You are on page 1of 8

Learning Area FILIPINO 8

Learning Delivery Modality FACE TO FACE


Paaralan SAN JUAN NATIONAL HIGH SCOOL Baitang 8
Guro JERIC FRANCO R. FATALLA Asignatura FILIPINO
Petsa September 4-8, 2023 Markahan UNA
LESSON EXEMPLAR
IKALAWANG
LINGGO Oras JADE (7:40-8:20) SAPPHIRE (8:20-9:00) Bilang ng Araw 5
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN
● Maipamalas ang pag-uugnay ng mahalagang kaisipan na
nakapaloob sa mga karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay
● Makilala ang katangian ng karunungang bayan at mga halimbawa

● Masagot ang mga katanungan hinggil sa aralin


Mapahahalagahan ang mga karunungunang bayan bilang bahagi ng
karanasan

A. Pamantayan Pangnilalaman Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa


Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

B. Pamantayang Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

C. Pinakamahalagang  Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


Kasanayan sa Pagkatuto karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
(MELC) kasalukuyan (F8PT-Ia-c-19)

D. Pampaganang Kasanayan Naiisa-isa ang mga halimbawa ng karunungang bayan at naibibigay ang
kahalagahan ng bawat isa.
II.NILALAMAN Karunungang -bayan
( Sawikain, Salawikain, Kasabihan , Bugtong, Bulong, Palaisipan)
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE,

Filipino -Ikawalong Baitang


Modyul para sa Mag-aaral p.13-19
Unang Edisyon 2015
https://www.google.com/search?q=karunungang+bayan&tbm=isch&source=iu&ict
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mg
Mga larawang nakapowerpoint ,
b. Mga Pahina sa Kagamitang MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE,
Pangmag-aaral
Filipino -Ikawalong Baitang
Modyul para sa Mag-aaral p.13-19
Unang Edisyon 2015
https://www.google.com/search?q=karunungang+bayan&tbm=isch&source=iu&ict
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mg
Mga larawang nakapowerpoint ,
c. Mga Pahina sa Teksbuk MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE,

Filipino -Ikawalong Baitang


Modyul para sa Mag-aaral p.13-19
Unang Edisyon 2015
https://www.google.com/search?q=karunungang+bayan&tbm=isch&source=iu&ict
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mg
Mga larawang nakapowerpoint ,
d. Karagdagang Kagamitan mula sa MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE,
Portal ng Learning resource
Filipino -Ikawalong Baitang
Modyul para sa Mag-aaral p.13-19
Unang Edisyon 2015
https://www.google.com/search?q=karunungang+bayan&tbm=isch&source=iu&ict
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mg
Mga larawang nakapowerpoint ,
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE,
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
pakikipagpalihan Filipino -Ikawalong Baitang
Modyul para sa Mag-aaral p.13-19
Unang Edisyon 2015
https://www.google.com/search?q=karunungang+bayan&tbm=isch&source=iu&ict
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mg
Mga larawang nakapowerpoint ,
IV.PAMAMARAAN
UNANG ARAW Sa araling ito ay maiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
A. Introduksyon karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan

● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 na hinggil


sa pagsusuri at pagbibigay ng maikling paliwanag sa mga pahayag na
matatagpuan sa modyul (pah. Blg. 6)

Gawain1.Panuto: Suriin at magbigay ng maikling paliwanag sa mga


sumusunod na pahayag

Ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili.

Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawala.

Ang sakit kapag naagapan, madali itong malunasan

Sa bukid nagsaksakan, sa bahay nagbunutan

Gawain 2. Panuto: Ibigay ang angkop na salita na bubuo sa diwa ng pahayag.


Gabay na Tanong

1. Ano ang tawag sa mga pahayag o pangungusap na nabasa ninyo?


2. Sa inyong palagay kailan lumaganap ang mga ganiyang pahayag
3. Anong naramdaman ninyo habang binabasa ang mga pahayag?

IKALAWA AT IKATLONG
ARAW ● Pagbasa ng mag-aaral sa konsepto hinggil sa karunungang bayan.
A. Pagpapaunlad (Development) Kabilang ang kahulugan, halimbawa at mahalagang kaisipan na
nakapaloob sa mga ito na maaaring maging bahagi ng pang-araw-araw
na pamumuhay. Ang konseptong ito ay matatagpuan sa modyul (pah. blg
6-7)

KARUNUNGANG-BAYAN

Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng nga salawikain,


sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwan ang mga ito
ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

1. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng


kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin
ang kabataan tungo sa kabutihan.

Halimbawa:
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.

2. Sawikain/Idyoma – ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag


na nagtataglay ng talinghaga.

Halimbawa:
bagong tao – binata bulang-gugo – gastador
3. Kasabihan – karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang tao.

Halimbawa:

Tulak ng bibig , kabig ng dibdib


Utos na sa pusa, Utos pa sa daga

4. Bugtong – inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay


nangangailangan ng mabisang pag-iisip. Ang bugtong ay mayroon din sukat
at tugma, at karaniwang binubuo ng dalawa hanggang apat na taludtod. Ang
unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa
kapaligiran. Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-
tanging katangian ng bagay na binabanggit sa naung linya.

May dalawang uri ng bugtong

Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito


ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang
mga tagalog ang pianakamayaman sa bugtong.

1. Mga talinghaga (o enigma), mga suliraning ipinahahayag sa isang


metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ngkatalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan.

2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng


patudyang gamit sa tanong o sagot.

Apat na katangian ng tunay na bugtong:

1.Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinhaga (pinakamahalagang katangian)
Halimbawa

*Nagtago si Pedro, labas din ang ulo. Sagot: Pako

*Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Sagot: Atis

5. Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa


isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.

Halimbawa

Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang


isa, ilan ang natira?

May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalawa ang sombrero?

6. Bulong – ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na


kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at
masamang espiritu. Matandang katawagan sa orasyon

Halimbawa

Huwang magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag


uutusan.

Ang mga karunungang bayan sa Pilipinas ay sumasalamin sa


buhay at karansan ng mga tao simula noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Sa pamamagitan ng mga ito ay naiuugnay natin ang mga
pangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga mahahalagang kaisipang nais
iparating ng mga karunungang bayan.
Ang Mahalagang Kaisipan ay tumutukoy sa mahalagang bagay o
punto na nais iparating sa isang akda o pahayag. Sa pagtukoy ng mahalagang
kaisipan sa karunungang bayan kinakailangan na hindi lang nakatuon sa
literal na kahulugan nito. Kailangan sipatin at alamin kung ano ang nais
iparating ng bawat karunungang bayan.

Gawain 3.Panuto: Ibigay ang katangian ng karunungang bayan sa


pamamagitan ng pagpili nito sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

____ 1.Karunungang bayan ____ 6. sawikain


____ 2. Bulong ____ 7. salawikain
____ 3. Kaisipan ____ 8. bugtong
____ 4. Palaisipan ____ 9. enigma
____ 5.Kasabihan ____ 10. konumdrum

Gawain 4. Panuto: Isa-isahin ang halimbawa ng karunungang bayan na


tinalakay at isulat sa kahon ang kahalagahan ng mga ito.
IKAAPAT NA ARAW
B. Pagpapalihan (Engagement)
● Pag-uugnay ng mga karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na
buhay na matatagpuan sa modyul (pah. 6)

Gawain 5.Panuto: Iugnay ang mga sumusunod na karunungang bayn sa mga


pangyayari sa tunay na buhay

Karunungang-bayan Pagpapakahulugan
1. Ang hindi marunong
lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan

2. Tawa ng tawa, hanap ay


asawa
3. Kung anong bukang bibig,
siyang laman ng dibdib

4. Kung ano ang itinanim siya


ring aanaihin

5. Ang maniwal sa sabi-sabi


walang bait sa sarili

IKALIMANG ARAW
V.Assessment
● Pasasagutan Gawain 6. na pagbuo ng pie graph na nagpapakita ng mga
karunungang bayan na akma sa kasalukuyang sitwasyon at nagsisilbing
panuntunan sa buhay.
Panuto: Interbyuhin ang mga magulang at kasama sa bahay hinggil sa mga
karunungang bayan na sa palagay ninyo ay akma sa kasalukuyang sitwasyon
at nagsisilbing panuntunan sa buhay. Ipaliwanag ang kahalagahan ng napiling
karunungang bayan sa buhay.

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod sa


pamantayan nang pamantayan subalit pamantayan
Rubriks higit sa inaasahan may ilang
sa Pagmamarka pagkukulang ( 2 puntos)
( 10 puntos)
( 5 puntos)

Angkop ang napiling


karunugang bayan sa
sitwasyon sa kasalukuyan

Akma ang mahalagang


kaisipan sa napiling
karunungang bayan

Malikhain sa pagbuo ng
pie chart

VI. PUNA/Pagninilay ng guro Pagsusulat ng journal ng mga mag-aaral hinggil sa repleksyon ng natutunan nila
sa aralin

Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng kanilang repleksyon


gamit ang sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko ang aralin hinggil sa _____________.
Nalaman ko na ang ___________ at _________________

Dayagnostikong Pagsusulit

SECTION MEAN MPS SD


JADE
SAPPHIRE
EMERALD

Pagninilay ng guro Hindi natapos ang gawain noong nakaraang


Linggo sapagkat nagkaroon ng Dayagnostikong Pagsusulit kung
kaya’t ipagpapatuloy ang aralin ngayong Linggo.
Inihanda ni:

Binigyang pansin:
JERIC FRANCO
CRISTY R. FATALLA
O. PORNELA
Guro sa Filipino 8
ROSALIE J MACALOS,Ed.D
Ulong Guro I

You might also like