You are on page 1of 3

Aralin 1 PPMB Mo Ay Mahalaga!

Lakbayin
Ang bawat nilalang ay may kanya-kanyang landas at direksiyon sa buhay na
tinatahak. Nasa kanya ito kung ito ay nakabubuti sa kanya o hindi, positibo o
negatibo man ito. Ang magiging resulta ng anumang nangyayari sa kasalukuyan ay
depende sa desisyon at direksiyong ginawa sa buhay na tinahak ng isang tao.
Katulad ng isang sitwasyon na kung saan ang ilan sa atin ay mas-gusto ang mas
madaling paraan kaysa maghirap at magpakapagod pa para makamtan ang
minimithi sa buhay, na kahit may naaapakan na o nasasaktan ay ayos lang sa kanya
basta makuha lang ang kanyang naisin sa buhay. Hindi niya iniisip ang damdamin
ng kapwa niya na naapektuhan doon sa maling desisyon na kanyang ginawa kung
saan may lumuluha at nagtatangis dahil sa kanya. Pero alalahanin na ang bawat
kinikilos at desisyong ginagawa sa kasalukuyan ay mayroon tayong pananagutan
para dito. Mabuti man ito o ikakasama man ito ng bawat isa. Ano kaya ang maaaring
mangyari o hahantungan ng isang tao kung ito ay magkamali ng papili ng
direksiyong kanyang tatahakin sa maling desisyong kanyang nagawa? Ano kaya ang
kahahantungan nito?

Sa tao, mahalaga na tama ang landas na tinatahak upang makamit ng tama


at maayos ang mga layunin sa buhay. Mahalaga na tayo ay may tamang pagpapasiya
upang magkaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Sa tuwina ay
kailangang pag-isipan ang pagpapasya ng maraming beses para maka-siguro at
hindi tayo mapariwara at mapunta sa kawalan. Anumang pagpapasya na gagawin
ay dapat nakabubuti sa kapuwa, sa komyunidad at lalo na sa sarili. Isang
pagpapasya na walang maaapakan, walang masasaktan at wala maaagrabyado.
Napakahalaga ang tamang pagpapasya na may kaakibat na pananalangin at
pananampalataya sa Diyos na siyang gabay sa tuwina. Ang pagpapasiya ay hindi lahat
makakaya ninuman na mag- isa. Kailangan ang tulong at gabay ng ibang tao
sa pagpapasya para di magkamali at upang magkaroon ang isang tao ng tamang
direksiyon sa pagkamit ng mga layunin sa buhay. Ito ang nagsisislbing kasangkapan
upang marating ng isang tao ang tugatog ng tagumpay sa lahat ng kanyang nais
puntahan at marating. Bakit importante na magkaroon ng tamang direksiyon sa
buhay ng isang tao? Bakit mahalaga na magkaroon ng malinaw na tunguhin ang
buhay ng tao? Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, nasa kritikal ka na
yugto ng iyong buhay. Marami kang gustong makamtan at marating sa buhay.
Anuman ang piliin mong tahakin sa kasalukuyan ay makakaapekto sa iyong buhay
sa hinaharap. Marahil tinatanong mo ngayon ang iyong sarili kung paano nga ba?
Paano mo sisimulan at gagawin? Alam mo ba?

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal Mission Statement} o


PPMB ay makatutulong para matugunan ang lahat ng mga katanungang naglalaro
sa isipan. Ano nga ba ito? Ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(PPMB) ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung
paano mo ninananis na dumaloy ang iyong buhay na magiging batayan mo sa
pagpapasya araw-araw. Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Habits
of Highly Effective People, “Begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa
lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay. Mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili at suriin
ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa
hinaharap at magpasya ng direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang
makatiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon
din kay Covey, ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nararapat
na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.

Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makakatulong na magkaroon


ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang
resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong pananagutang pasya at kilos.

Ang mga susmusunod ay ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pansariling


pagtataya:

1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang iyong paggawa ng iyong
PPMB (Personal na pahayag ng Misyon sa Buhay) sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong
ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sayo kung
sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa
iyo, at paano mo isasasakatuparan ang iyong pagpapasya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa kung


saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas,
oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa
pagbuo ng personal na misyon mo sa buhay.

3. ang mga impormasyon. Sa iyong naitalang impormasyon, laging isaisip na ang


layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa
sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sayo ng tamang direksiyon sa landas
na iyong tatahakin.

Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito
ay kailangan mong pagnilayan at paglaanan ng sapat na panahon. Kailangan mong
ialay ang iyong buong sarili sa pagsasagawa nito. Sa oras na ito ay mabuo mo, ito
ang magiging saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang
lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay na dito.

Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang


tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kanyang buhay. Ngunit
magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang
landas ng kaniyang buhay. Sabi nga ng isang kataga, “All of us are all creators of our
destiny.” Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Kaya pag-isipan mong
mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga
naging pagpapasya sa iyong buhay.

Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na magiging
mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iiral sa mundo na ikaw
bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay. Anuman ito ay
dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan at
gagawin. Mula dito, kailangang maging malinaw sa iyo ang iyong pagiral; ikaw ay
mayroong misyon na dapat gampanan.

Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay hangarin ng isang tao sa buhay na
magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad ng isang
kaganapan. Sa iba naman, ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin ng buong
husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi. Lahat ay may nakatakdang
misyon dahil sa pagkakaiba-iba. Pwedeng maisagawa ito sa pamilya, kapuwa,
paaralan, simbahan lipunan o sa trabaho o anumang gawain. Mahalaga na ngayon
pa lamang ay makabuo ka na ng PPMB mo upang makita at masalamin mo kung
saan ka patungo.

Sa pamamagitan ng misyon, ikaw ay makakabuo ng tinatawag na bokasyon


na kung saan galing sa salitang Latin na ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ang bawat
isa ay tinawag ng Diyos para sa isang misyon na gagampanan. Mahalaga ito sa
pagpili mo ng propesyong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at
isports pagkatapos mo ng Senior High School. Ang propesyon ay iba sa misyon. Ang
propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ay bunga ng
kanyang pinag-aralan at naging eksperto na siya dito at pinagkukuhanan niya ng
ikabubuhay. Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon subalit mas kawili
wili ang paggawa para sa tao. Nagagamit niya dito ang kaniyang talento at hilig. Ito
ay nagdudulot sa tao ng kagalakan at kasiyahan sa buhay.

Aralin 2 Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay

Lakbayin

Sa paggawa ng PPMB ay isaalang-alang ang kraytiryang SMART na dapat


isaalang-alang sa paggawa ng PPMB na ibig sabihin ay: Specific, Measurable,
Attainable, Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging konkreto sa
iyong tatahakin sa buhay.

Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo ditto ay ispisipiko. Kung


kayat mahalaga na magnilay ka upang Makita mo ang nais mong tahakin. Hindi
makakatulong sa iyo kung pabago-bago ka ng iyong nais. Kailangan mong
siguraduhin ang iyong gagawin.

Nasusukat (Measurable). Nasususkat mo ba ang iyong kakayahan?


Kailangan na isusulat mo sa iyong PPMB ay kaya mong gawin at isakatuparan.
Dapat mo ring pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga
kakayanan bilang isang tao dahil kung hindi, baka hindi mo rin ito matupad.

Naaabot (Attainable). Tanungin ang sarili. Makatutuhanan ba ang aking


PPMB? Kaya ko bang abutin o gawin ito? Mapanghamon ba ito?
Angkop (Relevant). Angkop ba ito pra makatugon sa pangangailangan ng
iyong kapwa? Isa ito sa kinakailangan mong tignan at suriin. Dito ay kailangang
ituon mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan ng ibahagi sa iba.

Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang


panahon o oras kung kailan mong maisasakatuparan ang iyong isinulat.

You might also like