You are on page 1of 3

ULAT-PASALAYSAY HINGGIL WEBINAR CUM DSPC 2021

PAMAGAT NG GAWAIN: WEBINAR ON CAMPUS JOURCUM CUM DIVISION SCHOOLS


PRESS CONFERENCE ON NOVEMBER 15-19, 2021

MGA LAYUNIN:

● Provide venue for the enrichment of learning experiences for students interested in
pursuing journalism as a career.

● Enhance teachers and students’ journalistic skills; and

● Promote responsible journalism and fair and ethical use of social media

Petsa /Buwan: Nobyembre 15-19, 2021

Mga kalahok: Mga mag-aaral sa pamamahayag at mga mag-aaral na kalahok sa paligsahan;


mga tagapayo at mga tagasanay,

Focal Person: EPS ng English at Filipino

No Budgetary Requirement: P2, 800. 00 halaga ng mga load para sa mga mag-aaral na walang
internet connection.

Ulat-Pasalaysay

Sa kauna-unahan at pambihirang pagkakataon, idinaos ang unang birtwal na palihan at


paligsahan ng Division Schools Press Conference sa mga paaralan sa Syudad San Fernando.

Ang limang araw na webinar ay naging kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga mag-aaral kundi
maging sa mga guro.

Sa unang araw ng webinar, hindi lahat ay nakadalo dahil sa limitadong pagtanggap ng mga
kalahok gamit ang zoom. Hindi lahat ay nagkaroon ng pagkakataon na making at makakuha ng
mga teknik sa pagguhit ng karting editorial mula sa kartunista ng Philippine Star na si Ginoong
Rene Aranda.

Naging interesante naman ang ikalawang araw. Halos umabot sa 200 kalahok ang napabilang sa
webinar workshop na ibinahagi naman ni Ginoong Jonel Velasquez. Ibinahagi niya ang kanyang
kaalaman sa pagsulat ng editorial. Binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng mga datos at
argumento sa pagsulat ng pangulong tudling. Naging maganda rin ang ginawang pagkilatis sa
mga awtput ng mga guro at mag-aaral. Sinamahan niya ito ng mga suhestyon kung paano
mapagaganda at maaayos ang sinulat na editorial.

Kapana-panabik din ang ikatlong araw dahil, ang manunulat mula sa Sun Star na si Ginoong Ian
Flora ang nagbahagi ng mga tips sa pagsusulat ng balita at pag-uulo ng mga balita. Naging tapat
naman siya sa pagbibigay-puna sa mga awtput ng mga guro at mag-aaral.

Apat na kategorya naman ang sabay-sabay idinaos sa araw ng Huwebes o ang ikaapat na araw.
Nakapanghihinayang na hindi nadaluhan ang mga webinar sa araw na ito. Dagdag-kaalaman
sana ang hinggil sa pagsulat ng balitang pampalakasan, ng pagsulat kolum, pagsulat ng lathalain
at agham gayundin ang webinar sa online at desktop publishing.

Radio broadcasting naman ang paksa ng webinar sa huling araw.

Sa kabuuan, naging mapanghamon ang linggong ito ng webinar cum dspc lalo na sa mga
mag-aaral na wala pang karanasan sa larangan ng pagsulat. Naging balakid din ang kawalan ng
gadget ng mga mag-aaral na kasama sa online at desktop publishing gayundin sa mga kalahok
sa tv and radio production.

Maganda ang ganitong gawain, subalit sana ay hindi ginawang paligsahan ang pagpasa ng mga
awtput. Inirerekomenda ko naman na ituloy ang gawain sa pagsusuri at pagwawasto sa mga
awtput ng mga mag-aaral.

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: :

SPA PUNO NG KAGAWARAN

DOKUMENTASYON

You might also like