You are on page 1of 2

BAGONG PAMUMUNO, DAGDAG KAUNLARAN

G. Padon, masigabong sinalubong ng BNHS


Napuno ng kagalakan ang mga guro, mag-aaral, at magulang sa pagsalubong ng bagong
punongguro ng Bobontugan National High School (BNHS), na si G. Resurrecion C. Padon, Agosto
1, 2019.
Mainit na sinalubong ng BNHS Drum and Lyre Corps si G. Padon habang nakipagkamayan
sa Supreme Student Government (SSG), mga guro, at sa mga opisyales ng General Parents and
Teachers Association (GPTA).
Unang ipinakilala ang bagong punongguro na nagmula sa Villanueva National High
School. Dagdag pa dito,siya ang asawa ni Gng. Melwida Padon, guro at Guidance Councilor ng
BNHS at siya rin ay kilala sa pagiging God- centered.
Ayon pa kay G. Padon nais niyang makasama ang kaniyang asawa sa BNHS dahilan kaya
napuno ng hiyawan ang mga mag-aaral.
“The superintendent told me to transfer in Sta. Ana NHS but I’m looking forward to work
together with my wife”, sabi ni G. Padon.
Pinahalagahan naman ng bagong punongguro ang kahandahan ng BNHS. Dagdag pa ni
G. Padon ay kinakailangan niya ang suporta ng mag-aaral at GPTA upang matupad ang kaniyang
mga ninanais sa ikauunlad ng paaralan
“Now, I’m happy to tell that Bobontugan NHS is a beautiful school to give a good
education to the students. With this, we can be a great competitor.I hope that through my
leadership in BNHS, it will be filled with enthusiasm through God, and the vision and mission of
DepEd. So, I need your support”, dagdag pa ng punongguro.
Ilan sa mga nais maipanatili ng prinsipal sa paaralan ay ang disiplina, kalinisan, at ang
pagpasok nang mga estudyante ng maaga sa paaralan
Si G.Padon ang inihahalili sa dating punongguro na si Gng. Bavecyl T. Badilla na
naglingkod sa BNHS sa loob ng apat na taon.

Hyacinth Claire S. Moreno


Pagsulat ng Balita
Bobontugan National High School

You might also like