You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
BATAAN SCHOOL OF FISHERIES
DAAN BAGO ORION, BATAAN
SUMMATIVE TEST 1
QUARTER 1-WEEK 1
DAY & TIME Tuesday 1-5pm, Wednesday 1-5pm, Thursday 8am-12pm, 1-5pm
LEARNING AREA ARALING PANLIPUNAN- 10
LEARNING OBJECTIVES Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
MODE OF DELIVERY Ang mga magulang/guardian ang kukuha at magbabalik sa ng sagutang papel sa
paaralan.
LEARNING TASKS

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga.
a. lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
2. Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin
ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
a. Isyung Personal
b. Isyung Panlipunan
c. Isyung Ekonomiko
d. Isyung Sibiko

3. Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo,
pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
a. Isyung Medikal
b. Isyung Pangkapaligiran
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pang Ekonomiko

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng Kontemporaryong Isyu?


a. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney
b. Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
c. Bayanihan to heal as one Act
d. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
5. Ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa Wuhan, China.
a. MERS b. SARS c. FLU d. COVID19
6. Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon
a. Isyung Pang-ekonomiya
b. Isyung Pangkalakalan
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pangkapaligiran
7. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
a. Ito ang pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
b. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao
c. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan
d. Ito ay ang pag –aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran ,pang-

Address: DaanBago, Orion, Bataan 2102 Philippines


Telephone No.: 047-2371726
Email: bataan_school_fisheries@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
BATAAN SCHOOL OF FISHERIES
DAAN BAGO ORION, BATAAN
ekonomiya,pangkasarian at pampolitika.
Para sa bilang na 8, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015 )
Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang
masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat
ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa
paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako
bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng
mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan.
Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may
magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di
mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag
tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.
8. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
B. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
9. Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o suliranin ay isang Kontemporaryong Isyu.
Maliban sa isa.
a. may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan
b. may malinaw na halaga sa lipunan o sa mga mamamayan
c. may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
d. may mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan
10. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig?
a. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
b. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
c. Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.
d. Lahat ng nabanggit

B. Inside the Box Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng kontemporaryong isyu na makikita
sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang na nakalaan. Isyung Panlipunan, Isyung Pangkalusugan, Isyung
Pangkapaligirann at Isyung Pangkalakalan

_____________________________11. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise

_____________________________12. COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser

_____________________________13. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste

_____________________________14. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN

_____________________________15. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility

Address: DaanBago, Orion, Bataan 2102 Philippines


Telephone No.: 047-2371726
Email: bataan_school_fisheries@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
BATAAN SCHOOL OF FISHERIES
DAAN BAGO ORION, BATAAN
ANSWER KEY:

1. A

2. B

3. B

4. C

5. D

6. A

7. D

8. D

9. A

10. D

B.

11. ISYUNG PANLIPUNAN

12. ISYUNG PANGKABUHAYAN

13. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

14. ISYUNG PANLIPUNAN

15. ISYUNG PANGKALUSUGAN

Address: DaanBago, Orion, Bataan 2102 Philippines


Telephone No.: 047-2371726
Email: bataan_school_fisheries@yahoo.com

You might also like