You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
Bagumbong High School
Rainbow Village V, Bagumbong Caloocan City

Banghay Aralin
Classroom Observation 2

Paaralan Bagumbong High School Baitang/Pangkat 10- St. Thomas

Guro Mark L. Atanacio Asignatura Araling Panlipunan 10

Petsa at Oras November 14, 2023


Markahan Ikalawang Markahan
ng Pagtuturo 8:00- 8:50

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Mailalarawan ang katangian ng globalisasyon
B. Pamantayang Pagganap
Masususri ng mga mag-aaral ang dalang pagbabago ng globalisasyon.
Makapagbabahagi ng saloobin sa mga hamong dala ng globalisasyon
C. Most Essential Learning Competencies
1. Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon

D. Mga Kasanayang Pagkatuto

1. Mailalarawan ang dimensyon ng globalisasyon


2. Masusuri ang dalang pagbabago ng globalisasyon
3. Makapagbabahagi ng saloobin sa mga hamong dala ng globalisasyon

II. NILALAMAN
Aralin 2 – Mga Pagbabagong Dala ng Globaslisasyon
(Globalisasyon sa Tatlong Dimensyon)

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian : Araling Panlipunan 10


Mga Modyul para sa Mag-aaral

Iba Pang Kagamitang Panturo: Powerpoint Presentation, Video


Mga larawan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal.
2. Pagtala ng mga liban sa klase.
3. Pag-aayos ng mga upuan.
4. Balitaan
5. Balik-aral.

 Emoticon. Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Itaas ang na emoticon kung ang pahayag
ay wasto at na emoticon kung ang pahayag ay di-wasto.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
Bagumbong High School
Rainbow Village V, Bagumbong Caloocan City
1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
2. Ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na makipot, mabagal, mahal, at mababaw.
3. Ang terorismo ay mabilis na nakakapagdulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at
institusyon ng Lipunan.
4. Ang globalisasyon ay kailanman hindi nakaugat sa bawat isa.
5. Ang globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong naganap sa kasaysayan.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin/Pagganyak

Puzzle. Bawat grupo ay bibigyan ng mga sobre na naglalaman ng mga piraso ng puzzle na kanilang
pagsasama-samahin upang mabuo.

Gabay na tanong:

1. Ano sa iyong palagay ang pagkakatulad o kaugnayan ng mga nakita mong larawan?

2. Paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang mga larawang iyong nakita?

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

 Ano ang natira?


Pipili ang guro ng ilang mag-aaral upang bumunot ng salita/ mga salita. Ang kanilang
mabubunot na salita ay kanilang aalisin sa mga hanay. Matapos alisin ang mga salita ay
babasahin kung ano ang natira sa mga hanay ng salita upang malaman kung tungkol saan ang
bagong aralin.

Ang Economic Openness Globalisasyon


Political Openness Sa Talong
Social Openness Dimension
Globalisasyon sa Tatlong Dimensyon

- Economic Openness– tumutukoy sa lahat ng uri ng kalakalang panlabas, foreign direct


investment, mga buwis sa pandaigdigang kalakalan at iba pang interaksiyong ekonomiko ng isang bansa na
kabilang sa kaniyang Gross Domestic Product (GDP).

- Social Openness – ito naman ay tumutukoy sa lawak at antas ng pakikipagpalitan ng


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
Bagumbong High School
Rainbow Village V, Bagumbong Caloocan City
impormasyon, ideya/kultura at mga tao. Lahat ng uri ng komunikasyong pumapasok at lumalabas sa isang
bansa (telepono, email, at internet service), maging ang daloy at bilang ng mga dayuhan sa bansa, kasama
na rin ang antas ng turismo.

- Political Openness – tumutukoy ito sa kalagayan ng politikal na relasyon ng mga bansa kaugnay sa
international community. Ang bilang ng mga embahadang dayuhan sa isang bansa, maging ang pagsali ng
isang bansa sa mga pandaigdigang mga kumperensiya at organisasyon ay ilan sa mga gawaing kabilang dito

 Talakayin ang Globalisasyon sa Tatlong Dimensyon

D. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw

Pangkatang Gawain: One Stray , All remain.


Bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan upang kumuha ng katanungan mula sa grupo. Ang
katanungan na mapipili ay kinakailangang sagutin ng buong grupo. Mayroon lamang limang minuto
upang tapusin ang Gawain.

1. Ano ang kaugnayan ng Economic Openness sa Social Openness?


2. Ano ang kaugnayan ng Social Openness sa Political Openness?
3. Ano ang kaugnayan ng Political Openness sa Economic Openness?

E. Paglalahat

 Bakit mahalaga na malaman ang mga dimensyon ng globalisasyon?


 Ano ang epekto nito sa iyo bilang isang mag-aaral?

- Ang isang bansang may magandang kalakalang pandaigdig (economicopenness) ay kadalasang mayroon ding
magandang komunikasyon at turismong pandaigdig (social openness).
- Ang politikal na kalagayan ng isang bansa (political openness) ay mayroon lamang
maliit na epekto sa kalakalan (economic openness) nito sa daigdig ngunit may
katamtamang epekto sa ugnayan at turismo ng bansa sa daigdig (social openness).

F. Pagtataya ng Aralin

FACT or BLUFF. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang FACT kung
ang pahayag at wasto at BLUFF naman kung hindi wasto.
1. Dahil sa teknolohiya, nalalapatan kaalaman ang mga problema at isyu.
2. Hindi nakakaapekto ang pag-unlad ng teknolohiya sa pagunlad ng isang bansa.
3. Ang social openness ay tumutukoy sa lawak ng pakikipagpalitan ng impormasyon, ideya/ kultura at
ng mga tao.
4. Tinatawag na Economic Openness kung ito ay tumutukoy sa lahat ng uri ng kalakalang panlabas.
5. Ang Political opnenness ay tumutukoy sa kahalagahan ng political na relasyon ng mga bansa sa
international community.

V. TAKDANG ARALIN:
1. Anu-ano ang mga anyo ng globalisasyon batay sa:
a. Teknolohikal
b. Sosyal-Kultural
c. Ekonomiko
d. Politikal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
Bagumbong High School
Rainbow Village V, Bagumbong Caloocan City
2. Ipaliwanag ang bawat isa.

Inihanda ni:

MARK L. ATANACIO
Teacher I

Sinuri ni:

RAMIL D. REYES, PhD


Head Teacher VI, AP Department

Noted by:

LILIA R. GUNDRAN, EdD


Principal IV

You might also like