You are on page 1of 12

PERSONAL NA

PAHAYAG NG MISYON
SA BUHAY
IKAAPAT NA MARKAHAN
Mahalaga ang Gabay sa Pagpapasya
SIGURADO SA
TATAHAKIN MO NA
LANDAS

tama ang direksyong


tatahakin mo patungo
sa pagkamit ng mga
layunin mo
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Direksyon sa
Buhay o Tunguhin
● kritikal na yugto ng iyong buhay.
● Huwag maging impulsive o magmadali
sa pagpili nito, pag- isipang mabuti at
siguraduhin ang pagpapasyang
gagawin.
● malinaw na ang iyong tunguhin sa buhay
sapagkat kung hindi ay maaring
sumunod ka sa idinidikta ng iba para sa
iyo.
PERSONAL NA PAHAYAG SA MISYON
NG BUHAY
● mahalaga ang pagkakaroon ng
tunguhin o direksyon sa buhay
● isang personal na kredo o motto.
● Ito ang gagamitin mong batayan sa
pagpapasya sa araw-araw at
magiging pundasyon ng kamalayan,
pagkilanlan, at pagpapahalaga sa
iyong mga layunin sa buhay
01 Ang MISYON
• Ang misyon ay hangarin ng tao sa buhay
na magdadala sa kanya sa pagtupad sa
kanyang kaganapan.
• Iba’t iba ang misyon ng tao at ito ay maaring
isagawa nila sa pamilya, kapwa, paaralan,
simbahan, o trabaho
02 Ang BOKASYON
• ang “vocation” o bokasyon. Ito ang ‘calling’ o pagtawag ng Diyos na
gampanan ang misyon na Kanyang ipinagkaloob.
• mas nagiging kawili-wili ang paggawa para sa tao at hindi siya
nakararamdam ng pagkabagot.
• ang paggawa ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa buhay ng tao.
• Mula rito ang kanyang paggawa ay hindi na lamang trabaho kundi
isang misyon na nagiging bokasyon.
03 Ang PROPESYON
• Ang propesyon naman ay trabaho na ginagawa
nang tao upang mabuhay.
• Maaring gusto niya ito o hindi, subalit
kailangan niya itong gawin, hindi siya
nakakakuha ng ganap na kasiyahan mula dito.
PAGBUO NG PERSONAL NA MISYON
SA BUHAY
● Ayon kay Fr. Jerry Orbos, Ang pangunahing
sangkap sa tunay na kaligayahan ng tao ay
pagkakaroon ng misyon sa kanyang buhay.
● Hindi ito upang kumita ng pera, maging
mayaman, o maging tanyag.
● Ang tunay na misyon ay maglingkod sa
kapwa mo at sa Diyos.
● Ito ang magbibigay ng tunay na kaligayahan
sa tao.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
PERSONAL NA MISYON SA BUHAY
1. Bumuo ng pagtataya o assessment
sa iyong kasalukuyang buhay
● Suriin ang iyong pag-uugali at mga katangian - Itala ang
iyong pag-uugali at mga katangian. Ito ang magpapakita kung
paano ka kikilos sa iyong mga pasyang gagawin.
● Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan – Ito ay ang
iyong mga pinaglalaanan ng lakas at panahon. Ang mga
pinapahalagahan mo ang pundasyon ng pagbuo ng personal
na misyon sa buhay.
● Tipunin ang mga Impormasyon – Itala ang lahat ng
impormasyon na iyong nakalap
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
PERSONAL NA MISYON SA BUHAY
2. Dapat ay masagot nito ang apat na
katanungan.
● Ano ang layunin mo sa buhay?
● Ano-ano ang mga pinahahalagahan mo?
● Ano ang nais mong marating?
● Sino ang mga tao na susuporta at
magiging kaagapay mo sa buhay?
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PERSONAL
NA MISYON SA BUHAY
3.Ayon kay Stephen Covey, ito ay dapat nagtataglay ng
mga apat na katangian upang masiguro na may
kapangyarihan ang ating misyon sa buhay.
a)Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili.
b)Nagagamit at naibabahagi ng tama, mabuti, at may
kahusayan ang sarili bilang isang natatanging nilikha.
c)Nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya,
komunidad, trabaho, at iba pa.
d)Ito ay dapat isinulat bilang inspirasyon at hindi
pagyayabang

You might also like