You are on page 1of 1

Aldrich Kyle Agpalo SAN MATIAS NATIONAL HIGHSCHOOL GRADE 9 SPORTS FIL

Tambakan sa FIBA WORLD CUP 2019, Europeans umarangkada

Nagpakitang gilas ang mga manlalaro ng Italy at Serbia sa kanilang galing sa pagpapaulan ng mga sunod-
sunod na three point shots sa kanilang mga katunggaling bansa na nagpahigpit ng kanilang pagkapanalo
at nakapagpa abante sakanila mula sa 1st stage ng FIBA WORLD CUP Basketball na ginanap sa China
kahapon, August 31, 2019.

Tinambakan nila Bogdan Bogdavonic ng Serbia at Dannilo Gallinari ng Italy na parehas ng naitalang
puntos na dalawampu't apat (24) na nagpadapa ng kanilang kalabang bansang Pilipinas at Angola.

Nagapi ng mga italyano na pang labingtatlo sa World Rankings at Serbians na pumapang apat dito ang
kanilang koponan na may mababang rankings.

Ang Pilipinas sa una palang ay napapadapa na sa sunod sunod na pagkuha ng puntos ni Gallinari sa
unang quarter pa lamang ng kanilang laro.

Walang pagasang nangibabaw sa Pilipinas nang hindi na nila maabutan ang score ng Italy sa game 2.

Sa Game 1, naglaban ang Serbia at Angola, 101-59 ang puntos na naitala ng dalawang magkalaban, Ang
Serbia ang lamang ng apatnapu't dalawang puntos(42).

Sa Game 2 naman ay naglaban ang Italy at Pilipinas, 108 - 62 ang kabuuang puntos, apatnapu't anim (46)
ang lamang ng Italy sa Pilipinas.

"We played a great game from the beginning until the end"sabi ni Bogdavonic, MVP ng Serbia.

May nakaraang pagkikita na rin ang Pilipinas at Italy noong 1978 World Cup sa Manila, Philippines. Sa
larong iyon, nanalo ang Italy sa iskor na 112-75.

Gayundin sa Serbia At Angola, Ang dalawang koponan ay dalawang beses nang nagkita sa FIBA,. Ang una
ay noong 2010 World Cup kung saan tinalo ng Serbia ang Angola, 94-44.

Sa kabilang banda, si June Mar Fajardo ay nakaguhit ng labinglimang puntos para sa Pilipinas.

Para sa Angola, si Morais naman ay nakapagtala ng labingdalawang puntos sa kabuuan.

Gaganapin ang susunod na mga laban ng Serbia at Italy sa darating na Biyernes, September 6, 2019.

You might also like