You are on page 1of 15

EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL
(SIM)

MODYUL 14

Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay

RICA T. GUINTO
Alamin?

Sa buhay ng tao ay napakaraming kailangan isaalang-alang. Sa buhay ay maraming mga


desisyon na kailangan nating magawa. Bawat pagpatak ng oras, bawat minuto ng iyong buhay ay
may kaakibat na mga
papasyang kailangan mong
gawin dahil ito ang realidad
ng buhay. Bata man o
matanda ay gumagawa ng
kanikanilang sariling
pagpapasya. May mga taong
naliligaw dahil mali ang
pasyang kanilang tinahak. Sa
modyul na ito ay malalaman
mo ang kahalagaan ng
tamang pagpapasya at
pagiisip ng iyong personal na
misyon sa buhay. Ang misyon
na ito ay mabubuo dahil sa
iyong pagninilay at
pagpapasya sa kung ano ang
gusto mong mangyari sa iyo
sa hinaharap. Ito ay parang
mapa ng iyong buhay na kailangan mong gawin upang ikaw ay may gabay sa iyong paglalakbay.
Sa modyul na ito ay magiging malinaw sayo ang direksyon na gusto mong tahakin sa iyong
buhay. Sa modyul na ito ay makikita mo kahalagaan ng paggawa ng personal misyon sa buhay.
At masasagot mo na sa iyong sarili kung bakit kailangan mo itong gawin ngayon.

Most Essential Learning Competencies:

 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

 Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Subukin!
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sanaysay at isulat ang salitang “Tama” kung
tama ang nilalahad nito at “Mali” naman kung mali ang nilalahad nito.
______________ 1. Ang paggawa ng isang mahalagang pasya sa iyong buhay ay kailangan
pagisipang mabuti at/o humingi ng gabay sa mga nakakatanda.

______________ 2. Kailangan maging malinaw sayo ang iyong tunguhin upang hindi ka
madiktahan ng mga taong nakapaligid sa iyo kung ano ang iyong nanaisin sa iyong buhay.

______________ 3. Ang Personal na Misyon mo sa Buhay ang magiging gabay mo sa iyong


pangaraw-araw na pagpapasiya.

______________ 4. Sa paggawa ng pasya para sa iyong kinabukasan ay hindi mahalaga na


kilalanin ng mabuti ang iyong sarili.

______________ 5. Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya
tungo sa kaganapan.

______________ 6. Ang tao ang gumagawa ng kanyang tadhana kaya naman nararapat lamang
na maging matalino sa mga pagpapasyang gagawin sa buhay.

______________ 7. Ang bokasyon ay ang calling o tawag ng Diyos sa isang tao.

______________ 8. Ang buhay ng tao ay hindi nagbabago kung hindi sya gagawa ng isang
pagpapasya.

______________ 9. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay isang kasulatan lamang hinid ito
nagsisilbi simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas
na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.

______________ 10. May mga hakbang sa pgbuo ng Personal na Misyon sa Buhay at kailangan
mo itong sundin kupang maging konkreto ay iyong plano.

Balikan!

Sa modyul 13, natuklasan mo ang


kahalagahan ng pagiging tugma ng
iyong mga personal na salik sa mga
pangangailangan ng pipiliin mong
kurso. Ang pagtutugmang ito ay isang tulong upang magkaroon ka ng isang makabuluhang
trabaho o negosyo. Sa pagkakaroon mo ng trabaho na nais mo at/o negosyo na iyong nais ay
makakatulong ka sa ekonomiya ng bansa.
Marapat lamang na alam mo ang mga ito bago tumungo sa modyul 14 na Paggawa ng Personal
na Pahayag ng Misyon sa Buhay upang malaman mo ang tamang direksyon na dapat mong
tahakin sa iyong buhay.

Tuklasin!
Panuto: Isiping mabuti ang iyong mga pagpapasya na nakikita sa iyong kilos na yong
ginagawa/ginawa na makakaapekto sa iyong kinabukasan. Maaring ito ay tamang pasya o maling
pasya.
Mga Pasya/Kilos na aking Tukuyin kung ito ay “Tama”
ginagawa/ginawa na o “Mali” pasya o kilos sa Ano ang maidudulot nito sa
makakaapekto sa aking pamamagitang ng pagsulat ng iyong kinabukasan?
kinabukasan “Tama” o “Mali” sa ibaba

1.

2.

3.
Suriin…

Panuto: Sa puntong ito suriin mo ang iyong sariling plano para sa napupusuan mong maging
karera o trabaho sa hinaharap. Tukuyin ang mga hakbang na dapat mong tahakin upang makamit
ang iyong ninanais,
Ituloy ang landas sa ibaba. Tandaan na kailangan mo itong gawin personal dahil ito ang yong
landas na tatahakin upang makamit mo ang iyong pangarap.

Matapos
ang Junior
HS
Junior
HS
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Sa tuwing nagpapasya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging
sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili,sa kapwa at sa lipunan.

Sa pagpapasya,kailangan mo ng gabay. Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa


pagpapasya upang hindi siya magkamali, nang sa gayon, magkaroon ng tamang direksyon sa
pagkamit ng mga layunin.Bakit
nga ba mahalaga na magkaroon
ng direksiyon ang buhay ng tao?
Una, sa iyong paglalakbay sa
buhay mo ngayon, ikaw ay nasa
kritikal mahalagang maging
mapanuri at sigurado sa iyong
gagawin na mga pagpapasya.
Ikalawa, kung hindi ka
magpapasya ngayon para sa
iyong kinabukasan,gagawin ito
ng iba para sa iyo halimbawa ng
iyong magulang, kaibigan o ng
media.Kung kaya’t dapat na
maging malinaw sa iyo ang
iyong TUNGUHIN sapagkat
kung hindi,magiging mabilis
para sa iyo na basta na lamang
sumunod sa idinidikta ng iba sa
mga bagay na iyong gagawin.

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa


Buhay?

Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na


nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang
higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka
patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon
sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan
at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga
layunin sa buhay. Hindi madali ang
paglikha nito,dahil nangangailangan ito ng
panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang


aklat na Seven Habits of Highly Effective
People “Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong
isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.

 Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian,
pagpapahalaga at layunin.

 Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksyon na iyong


tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa
mabuti at tamang direksiyon.

Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali
at paniniwala sa buhay.

Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling


pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging
kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya:

1.Suriin ang iyong ugali at katangian.

2.Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.

3. Tipunin ang mga impormasyon.

Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o


mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.

Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa


pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa
isang kataga, “All of us are creators of our own destiny.”
Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan.
Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti,
sapagkat anuman ang iyong hahantungan,iyan ay bunga ng
iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay.
4.Sino ang
mga tao na
2.Anu-ano 3.Ano ang maari kong
1.Ano ang aking mga nais makasama at
ang mga kong maging
layunin pagpapahala kaagapay sa
marating?
ko sa ga?
aking buhay?
buhay?

Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga


katanungang

Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:

1.Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang
tao.
2.Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging
nilikha
3.Nagagampanan nang may balance ang tungkulin sa pamilya,trabaho,komunidad at sa iba pang
dapat gampanan
4.Isinulat upang magsilbing inspirasyon,hindi upang ipagmayabang sa iba.

Ano nga ba ang misyon?

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay


na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan. Para
sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin
nang buong husay, na may kasamang kasipagan at
pagpupunyagi.
Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. At
dahil iba-iba ang tao,iba-iba rin ang kanilang misyon.
Maaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapwa,
paaralan, simbahan, lipunan o sa trabaho o gawain na
iyong ginagawa.

Mula sa misyon,ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galling sa salitang
Latin na “vocatio” ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay
tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob nya sa atin.
Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao
upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng
kanyang pinag-aralan o matagal ng gingawa at
nagging eksperto na siya dito. Ito ay maaring
gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin
sapagkat ito ang pinagkukunan niya ng kanyang
ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang
nakatuon ang kanyang paggawa hindi siya
nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.

Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon


subalit nagiging mas kawili-wili ang paggawa para sa tao.
Mas lalo siyang nasisiyahan sa pagkat nagagamit niya
ang kaniyang mga talento at hilig sa kaniyang paggawa.
Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho ang
kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang
bokasyon.

Wika nga ni Fr. Jerry Orbos: ang pangunahing sangkap


para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi
lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon
ay ang maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na
kaligayahan.

Pagyamanin
Panuto: Buuin ang graphic organizer na nagbubuod sa modyul na ito.

Ano ang Personal na Misyon sa


Buhay?

Personal na
Misyon sa
Ano ang magagawa nito sa
iyo?

ISAISIP

Panuto: Bumuo ng yong sariling “Plano ng Pagpapaunlad”

Kailangan mga
kagamitan o Ano ang
Mga kasanayan/pagpapahalgang Panahon na tulong ng ibang magiging bunga
na dapat paunlarin kailangan tao upang nito sa iyong
gugulin mapaulad ang kinabukasan?
kasanayan
Hal. Tamang pagbubudyet ng Isang lingo Sticky note Mas magiging
oras (Para Makita produktibo at
ang dapat makakapag-bigay
gawin) ng sapat na oras
sap ag-aaral
Relo

1.

2.

3.
4.

5.

ISAGAWA

Panuto: Gumawa ng iyong sariling Personal na Misyon buhay bilang isang mag-aaral. Tandaan
na kailangan mong pagnilayang mabuti ang iyong gagawing Personal na Misyon sa buhay. Maari
ding maging malikhain sa paggawa nito.

Halimbawa: “Balang-araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa pagpapahayag ng


pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng kaniyang mga salita at karunungan sa lahat, lalo na sa mga
kabataan, maliliit na bata at mga tinedyer sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala
sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.”

Ang Aking Personal na


Misyon sa Buhay
Tayahin
Panuto: Test I.
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.
______________________ 1. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
______________________ 2. Ayon kay ________________, ang paggawa ng personal na
misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.

______________________ 3. Ang bokasyon ay galing sa salitang latin na _______ na ang ibig


sabihin ay pagtawag o calling.
______________________ 4. Ito ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya
tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay,
na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
______________________ 5. Bakit maaaring mabago o mapalitan ang personal na misyon sa
buhay?

______________________ 6. Ang _____________ ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay


mabuhay.

7-10. Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay ano ang dapat na masasagot mong mga
katangungan upang magawa mo ito ng mahusay?

/
Mga Sanggunian
https://www.google.com/search?
q=personal+mission+statement+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwjn7oH2neDqAhUOgpQKHVydDbMQ2-
cCegQIABAA&oq=personal+mission+statement+vector&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQCBAeOgQIABAYU
PMcWOcpYNMsaABwAHgAgAHMBYgBvxeSAQc0LTIuMS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclie
nt=img&ei=7NwXX-
fIAY6E0gTcuraYCw&bih=657&biw=1366#imgrc=vc0YG8DwVQIxJM&imgdii=oFjax6IRAYvYBM

https://www.google.com/search?q=direction+
+in+life+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwj27uDjoeDqAhVMBaYKHWH9BR8Q2-
cCegQIABAA&oq=direction+
+in+life+vector&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BggAEAcQHjoICAAQCBAHEB5QzlBYy21g3m9oA
3AAeACAAb0BiAHEDZIBBDAuMTKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=9-
AXX7aXHcyKmAXh-pf4AQ&bih=657&biw=1366#imgrc=fP1HuPfRWxmWjM&imgdii=ERioITU8PhWzEM

https://www.google.com/search?
q=reading+a+book+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUz5qevODqAhVtzYsBHS6LCMcQ2-
cCegQIABAA&oq=reading+a+book+ve&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBgg
AEAgQHjIECAAQGDIECAAQGDoFCAAQsQM6BwgAELEDEEM6BAgAEEM6CAgAELEDEIMBUJwfWOFhYPtna
AFwAHgBgAGlAogBxx6SAQYwLjE4LjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei=tf
wXX5ShF-2ar7wPrpaiuAw&bih=657&biw=1366#imgrc=0RAWkOTtDeAvjM

https://www.google.com/search?
q=career+path+plan&tbm=isch&chips=q:career+path+plan,g_1:student:r6IYNj4hue0%3D&bih=657&biw
=1366&hl=en&ved=2ahUKEwja4KXcw-DqAhWBI6YKHbRiAIIQ4lYoBXoECAEQHg#imgrc=yopht9wQCH5-
UM&imgdii=7VF18_zu1aOw7M

https://www.google.com/search?
q=self+development+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8mfSlvODqAhXREKYKHRHJDpMQ2-
cCegQIABAA&oq=self+development+ve&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIA
BCxAzoHCAAQsQMQQzoECAAQHjoGCAAQChAYOgQIABAYUKJJWPiMAWDslAFoBnAAeACAAdQBiAG4GZI
BBjAuMjQuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=xfwXX_yiINGhmAWRkruYC
Q&bih=657&biw=1366#imgrc=Vp5ONh3SKa0t1M&imgdii=3n1p8kq8YE2cfM

https://www.google.com/search?
q=girl+with+her+quotation+in+career+goal+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwjvm4SmyuDqAhWBHaYKH
eF5CXcQ2-
cCegQIABAA&oq=girl+with+her+quotation+in+career+goal+vector&gs_lcp=CgNpbWcQA1CYMVjcNmDR
OGgAcAB4AIABeIgBswSSAQMxLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=cwsYX6-
WNoG7mAXh86W4Bw&bih=657&biw=1366#imgrc=D8gfVc1bO87nCM&imgdii=uGlXo4Vz2CizkM

https://www.google.com/search?q=change+is+inevitable&tbm=isch&ved=2ahUKEwjtm-
eNzuDqAhXNxosBHYjfAGUQ2-
cCegQIABAA&oq=change+is+&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC
CAAyAggAMgIIAFCYiwlY15oJYIOrCWgAcAB4AIABnwGIAf0KkgEEMS4xMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1
nwAEB&sclient=img&ei=cg8YX-2aMs2Nr7wPiL-DqAY&bih=657&biw=1366#imgrc=N-rhAS2s25sh3M

https://www.google.com/search?q=person+with+mission+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwjfi5qWz-
DqAhXGxIsBHaYNDioQ2-
cCegQIABAA&oq=person+with+mission+vector&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOgc
IABCxAxBDOggIABCxAxCDAToECAAQGFCW4C5Y9pEvYKGUL2gBcAB4AIABtAGIAbcXkgEEOS4xOJgBAKABA
aoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=kBAYX9-
DNcaJr7wPppu40AI&bih=657&biw=1366#imgrc=dA49dGIhXHR2LM&imgdii=YnVRCgsig5S6yM

https://www.google.com/search?q=labor+day+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwj6wrS70-
DqAhVkI6YKHXQeCbkQ2-
cCegQIABAA&oq=labor+day+vector&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAUQHjIECAAQGDIECAAQGDoEC
AAQQzoGCAAQCBAeOgYIABAKEBhQzBtYkCRgwSVoAHAAeACAAcwBiAGjB5IBBTIuNC4xmAEAoAEBqgELZ
3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EBUYX_r6JuTGmAX0vKTICw&bih=657&biw=1366#imgrc=6rAnL
4ih0OuU1M

https://www.google.com/search?
q=thinking+vector&sxsrf=ALeKk00c3FGVFrIkyYg36IOQTG8Sk2e1Gg:1592649283168&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiklZn2mJDqAhVME4gKHYnVChAQ_AUoAXoEC
A8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=DuaKTZ3JQsBaoM
https://www.google.com/search?
q=scroll+vector&sxsrf=ALeKk00TBLXBoEQ7I6kiIjnQqeWguCbiwg:1592649417118&source=
lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwic4Yi2mZDqAhUQVN4KHZ4YBNQQ_AUoAXoECA
8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=M1wSLF69Bmt4pM
https://www.google.com/search?q=references+vector&tbm=isch&ved=2ahUKEwjV-
NXJtZDqAhVK6ZQKHeA6Cm8Q2-
cCegQIABAA&oq=references+ve&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADIGCAAQCBAeMgYIA
BAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIA
BAIEB4yBAgAEBg6BwgjEOoCECc6BwgAELEDEEM6BAgAEEM6BQgAELEDOgQIABAe
ULTbOljChztgp5I7aAFwAHgBgAHODYgBhzSSAQ0wLjMuNS4xLjctMS4ymAEAoAEBqgE
LZ3dzLXdpei1pbWewAQo&sclient=img&ei=TgTuXtWZGcrS0wTg9aj4Bg&bih=657&biw=13
66#imgrc=A9tQ8fxhWHz2NM
https://www.facebook.com/gmapublicaffairs/photos/a.306967386065/10155011853536066/?
type=1&theater
https://www.facebook.com/MayniladWater/posts/isang-maligayang-araw-ng-paggawa-para-sa-
masisipag-na-manggagawa-natin-maraming-/1789028554737340/
https://www.google.com/search?
q=student+illustration&tbm=isch&ved=2ahUKEwi4iIbe9ZTqAhXSx4sBHeEjA1cQ2-
cCegQIABAA&oq=student+il&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICC
AAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoECAAQQzoHCAAQsQMQQ1CzFFjrG
WD7JmgAcAB4AIAB7wGIAZwEkgEFMC4yLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclie
nt=img&ei=c2DwXviCO9KPr7wP4ceMuAU&bih=657&biw=1349&hl=en&hl=en#imgrc=koO
W8h53TKZXoM
https://www.facebook.com/BenignoBamAquino/posts/maligayang-araw-ng-mga-
manggagawanarito-ang-ilan-sa-mga-labor-related-bill-na-in/1208159705987733/
https://www.google.com/search?
q=ora+et+labora&sxsrf=ALeKk01WfIo7T8GlV9o60JrspinpJOykmA:1592817336607&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjukKn8ipXqAhVQBKYKHUj2ADMQ_AUoAXoECBE
QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=9_qr7FhQhoCDxM
EsP 9 Strategic Intervention Materials
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral
Curriculum Implementation and Learning Management Matrix: Most Essential Learning
Competencies

Susi sa Pagwawasto

Subukin Tuklasin Suriin Pagyamanin

1. TAMA Ang mga Magkakaibang Ang mga sagot ay maaring


2. TAMA kasagutan ay kasagutan iba-iba
3. TAMA maaring mag iba-
iba
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. TAMA

Isaisip Isagawa Tayahin


Ang mga sagot ay iba- Ang mga sagot ay iba-iba
iba base sa mga ideya base sa mga ideya ng mga 1. PERSONAL NA MISYON SA
ng mga mag-aaral mag-aaral BUHAY
2. STEPHEN COVEY/ COVEY
3. BOKASYON
4. MISYON
5. NAGBABAGO ANG KONTEKSTO
NG BUHAY
6. Propesyon
7. -10.
/ Ano ang layunin ko sa buhay?

/Anu-ano ang aking mga pagpapahalaga?

/ Ano ang mga nais kong marating?

/ Sino ang mga tao na maari kong makasama at


maging kaagapay sa aking buhay?

You might also like