You are on page 1of 1

BALITANG PAMPALAKASAN

Meralco, nanaig kontra San Miguel sa 2020 PBA Philippine Cup

Nanganganib ang title defense ng San Miguel matapos na makahirit ng do-or-die game ang Meralco, 78-71, sa
quarterfinal match sa 2020 PBA Philippine Cup nitong Biyernes sa Angeles University Foundation Sports
Arena and Cultural Center. Bumida sina Aaron Black at Reynel Hugnatan sa laro para manatiling buhay ang
tsansa para makapasok sa semis. Sa fourth quarter, 11 puntos ang binuhos ng rookie na si Black, tumapos siya
na may 14 markers at tatlong rebounds. Samantala, si Hugnatan naman ay kumamada ng 16 points at seven
rebounds. Sa kampo naman ng SMB, si Moala Tautuaa ang nanguna na may 14 points at 11 boards. Dahil sa
talo ng San Miguel, muli nilang lalabanan ang Meralco sa Linggo, at kung sino ang matalo ay out na sa PBA
bubble.
Hindi ipinalampas ng Meralco Bolts ang pagkakataong lampasuhin ang koponan ng San Miguel
Beermen matapos pataubin ito sa Do or Die Quarterfinals ng PBA Philippine Cup 2020 na idinaos sa AUF Gym
Angeles City, Pampanga, Nobyembre 16. Pinatunayan ng Meralco Bolts na hindi sila magpapadaig sa 2019
PBA Champion San Miguel Beermen matapos pauwiin itong nakayuko at ilaglag sa Quarterfinals ng laro.
Tinuruan agad ng leksyon ng Meralco sa Unang Quarter pa lamang ng laro ang San Miguel matapos magsanib
puwersa nina Baser Amer, John Wilson, Jamito Jammer, Aaron Black at Reynel Hugnatan upang banatan agad
ng 10 puntos na kalamangan ang Beermen.
Hindi pa rin natinag ang teamwork ng Meralco sa pagsisimula ng Ikalawang Quarter matapos pumasok
at magsimulang mag-init sa loob ng court si Cliff Hodge na nagpadagdag pa sa malaking kalamangan ng
nanghihina nang koponan ng San Miguel. Mahirap man ngunit mabilis namang nakabangon ang San Miguel sa
pagpasok ni Marcio Lassiter matapos magpaulan ito ng sunod-sunod na tres sa tulong nina Gelo Alolino, Alex
Cabagnot, Mo Tautuaa at Arwind Santos sa Ikatlong Quarter ng laro. Tagaktak man ang pawis ngunit hindi pa
rin kumupas ang galing ni Hugnatan at Amer upang pagpasyahang tapusin na ang laro at tuluyan ng malaglag
ang San Miguel sa susunod na kompetisyon, 90-68.
Nagkamit naman ng may pinakamataas na puntos sina Hodge at Amer na may tig-14 na puntos kasunod
ni Hugnatan na may 12 puntos, Maliksi 11, Quinto 9, Newsome 9, Almazan 8, Jamito 2 at Jackson na may 2
puntos. Nagbigay naman ng magandang laro ang mga manlalaro na sina Lassiter at Tautuaa na nay tig-20
puntos kasunod sina Santos na may 10 puntos, Ross 7, Cabagnot 6, Zamar, 3, at Alolino na may 2 puntos. "It
feels great beating them not only because they’re San Miguel but because we’re in the semifinals,” ani ni
Norman Black, Coach ng Meralco Bolts. “They’re also great because they won five straight championships but
I’m happy to be here." Dagdag pa nito.

You might also like