.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
ANSWER SHEET
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKA-APAT NA MARKAHAN-IKATLO AT IKA-APAT NA LINGGO
ARALIN 13: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Pangalan:
Guro:
Baitang at Pangkat:

Paunang Pagsubok
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9
5. 10.
Balik Tanaw

Pamprosesong tanong
1.

2.

Gawain 1 Mga halimbawa ng ginawang


pakikibahagi sa mga ito kung saan
ipinakita ang iyong kahusayan

1
1 .2

2 3

3
pamilya paaralan

pamayanan simbahan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo
Pamprosesong tanong
1.

2.
a. katangian
b. pagpapahalaga_
c. pakikibahagi

Gawain 2: Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Plano o Mithiin Hakbang sa Pagsasagawa Takdang Panahon


1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong tanong
1.

2.

3.

Pag-alam sa mga Natutuhan


1.
2.
3.
Pangwakas na Pagsusulit
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Pagninilay :

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ika-apat na Markahan: Ikatlo at Ika-apat na Linggo

You might also like