You are on page 1of 42

Pagsulat

ng
Balitang
Isports
MERCY D. SUTACIO-ESP-1 Bayog District
LAYUNIN
Natutukoy ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng
balitang isport

Nakasusulat ng balitang isports

Pagsulat ng Balitang Isports


Ano ang
Balitang
Isports?

Pagsulat ng Balitang Isports


Ito ay tumatalakay sa mga
pangyayari sa mundo ng
isports.

Pagsulat ng Balitang Isports


Ito ay isang
natatanging
balita tungkol sa
iba’t ibang uri ng
 laro na salig sa
tuwirang balita
at nasusulat sa
pamaraaang
“action story”.
Pagsulat ng Balitang Isports
Ito ay paglalarawan ng
aksyon, reaksyon at
emosyon ng
manlalaro, tagasanay
at maging ang mga
manonood.
Pagsulat ng Balitang Isports
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Isang Manunulat o Sports Writer

 Alam ang isports na ikokober.

 Marunong gumamit ng
lengguwahe ng isports.

 Marunong magplano kung


paano susulatin ang larong
napanood .
Pagsulat ng Balitang Isports
Kritikal sa larong napanood at
marunong mag-analisa ng mga
talang nakuha mula sa napanood
na laro.

Hindi makiling sa anumang


team na ikokober kahit ang
nabanggit na team ay paborito
nito.

Pagsulat ng Balitang Isports


Dapat maging mausisa at matalas ang
pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga
manlalaro.

Dapat mag-ipon ng maraming


mga karanasan sa pamamagitan ng
aktwal na napanood na laro o
pagbabasa ng mga artikulong
isports na magpapayaman sa
kanyang karanasan.

Matalas ang mga mata sa mga maliliit na mga


pangyayaring nagaganap sa larong pinanonood.

Pagsulat ng Balitang Isports


Ang Pagsulat ng Balitang
Pampalakasan/Isports
 Isinusulat ito na
katulad ng pagsulat
ng pangkaraniwang
balita.
 Inuuna rin sa pagsulat ng
isports ang malaking
pangyayari sa
pamamaraang baligtad na
pinamide.
Pagsulat ng Balitang Isports
Ang Pagsulat ng Balitang
Pampalakasan/Isports
 Ginagamitan ng
mga makukulay
na mga salita,
pang-uri, tayutay
at katutubong
kulay.
 Naglalarawan ng kapana-panabik at
maaksyong pangyayari sa loob ng palaruan
kung ang sinulat ay laro-sa-larong balita.
Pagsulat ng Balitang Isports
Ang Pagsulat ng Balitang
Pampalakasan/Isports
 Ginagamitan ng
tanging
talasalitaan o
isports lingo.

 Nagsasabi ng kapana-panabik na bahagi


ng laro na siyang dahilan ng pagkapanalo
o pagkatalo ng isang koponan.

Pagsulat ng Balitang Isports


Ang Pagsulat ng Balitang
Pampalakasan/Isports
Nagsasaad ng
kahalagahan ng laro
tulad ng pagiging daan
nito para sa
kampeonatong laro at
pagkakamit ng
gantimpalang nakataya.

Nagtataglay ng reaksiyon ng mga manonood


at epekto ng panahon sa isang laro.
Pagsulat ng Balitang Isports
MAHALAGANG DETALYE
NG BALITANG ISPORTS
• Headline/Ulo ng Balita
• Lead/Pamatnubay
•.Play-by-Play/Laro sa Laro
• Background/Record/History/
• Stats/Estadistika
• Quotes/Panayam
• Sports Lingo/Linguwahe ng Isports

Pagsulat ng Balitang Isports


Ulo ng balita
Headline
Lakers, pinatalbog
ang Warriors para sa korona

Significance

Lebron, binuhat
ang Lakers kontra
Warriors para sa
Best player
korona
Pagsulat ng Balitang Isports
Ulo ng balita
Headline
Tres ni Lebron,
itinawid ang Key play
Lakers kontra
Warriors para sa
korona

Iba pa
Undermanned Lakers,
pinatalbog ang Warriors
para sa korona
Pagsulat ng Balitang Isports
Ulo ng balita
hEADline
NBA semis
e Lebron,namituin
i c k Lakers,aabante sa Finals
K r

Tiket tungong Finals, selyado na


Lebron,namituin
Lakers,pinatalbog ang Rockets

Pagsulat ng Balitang Isports


Ulo ng balita
hEADline

Pagsulat ng Balitang Isports


pamatnubay LEAD

Sinisimulan ang pamatnubay (lead) sa isang


maikling pangungusap pero malakas ang
dating ng pang-akit sa mambabasa.
•Sa pamatnubay laging naroon ang buod kung
ano ang tunay na nangyari sa larong isinulat
upang di mabagot ang nagmamadaling
panatikong mambabasa ng isports.

Pagsulat ng Balitang Isports


pamatnubay
LEAD
Ang Pamatnubay ay karaniwang nagbibigay
ng buod sa laro at sumasagot sa tanong na Ano,
Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano. Maaari ring
gamitan ng makabagong pamatnubay, ngunit
dapat pa ring taglayin nito ang pinakatampok na
bahagi ng laro, koponang naglaban o
namumukod-tanging manlalaro, iskor o
kinalalabasan, pook na pinagdausan at petsa ng
palaro.
Pagsulat ng Balitang Isports
pamatnubay
LEAD
Pinigilan ng Meralco ang hangad na
back-to-back titles ng Limitless
Appmasters matapos kunin ang 17-14 panalo
sa finals ng PBA 3X3 Second Conference Leg
4 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pagsulat ng Balitang Isports


pamatnubay
LEAD
Sinamantala ng No. 6
Barangay Ginebra ang
pagpaparada ng No. 3
Tropang Giga ng bagong
import matapos kunin ang
115-95 panalo at ang
semifinals ticket sa PBA
Governor’s Cup kahapon
sa Smart Araneta
Coliseum .
Pagsulat ng Balitang Isports
pamatnubay
LEAD
Hindi pumayag ang Rockets na
mabaon sa 0-3.

Komonekta si James Harden ng


mahahalagang three point shot sa
overtime at tumapos na may 42 points
para ----- ang Houston sa 126-121
panalo laban sa Golden State Warriors
at iukit ang 1-2 record sa Game 3 ng
kanilang ----Conference semifinals
series.
Pagsulat ng Balitang Isports
PLAY-BY-PLAY
Laro-sa-laro
Humataw ang Ginebra sa dulo ng second
quarter.
Humataw ang Ginebra sa dulo
ng second quarter para kunin
ang 59-48 abante sa halftime
patungo sa pagtatayo ng 23
points lead, 75-52, mula sa
basket ni Tenorio sa 7:02 minute
ng third period.
Pagsulat ng Balitang Isports
PLAY-BY-PLAY
Laro-sa-laro
Isang 12-3 atake ang
ginawa ng tropang Giga.
Isang 12-3 atake tampok ng
magkasunod na tres nina
Glenn Khobuntin at Ryan
Reyes ang ginawa ng
Tropang Giga para makalapit
sa 86-99 sa 7:33 ng finals ---

Pagsulat ng Balitang Isports


PLAY-BY-PLAY
Laro-sa-laro
Muling nakalayo ang Ginebra.

Ngunit sa pamumuno ni
Tenorio ay muling nakalayo
ang crowd’s favorite sa
103-56 sa 5:44 minuto ng
laro na sinundan ng
pagsigaw ng kanilang mga
fans ng “Ginebra, Ginebra”.
Pagsulat ng Balitang Isports
Background/
record/history
May 24 points si Shabazz Muhammad
makaraang tumipa ng 57 markers sa pagbangon
ng Beermen sa 26-point third quarter deficit at
itakbo ang 115-110 panalo sa eliminasyon.

May 24 points si 5-year NBA veteren Shabazz


Muhammad makaraang tumipa ng 57 markers sa
pagbangon ng Beermen sa 26-point third quarter
deficit at itakbo ang 115-110 panalo sa
eliminasyon.
Pagsulat ng Balitang Isports
Background/
record/history
Magkukurus na naman ang landas ng F2
Logistics at Chery Tiggo ngayong araw sa alas-
6 ng gabi habang nasisilayan din ang duwelo ng
Choco Mucho at Philippine Army sa alas-3 ng
hapon.
Magkukurus na naman ang landas ng Champions
League Titlist F2 Logistics at reigning
Champion Chery Tiggo ngayong araw sa alas-6
ng gabi habang nasisilayan din ang duwelo ng
Choco Mucho at Philippine Army sa alas-3 ng
hapon.
Pagsulat ng Balitang Isports
Background/
record/history
Humatak pa si Kai Sotto ng
apat na rebounds sa 10
minutong paglalaro

Humatak pa ang 7-foot-3


Pinoy cager Kai Sotto ng
apat na rebounds sa 10
minutong paglalaro

Pagsulat ng Balitang Isports


STATISTICS
estadistika
Nagkaroon ng madaming puntos si Paul Lee,
pati na rin sina Mark Barroca, Mike Harris at Jio
Jalalon.
Kumamada si Paul Lee ng 15 points tampok
ang 5-of-7 shooting sa three point line,habang
may 18 at tig-15 markers sina Mark Barroca,
Import Mike Harris at Jio Jalalon, ayon sa
pagkakasunod.

Pagsulat ng Balitang Isports


STATISTICS
estadistika
Dinomina ng Flying Titans ang laro gamit ang
attacks.

Kitang-kita ang dominasyon ng Flying Titans kung


saan humataw ito nang husto sa attacks matapos
magpapakawala ng 35 hits laban sa 20 lamang
ng Lady Troopers.

Pagsulat ng Balitang Isports


QUOTES
Nagmula ang Magic, nakahugot kay Franz
Wagner ng 26 markers, sa kabiguan sa
Brooklyn Nets kamakalawa kung saan
nagpasabog si Kyrie ng career-high na 60
points.

“ I saw those highlights and it was just very


efficient. It was within the flow of the game,” ani
Berry sa iniskor ni Irving.

Pagsulat ng Balitang Isports


QUOTES
Kumamada si Paul Lee ng 25 points tampok
ang 5-of-7 shooting sa three-point line habang
may 18 at tig-15 markers sina Mark Barocca,
import Mike Harris at Jio Jalalon, ayon sa
pagkakasunod.

“ We prepared hard for this game. We execute


on both ends of the floor,” sabi ni coach Chito
Victolero.” We need to magpahinga muna and
prepare for Meralco on Sunday,” dagdag pa
niya.
Pagsulat ng Balitang Isports
SPORTS LINGO
talasalitaan
Magkasingkahulugan
nanalo - nagwagi;bumandila
namayani;nanguna
kalaban - katunggali Kat
natalo - nagapi; nagahis
nilampaso - dinaig;tinalo
magtutuos - magsasagupaan;
magkakasubukan;
magpapaligsahan

Pagsulat ng Balitang Isports


SPORTS LINGO
talasalitaan
Mga Pandiwang Kadalasang Ginagamit
nagpasiklab  dinikdik
nagpasabog ibinulsa
winasiwas  habol-hininga
inagawan ng trono ginulantang
tumilamsik naangkin
binomba  namayagpag
sinagpang  pinulbos
pinalasap  nagniningning
nagpakitang gilas pinuksa
Pagsulat ng Balitang Isports
Mga eksena ng boksing na naging sanhi ng
pagkatalo ng kalaban

Nagmistulang inihaw na
baboy si Cotto matapos
tamaan ng pamatay- suntok
ni Pacman

Bumagsak at nawalan ng
malay si Whethler
matapos palamunin ni
Brocely ng nag-aapoy
niyang kamao
Pagsulat ng Balitang Isports
Mag-isip ng kapana-panabik at maaksyong
salita/mga salita sa larawang ito

Pagsulat ng Balitang Isports


Pagsulat ng Balitang Isports
Pagsulat ng Balitang Isports
Pagsulat ng Balitang Isports
WORKSHOP
MGA IMPORMASYONG MAARING GAMITIN SA BALITA:
• EVENT: UFC 262 (CHAMPIONSHIP BOUT IN UFC LIGHTWEIGHT DIVISION)
• LUGAR: TOYOTA CENTER IN HOUSTON, TEXAS
• URI NG LABANAN: MIXED MARTIAL ARTS
• TAKDANG BILANG NG ROUNDS: LIMA
• ATLETA SA PUTING TRUNKS: MICHAEL CHANDLER NG USA
• ATLETA SA DILAW NA TRUNKS: CHARLES OLIVEIRA NG BRAZIL

DAGDAG KAALAMAN:
• LIGHTWEIGHT BELT AY BAKANTE NG MAGRETIRO SI KHABIB
NURMAGOMEDOV OF RUSSIA
• CHANDLER, ANG NUMBER 2 CONTENDER
• OLIVIERA, ANG NUMBER 1 CONTENDER
• UNANG LABAN SA US NA MAY FANS SA LOOB NG ARENA SA
PANAHON NG PANDEMYA
PANOORIN ANG VIDEO
AT
SUMULAT NG BALITANG ISPORTS TUNGKOL
DITO

You might also like