You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

Pag-uulo ng Balita
ARALIN

Ano ang mabubuo mong parirala sa nakikitang mga larawan?

Pag-uulo ng balita
Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng balita. Ito ay nakalimbag sa mas
malalaking tipo ng titik kaysa sa teksto nito.

Mga Gamit ng Ulo ng Balita:


1. Buurin ang balita.
2. Tumutulong sa pagpapaganda ng pahina
3. Bigyang-diin ang kahalagahan ng balita.
4. Tagapag-anunsyo ng nilalaman ng balita.

Ulo ng Balita

✓ Ito ay dapat na malinaw at madaling maunawaan.


✓ Sa unang tingin pa lamang ng babasa ay matawag na ang kaniyang
pansin.
✓ Kailangang mailahad ang buod o diwa ng balita at maipakita ang
kahalagahan ng bawat balita sa pamamagitan ng laki ng ulo.

Ulo ng Balita o Headline – pamagat ng isang balita na makikilala sa


pamamagitan ng paggamit ng higit na malalaking titik kaysa sa nilalaman.

Mga Uri ng Ulo ng Balita


1. Banner -ulo ng pinakamahalaga at pinakatampok na balitang nagtataglay
ng pinakamalalaking titik at pinakamaitim na tipo.
2. Streamer- isang banner na tumatawid o sumasakop sa buong pahina
3. Binder – ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina at matatagpuan sa
itaas na bahagi ng panloob na pahina.

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

4. Deck/Kubyerta – pangalawang ulo ng balitang bahagi pa rin ng banner


na nagtataglay ng maliliit na titik at gumagamit ng naiibang tipo kaysa sa
unang ulo
5. Umbrella o Skyline/Payong -natatanging ngalan sa streamer
namatatagpuan sa itaas ng pangalan ng pahayagan o nameplate o tila isang
payong na sumasakop o sumasaklaw sa lahat.
6. Subhead- isang napakaikling pamagat na nagsisilbing pahinga o ang
tinatawag na white space upang hindi maging kabagot-bagot sa mga
mambabasa
7. Kicker, tagline o teaser – isang maikling linya, maaaring isang salita o
parirala lamang na mkikita sa gawing itaas na bahagi ng pinakaulong balita
sa dakong kaliwa o sentro nito na gumagamit ng maliit na tipo at may
salungguhit, at ginagamitbilang pagganyak sa mga mambabasa.
8. Hammer - Kung ang kicker o tagline ay mas Malaki kaysa sa ulo ng balita
9. Nakakahong ulo o boxed head – ulo ng balitang ikinahonupang higit na
maitampok ang kahalagahan
10. Talong ulo o jump head - ang tawag sa ulo ng karugtong na istoryang
hindi natapos sa pahinang kinalimbagan dahil sa kakapusan ng espasyo

Mula sa https://www.slideshare.net/shekainalea/pag-uulongbalita

Mga dapat tandaan sa pag-uulo ng balita

1. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang kaisipan.


2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag-uulo.
3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang nasa pamatnubay.
4. Gamitin ang pinakamaikling mga salita sa pag-uulo.
5. Gamitin lamang ang tuldok-padamdam kung kinakailangan.
6. Isulat ang numero o kaukulang salita nito ayon sa pangangailangan ng
espasyo. Gamitin ang M sa milyon at B sa bilyon.
7. Iwasan ang nagbabanggaang ulo o dalawang ulo ng balitang magkalinya at
may magkasinlaking tipo.
8. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng balita.
9. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulan ito sa simuno at
huwag sa pandiwa.
Halimbawa:
MALI: Inilunsad, website ng DepEd Quezon
TAMA: Website ng DepEd Quezon, inilunsad

10. Maglagay ng kuwit sa dulo ng simuno bilang pamalit sa ay. Alalahaning


ang simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino ay nasa hulihan.
Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)
Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

Sa pagsisimula sa simuno sa pag-uulo ng balita, nangangahulugang ang


pangungusap ay nasa kabaligtarang ayos, kaya naglalagay ng kuwit
pagkatapos ng simuno bilang pamalit sa ay.
Karaniwang ayos ng pangungusap:
Inilunsad ang website ng DepEd Quezon.
panaguri-pandiwa simuno/paksa
Kabalikang ayos ng pangungusap:
Ang website ng DepEd Quezon ay inilunsad
simuno/paksa panaguri-pandiwa
MALI: Inilunsad, website ng DepEd Quezon
TAMA: Website ng DepEd Quezon, inilunsad

11. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula


Mali: Ang bayaning taxi driver sa US, Pinoy na ulit
Tama: Bayaning taxi driver sa US, Pinoy na ulit

12. Huwag paghihiwalayin ang mga tambalan o mga salitang


magkakaugnay
Mali: Bayaning taxi
driver sa US,
Pinoy na ulit

Tama: Bayaning taxi driver


sa US, Pinoy na ulit

13. Gamitin ang kuwit bilang pamalit sa at


Mali: GMA at Gordon dadalo sa Tuna festival
Tama: GMA, Gordon, dadalo sa Tuna festival

14. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi
lamang. Ngunit kung ang pinagkunan nito ay ibinigay, huwag nang lagyan
ng panipi. Lagyan na lamang ng gatlang ang huling titik ng ulo at ibigay ang
apelyido o dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.
Halimbawa:
Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis – Pimentel

Maaari ring unahing banggitin ang nagsabi bago ang sinabi nito. Lagyan ng
tutuldok ang pagitan ng nagsabi at ang sinabi nito.
Halimbawa:
Pimentel: Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

Maaari ding sa anyong pasalaysay ang pag-uulo ng tahasang sabi.


Halimbawa:
Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis, ayon kay Pimentel

15. Ang unang titik lamang ng ulo at ng mga tanging pangngalan ang
ilimbag sa malalaking titik.
Mali: POPULASYON NG METRIAN, TUMAAS NG 18.9%
Tama: Populasyon ng Metrian, tumaas ng 18.9%

16. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat tulad halimbawa


ng RP para sa Republika ng Pilipinas, GMA para sa Gloria Macapagal-Arroyo
at iba pa.

17. Huwag magtapos sa pang-angkop, pantukoy o pang-ugnaysa dulo ng


unang linya.

Mali: Paaralang Metrian, nagbukas ng


ekstensyon sa San Jose
Tama: Paaralang Metrian, nagbukas
ng ekstensyon sa San Jose

18. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung ang tao ay kilala.


Mali: Bilbao, kampeon sa Natl PopDev Quiz
Tama: Estudyanteng Metrian, kampeon sa PopDev Quiz

19. Iwasan ang opinyon sa ulo ng balita.


Mali: DepEd-GenSan, naglaro nang mahusay sa basketbol
Tama: SSS, inilampaso ng DepEd-Gensan sa basketbol, 49-102

20. Iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.


Mali: Manunulat, bumandila sa paligsahan
Tama: Manunulat-Metrian, kampeon sa NSPC'09

21. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.


Mali: Palarong Pambansa, hindi matutuloy
Tama: Palarong Pambansa, ipinagpaliban

22. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.


Mahina: Alaska, tinalo ng SMB, 74-103
Mabisa: Alaska, nilasing ng SMB, 74-103

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

23. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol sa layon nito.


Mali: NSPC, gaganapin sa
Lunsod ng Baguio
Tama: NSPC, gaganapin
sa Lungsod ng Baguio

Panuntunan sa Acronym
Ang acronym ay salitang binuo mula sa mga unang titik o pantig ng mga
salita. Narito ang mga dapat tandaan sa acronym:

1. Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa hanggang apat na


titik, lahat ay isusulat sa malaking titik tulad ng WHO para sa World
Health Organization at MILF para sa Moro Islamic Liberation Front.

2. Sa acronym na mahigit sa apat na titik, unang titik lamang nito ang


isusulat sa malaking titik tulad ng Asean para sa Association of
Southeast Asian Nations at Unicef para sa United Nations
International Children's Emergency Fund.

3. Kung pantigan ang ginawang pagbubuo ng acronym, unang titik


lamang ng pantig ang nasa malaking titik tulad ng DepEd para sa
Department of Education, GenSan para sa General Santos at
SOCCSKSarGen para sa South Cotabato-Cotabato-Sultan
KudaratSarangani- General Santos.

D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1- Ano ‘to?


A. Panuto: Piliin ang uri ng ulo ng balita na may bilog sa larawan.

1.

A. Streamer
B. Binder
C. Umbrella

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

2.

A. Hammer
B. Streamer
C. Binder

3.

A. Subhead
B. Deck/kubyerta
C. Kicker

4.

A. Binder
B. Subhead
C. Jump head

5. A. Jump head
B. Boxed head
C. Banner

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

B. Panuto: Piliin sa Hanay B ang anyo ng ulo ng balita sa hanay A.

HANAY A HANAY B

_______ 6. Alumna ng paaralan, naghandog A. Dropline

ng libreng gamutan sa mga guro

_______ 7. Habang tumatagal, B. Pantay-kanan

lalong humihina

_______ 8. SSG nanguna sa programang paglilinis C. Baligtad na piramide

_______ 9. Pagsasanay sa pagsulat ginanap; D. Crossline o barline

Pureza, tagapagsalita sa isports

_______ 10. Pilipinas, kampeon E. Flushline o full line

sa basketbol

E Gawain sa Pagkatuto Bilang 2- Korek ba ‘to?


Panuto: Isulat ang salitang KOREK kapag tama ang isinasaad sa pangungusap at BATO
kung mali.

1. Tuldukan ang dulo ng ulo ng balita.


2. Maaaring gumamit ng pantukoy sa simula ng ulo ng balita.
3. Simulan ang ulo ng balita sa pandiwa.
4. Nasa pamatnubay na rin ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo.
5. Kapag ang acronym ay mahigit sa apat na titik, unang titik lamang ang isusulat sa
malaking titik.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3- Tamang Ulo


Panuto: Piliin ang pinakaangkop na ulo ng balita batay sa pamatnubay na naaayon sa
hinihinging uri at bilang ng dek at kolum. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Dahil sa hinihinalang sobrang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang amo, isang


overseas Filipino worker mula sa Syria ang umuwing nasiraan ng pag-iisip.
(isang dek, dalawang kolum at crossline)

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

A. OFW, nabaliw sa Syria

B. DH sa Syria, minaltrato

C. OFW, minaltrato ng amo


sa Syria, nabaliw

D. DH sa Syria,
minaltrato

2. Nagsampa kahapon ng kasong physical injury sa Quezon City Regional Trial Court
ang isang PBA fan laban kay Wynne Arboleda ng burger Kings.
(isang dek, tatlong kolum at crossline)

A. Arboleda, kinasuhan ng PBA fan

B. Wynne Arboleda, kinasuhan

C. Arboleda ng Burger Kings,


kinasuhan ng PBA fan

D. Arboleda
ng Burger Kings,
kinasuhan ng PBA fan

3. Nagbanta ang may 250,000 miyembro ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators


Nationwide (Piston) na magsagawa ng malawakang tigil-pasada sa susunod na mga
araw dahil sa muling pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.
(isang dek, tatlong kolum at crossline)

A. Welga, ikinasa ng Piston

B. Piston, magwewelga

C. 250,000 miyembro
ng Piston, magwewelga

D. 250,000 miyembro
ng Piston,
magwewelga

4. Limang katao ang naiulat na nasawi habang 30 pasahero ang nasugatan matapos
bumaligtad at nagpagulung-gulong ang dyip kahapon ng umaga sa Dumarao, Capiz
(dalawang dek, dalawang kolum at pantay-kaliwa)

A. Dyip, bumaligtad;
5 patay, 30 sugatan

B. Dyip, bumaligtad, 5 patay;


Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)
Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

30 sugatan

C. Dyip, bumaligtad,
nagpagulong-gulong

D. 5 patay, 30 sugatan,
dyip bumaligtad

5. Dahil sa pagsabog ng makina ng MV Butuan Bay kamakalawa, nag-isyu ng Cease


and Desist Order (CDO) ang pamunuan ng Maritime Industry Authority (MarInA)
para pansamantlang „itali“ ang dalawa pang pampasaherong barko na pag-aari ng
Gothong Lines.
(isang dek na may kicker, dalawang kolum at crossline)

A. Dahil sa pagsabog ng MV Butuan Bay


2 barko pa, 'itinali' ng MarInA

B. 2 barko pa, 'itinali' ng MarInA


Dahil sa pagsabog ng MV Butuan Bay

C. Dahil sa pagsabog ng MV Butuan Bay 2 barko pa, 'itinali' ng MarInA

D. 2 barko pa, 'itinali' ng MarInA Dahil sa pagsabog ng MV Butuan Bay

Gawain sa Pagkatuto bilang 4 – Masunurin Ako


Panuto: Sumulat ng ulo ng balita mula sa sumusunod na pamatnubay ayon sa hinihinging
uri at bilang ng dek at kolum. (20 puntos)

1. Upang palakasin ang kampanya ng Lungsod bilang isang alternatibong sentro ng


ICT sa bansa, dalawang parke ng information technology ang itatayo sa Lungsod ng
Heneral Santos. (isang dek, tatlong kolum at crossline)

2. Inilagay na sa full alert status ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang
kanilang hanay bilang paghahanda sa posibleng sunog na magaganap ngayong
kapaskuhan. (dalawang dek, dalawang kolum at pantay-kaliwa)

3. Nabalot ng tensyon ang Lunsod ng Heneral Santos matapos yanigin kahapon ng 6.0
magnitude na lakas ng lindol na pinaniniwalaang epekto ng paglindol sa Indonesia.
(dalawang dek, isang kolum at baligtad na piramide)

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL - SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

4. Humakot ng parangal ang Ang Metrian, pampaaralang pahayagan ng Pambansang


Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas sa National Schools
Press Conference na ginanap sa Lunsod ng Koronadal noong Pebrero 18-22, 2008.
(isang dek, dalawang kolum at crossline na may kicker)

A Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

Naunawaan ko sa araling ito na hindi ganoon kadali ang pagsulat ng ulo ng balita
dahil may mga _________________ na dapat sundin. Natutuhan ko na ulo ng balita ang tawag
sa _____________ ng balita at ang mag salitang gagamitin dito ay batay sa ___________________
ng balita.

Quezon National High School - Special Program in Journalism (SPJ)


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
SPJ Coordinator’s Contact No.: 09219689874

SPJ Email Address: qnhsspecialprograminjournalism@gmail.com

You might also like