You are on page 1of 19

Pagsulat ng Balitang

Pampalakasan/ Isports

Writing the Sports Story

Mga Tagapag-ulat:
Rico, Lennete L.
Redona, Kian Clarisse A.
Gapul, Reanne
Refuerzo, Princess Mae Joy
BSED-Filipino SF3-2
Katuringan

Ang balitang palakasan (sports news) ay isang uri ng nata-tanging


balita ukol sa iba’t ibang uri ng laro na salig sa tuwirang balita subalit
karaniwa’y nasusulat sa pamaraang action story.
Katangian ng Balitang
Pampalakasan
1. Sumasagot sa 5 W at sa H
2. Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan
ng kilos at paglalaban.
3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na
hindi kaagad maunawaan ng karaniwang mambabasa.
4. Gumagamit ng makulay na salita, maraming pang- uri,
mahahabang pangungusap na di ginagawa sa pagsulat ng
tuwirang balita.
Uri ng Balitang Pampalakasan
A. Paunang Balita
- Ito’y naglalaman ng mga nakaraang paglalaban ng bawat koponan at
mga manlalaro, ang kanilang kakayahan at kahinaan na maaring gawing
saligan upang hulaan ang magiging kalalabasan ng laban.

Sa pagsulat ng paunang balita, karaniwang isinasama ang mga


sumusunod:
1. Kahalagahan ng laro. Ito ba’y torneo, ligiran (round robin), tampok
na labanan, kampeonato o larong eksibisyon?
2. Tradisyon at Kasaysayan
3. Talaan ng mga kasapi sa bawat panig ng maglalaban.
Uri ng Balitang Pampalakasan
A. Paunang Balita
4. Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng bawat manlalaro o koponan.
5. Kalagayang pisikal at kaisipan ng mga kalahok
6. Kalagayan ng panahon
7. Paraan ng paglalaro ng bawat panig
8. Pook at kapaligiran
9. Ang mga tinatayang manonood.
10. Sino kaya ang makakalamang?
11. Naiibang pangyayaring katangi- tangi.
B. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)
- Ito’y naglalahad ng nagaganap na laro. Naglalaman ito
ng mga mahahalagang ulat tulad ng:

1. Kinalabasan ng Iskor- Sino ang nanalo? Ilan ang iskor ng


bawat koponan?
2. Kahalagahan ng Kinalabasan (Signficance of the
Outcome)- Ano ang nakalaan? Isang kampeonato?
3. Natatanging Laro (Spectacular Game)- Bakit nagwagi ang
koponan? Banggitin ang huling sandal ng garambolahan.
4. Paghahambing ng Koponan o ng Manlalaro (Comparison of
Teams and Players)- Suriin ang kanilang taas, timbang,
kahusayan at karanasan.
5. Natatanging Manlalaro o Tampok ng Manlalaro
(Individual Star Players)- Sino ang nagdala ng koponan upang
manalo?
6. Kalagayan ng Panahon (Weather Condition)- Umuulan ba?
Matindi ang sikat ng araw?
7. Ang mga Manonood at ang Pagdiriwang (Crowd and
Celebration)- Magulo ba ang mga manonood?
Paraan ng pagkuha ng Ulat para sa Balitang
Pampalakasan/ Isports
A. Bago ang Laro (Before the Game)
1. Pag- aralang Mabuti ang tuntunin, paraan, pag-iiskor at estratehiya ng laro.
2. Kapayanamin ang mga mahahalagang taong may kinalaman sa gaganaping
palaro.
3. Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang kanilang numero sa harap
at likod, tungkulin sa laro, kanilang timbang, taas, atb.
4. Kung maari, dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro
at ang kanilang tagaturo (coach)
5. Itala ang mga nakuhang ulat. Isama rito ang mahahalagang anekdota na
maaring banggitin sa isusulat na balita.
Paraan ng pagkuha ng Ulat para sa Balitang
Pampalakasan/ Isports
B. Sa Panahon ng Paglalaro (During the Games)
1. Pumili ng isang Magandang puwesto nang hindi makaligtaan ang mga
tampok na pangyayari.
2. Itala ang mga kapana-panabik, mahahalagang at di inaasahang
pangyayari. Talasan ang paningin sa mga mahahalagang laro at
nakakatuwang pangyayari.
3. Matyagan ang mga sumusunod na bagay tulad ng:
a) Mahalagang laro na nakapagbibigay- aliw sa mambabasa.
b) Di- inaasahang at di- pangkaraniwang pangyayari tulad ng isang
baguhan na nagpamalas ng gilas.
c) Pansariling kagalingan ng mga manlalaro tulad ng pinakamaraming
rebounds, liban na may pinakamataas ng puntos (highest pointer)
e) Ang binigkas ng manlalaro, tagaturo at manonood hinggil sa
pinakamatampok na bahagi ng paglalaban.
f) Tanyag o kilalang taong nanonood ng laro.
g) Iskor na dapat maging tumpak.

C. Pagkatapos ng Laro (After the Game)


1. Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan
2. Kapanayamin ang tagaturo o tanging manlalaro nang makuha ang kanilang
palagay sa laro, kung paano sila nakalamang, natalo at iba pa.
3. Alamin din ang inasal ng mga nanonood.
4. Kunin ang inside story tulad ng dahilan ng kanilang pagwawagi o
pagkatalo.
5. Huwag kaliligtaang kunin ang lahat ng pangalan at mahalagang iskor,
minute at Segundo na kailangan sa isusulat na balita; gayon don sa iskor sa
foul, rebound, kung sa basketball; foul ball, strike out sa softball atb., bago
umalis sa lugar na pinaglalaruan.
6. Isama na rin ang tuwirang sinabi ng coach o ng manlalaro. Magbigay ito ng
pansariling ulat at drama sa balita.

Paraan sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan/ Isports

A. Ang Pamatnubay (The Lead)


- Maaring magbigay ng buod ng pangyayari. Karaniwang
sumasagot ito sa mga tanong na Ano? Sino? Kailan? Bakit? At
Paano?
-Novelty Lead
Paraan sa Pagsulat ng Balitang
Pampalakasan/ Isports
B. Ang Katawan ng Balita (The Body)
- Naglalahad ng detalye at iba pang sangkap ng hindi gaanong naipapaliwanag sa
unang talata.
Ang talatang isusulat ay dapat na magtaglay ng mga sumu-sunod na sangkap na
inihanay ayon sa kanilang kahalagahan:
1. Inside Story
2. Kahalagahan ng paglalaban.
3. Tuwirang sabi (quotes)
4. Pansariling tala
5. Play- by- play
6. Estatistiks (Statistics)
Maidagdag pa rin ang mga sumusunod na sangkap:
• Ang mga manonood, ang kanilang bilang, ikinilos o kaasalan, sinabi atb.
• Ang natatanging bahagi ng laro at natatanging manlalaro.
• Ang makapukaw- damdaminng bahagi ng laro.
• Ang kalagayan ng panahon.
Katangian ng Isang Manunulat ng Balitang Pampalakasan (Ang
isang isports reporter ay):
1. Makatuwiran, masipag, walang 5. May kakayahang sumulat ng balita sa paraang
pinapanigan, mausisa kasimbilis ng larong naganap.
2. Mapagpansin (matalas ang pang- amoy sa 6. Kailangang alam niya ang alintuntunin at
mga pangyayari, (nose for news) pamamaraan ng laro, ang record ng koponan at nga
3. Mahiligan sa lahat halos ng uri ng mga manlalaro.
palakasan at may malawak na kaalaman sa 7. Kilala niya ang pagkatao ng tagasanay (coach) at
mga tuntinin at talasalitaan (sports lingo) ng mga manlalaro. Malapit siya sa mga ito.
ng mga iba’t- ibang laro. 8. Tandaan niya na siya’y nandoon upang sumulat
4. May kasanayang taglay sa mabisa at ng balita, hindi upang manood at magbunyi.
malinaw na pagsulat par sa karamihang
9. Matapat sa pagbabalita at mabilis na balita ay suportado ng mga detalyeng tunay
nakakasulat ng mga datos na walang na nangyari.
nalalaktawang bahagi ng laro. 12. Ginagamit niya ang mga katawagan o
10. Pantay ang pagtingin at walang talasalitaang pampalakasan na angkop sa
kinikilingan kahit mayroon siyang paboritong larong kanyang sinusulat.
koponan. 13. Dapat niyang iwasan ang labis na papuri
11. Kahit na siya’y may mas higit na sa mga mahuhusay na manlalaro.
Kalayaan sa pagsulat kaysa sa ibang
manunulat, kailangang ang kaniyang mga
Mga salitang magkasingkahulugan (synonyms)
Nagwagi- namituin, bumandila, namayani, nanguna
Natalo- nagapi, nagahis
Magtutuos- magsasagupaan, makakasubukan, magpapaligsahan
Kalaban- katunggalian
Mga Katawagang Pampalakasan
1. Basketbol
 Kwintet, gol o buslo, dribol, bantay, unang kalahati, pagbubuslong,
pagkalawit, rebaun, teknikal pawl, hooksyat, leyap, 30-saglit na patakaran.
2. Beisbol at Sopbol
Pitser, katser, straykawt, ining, ampayr, homran, playingbol, rolingbol, bant,
slayd, short-stap, pilder, pawlbol.
3. Balibol
Spaik, pleysing, kil, wallop, streytset, spay-ker, netbol, serber, tagasalang.
4. Takbuhan
Takbuhang malapitan (100-200-80-m), takbuhang malayuan (800 at 1500-
m;
5. Linang
Inihagis ang dyabelin, inihagis ang shatput, inihagis ang diskas, kandirit-
hakbang-ludag, brodjamp, longjump, polbot.
Mga Katawagang Pampalakasan
N.B. Maaari na ngayong gamitin ang English sports terms sa pagsulat ng mga
sulating isports sa Filipino.
Iba’t- ibang Artikulong Mailalathala sa Pahinang
Pampalakasan
1. Lathalain (features):
a) pangkatauhang dagli (personality sketch)
b) Panayam (interview story)
c) Pangkasaysayan (historial feature)
d) Lathalaing panlibang (entertainment feature)
e) Lathaliang nagpapabatid (informative features
2. Nakakapukaw damdaming kuwento o salaysay (human interest story)
3. Tudling (editorial column)
4. Pangulong tudling sa palakasan (sports editorial)
Iba’t- ibang Artikulong Mailalathala sa Pahinang
Pampalakasan

Maari ring ilathala sa pahinang


palakasan ang editorial kartun at
ang mga larawan o ilustrasyon
hinggil sa laro.
Mga Mungkahing Gawain
1. Pagsipi at pag-album ng mga sunud-sunod na laban sa isang laro sa beisbol o basketbol
tulad ng sa mga pamban- sang palaro o mga pandaigdig na palaro.

2. Pag-uulat ng isang larong napanood mula sa simula hang- gang sa huling labanan.

3. Pagpapaliwanag at pagpapakahulugan sa mga tala at sa mga talasalitaan (sports lingo)


sa beisbol, sopbol, basketbol, balibol at iba pang uri ng laro.

4. Pagsulat ng isang balita sa isang larong napanood.

5. Pagsulat ng isang lathalain tungkol sa isang natatanging manlalaro, isang komentaryo,


o isang pangulong tudling sa mga natatanging manlalaro, sa isang ginanap na laro, sa mga
katangian ng pagiging maginoo at sa mabuting pakikipaglaro.
Maraming
Salamat!
Mga Tagapag-ulat:
Rico, Lennete L.
Redona, Kian Clarisse A.
Gapul, Reanne
Refuerzo, Princess Mae Joy
BSED-Filipino SF3-2

You might also like