You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Muntinlupa City
Learning Activity Sheet – 3rd Quarter
FILIPINO 8 – IKAAPAT NA LINGGO

I. PAKSA: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng


Kulturang Pilipino
A. Komentaryong Panradyo

II. Layunin: Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo


(F8PU-IIId-e-31)

III. Pagpapakilala ng Aralin:

Ang komentaryong panradyo ay isang uri ng salaysay na naglalaman ng


mga opinyon sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan. Ito ay dapat na angkop at
sumusunod sa pamantayan ng radio broadcasting. 

Ang pagsulat nito ay madalas na ginagawa sa eskwelahan upang magkaroon


ng oportunidad ang mga estudyante na ihayag ang kanilang saloobin sa isang
paksa na kinakaharap ng bansa.

IV. MGA GAWAIN:

A. Panimulang Pagtataya (Unang Gawain)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang wastong sagot sa mga


salitang nasa loob ng kahon.
A. Komentaryong panradyo C. Musika E.
Infomercial
B. Balita D. Libangan

_______1. Ito ay naglalahad ng mahahalagang impormasyong nagaganap sa


araw- araw sa loob man o labas ng bansa.

_______2. Ito’y kadalasang pinakikinggan ng kabataan at inaabangan ang


pinakabagong labas.

_______3. Sa bahaging ito ng programa tinatalakay ang napapanahong paksa.

_______4. Ito ay mga balitang tumatalakay sa kuwentong nangyayari sa


kanilang buhay.

_______5. Ito ay makabuluhang pagtalakay at pagbibigay impormasyon sa mga


tagapakinig sa isang napapanahong paksa sa paraang patalastas.

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Muntinlupa City
Learning Activity Sheet – 3rd Quarter
FILIPINO 8 – IKAAPAT NA LINGGO

B. Pagtalakay sa Aralin (Ikalawang Gawain)

Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, koordineytor,


ZUMIX Radio, ay ang pagibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at salobin kaugnay sa isang napapanahong isyu
o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang
pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa
kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

 Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.


KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY SA MALAWAKANG PAGBAHA DULOT
BAGYONG ULYSSES

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng MDOW narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Mary Obinguar at
Anne Dimatulac at ito ang Kabaro Mo
Mary: Magandang umaga sa iyo partner!
Anne: Magandang umaga partner!
Mary: Partner, talaga namang mainit ang isyu ngayon ng malawakang pagbaha
na talagang suliranin natin taun-taon.
Anne: Oo nga partner. Naku, talagang literal na lumangoy ang mamamayan
partikular sa lalawigan ng Isabela at Cagayan. Isama pa ang Lungsod ng
Marikina at Rodriquez Rizal.
Mary: Sinabi mo partner!
Anne: Ano ba talaga ang ugat nang malubhang pagbaha?
Mary: Sang-ayon sa mamamayan doon, dahil daw sa pagbubukas ng 7 gate ng
Magat Dam sa Norte, sabi naman ng iba ay dahil daw masyado nang
lumambot ang lupa kaya nagkaroon nang malubhang pagbaha.
Anne: Naku! Iyan ang mahirap partner kapag nariyan na ang sakuna nariyan na
rin ang turuan. Kani- kaniyang palusot at hindi malaman kung paano
sosolusyunan.
Mary: May mga nagsasabi pang dahil na rin sa kapabayaan ng mga tao mismo?
Anne: Sa ganang akin, sana ay magkaroon ng kongkretong plano at solusyon ang
pamahalaan sa mga sakunang hindi mapipigilan.
Mary: At sana partner tuluyang magkaisa ang lahat at magtulungan sa halip na
magturuan ng sisi. Ang pagkalinga at pagpapahalaga sa kalikasan ay
obligasyon ng bawat isa.

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
2
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Muntinlupa City
Learning Activity Sheet – 3rd Quarter
FILIPINO 8 – IKAAPAT NA LINGGO

Anne: Sabi nga partner, kung tulong-tulong walang imposible at tiyak na


mapapangalagaan ang kapaligiran.
(Sariling katha ni: Mary Ann O. Wijetunge)
Gabay na tanong

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga
pahayag mula sa binasang talakayan?

C.Pagsasanay (Ikatlong Gawain)

Muling basahin ang pahayag ng mga komentarista? Alin sa mga ito ang
nagpapahayag ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa “graphic
organizer”
Positibo Negatibo

IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang iskrip ng Dokumentaryong Panradyo….Isaalang-alang
ang mga tagubilin sa pagsulat ng dokumentaryo.
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan 5 4 3 2 1
Malikhain
Kaisahan (Pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap)
Napapanahon ang paksa
Angkop ang gamit ng Wika

IV. Pagninilay:
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng radyo sa sambayanang
Pilipino, ito ay nagsisilbing kasangkapan o midyum upang maiparating sa
mga mamamayan ang nangyayari sa kapaligiran. Sa mga programang
panradyo ang Komentaryong Panradyo ang nagbubukas ng isipan ng mga

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
3
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Muntinlupa City
Learning Activity Sheet – 3rd Quarter
FILIPINO 8 – IKAAPAT NA LINGGO

tagapakinig upang kumilos, sapagkat ito ay tumatalakay sa isang


nanapanahon at mainit na isyu.

Kung kaya’t sa pagsusulat ng isang Komentaryong Panradyo


mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon.
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

V. Sanggunian:
Panitikang Pilipino 8-Filipino Modyul para sa Mag-aaral
Dep-Ed Bureau of Secondary Education Curriculum Division
Google.com/ Search

1. Wikepedia

Susi sa Pagwawasto
Unang Pagtataya:
1. B
2. C
3. A
4. D
5. E

Pagsasanay:
Sa bahaging ito ay bahala ang gurong mag-analisa kung katanggap-
tanggap ang sagot ng mga mag-aaral.

Pagtataya:
Ang pagmamarka ay ayon sa itinakdang pamantayan.

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
4

You might also like