You are on page 1of 21

Pagsulat ng Isports

(Sports Writing)
Ano ba ang balitang isports?
• Isang uri ng balita tungkol sa iba’t ibang
uri ng laro.

• Nasusulat sa pamamaraang
"action story".
Katangian ng Balitang Pampalakasan
• Sumasagot sa 5 W’s at sa H (Ano? (what), Sino? (who), Saan?
(where), Kailan (when), Bakit? (why) at Paano (how).
• Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos
at paglalaban.
• Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na hindi
kaagad mauunawaan ng karaniwang mambabasa.
• Gumagamit ng mahusay na salita, maraming pang-uri (adjectives),
mahahabang pangungusap na di ginagawa sa pagsulat ng tuwirang
balita.
Uri ng Balitang Pampalakasan
• Paunang Balita (Advance News)
Nagbabalita ng napi-pintong labanan.
Sa pagsulat ng paunang balita, karaniwang isina-sama ang mga sumusunod:
• Kahalagahan ng laro. • Paraan ng paglalaro ng bawat panig.
• Tradisyon at kasaysayan. • Pook at kapaligiran ng pagdarausan ng
• Talaan ng mga kasapi sa bawat panig ng maglalaban. laro.
• Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng bawat manlalaro o • Ang mga tinatayang manonood.
koponan. • Sino kaya ang makakalamang?
• Kalagayang pisikal at kaisipan ng mga kalahok. • Naiibang pangyayaring katangi-tangi.
• Kalagayan ng panahon.
Uri ng Balitang Pampalakasan
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)
Naglalahad ng nagaganap na laro.
Naglalaman ito ng mga mahahalagang ulat katulad ng:

• Kinalabasan ng iskor.
• Kahalagahan ng kinalabasan.
• Natatanging laro.
• Paghahambing ng koponan/manlalaro
• Tampok na manlalaro
• Kalagayan ng panahon
• Ang mga manonood at pagdiriwang
Paraan ng Pagkuha ng Ulat
A. Bago ang Laro
• Pag-aralang mabuti ang mga tuntunin, paraan, pag-iiskor at estratehiya ng laro.
• Kapanayamin ang mga mahahalagang taong may kinalaman sa gaganaping
palaro.
• Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang kanilang numero sa harap at
likod, tungkulin sa laro, timbang, taas, atb.
• Kung maari, dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro at
ang kanilang tagaturo (coach).
• Itala ang mga nakuhang ulat. Isama rito ang maha-halagang anekdota na
maaaring banggitin sa isu-sulat na balita
Paraan ng Pagkuha ng Ulat
B. Kasalukuyan ng Laro
• Pumili ng isang magandang puwesto nang hindi makaligtaan ang mga tampok na
pangyayari. Tan-daan na ikaw ay isang reporter at hindi isang taga-hanga (fan) na
pumapalakpak.
• Inaasahang pangyayari. Talasan ang paningin sa mga mahahalagang laro at
nakatutuwang pangyayari.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat
B. Kasalukuyan ng Laro

• Matyagan ang mga sumusunod na bagay tulad ng:


■ Mahahalagang laro na nakapagbigay-aliw sa mga mambabasa
■ Di-inaasahan at di-pangkaraniwang pangyayari
■ Pansariling kagalingan ng mga manlalaro
■ Nakakatawang pangyayari (hindi korni)
■ Mga binigkas ng mga taong sangkot sa laro
■ Tanyag o kilalang nanunuod ng laro
■ Iskor na dapat maging tumpak
Paraan ng Pagkuha ng Ulat
C. Pagkatapos ng Laro
• Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan.
• Kapanayamin ang tagaturo (coach) o ang tanging manlalaro nang makuha
ang kanilang palagay sa laro, kung paano sila nakalamang, natalo, atb.
• Alamin din ang inasal ng mga nanunuod.
• Kunin ang inside story (dahilan ng pagkawagi o pagkatalo)
• Mahahalagang iskor, minuto at segundo na kailangan isulat sa balita
• Tuwirang sinabi ng coach o manlalaro.
Paraan ng Pagsulat ng Balita
• Isulat ang talang nakuha sa paraang pasalaysay. Gumamit ng maikling
salita na madaling maunawaan.

A. Ang Pamatnubay (The Lead)


• ang pamatnubay ay maaaring magbigay ng buod ng pangyayari.
Karaniwang sumasagot ito sa mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?,
Bakit? At Paano? Huwag ilagay kaagad ang lahat ng ito. Piliin lamang
yaong sa iyong palagay ay pinakamahalaga.
Paraan ng Pagsulat ng Balita
Paraan ng Pagsulat ng Balita
B. Ang Katawan ng Balita (The Body)

• ay naglalahad ng mga detalye at iba pang sangkap na hindi gaanong


naipaliwanag sa unang talata. Ang talang isusulat ay dapat na magtaglay
ng mga sumusunod na sangkap na inihanay ayon sa kanilang kahalagahan:
Paraan ng Pagsulat ng Balita
• Ang inside story na nagdulot ng kapanabikan sa mga manunuod na naging
daan sa pagwawagi o pagkatalo ng koponan.
• Ang kahalagahan ng paglalaban. Ito ba'y isang kampeonato, intramural,
eksibisyon,ligiran, Palarong Pambansa?
• Tuwirang sabi (quotes) ng manlalaro o ng Coaches.
• Pansariling tala ukol sa mga manlalaro at Coaches.
• Ang magkasunod-Sunod na palalaro (play- by-play account or turning
point).
• Estadistika (statistics) at Team Standing
Paraan ng Pagsulat ng Balita
Maidagdag pa rin ang mga sumusunod na sangkap:

• Ang mga nanunuod, ang kanilang bilang, ikinilos o kaasalan, sinabi, atbp.
• Ang natatanging bahagi ng laro at natatanging manlalaro.
• Ang makapukaw-damdaming bahagi ng laro.
• Ang kalagayan ng panahon.
Paraan ng Pagsulat ng Balita
C. Konklusyon

• maaring tahasang sabi sa pinakamahusay na manlalaro o sa coach ng


nanalong laro o pagbabalita sa susunod na laban.
Mga Halimbawa ng Isports Lingo
Isang kaibahan ng Balitang Pampalakasan sa Balitang Tuwiran ay
ang paggamit ng mga salitang makulay at mabulaklak gaya ng
pinatumba, ginupo, nilampaso, pinulbos, tinambakan, pinayukod,
atbp.

• Basketball
-kwintet, gol o buslo, dribol, bantay, unang kalahati, pagbubuslong
pakalawit, rebaun, teknikal pawl, hookshat, leyap, 30-saglit na
patakaran.
Mga Halimbawa ng Isports Lingo
• Beisbol at Sopbol
-pitser, katser, straykawt,ining, ampayr, homran, playingbol,
rolingbol, bant, slayd, shortstap, pilder, pawlbol.
• Balibol
-spaik, pleysing, kil, walop, streytset, spayker, netbol, serber,
tagasalag
Mga Halimbawa ng Isports Lingo
• Takbuhan
-takbuhang malapitan (100-200-80-m) takbuhang malayuan (800 at
1500-m), takbuhang may hadlang: (110-m mataas, 400-m mababa, at
8-m mababa), takbuhang abutan; ipinasa ang baton o relay (4X100 at
4x400).
• Linang (field)
-inihagis ang dyabelin, inihagis ang shatput, inihagis ang diskas,
kandirit-hakbang-lundag, brodjamp, longjamp, polbolt.
Mga Halimbawa ng Isports Lingo
umarangkada, tumipak, sinelyuhan, pinagharian, dinomina,
malakidlat, binomba, sumabak, natudla, naiposte, giniba,
nasikwat, nakopo, naikamada, naibulsa, nasungkit, di
natinag, nalusutan, naligtasan, naungusan, pinitik, kinapos,
dinurog, niyanig, inilampaso, pinabagsak,pinulbos,
pinatumba,tinambakan, pinayuko.
Maraming
salamat!
https://www.scribd.com/presentation/415354854/Pagsulat-
Ng-Balitang-Isports

You might also like