You are on page 1of 12

PERSONAL

NA
PAHAYAG
NG MISYON
SA BUHAY
Naranasan mo na
bang pumunta sa
isang lugar na hindi
mo alam ang tamang
daan ng iyong
pupuntahan?
Alam mo ba ang
direksiyon na
tinatahak mo sa
buhay? Naitanong
mo na ba sa iyong
sarili kung saan ka
patungo?
Kailangan ng
gabay sa ating
pagpapasiya.
Kailangan ng gabay sa
pagpapasya upang hindi
magkamali upang magkaroon ng
tamang direksyon sa pagkamit ng
mga layunin.
Bakit nga ba UNA
mahalaga na Sa iyong paglalakbay, ikaw ay nasa
magkaroon ng kritikal na yugto ng buhay.
direksiyon ang
buhay ng tao?
ANUMAN ANG PILIIN
MONG TAHAKIN AY
MAKAAAPEKTO SA
IYONG BUHAY SA
HINAHARAP.
Bakit nga ba
IKALAWA
mahalaga na Kung hindi magpapasya ngayon, gagawin ito
ng iba para sa iyo.
magkaroon ng
direksiyon ang
buhay ng tao? DAPAT NA MAGING
MALINAW SA IYO ANG
IYONG TUNGUHIN
SAPAGKAT KUNG HINDI
MAGIGING MABILIS SA IYO
NA BASTA NA LAMANG
SUMUNOD SA IDINIDIKTA
NG IBA SA MGA BAGAY NA
IYONG GAGAWIN.
Ang PERSONAL NA MISYON SA BUHAY ay
katulad ng personal na kredo o motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na
dumaloy ang iyong buhay.
Isang batayan sa iyong gagawin na mga
pagpapasya at isang paraan upang makilala ang
sarli at kung saan ka patutungo.
Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa
iyong isip ang isang malaking larawan kung ano
ang nais mong mangyari sa iyong buhay.

Kilalaning mabuti ang sarili at suriin ang iyong


katangian, pagpapahalaga at layunin.
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa
Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng
pansariling pagtataya o personal
assessment sa iyong kasalukuyang buhay.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya:

1. Suriin ang iyong ugali at katangian.


2. Tukuyin ang iyong mga
pinahahalagahan.
3. Tipunin ang mga impormasyon.
Upang makabuo ng mabuting personal na
misyon sa buhay, Mabuti na ito ay
magsimula na alamin ng tao ang sentro ng
kaniyang buhay.

Hal. Diyos, pamilya,


kaibigan, komunidad,
atbp. Ito ay dahil ang
sentro ng buhay mo ang
magbibigay sa iyo ng
seguridad, paggabay,
karunungan at
kapangyarihan.
Maaaring magbago o mapalitan ang personal na
misyon ng buhay ng tao sapagkat patuloy na
nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon
na nangyayari sa kaniyang buhay.

“ALL OF US ARE
CREATORD OF OUR
OWN DESTINY.”

You might also like