You are on page 1of 5

Matalinghagang Salita

Ang matalinghagang salita ay nilalarawan bilang mga malalalim na mga


saltang mayroong mas simpleng kahulugan. Pero yamang ngayon
pinasisimple ang mga salita na madaliang maunawaan, karamihan sa mga
matalinghagang salita ay nawawala na.
Narito ang ilang matalingahang salita na maaaring nagagamit pa din ngayon:

agaw-buhay - naghihingalo
ahas-bahay - masamang kasambahay
alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang
alimuom - tsismis
anak-dalita - mahirap
anak-pawis - magsasaka
bahag ang buntot - duwag
balat sibuyas -iyakin, sensitibo
balat-kalabaw - makapal, di agad tinatablan ng hiya
balat-sibuyas - manipis, maramdamin
balik-harap - mabuti sa harapan, taksil sa likuran
balitang kutsero - hindi totoong balita
balitang kutsero -balitang totoo
bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
basa ang papel - sira ang imahe
basag ang pula - luku-luko
bukang-liwayway - mag-uumaga ; madalingaraw
bukas ang palad - matulungin
butas ang bulsa - walang pera
butas ang bulsa - walang pera o mahirap
buto't balat - sobrang payat
buwayang lubod - taksil
dalawa ang bibig - mabunganga o madaldal, hindi mapigilan ang pagsasalita
di makabasag pinggan -mahinhin
halang ang bituka - salbahe, desperado, hindi natatakot na pumatay
halos liparin - nagmamadali
hawak sa ilong - sunudsunuran
hitik na hitik - marami
humahalik sa yapak - humahanga ; iniidolo
ibaon sa hukay - kalimutan
ikrus sa noo - tandaan
ilaw ng tahanan - ina
isang tuka isang kahig - mahirap
kaibigang karnal - matalik na kaibigan
kalog na ng baba - nilalamig
kapilas ng buhay - asawa
kidlat sa bilis - napakabilis
kisap mata - iglap ; mabilis
kumukulo ang tiyan - nagugutom
kusang palo - sariling sipag
likaw na bituka - kaliit-liitang lihim
mabigat ang kamay - tamad magtrabaho
mabilis ang kamay - mandurukot
magaan ang kamay - madaling manuntok, manapok, manakit
mahapdi ang bituka - nagugutom
makapal ang bulsa - maraming pera o mayaman
malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya
mapaglubid ng buhangin -  sinungaling
matigas ang buto -malakas
may sinasabi - mayaman; may ipagmamalaki

Kambal tuko – di makapaghiwalay


Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda
Kautotang dila – Kakwentuhan
Sanggang dikit – matalik na magkaibigan
Matapobre – mapanglait
May nunal sa dila – madaldal
Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit

ANO ANG KAHULUGAN NG TALINGHAGA?


• Ang talinghaga ay ang lipon ng mga salita na may ibang kahulugan.
• Ito ay  di tuwirang pagbibigay ng kahulugan.
• Ang mga salitang ginagamit ay hindi pangkaraniwan at may malalim na
kahulugan.
• Ang pahayag na ito hindi  nagbibigay ng di - tuwirang kahulugan.
• Kadalasan ang kahulugan ng pahayag ay hango sa karanasan ng tao gaya
ng mga bagay-bagay sa paligid o pangyayari sa buhay.
Halimbawa

 bahag ang buntot – duwag


 butas ang bulsa-walang pera

 ilaw ng tahanan-ina

 agaw-buhay -- naghihingalo, between life and death

 anak-pawis -- magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue-collar


worker

 anak-dalita -- mahirap, poor

 Nagbibilang ng poste- walang trabaho

 Magkahiramang suklay- matalik na magka-ibigan

 Nagsusunog ng kilay-  nag-aaral ng Mabuti

Halimbawa sa pangungusap

 Si Jen at Maria ay magka-hiramang suklay

 Bagaman anak - dalita di Alan, hindi iyon naging hadlang upang


makapagtapos siya ng pag-aaral.-mahirap

 Dapat nating bigyan ng pagpapahalaga ang mga taong alog na ang


baba.- Matanda na.

 Kahit na maghirap pa ang kapatid niya pinapairal pa din niya ang


kanyang pagiging pusong bakal-  di marunong magpatawad.

 Butas na ang bulsa ni Mary Ann dahil sa katatapos lamang na pasko at


bagong taong handaan- walang pera.

ANG PARABULA AY MAY MATATALINGHAGANG SALITA?

 Isa sa mga halimbawa ng may mga matatalinghagang salita ay ang


parabula na kung saan ang kwento ay kinuha sa banal na aklat o bibliya
sapagkat ito ay matatalinghaga ang salita.
 Nagiging matalinghaga ang mga salita sa isang parabula sapagkat
mayroon itong ipinahihiwatig na malalim na aral. At karaniwang nangyayari sa
totoong buhay.

Mga halimbawa ng parabula na mayroong talinghaga


1. Ang alibughang anak na makikita sa bibliya  Lukas 15: 11-32
2. Parabulak ng mabuting samaritano  Lukas 10 :25-37
3. Parabula ng mayaman at si Lazaro Lukas 16:19-31
Ano ang idyoma basahin sa:
brainly.ph/question/170515
ANG KASABIHAN AY MAYROON DING
MATATALINGHAGANG SALITA
Halimbawa:

 Sa kakapili, napunta sa bungi

 Ang taong hindi makuntento o naghahanap pa ng higit pa ay


karaniwang minamalas.

You might also like