You are on page 1of 1

Knights iiwas mapahiya sa balwarte vs Blazers

MANILA, Philippines - Papanain ng Colegio de San Juan de Letran ang ikatlong panalo sa pakikipagharap sa College of St.
Benilde ngayong hapon sa pagdayo ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Letran Gym sa Intramuros,
Manila.

Galing ang Knights sa 82-75 panalo laban sa Season 92 runner-up Arellano University noong Martes para umangat sa 2-3
baraha.

At nais itong dugtungan ng Letran sa oras na makasagupa nito ang Benilde sa alas-4 ng hapon.

“We hope this win (against Arellano) could start something big for us,” ani Letran coach Jeff Napa.

Matapos makuha ang unang panalo via forfeiture laban sa University of Perpetual Help System Dalta, lumasap ang
Benilde ng tatlong sunod na kabiguan kabilang ang masaklap na 55-98 pagkatalo sa Lyceum of the Philippines University
noon Martes.

Ito ang pinakamalaking losing margin sa season.

Gumawa rin ang Blazers ng 40 turnovers na siya ring pinakamaraming bilang ng pagkakamali sa taong ito.

Gayunpaman, ayaw ni Napa na maging kampante ang kanyang bataan dahil inaasahang gigil ang Blazers na makabalik sa
porma.

Gin Kings itinagay ang ika-2 dikit


MANILA, Philippines - Ipinakita ni one-time PBA Most Valuable Player Mark Caguioa na hindi pa siya laos.

Kumamada si Caguioa ng 16 points para tulungan ang nagdedepensang Barangay Ginebra sa 120-99 paggiba sa
minamalas na Kia Picanto sa 2017 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni import Justin Brownlee ang ikalawang sunod na panalo ng Gin Kings sa tatlong laro mula sa kanyang 26
points kasunod ang 18 markers ni seven-foot center Greg Slaughter.

“I’m really happy with the focus of our guys and sustaining it for the entire game,” sabi ni two-time PBA Grand Slam
champion coach Tim Cone, nakahugot kay point guard LA Tenorio ng 10 points.

Ito naman ang pang-apat na sunod na kamalasan ng Picanto, nakakuha lamang ng 14 markers kay import Markieth
Cummings mula sa malamya nitong 6-of-20 fieldgoal shooting.

Maagang kinontrol ng Ginebra ang laro nang kunin ang 33-18 abante sa opening period patungo sa pagtatala ng 15-point
lead, 58-43 laban sa Kia sa halftime.

Lalo pang ibinaon ng Gin Kings ang Picanto nang magtayo ng 34-point advantage, 98-64 sa gitna ng third quarter.

Naging maganda ang pasahan ng Ginebra sa kabuuan ng laro kung saan sila naglista ng 39 assists, ang 10 dito ay galing
kay off guard Scottie Thompson at lima kay Tenorio.

Pinangunahan ni Renan Celda ang Kia sa kanyang 21 points kasunod ang 16 ni Glenn Khobuntin.

Ginebra 120 - Brownlee 26, Slaughter 18, Caguioa 16, Tenorio 10, Aguilar 9, Ferrer 9, Taha 8, Ellis 8, Cruz 6, Thompson 4,
Devance 4, Jamito 2, Marcelo 0,

Kia 99 - Celda 21, Khobuntin 16, Cummings 14, Revilla 9, Paniamogan 7, Corpuz 7, Nimes 6, Ballesteros 6, Camson 6, Yee
5, Elorde 2, Jaime 0, Salva 0, Deutchman 0, Galanza 0.

Quarterscores: 33-18; 58-43; 92-64; 120-99.

You might also like