You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Rehiyon III
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng San Fernando

Mataas na Paaralan ng Pampanga


Lungsod ng San Fernando, (P)

Lathalaing Ulat
para sa
Campus Journalism Training

Isa sa pangunahing adbokasiya ng kagawaran ng Edukasyon para muling


madagdagan ang kaalaman at maibahagi ang iba’t ibang istratehiya sa mga taga-payo ng
school paper ng bawat paaralan ay ang taon-taong seminar para sa mga ito. Kaya naman
inilunsad nila ang Training on CAMPUS JOURNALISM & Desktop Publishing for School
Paper Advisers na ginanap noong Mayo 8-11, 2018 sa ganap na 7:30 ng umaga at matatapos
sa ganap na 5:00 ng hapon.

Nakilahok ang bawat paaralan sa nasabing seminar. Ang unang araw ay ginugol para
sa rehistrasyon ng bawat kalahok. Nagbahagi ng pambungad na panimula na pinangunahan
ni Gng. Fernandina Otchengco at Gng. Edelwiza Cadag pareho silang nagbahagi kaalaman
para mapaghandaan ng bawat kalahok ang magiging talakayan sa bawat araw ng seminar.

Bilang unang araw ng sesyon at nagbigay ng kanyang kaalaman ay si G. Reson


Gregorio para sa kanyang Lecture ng Feature Writing at Editorial Writing detalyado niyang
ibinahagi ang mga naging kaalaman niya sa paggawa ng mga lathalain ang proseso nito.
Maging ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito. Ibinahagi rin niya ang mga naging
karanasan niya sa tuwing natatalo at nanalo siya sa patimpalak. Sinundan ito ng Worksyap
namin para sa pagsulat ng Feature at Editorial.

Bilang ikalawang araw ng sesyon ang naging tagapagdaloy nito ay si G. Jonel


Velasquez na kung saan maraming ibinahaging kaalaman sa pagsulat ng isang artirkulo at
maging sa batas pagdating sa “PLAGIARISM”. Ayon sa kanya maraming uri ng plagiarism na
minsan hindi ito napapansin ng mga sumusulat ng lathalain. Ibinahagi rin niya ang ilang
personalidad na naging kontrobersyal pagdating sa plagiarism. Umabot ang talakayan sa
News Writing nagpakita siya ng ilang mga halimbawa na minsan nagiging mali sa pagsulat ng
isang artikulo. Kasunod ay ang naging worksyap namin sa buong hapon ay ang pagsulat ng
News Writing.

Para sa Ikatlong araw ng sesyon si G. Omar Lariosa ang naging tagapagdaloy nito
para sa Desktop Publishing ibinahagi niya ang mga dapat tandaan ng mga guro sa pag-
layout ng kanilang mga lathalain na masalimuot sa tuwing ito’y ihahanda para i-emprenta
para maging dyaryo. Itinuro niya ang mga basic steps para makatulong sa mga guro. At sa
hapon ng sesyon worksyap para sa layout ng aming dyaryo.

Sa huling araw ng sesyon ay ang paglayout sa aming output sa dyaryo sa tulong pa rin
ni G. Omar Lariosa.

Sa kabuuan naging matagumpay at maayos ang idinaos na seminar para sa Campus


Journalism sa tulong ng mga naging organizer at tagapagdaloy ng bawat sesyon.

Inihanda ni:

Bb. Rose E. Esparas


Teacher I
Seminar Training on Campus Journalism
& Desktop Publishing
May 8 – 11, 2018

You might also like