You are on page 1of 6

“Butler giniyahan ang Heat laban sa Cavs”

MIAMI — Iniskor ni Jimmy Butler ang 12 sa kanyang 33 points sa huling limang minuto
para banderahan ang Heat sa 119-115 pagsunog sa Cleveland Cavaliers.

Nagdagdag si Tyler Herro ng 25 para sa Miami (36-32) na nakabangon mula sa 14-


point, second-half deficit para balikan ang Cleveland (42-27).

Tumipa si Bam Adebayo ng 19 points at may 14 markers si Max Strus.

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cavaliers sa kanyang 42 points, habang may tig-
16 markers sina Isaac Okoro at Caris LeVert. Kumamada ang Heat ng 37 points sa
kabuuan ng fourth quarter sa pagbibida ni Butler.

Sa Philadelphia, isinalpak ni Joel Embiid ang isang fade-away jumper sa foul line sa
huling 1.1 segundo sa 120-119 come-from-behind win ng 76ers (44-22) sa Portland
Trail Blazers (31-36).

Sa Minneapolis, humataw si Mikal Bridges ng 34 points para sa 124-123 overtime win


ng Brooklyn Nets (38-29) Minnesota Timberwolves (34-34).

Sa San Antonio, umiskor si Keldon Johnson ng 23 points sa 128-120 pagdaig ng Spurs


(17-49) sa Denver Nuggets (46-21).

Sa Los Angeles, naghulog si D’Angelo Russell ng 28 points at may 23 markers si Dennis


Schröder sa 122-112 paggupo ng Lakers (33-34) laban sa Toronto Raptors (32-36).
“Yulo naka-gold sa Azerbaijan leg”
Inangkin ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ang gold medal sa FIG Artistic Gymnastics World
Cup Series matapos pagharian ang men’s parallel bars kahapon sa Baku, Azerbaijan.

Ito ang ikalawang gintong medalya ng 22-anyos na si Yulo sa World Cup series.

Kumolekta si Yulo ng 15.400 points sa finals para ungusan ang paboritong si Illia
Kovtun ng Ukraine na nakakuha ng 15.366 points para sa silver medal.

Si Bernard Cameron-Lie ng France ang nagbulsa ng bronze sa kanyang nakalap na


14.600 points.

Nakatakdang lumaban si Yulo para sa gintong medalya sa finals ng vault ngayong


hapon.

Samantala, bigo si Yulo na makakuha ng medalya sa rings matapos pumuwesto sa


pang-pito sa kanyang nahakot na 14.166 points.

Si home bet Nikita Simonov ang sumikwat sa gintong medalya sa iskor na 14.633 points
kasunod sina Mahdi Ahmad Kohani ng Iran para sa pilak at Vinzenz Hoeck ng Austria
para sa tanso.
“Semis seat kinuha ng F2 Logistics”
MANILA, Philippines — Naipormalisa ng F2 Logistics ang pag-entra sa semis matapos
pataubin ang Philippine Army sa iskor na 25-15, 20-25, 25-20, 25-13 sa Premier Volleyball
League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw si Kim Kianna Dy na nagposte ng 22 points mula sa 18 attacks, tatlong aces at


isang block para pamunuan ang opensa ng Cargo Movers.

“We’re happy na nakapasok kami sa semis. We still have a lot to improve on so very
excited kami (sa semis),” wika ni Dy.

Umangat ang F2 Logistics sa 6-2 rekord para makasama sa semis ang nagdedepensang
Creamline (6-1) at Petro Gazz (5-2).

Ito ang unang semis stint ng Cargo Movers sa professional league matapos malasin sa
Open Conference at Reinforced Conference noong nakaraang taon.

“I’m happy because I’m part of this. Maybe it’s one of the, nakalista na siya para sa F2
history and PVL history and I’m happy that I’m all with these girls because they have
been working hard, all of us have been working hard for this,” sabi ni F2 Logistics head
coach Regine Diego.

Nagdagdag si middle blocker Aby Marano ng 13 hits, habang may 10 puntos si Elaine
Kasilag.

“We used her as outside hitter before noong nasa NU pa siya. I know na she knows how to
play the position,” ani Diego kay Ivy Lacsina.

Nanatiling mailap ang panalo sa Lady Troopers na lumasap ng ikaanim na sunod na


kabiguan para malugmok sa ilalim ng standings.
Nanguna para sa Lady Troopers si Honey Royse Tubino na may 19 points.
“La Salle ‘di maawat sa UAAP”
MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng De La Salle University ang Far Eastern
University, 25-16, 25-18, 25-21, para manatiling malinis ang rekord sa UAAP Season 85
women’s volleyball tournament kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matatag ang kapit ng Lady Spikers sa solong liderato tangan ang matikas na 5-0 rekord.

Umarangkada nang husto ang Lady Spikers sa tulong ni team captain Mars Alba na naglatag ng
19 excellent sets para tulungan ang kanilang tropa na kubrahin ang ikalimang sunod na panalo.

Apat na miyembro ng Lady Spikers ang nagtala ng double digits kabilang na si middle blocker
Thea Gagate na may 13 points mula sa siyam na attacks, dalawang blocks at dalawang aces.

Nagpakitang-gilas din si super rookie Angel Canino na may 13 hits, walong eight excellent
receptions at pitong digs, samantalang may tig-10 markers naman sina Leila Cruz at Jolina Dela
Cruz.

“Hindi ko inaasahan na magiging ganon kabilis, pero marami pa rin kami kailangang itama sa
team kasi nga medyo nagkakaroon pa ng lapses lalo na kapag malayo na kami, biglang nagre-re-
lax,” ani interim coach Noel Orcullo.

Laglag ang Lady Tamaraws sa 2-3 baraha sa pang-limang puwesto.

Tanging si Chenie Tagaod ang naglista ng double digits para sa FEU.


“PBA All-Star Game magiging seryoso”
MANILA, Philippines — Mga acrobatic drives, dumadagundong na slam dunks at mataas na
iskor.

Ito ang inaasahang mapapanood ng mga fans sa bakbakan ng Team Scottie ni Scottie Thompson
at Team Japeth ni Japeth Aguilar sa 2023 PBA All-Star Games sa City of Passi Arena sa Iloilo.

Magtutuos ang dalawang koponan ngayong alas-5:45 ng hapon.

Kasama ni Thompson sa Team Scottie sina Christian Standhardinger, CJ Perez, Calvin Abueva,
Robert Bolick, Arvin Tolentino, Kevin Alas, Jayson Castro, Stanley Pringle, Marcio Lassiter,
Mark Barroca at James Yap.

Gagabayan sila ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Nasa Team Japeth, hahawakan ni Ginebra coach Tim Cone, sina June Mar Fajardo, Jamie Ma-
lonzo, Chris Newsome, Roger Pogoy, LA Tenorio, Mikey Williams, Paul Lee, Jeremiah Gray,
Gian Mamuyac, Nards Pinto at Terrence Romeo.

Hindi maglalaro ang mga may injury na sina Aguilar, Fajardo, Tenorio at Malonzo.

You might also like