You are on page 1of 1

HOTSHOTS, NAMBULAGTA, PANALO SA GAME 1!

ni Dannah Rose I. Almanzor

Magnolia Hotshots napagtagumpayan ang hagupit ng labang ibinato ng San


Miguel Beermen sa iskor na 96-85 upang mapasakamay ang unang tagumpay
sa beat of seven series ng finals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Quezon
city noong February 2, 2024 araw ng biyernes.

Nanguna ang shooting guard na sina Marc Barroca at Paul Lee ng Magnolia
Hotshots matapos bumira ng 28 puntos, I4 puntos , 1 rebound at 3 assists ang
naiambag ni Paul Lee at 19 puntos , 7 rebounds at 6 assists naman ang
nagmula kay Marc Barroca upang mangibabaw sa laro at ibulsa ang unang
pananaig sa laro.

Sa kabilang banda, bumato naman ang small forward ng Beermen na si CJ


Perez ng I7 puntos, 5 rebounds at 3 assists. Ngunit hindi ito naging sapat upang
maipanalo ang laro.

Naging mainit ang iringan sa court, ngunit hindi nagpatinag ang Magnolia
Hotshots at napanatili ang kanilang momentum sa buong laro. Hiling naman ni
Coach Chito Victolero ng Magnolia Hotshots na magtuloy-tuloy at madala ang
momentum sa Game 2 ng finals na magaganap sa February 4,2024, araw ng
Linggo.

You might also like