You are on page 1of 8

UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY

(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)


Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
A. naipapaliwanag kung paano natutugunan ng pamahalaan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan;
B. natutukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mamayan sa
bansa sa larangan ng edukasyon,kapayapaan at kaligtasan, ekonomiya,
kalusugan, at impraestruktura; at
C. nailalahad ang epekto ng mabuting pamumuno sa pagtugon ng
pangangailangan ng bansa.
II. Paksa
a. Paksa: Mga Pangangailangan Ng Mga Mamamayan
b. Sanggunian: Self Learning Material pahina 1-11
c. Kagamitan: PowerPoint, Instructional Materials
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Magandang Umaga, mga bata!
Magandang Umaga, guro!
1. Balik-aral

Klass, magbabalik aral tayo sa ating


aralin kahapon, sa pamamagitan ng
pagsagot sa pagsasanay na ito.

Panuto: Gamit ang mga natutuhan mo


sa nakaraang modyul, kompletuhin
ang bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa kahon.

Ehekutibo Lehislatura

Hudikatura Punong

Mahistrado Check and Balance


Lokal na pamahalaan

Ferdinand R. Marcos Jr.


1. Ang pambansang pamahalaan ay
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

binubuo ng tatlong sangay. Ang mga


ito ay _________, ___________, at
_____________.

2. Ang korte suprema ay


pinamumunuan ng __________.

3. Tinatawag na_________ ang


kakayahan at kapangyarihan ng bawat
sangay ng pamahalaan na tiyak hindi
aabusuhin ng bawat isa ang
kapangyarihan nito.

4. Ang panlalawigan, panlunsod, at


pambarangay na pamahalaan ay mga
bahagi ng_________.

5. Si ________ ang kasalukuyang


pangulo ng Pilipinas.

2. Pagganyak

Pagmasdan ang mga larawang ito.


Ano ang masasabi niyo dito?
1. 2. 3.

4. 5.

Sa unang larawan, ano ang inyong


masasabi?

Tama! Sa ikalawang larawan naman? Prutas ma’am.

Tumpak! At sa ikatlong larawan Batang lalaki na umiinom ma’am.


naman?
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

Mahusay! Sa ikaapat na larawan Mga aklat ma’am


naman?

Tama! At Sa panghuling larawan? Mga gamot ma’am.

Mahusay! Mga kasuotan ma’am.

B. Paglalahad

Sa ating aralin ngayon, aalamin natin


ang Mga Pangangailangan Ng Mga
Mamamayan.

C. Pagtatalakay

Sa antas ng pangangailangan o
hierarchy of needs ni Abraham
Maslow, kabilang sa pangunahing
pangangailangan ng bawat t ao ay
pagkain, tubig, damit, at tirahan.

1. Pagbibigay ng mga direksyon para


sa gawain at pamamahagi ng activity
sheet bawat pangkat.

Bago simulan ang inyong pangkatang


gawain, ano dapat isaalang-alang
ninyo kapag may pangkatang gawain?

Tama! Ano pa? Tumulong sa grupo ma’am.

Tama! Wag maingay sa paggawa ma’am.

2. Pangkatang Gawain

Unang Pangkat
Panuto: Isulat ang pananaw sa
larawan

1.
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

2.

3.

5.

Ikalawang pangkat
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon
ng mga bagay na kabilang sa
pangunahing pangangailangan.

Ikatlong pangkat
Panuto: Saan natin makikita ang mga
tumutulong sa ating komunidad?
Pagdugtungin ito.
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

3. Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagtatalakayan at pagbubuo

Ang bawat mamamayan ng isang


bansa ay may Karapatan sa maayos na
pamumuhay. Ito ay matatamo sa
pamamagitan ng pagtugon sa kanilang
mga pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain, tubig, at tirahan.
Kabilang dito ang edukasyon, (Bawat grupo ay nag presenta ng kanilang
kalusugan, kaligatsan at kapayapaan, gawain)
ekonomiya, at impraestruktura.

Naintindihan ba mga bata?

Mahusay!

D. Paglalahat

Ngayon tignan ko nga kung nakinig


ba kayo ng mabuti.

Ano ang mga pangunahing Opo ma’am!


pangangailangan ng isang
mamamayan?

Mahusay! Ano pa?

Tama! Ano pa?

Mahusay! Ano pa?


UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

Tama!
Pagkain ma’am.
Mahusay mga bata!
Tubig ma’am
E. Paglalapat
Panuto: Suriin ang larawan sa bawat Tirahan ma’am.

bilang. Iguhit ang masayang mukha 😊 Edukasyon ma’am.


kung ang nasa larawan ay kabilasng
sa mga pangunahing pangangailangan Kaligtasan ma’am.
ng isang batang katulad mo. Iguhit

naman ang malungkot na mukha ☹


kung hindi.
1.

2.

3.

4.

5.

IV. Pagtataya
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Pilin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
lyong sagutang papel.
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

1. Aling pangangailangan ng mga mamamayan ang nakatuon sa


paghubog ng kakayahan upang matuto at maging kapaki-pakinabang sa lipunan?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. impraestruktura
D. kapayapaan at kaligtasan
2. Bakit sukatan ng maunlad na lipunan ang kalusugan?
A. dahil masaya ang mga mamamayan
B. dahil naipagpapatuloy ng mga mamamayan ang kanilang mga produktibong
gawain
C. dahil nakabibili ang mga mamamayan ng kanilang mga pangangailangan
D. dahil napananatili ang kapayapaan sa Lipunan
3. Alin ang higit na naglalarawan sa ligtas na pamumuhay sa mapayapang pamayanan?
A. Nakapag-aaral ang kabataan sa ligtas na pamayanan.
B. Nakapaglilibang ang mga mamamayan sa mapayapang lipunan.
C. Napangangalagaan ng mga mamamayan ang kanilang kalusugan.
D. Napapanatag ang kalooban ng mga mamamayan kung may kapayapaan at
kaayusan.
4. Alin sa sumusunod na pangangailangang panlipunan ang nakatuon sa hanapbuhay,
puhunan,
produksiyon, kalakalan, distribusyon, at paggamit ng mga kalakal at serbisyo?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. kalusugan
D. kapayapaan
5. Paano nakatutulong ang impraestruktura sa mga mamamayan?
A. Nabibigyan ng pagkakataon ang kabataang maranasan ang maunlad na
pamumunay.
B. Nagagamit ang Internet sa pag-aaral, industriya, at kalakalan.
C. Nagagamit ang mga tulay, kalsada, daungan, at paliparan upang mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa.
D. Napapanatag ang kalooban ng mga mamamayan dahil maunlad ang bansa.

V. Takdang Aralin
Magbigay ng sampung pangangailangan mo bilang isang mag-aaral.

Prepared by:
UNIVERSITY OF CAGAYAN VALLEY
(Formerly Cagayan Colleges Tuguegarao)
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

SCHOOL OF LIBERAL ARTS AND TEACHER


EDUCATION

REGINE T. BATUYONG MRS. RACHELLE JOYCE S. TAPULAO


Pre- Service Teacher Cooperating Teacher

You might also like