You are on page 1of 23

Dahilan, Mahahalagang

Pangyayaring Naganap
at Bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig
Modyul sa Araling Panlipunan 8
Ikaapat na Markahan/Modyul 1-2

IRENE D. SELMO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pangasiwaang Rehiyon ng Cordillera
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
BCS Compound, Prk 02, Bulanao Norte, Lungsod ng Tabuk

Inilathala ng:
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Curriculum Implementation Division

KARAPATANG SIPI
2021

Isinasaad ng Presidential Decree Blg. 49 na:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay inihanda para sa pagpapatupad ng K


to 12 Curriculum sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod
ng Tabuk – Curriculum Implementation Division (CID). Maari itong sipiin para sa
layuning pang-edukasyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw
ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division partikular
ng Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, sangay ng lungsod ng Tabuk bilang pagtugon sa implementasyon ng K
to 12 Curriculum.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, Sangay ng


Lungsod ng Tabuk. Nilalayon nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral
partikular sa Araling Panlipunan.

Petsa ng Pagkagawa Abril 2021

Lokasyon Northern Tabuk District 1


Tabuk City National High School
Sangay ng Lungsod ng Tabuk

Asignatura Araling Panlipunan

Baitang 8

Uri ng Materyal Modyul

Wika: Filipino

Markahan/Linggo Ikaapat na markahan/ Linggo 1-3

Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang


pangyayaring naganap at bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig AP8AKD-IVa-1

iii
PASASALAMAT

Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng tulong upang


mabuo ang Altrnative Delivery Mode Module ng Araling Panlipunan para sa mag-aaral
ng Ikapitong Baitang.

PANGKAT SA PAGBUO NG MODYUL

IRENE D. SELMO
Tagapaglinang

Mga Editor: TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development Officer II

Tagaguhit : ROXANNE MAY SANGDAAN at FERNANDO G. SABADO

Tagasuri: JONALYN A. EGALAN MARIETA P. BAS-ILEN


Master Teacher I TCNHS Head Teacher III, TCNHS

JOSELITO B. CABELLO
Principal IV, TCNHS

HENRY B. ALUNDAY THELMA B. GALICIA


PSDS – NTD 1 Education Program Supervisor, AP

TAGAPAMAHALA

IRENE S. ANGWAY, PhD, CESO IV


Schools Division Superintendent

FELICIANO AGSAOAY JR., PhD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

RAMONCHITO A. SORIANO
Chief, Curriculum Implementation Division

HELEN B. ORAP
EPS, LRMS

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pabalat i

Karapatang Sipi ii

Paunang Salita iii

Pasasalamat iv

Talaan ng Nilalaman v

Pamagat 1

Alamin 2

Subukin 3

Balikan 5

Tuklasin 6

Suriin 6

Pagyamanin 8

Isaisip 10

Isagawa 10

Tayahin 11

Karagdagang Gawain 13

Susi sa Pagwawasto 14

v
Dahilan, Mahahalagang
Pangyayaring Naganap
at Bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig
Modyul sa Araling Panlipunan 8
Ikaapat na Markahan/Modyul 1-2

IRENE D. SELMO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan –


Ikawalong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Unang Digmaang
Pandaigdig.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Sa modyul na ito ay inaasahan na malalaman mo ang mga dahilan at


mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin
ang matinding bunga nito na nag-iwan ng malalim na sugat at aral sa
sangkatauhan.

2
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig
tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa
antas ng kommunidad at bansa ana nagsusulong ng rehiyonal at
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig AP8AKD-IVa-1

Tiyak na Layunin:
1. Mahusay na naibibigay ang katuturan ng digmaan.
2. Naiisa-isa at nauunawaan ang mga dahilan, pangyayaring naganap at
epekto ng Unang Digmang Pandaigdig.
3. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at ito’y isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang naging entablado ng Unang Digmaang pandaigdig?


A. Asya B. Europa C. Aprika D. Australia

2. Alin sa mga sanhi ng Unang digmaang pandaigdig na nagbunsod ng


pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa?
A. Nasyonalismo C. Imperyalismo
B. Militarismo D. Pagbuo ng Alyansa

3. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa?


A. Alyansa B. Organisasyon C. Grupo D. Tropa

4. Ano-ano ang mga bansa na kabilang sa Triple Alliance?


A. Austria-Hungary, Germany, China C. France, Great
Britain, Russia
3
B. Austria-Hungary, Germany, Italy D. Austria-Hungary,
Russia, Italy

5. Anong bansa ang kaalyado ng France at Russia?


A. Great Britain B. Germany C. Italy D. Hungary

6. Ito ang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang


mahinang bansa?
A. Militarismo B. Imperyalismo C. Nasyonalismo D.
Kolonyalismo

7. Kung ang nasyonalismo ay pagpapakita ng maigting na pagmamahal sa


bayan, anong naman ang tumutukoy sa paraan ng pag-angkin ng mga
kolonya, pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng
mga bansa sa Europe na isa sa sanhi sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagbuo ng mga alyansa C. Imperyalismo
B. Kasunduang Versailles D. Militarismo

8. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan


sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumussunod
na pangyayari ang naiuugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Paglusob ng Russia sa Germany
C. Digmaan ng Germany at Britain
D. Digmaan mula sa hilagang Belgium hanggang sa
hangganan ng
Switzerland.

9. Ang Europe ay naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin


sa mga sumusunod ang naging dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
I. Imperyalismo II. Nasyonalismo III. Militarismo IV.
Digmaang Sibil
A. I,II,III B. I at IV C. I,II,III,IV D.
I,II,IV

10. Paano naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigig ang Militarismo?


A. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng
mga bansa.
B. Ito ang naging paraan ng pag-angkin ng mga kolonya at
pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan,
C. Ito ang nagbunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang kanilang bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
4
11. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dagliang
sanhi ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolt Hitler matapos sumalakay ang
Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong
Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa
Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany,
Austria-Hungary, Russia, at Ottoman.
12. Bakit sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na
labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig? Alin sa
sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Paglusob ng Germany sa Britain
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Labanan ng Austria at Serbia
D. Digmaan mula sa Hilagang Belguim hanggang Switzerland

13. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang


Pandaigdig maliban sa isa.
A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang
bansa.

14. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng unang Digmaang Pandaigdig?


I. Pagkamatay ng maraming tao III. Pagkakaroon ng taggutom
II. Imperyalismo IV. Pagkakasakit ng mga tao
A. I at II B. I,II,II at IV C. I,III at IV D.
III at IV

15. Isa sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagkasira ng


buhay at mga ari-arian ng mga tao. Batay sa iyong pagmamasid,
nagbago ba ng iyong pananaw tungkol sa digmaan?
A. Oo, dahil sa digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng
sangkot ay apektado.
B. Hindi, dahil sa digmaan natutong lumaban at bumangon ang
mga naaapi.
C. Maaari, dahil sa kabila ng masamang epekto nito may
mabuting naidudulot din ang digmaan.
D. Ewan, dahil hindi naman lahat ay apektado.

5
Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong puntos?
Huwag kang mag-alala sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga
katanungan sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Binigyang diin sa nakalipas na aralin ang mga dahilan, paraan,


patakaran, at epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonisasyon. Tinalakay din ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenement,
Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan, at maging
ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba-ibang panig ng daigdig.
Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring ito ay
nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon.
Subalit hindi rito natapos ang mga suliranin at hamon ng daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran.
Ang mga kaganapan sa mga bahaging ito sa kasaysayan ng ating
daigdig ay iyong matutunghayan sa susunod na modyul.

Itala ang mga salitang maaaring iugnay sa salitang “DIGMAAN”, na


makikita sa loob ng tala. Isulat ang mga naisip na salita sa palibot nito.

DIGMAAN

6
DIGMAAN – isang pangkalahatang armadong salungatan na
kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mga partido.

Unang Digmaang Pandaigdig


Ito ay isang malawakang pandaigdigang digmaan na nilahukan ng
napakaraming bansa na naganap sa mga taong pagitan ng 1914
hanggang 1918.

• Ang EUROPA ang naging entablado ng Unang digmaang Pandaigdig

Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig:


1. Nasyonalismo
Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa
ng mga tao upang maging Malaya ang kanilang bansa. Kung minsan,
ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa.

2. IMPERYALISMO
Isa ito sa paraan ng pang-angkin ng mga kolonya at
pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga
bansang Europe. Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bans
ana sumakop ng mga lupain at magkaroon ng control sa pingkukunang-
yaman at kalakal ng Aprika at Asya ay lumikha ng samaan ng loob at
pag-aalitan ng mga bansa.
3. MILITARISMO
Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo,
kinakailanggan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking
hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami
ng mga armas. Ito rin ang naging ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa.

4. PAGBUO NG ALYANSA
ALYANSA – Ito ang pagkakampihan ng mga bansa.

Dahil sa inggitan, paghihinalaan. At lihim na pangamba ng mga


bansang
makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo. –
ang

7
TRIPLE ALLIANCE at ang TRIPLE ENTENTE.
Binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy, ang Triple
Alliance
samantalang France, Great Britain at Russia naman sa Triple Entente.
Sa ilalim
ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtutulungan kung sakaling
may
magtangkang sumalakay sa kani-kanilang bansa.

Ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig


Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28,1914, pinatay
si Archduke Franz Ferdinand at ang asaw nitong si Sophie ni Gavrilo Princip
habang sila ay naglilibot sa Bosnia na nuon ay sakop ng Imperyong Austria-
Hungary.

1. Ang digmaan sa Kanluran


• Dito naganap ang pinakamaiint na labanan noong Unang digmaang
Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaan ay mula sa hilagang
Belhika hanggang sa hangganan ng Switzerland

2. And Digmaan sa Silangan


• Lumusob ang Russia sa Prussia(Germany) sa pangunguna ni Grand
Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit ng dumating ang
saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Russia sa digmaan ng
Tannenberg.

• Nagtagumpay ang hukbong Russia sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal


ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga German sa Poland. Dito
tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Upang
makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim
ng Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of
Brest-Litovsk.

3. Ang digmaan sa Balkan


• Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.
Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa central
Powers noong Oktubre, 1915. Noong taong 1916, karamihan sa mga
estado ng Balkan ay napasailalim ng Central Powers. Ang Italy naman
ay tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral.
4. Ang digmaan sa karagatan
• Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong
pandagat ng Germany at Great Britain. Naitaboy ng mga barkong

8
pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat(Seven Seas) ang lakas
pandagat ng Great Britain. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal
Kiel at naging mainit ang labanan. Sa kabilang dako, ang mabilis na
raider at mga submarining U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa
ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga alyado. Ang
pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emdem. Sa dakong
huli, napalubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser.
Mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
➢ Maraming namatay sa gutom, sakit, at paghihirap
➢ Maraming ari-arian ang nawasak
➢ Naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing
pangkabuhayan.
➢ Nag-iba rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.

Gawain 1: Konseptong nais ko, Hulaan Mo


Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pammagitan ng pagpupuno
ng
wastong letra sa loob ng kahon.
1. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa
Europe.
M I T A S O
2. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang
bansa.
I P Y L O
3. Pagmamahal sa bayan.
N S N L M
4. Bansang kaalyado ng France at Russia.
G T B T N
5. Alyansang binuo ng Austria, Hungary, at Germany.
T P E A L A E

Pagtataya 1. Binagong Tama o Mali. Bilugan ang “Tama” kung wasto ang
ipinahahayag sa pangungusap. Kung hindi, bilugan ang “Mali” at iwasto ang
salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

Tama Mali _________ 1. Ang Asya ang naging entablado ng Unang


Digmang
Pandaigdig.

9
Tama Mali __________ 2. Binubuo ng France, Great Britain, at Russia ang
Triple
Entente.
Tama Mali __________ 3. Ang pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand
ang isa
sa dahilan na nagbunsod sa Unang Digmanag
pandaigdig.
Tama Mali ___________ 4. Sa digmaang naganap sa Balkan,ang bansang
Germany ay tumiwalag sa Triple Alliance at
nanatiling
neutral.
Tama Mali ___________5. Maraming namatay sa Unang Digmang
Pandaigdig.

GAWAIN 2
Punan ng mahahalagang impormasyon ang sumusunod na History
Frame sa pamamagitan ng pagpipili ng isang kaganapan o pangyayari sa
unang digmaang pandaigdig.

HISTORY FRAME

Pangyayari/Pamagat: Bansang kasangkot:

Mahahalagang pangyayari:
Resulta/kinalabasan:

Pagtataya 2: Sagutin ang mga tanong:


1. Bilang isang mag-aaral, nabago ba ang iyong pananaw tungkol
sa digmaan matapos malaman ang naging epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
________
______________________________________________________________
________
______________________________________________________________
________
10
2. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa bansa?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________

Panuto: Dugtungan ang mga salita sa ibaba upang mabuo ang mga diwa ng
pangungusap.

1. Naging dahilan ng Unang digmaang Pandaigdig ang


_______________________

_____________________________________________________________
______

2. Ilan sa mga pangyayaring naganap dito ay ang


____________________________

_____________________________________________________________
______

_____________________________________________________________
______

3. Nagdulot ng malaking epekto ang Unag digmaang pandaigdig. Ilan sa mga


ito ay

ang__________________________________________________________
______

_____________________________________________________________
______

_____________________________________________________________
______

11
Batay sa mga nauwaan mula sa mga teksto at gawain,
handang handa ka na para isagawa ang bahaging ito.

ISLOGAN KO, PARA SA BAYAN


Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga
hidwaant sa pagitan ng iba’t-ibang tribo sa lalawigan ng Kalinga (Tribal
Conflict). Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 25
Pagkamalikhain - 15
Kalinisan - 10
Kabuuan - 50

Mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sayo.


Binabati kita sa iyong pagtitiyaga at pagsusumikap na matapos ang mga
gawain sa modyul na ito.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang naging entablado ng Unang Digmaang pandaigdig?


A. Asya B. Europa C. Aprika D. Australia

2. Ito ay isa sa mga sanhi ng Unang digmaang pandaigdig na


nagbunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang
kanilang bansa?
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C.Militarismo D. Pagbuo ng
Alyansa

3. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa?


A. Alyansa B. Organisasyon C. Grupo D. Tropa
12
4. Anu- ano ang mga bansa na kabilang sa Triple Alliance?
A. Austria-Hungary, Germany, China C. France, Great Britain,
Russia
B. Austria-Hungary, Germany, Italy D. Austria-Hungary, Russia,
Italy

5. Anong bansa ang kaalyado ng France at Russia?


A. Great Britain B. Germany C. Italy D. Hungary

6. to ang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang


mahinang
bansa?
A. Militarismo B. Imperyalismo C. Nasyonalismo D.
Kolonyalismo

7. Kung ang Nasyonalismo ay pagpapakita ng maigting na pagmamahal


sa
bayan, Anong sanhi sa Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy
sa
paraan ng pag-angkin ng mga kolonya, pagpapalawak ng
pambansang
kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansa sa Europe?
A. Pagbuo ng mga alyansa C. Imperyalismo
B. Kasunduang Versailles D. Militarismo

8. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na


labanan sa
panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumussunod
na
pangyayari ang naiuugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Paglusob ng Russia sa Germany
C. Digmaan ng Germany at Britain
D. Digmaan mula sa hilagang Belgium hanggang sa hangganan
ng
Switzerland.

9. Ang Europe ang naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig.


Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
I. Imperyalismo II. Nasyonalismo III. Militarismo IV.
Digmaang Sibil

13
A. I,II,III B. I at IV C. I,II,III,IV D.
I,II,IV

10. Paano naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigig ang


Militarismo?
A. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga
bansa.
B. Ito ang naging paraan ng pag-angkin ng mga kolonya at
pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan,
C. Ito ang nagbunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang
kanilang bansa.
D. Lahat ng nabanggit.

11. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan


sa
pagsisimula ng Unang digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolt Hitler matapos sumalakay ang Allied
Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow
Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa
Sarajevo,
Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany,
Austria-
Hungary, Russia, at Ottoman.

12. Bakit sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na


labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig? Alin sa
sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Paglusob ng Germany sa Britain
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Labanan ng Austria at Serbia
D. Digmaan mula sa Hilagang Belguim hanggang Switzerland

13. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang


Digmaang
Pandaigdig, alin ang hindi kabilang?
A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.
14
14. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng unang Digmaang Pandaigdig?
I. Pagkamatay ng maraming tao III. Pagkakaroon ng taggutom
II. Imperyalismo IV. Pagkakasakit ng mga tao
A. I at II B. I,II,II at IV C. I,III at IV D. III at
IV

15. Isa sa epekto ng Unang digmaang pandaigdig ay ang pagkasira ng


buhay at
mga ari-arian ng mga tao. Para sa iyo, nagbago ba ng iyong pananaw
tungkol sa digmaan?
A. Oo, dahil sa digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng
sangkot ay
apektado.
B. Hindi, dahil sa digmaan natutong lumaban at bumangon ang
mga
naaapi.
C. Maaari, dahil sa kabila ng masamang epekto nito may mabuting
naidudulot din ang digmaan.
D. Ewan, dahil hindi naman lahat ay apektado.

Naranasan mo na bang nakipag-away? Magtala ng isang dahilan,


pangyayari, epekto at aral na natutunan batay sa iyong karanasan.

Dahilan Pangyayari Epekto Aral na natutunan

15
AGYAMANIN ISAISIP 1. B
agtataya 1 1.Pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand 2. A
3. A
1. Mali – Europa Nasyonalismo, Imperyalismo, Pagbuo ng Alyansa
4. B
2. Tama 2. Digmaan sa kanluran, silangan, balkan, at karagatan
16
5. A
3. Tama 3. Pagkamatay, pagkagutom, at pagkaantala ng mga
6. D
4. Mali – Italy gawaing pangkabuhayan
7. C
5. Tama
8. D
awain 1 ISAGAWA 9. A
1. Militarismo Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral 10. A
2. Imperyalismo 11. C
3. Nasyonalismo 12. D
4. Great Britain KARAGDAGANG GAWAIN 13. A
5. Triple Alliance Iba-iba ang mga sagot ng mag-aaral 14. C
15. A
Subukin/Tayahin
Susi sa Pagwawasto
KABUUAN - 20
Kalinisan - 5
Presentasyon - 5
Nilalaman - 10
Pamantayan sa Pagmamarka:
TALASANGGUNIAN

Blando, Rosemarie, et al. Kasaysayan ng Daigdig: Araling


Panlipunan-Modyul ng Mag-aaral-Unang Edisyon Pasig City: Vibal
Group,Inc., 2014.

Bomboradyo.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fgrangerprints.printst
oreonline.com%2Fcartoons%2Famerican-cartoon-by-f-victor-gillam-1896-
7783767.html&psig=AOvVaw3ESLIrdOlxkqqe6R_0t1pc&ust=161466650526
7000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIjpud-
7ju8CFQAAAAAdAAAAABBS

17
DepEdCARLR#: 4932-13-21MELCS

18

You might also like