You are on page 1of 2

3.

Gumawa ng tula kung paano ka dinidisiplina ng iyong magulang

Simula ng aking pagkabata


Magulang ko’y puno ng paalala
Gumawa ng mabuti sa aking kapwa
Upang ang Diyos ay matuwa

Paalala doon paalala dito


Upang ako ay matuto
Isang kasamaan ay di biro
Kapalit nito’y isang palo

Ang mga turo ay pagkatandaan


Pagiging disiplinado ay kasanayan
Gawin sa kapwa ay kabutihan
Dala sa magulang at Diyos ay kasiyahan
4. Ikwento kung paano mo isinasabuhay ang pagiging
pantay at patas na una mong natutunan sa iyong
magulang o pamilya.

- Ito ay maisasabuhay ko sa pamamagitan ng


pagmamalasakit at pag-aaruga sa aking kapwa. Tinuro
din sa akin ng aking magulang na huwag na huwag tayong
titingin sa panlabas na anyo ng ating kapwa, dapat
tayong magkaroon ng respeto sa isa’t isa. Hindi din
dapat tayo manghusga at awayin ang ating kapwa dahil
iba ang kaniyang kutis, kultura, lahi, relihiyon, tradisyon
at paniniwala. Sa madaling salita, magkaroon tayo ng
equality sa ating kapwa o pantay-pantay na respeto at
turing sa ating kapwa kahit ano pa man ang kaniyang
katangian.

You might also like