Professional Documents
Culture Documents
Filibusterismo
Noon pa man pinangarap na ni Rizal ang pagsulat ng isang akdang magpapamulat sa
marami niyang kababayan sa umiiral na maling Sistema sa lipunan. Sa mga ideolohiyang
kanyang tinaglay bunga ng mataas na pagaaral, ipinagpatuloy niyang isulat ang
karugtong na nobela ng" Noli Me Tangere". Ito ang El Filibusterismo na may 39 na
kabanata.
LAKBAY 2: Bago paman siya umalis nagbilin siya kay Blumentritt hinggil sa maaari
niyang kaharapin at nagging dahilan ng kanyang pag-alis. Ito ang kanyang sinabi, Lahat
ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoon sa Gobernador-Heneral
araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alcalde na Nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at
lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukang-liwayway na
kasama ang mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit
may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog. Inalok ako ng salapi
ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi
lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin scapegoat marami akong kaibigan at
kasalamuha na maaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may
pagkarahuyo sa ganitong mga pananalita ay lalong nagpaalab kay Rizal upang tuluyang
sulatin ang karugtong na nobela.
LAKBAY 3: Habang siya ay nasa ibang bansa damang-dama ni Rizal ang matinding
paghihirap sa pagsusulat ng nobela dahil sa kakulangan ng pondo at labis napag-alala sa
kalagayan ng pamilya sa bansa. Kaya, nagpadala siya ng sulat kay Jose Maria Basa; ito
ang nilalaman ng sulat, "Ako'y naghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.
Parang sila'y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang
aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob
ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako...Naisanla ko na ang aking mga alahas,
nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restaurant upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglaon iyon, ititigil
ko kung walang darating sa aking salapi." Bakas sa kanyang sulat ang pagnanais na siya
ay matulungan dahil gustong-gusto niyang mailimbag at matapos na ang karugtong na
nobela.
LAKBAY 4: Naging mabait sa kanya ang tadhana dahil dumating ang inaasahang tulong
mula kay Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuoang perang
kinakailanagan para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Mayo 1891, nang matapos
ang pagwawasto ng EL Filibusterismo at nagtungo si Rizal sa Ghent, Belgium upang
doon ipalimbag. Nailimbag ito noong Setyembre, 1891 sa sinabi pa ring lugar at bansa.
Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na
manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat
at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Nagpadala siya
ng walong daang kopya sa Pilipinas upang ipamudmod ng kanyang mga kasamahan. Dito
nagsimula ang paglaganap ng El Filibusterismo sa lipunang Pilipino. Nagsimula ito ng
maraming pagsibol ng ideya upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.
LAKBAY 5: Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na Gomez, Burgos,
at Zamora kaya maituturing itong nobelang politikal. Nagsasalaysay at naglalahad ito ng
mga suliranin at bulok na Sistema ng pamahalaan at iba pa. Masasalamin sa nobela ang
mapapait na karanasang umalimpuyo sa damdamin ni Rizal upang lalong maipakita sa
bayan ang kanyang pagmamahal. Ipinakita rito ang pagbabanyuhay ni Rizal bilang isang
dakilang bayani at manunulat.